Nung isang gabi, ako'y binangungot
Sa totoo lang, isa yun sa pinakanakakatakot na panaginip ko.
Yung kapitbahay daw namin sa haunted house nakatira.
At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kailangan naming tumira dun kahit isang gabi lang.
Kailangan yata naming patunayan na yung mga multong namamahay dun ay bayolente talaga gaya ng sinasabi nila.
Sa umpisa pa lang may kakaibang naramdaman na ako. May mga aninong dumadaan sa gilid ng mata ko. May mga bumubulong sa may tenga ko. Ang pinakakawawa ay yung pamangkin ko. Gusto daw nilang umiiyak ang mga bata kaya buong gabi sinasaktan nila ito.
Alam mo yung sa pelikula, yung pagbukas mo ng ilaw sa kwarto ay makikita mo ang isang multo sa may salamin. Nakita ko yun. Dalawang beses pa. Dahil paglabas ko, para patunayang totoo nga siya, bumalik ako at binuksan ulit yung ilaw. Parang tanga lang.
Pero sa totoo, kinabahan talaga ako. Dahil alam ko, di na kailangan mangapitbahay para makaramdam ng mga ganito. Sa bahay namin mayroon ka nang mararamdaman.
Ilang saglit pa, di ko na kinaya, gumising na ako.
Kailangan kong uminom, di magandang kumbinasyon ang init at bangungot.
Paglabas ko ng kwarto biglang kumabog ang dibdib ko.
May lalaking maitim na nakatingin sa akin.
Malaki ang mata at nakakatakot talaga.
Muntik na akong sumigaw.
Handa na akong sumigaw.
Di pa ako nakakakita ng multo sa buong buhay ko.
Pero yung katulong lang namin pala.
8 comments:
Kung ako yun, mapapasigaw din ako. Ganto: "YOU'RE FIRED!!!"
Chos. Merong meme na lalaking maitim na nakakatakot. Hahanap ako ng image nun. Hehe. Nakakabangungot hitsura non eh.
parang na-imagine ko yung itsura mo nung papasigaw ka na, buti hindi mo sinaktan yung kasambahay nyo?
buti na lang di ka jumpy na tao at baka napaslang mo ng di oras yung katulong niows. hahahaha
nakakawindang nga yun ganyan. magsisisgaw talaga ako kapag ganun ang nangyari sa akin
mamu2ra ko talaga yun ng wagas kung ako yan ahahaha
ganun ka nakakatakot katulong niyo? hehehe... kulit.
Bakit kasi pakalat-kalat ang kasambahay sa dilim? Haha.
It`s been awhile Gil.
iba pa ba ang tili sa sigaw?
Post a Comment