Hindi pa man ako nakakakita ng multo, naniniwala ako na mayroon akong kasama sa kwarto ko na nilalang na hindi nakikita ng mga karaniwang tao.
Nararamdaman ko na hindi ako nag-iisa. At hindi lang ako, minsan si Kasintahan din ay nakakaramdam nito.
Paano ko nasabi? Sige, ikukwento ko ang mga naranasan ko noong isang linggo at ang mga nakaraang karanasan ko with Casper the not-so-friendly ghost.
Noong isang linggo, nakaleave ako ng dalawang araw. Noon lang yata ako ulit nagleave mula nung buwan ng Marso o Abril. Feeling ko dahil hindi sanay kung sino man yung nakikitira sa kwarto ko na may tao dun ng gabi, ako ay hindi niya pinatulog.
Una, tuwing nakakaidlip ako, binabangungot ako. Take note, nagigising ako every 30 minutes dahil sa bangungot.
Ikalawa, alas-tres ng madaling araw, nararamdaman ko na parang may nagsa-suck ng daliri ko. Wala man ako nakikita, alam kong parang may sumusubo sa daliri ko.
Ikatlo, ilang minuto matapos nung kaganapang iyon, niyakap niya ako.
Ikaapat, minsan diba kahit nakapikit tayo, ay nararamdaman natin kung may taong dumadaan dahil nagshishift yung liwanag. Noong madaling araw na iyon, kahit nakapikit ako, may umiikot-ikot sa may kama ko.
Ikalima, isang beses nagising ako dahil parang may nagbuhat at nagbagsak ng paa ko.
Ikaanim, nang magmusic ako sa takot after nung kaganapang iyon, ay may narinig akong bumubulong mula sa speaker ng cellphone ko. Hindi siya parte ng musikang pinakikinggan ko.
Ikapito, minsan kapag nagsasayaw ako ng Dance Central sa kwarto, nawawala ako sa camera, ngunit nadadagdagan pa rin ang puntos ng karakter ko sa laro. Kahit wala namang nagsasayaw.
Ikawalo, kwento ni Kasintahan, minsan na raw may kumatok sa kwarto ko ng madaling araw, kahit tulog na lahat ng tao sa bahay namin.
Ikasiyam, madalas akong nakakarinig ng mga batang naghahabulan sa labas ng bintana ko kahit alas dos ng madaling araw. Sa labas mismo ng bintana ko. Sa 2nd floor ako ng bahay natutulog.
Ikasampu, minsan ko nang naramdaman na lumubog ang kutson ng kama ko na para bang may umuupo sa tabi ko, kahit mag-isa lang ako.
Sa totoo lang, hindi ako masyadong nababahala sa mga nangyayari sa kwarto ko. Kung magpapatalo ako sa takot, wala na akong tutulugan. Ang hiling ko lang, wag sana magpakita sa akin kung sino man iyong kasama ko sa kwarto.
Sigurado pag nangyari yun, atake sa puso ang aabutin ko.

17 comments:
hala...... medyo creepy naman ang mga signos,.
ang mirap nian pag hindi lang daliri mo ang sinusuck ng di nakikitang entity...
KAKAKILABOTZ NAMAN ITO ... if ako iyan ay matagal na akong nag-evacuate he he ... natuwa lang ako dun sa nagsa-suck ng daliri ... hindi kaya si baby Casper iyon dahil ginagawang pacifier ang finger mo ?
: D
wooooh! uber much... katakot naman 'yan, kapag ako maka-experience niyan di na ko matutulog sa kwarto, pwedeng sa sala nalang.
"There are more things in heaven and earth, Horatio/Than are dreamt of in your philosophy."
-Hamlet, Act I, Scene V
Cguro naaaliw sya sau kaya ka nya laging kinukulit. Mabait naman siguro un kaso nga lang playful much! =)
ang creepy... buti sa umaga ko binasa... but i had almost the same experience sa isang staff house sa bacolod...
habang binabasa ko to napapalingon ako sa likod ko. katakot!
ay nakakarelate ako. ganyan din sa house di ko na lang pinapansin kasi wala naman ako magagawa huwag lang sila magpakita.
nice
i wanna meet that sucker
hehe
ahha mejo natakot ako sa post mo..
mejo lang tlga ..
pramis.
:p
Ang creepy! Hindi ko kaya ang ganyan, lilipat ako agad ng bahay... Unless, ibang parte ng katawan ang isuck hindi daliri LOL!
matulog ka kaya with bawang o kaya magbudbod ng asin sa paligid ng higaan? mahirap talaga pag sa kwarto ang horror putek.
Pre delikado na yan kung may physical contact. Not that I'm trying to scare you pero baka lumakas loob nyan at isipin na okay lang lahat, you have to fight for your space. If i were you i would have someone check it na may alam sa ganyan...o kaya try mo minsan gawin mong maingay kwarto mo at maliwanag..nakakpagpaalis un ng mga kung ano anong spirits :)
Ask ko ung kakilala ko about that pagnagkita kami :)
My Gad. Buti di ka pa na-heart attack sa mga nangyaring yon.
skeri. kailangan icounter yan ng positive energy. baka kailangan din irearange at ipapunsoy, if ever.
nakakatakot naman matulog sa rum mo.. pero di i-try na kausapin?.. o baka naman may gusto sau ang multo na un kaya di ka pinapatulog...
pero ang pinakamaganda mong gawin... ipa-bless mo ang bahay nio...-)
Hayyyy,, nakakatakot,
Ako nxprince ko, unang tingin ko plng sa bahay n tintirhan naming magasawa.
Nanung natutulog ako pero mbabaw lang n tlog naramdaman ko hinihimas ung dalawang paa ko. ngicing ako at npatadyak s gulat, at nung tiningnan ko asawa ko ang layo naman ng pagitan ng asawa ko saken pero pumikit ulit ulit ako, after ilang minuto nilalaro naman daliri ko at bigla nman ulit ako nptadyak s gulat,
nung mgicing asawa ko tinanong kcia kung hinihimas nya paa ko at nilalaro ang daliri ng paa ko, sabi nya ndi at ang layo ng pgitan nya sken at same posisyon ang higa namen. ngtanong ako sa ibang tao smin at ang mayari daw ng bahay ay Bakla na matanda na mtgal ng wala. at ung bahay halos 60 yrs n ang idad. knina ko lng nranasan at bukas na bukas lilipat na kmi mgasawa bka mapaanak ng wl s oras asawa ko sa first baby nmin
Post a Comment