Mga Sumasampalataya

Apr 10, 2010

NEWLY WEDS

"...And to end this toast, isa lang ang hihilingin ko sa bagong kasal. Sa kapatid kong si Isabel and sa best friend kong si Emon, sana po sabayan niyo ako. Let's ask for a kiss, one more time from the newly weds!" malakas na sabi ng aking Best Man at bayaw kong si Brent.

Sabay-sabay nagtunugan ang hiyawan ng mga bisita at ng kanilang mga kutsarita habang pinapatama sa baso. Senyales na kelangan kong halikan muli ang aking asawa. Malugod naming pinagbigyan ng aking maybahay ang kanilang hiling. Isang mahabang halik ang aming ipinakita sa mga taong humiling. Lahat sila nagpalakpakan.

"Thank God, the wedding's over." pangiting sabi sa akin ni Isabel habang tinutulungan akong tanggalin ang aking necktie.

"Nakakapagod pala yung kinakasal. Buti tapos na," sabay yakap sa aking butihing maybahay.

"Everything happened so fast, yeah?"

Isang ngiti lang ang naisagot ko.

Marahil dahil sa pagod, nahiga na lang ako sa kama sa aming hotel room.

"Do you want to open our gifts Emon?" tanong ni Isabel. Hindi na niya hinintay ang sagot ko. "I'm going to open them up anyway. Sumama ka na lang if you want to."

"Was Liz in our wedding Isabel?" tanong ko sa kanya.

Wala akong narinig mula kay Isabel. Ilang saglit lang dumating siya sa kwarto. Tumayo lang si Isabel sa may pintuan at nakatingin sa akin.

"Change your clothes Emon, medyo amoy pawis ka na. Take a shower first before going to sleep." utos ni Isabel.

Kahit pagod, tumayo ako at kumuha ng pamalit. Amoy pawis nga ako. Pagbalik ko galing ligo, nakahiga na sa kama si Sabel. Tumabi ako sa kanya.

"Have we taken things too far, Emon?" tanong niya sa akin.

Hindi ako sumagot.

"We know this is not going to work. You only agreed to do this because I asked you to."

Napangiti ako.

"Alam ko. You did this para magselos si Liz, and ako para mapalapit ako sa Kuya Brent mo. But who knows, malay mo tunay na lalake pala ako and ikaw straight girl ka rin."

Humiga na ako at tumalikod sa kanya. Ipinikit ang mata at pinilit makatulog.

14 comments:

Stone-Cold Angel said...

ay... tumumbling ako dun ah... hahah! galing! nice post! =)

Maldito said...

jusko. ha ha ha...if someone new to your blog will read this, they will think it was you.hehhe..nice twist,

Maldito said...

jusko. ha ha ha...if someone new to your blog will read this, they will think it was you.hehhe..nice twist,

jayvie said...

namiss ko yung mga ganitong posts mo! yung mga may wapak na unexpected twists sa huli.

galing =)

Chingoy said...

ayoko nang mapanganga sa huli kaya ang una kong tiningnan ay kung fiction nga... hayun! ako rin ang nawindang sa nabasa ko hahaha...

ikaw na gilbert, ikaw na!!!!

Kosa said...

huwaaaat?
makalaglag panga ang ending!
akala ko pa naman mabibitin ako at may

itutuloy...
sa ibaba..lolz

astig

an_indecent_mind said...

hahahaha!! you never fail to corrupt my indecent mind! hehehehe!!

galing ng set up ng mga tao sa kwento mo, unpure intentions..

nice work ulet sir gil! sabi nga ni chinggoy, ikaw na!! lol

the donG said...

Alam ko. You did this para magselos si Liz, and ako para mapalapit ako sa Kuya Brent mo. But who knows, malay mo tunay na lalake pala ako and ikaw straight girl ka rin>>> oops! astig na kwento.

Random Student said...

syemperds ang mga suki mo ay nadeceive na naman sa fiction haha. fiction na may wapak

gillboard said...

salamat guys!!!

maldito: welcome to my blog!!! hehehe

domjullian said...

kasal na naman? hayyyy


-dom the new yorker wannabe-

glentot said...

What's this??? hmm pang-one act play material hehe nice.

Raft3r said...

and the legacy continues...
hehe

kcatwoman said...

omg kala ko totoo. nice story though. tug tugs kinabahan ako dun akala ko true to life. buti nabasa ko yung comments ng iba

bestpinay