Mga Sumasampalataya

Nov 13, 2009

FIRST DATE

Hinawi ni Laurie ang mahabang buhok niya. God, ang ganda ganda niya!

Magdadalawang oras na kami sa loob ng restaurant. Hindi nauubos ang kwentuhan. Tungkol sa trabaho niya. Mga kalokohan namin noong nag-aaral pa kami. Mga ex niya. Mga lakad ko sa ibang bansa.

Pinapanuod ko si Laurie habang sinusubo niya ang kanyang pagkain. Ang sexy. Nakakaturn-on. Nakakapag-init ng damdamin. Hindi ko pa nararanasan ang ganito, kahit unang date lang namin ngayon.

Ang pula ng mga labi ni Laurie. Mestiza. Nang-aakit ang mga mata. Makinis ang balat. Kahit sinong lalaki mahuhulog talaga sa kanya. Naisip ko ang swerte ko ngayong gabi at ako ang kasama niya.

Ako na isang simpleng lalake lamang. Hindi gwapo. Hindi maganda ang katawan. Buti na lang at malakas ang sense of humor ko. Hindi ako nahirapang magpapansin sa kanya.

"Thank you Franco, I really enjoyed this dinner." sabi ni Laurie.

Matatapos na ba ang gabi? Ayoko pa sana.

"No, thank YOU. I enjoyed your company," sabi ko.

Ngumiti lamang siya.

Gusto ko siya. Nahulog na yata ako sa kanya. Sa isip ko, kailangan kong maging totoo sa kanya. Ayoko na magsinungaling.

"Laurie..."

Nag-iisip ako kung sasabihin ko ba sa kanya. Kapag nalaman niya ang totoo maaaring hindi na siya makipagkita sa akin. Baka hindi ko matikman ang kanyang mga labi. Baka hindi ko na mahawakan ang maganda niyang katawan. Baka magalit siya sa akin.

"There's something I have to tell you..." umpisa ko.

Nagtatanong ang mga tingin ni Laurie. Nalilito. Pero ngumiti siya.

"Sige, Franco. Tell me." sabi niya.

Nanlamig ang aking katawan. Tatanggapin niya kaya ang sasabihin ko. Magagalit kaya siya.

Eto na.

"Laurie, I'm married..." bulong ko.

Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Laurie. Tumingin siya sa baba. Nagalit yata.

Muling hinawi ni Laurie ang kanyang buhok at tumingin sa akin.

"Trade secret?" sabi niya.

Nilapit ni Laurie ang mukha sa akin, at pinagdikit ang aming mga pisngi. Bumulong siya sa akin...

"Me too," sabay balik sa kanyang pinagkakaupuan.

Bigla akong napangiti.

29 comments:

Mike said...

ay bakit bitin? kainis naman! sya ba yung inspirasyon mo ngayon? :)

gillboard said...

fiction lang to kuya... wag masyado madala... hehehe

UtakMunggo said...

yiheeee! magkakaron ng part 2 yan, kung san magsesexy time sila, tapos part 3 kung san magkakabukingan na yung asawa rin pala ni laurie at franco eh nagtitikiman. ahaha parang exchange gift lang sa pasko?

eniwey, napakahusay!! clap clap.. at nakakaloka ang captcha, "quati" daw. parang higad lang. ang kati kati.. ahahahaha!!!

a.r.d.y.e.y. said...

hahaha natawa ko comment mo marekoy. sexy time na ang kasunod nyan. hahaha.

pero magaling kang magsulat dude pwera biro. parang xerex lang. nakaka ano. hahaha! :D

Chyng said...

very witty *winks*

nicely written, though the idea is not. hehe

SCOFIELD JR. said...

labi lang pala ang gusto nyang matikman, i recommend diego kung labi din lang pag-uusapan...hehhehe

anyways, a simple story but totoo yang eksena na yan dito sa abroad, yun nga lang di sila umaamin na married na sila...lahat binata at dalaga pag andito na sa foreign land...

Jepoy said...

Ang galing ng literary works, sana ganyan din ako kagaling mag sulat Galing! *Inggit mode*

Dhianz said...

ur 'own story?... lab it... so true from outside world... dmeng nagkalat na ganyan.. and i know a lot of them.. haha... itz sad though... i guess sometimes kc there's somethin' wrong w/ a marriage... or i dunno... there's somethin' that they're lookin' for na nde nilah makita sa spouse nilah.. or i dunno... make more stories for us...'ur pretty good.. ingatz... Godbless! -di

Anonymous said...

Who knows where to download XRumer 5.0 Palladium?
Help, please. All recommend this program to effectively advertise on the Internet, this is the best program!

- A n g e l - said...

Tsk. Bad Franco. Even badder Laurie. Hehe.

But very good short (really short!) story. Ü

Mokong™ said...

fiction lang pala... inlove na inlove ka yata ngayon ah... hindi ka na ba kasapi ng SMP ngayon...

DRAKE said...

Naks gumaganyan ka na ah! Medyo gawin mo pang wild para pwede ka ng pumalit kay Xerex bro!

Ingat

A-Z-E-L said...

another piece to be proud of.

galing ng imagination mo gil.. akalain mo naisip mo un!!!??? lolz!

gege said...

tsktsk...
may pinanghuhugutan na ito?
ahaha!
nice!
ganda...
nxt chapter pls!
:P

tim said...

wow, this is awesome.. in love na inlove!

♥superjaid♥ said...

next na kuya!!hehehe ata eh..ang ganda kasi ng pagkakasulat..^__^

Allan said...

ang galing ah. kundi ko pa nabasa na under 'fiction' sya, kala ko totoo talaga. pero oks, ganda ng twist sa dulo.

an_indecent_mind said...

wala ka talagang kupas parekoy, sumakay na naman ako as usual!

teka, baka naman may pinaghugutan to? hehe!!

aabangan ko ang kasunod na kabanata!

Alkapon said...

Yan ang masarap.. yung bawal.

exciting ang mga nakaw na sandali.

feel na feel ko yung kwento, kahit pahapyaw lang tinigasan pa ako...ng mucle.. he he he! namputsa..

PaJAY said...

Pre!mustasa?.

dito na lang ako babati para sa 4th yr anniv ng site mo..Congrats dude!...

may tanong lang ako..medyo matagal kasi akong di nkadlaw dito eh.may syota ka na ba now dude?..hehehe..

talksmart said...

Hi. This blog is now one of the nominees for the Filipino Blog of the Week Award (week 187). You may visit the site and vote. Poll is on the sidebar.

Klet Makulet said...

kuya pwede mo nang ipagsama-sama lahat ng mga kwento mo... benta mo parang katulad nang kina eros atalia at bob ong... pero wag sanang mahal ang presyo ha.. :P

ako ang unang bibili kaya pareserve na agad :P

Lawstude said...

meran kayang magaganap na adultery at concubinage??? abangan...

xtian1978ii said...

ang hilig hilig sa fiction

tim said...

hehehehe, pinapataw mo yata ako. cge nlng..

the donG said...

hahaha.... talo talo

Raft3r said...

may mga tsiks talagang sexy kumain
and i should know
nyahaha

Anonymous said...

bago lang ako magblog.. ok ang style nito kahit fiction lang.. Request naman paki basa din un unang gawa ko.. eto ung url nya.. http://wwwkoreasucks.blogspots.com.. true story ko un.. nakakahiya pero gusto qlang kasi i.express.. tnx..

7a'faR said...

hahaha, talo!!

abcdefghijklmnopqrstuvwxyz~