Mga Sumasampalataya

Feb 3, 2012

BACHELOR'S PARTY


Wild night nga to bro. Salamat sa invite!

Sa wakas nagpaalam na rin ang huling mga bisita ni Pat. Nakakapagod tong gabing ‘to. Ang tagal natapos.

Ang daming nalasing. Paano na lilinisin lahat ng kalat ngayon dito? Bukas na lang. Pagod nako.

Binuksan ko ang ref at kinuha ang natitirang bote ng Red Horse. Pumunta sa sala para samahan ang dahilan ng lahat ng pagod ko. Umupo ako sa tabi ni Pat.

Ang hirap maging Best Man no?” tanong niya sakin.

Ngumiti lang ako.

“Ngayon alam mo na naramdaman ko nung ako yung nasa posisyon mo nung kasal ninyo ni Tisha.” Kinuha niya yung bote ng beer sakin at siya ang umubos nito. “Pero bro, thank you. Sobrang nag-enjoy ako tonight. Marunong ka pala  magpaparty!

Sa tagal namin magkaibigan ni Pat, siya talaga magaling sa larangan na yan. Si Alice, yung pakakasalan niya, isang Events Organizer, at madalas siya ay tumutulong sa mga gawain nito. Siya yung extrovert samin.

“2 weeks na lang, ikakasal na kayo ni Alice. Kinakabahan ka?” tanong ko.

Sinimot ni Pat ang bote ng beer na hawak niya. “The truth, natatakot ako bro. Ibang buhay na ‘to. If I fail, may madadamay ng tao. Prepared ako, kaya ko nga pinasok to, dahil alam ko kaya ko na bumuo ng pamilya. Pero hindi ata mawawala yung ganitong pakiramdam. Alam mo yun, it’s all starting to sink in.”

Natawa lang ako. Ganyang ganyan din ang naramdaman ko nung ikakasal kami ni Tisha. Yung excited sa mga mangyayari, pero natatakot din. Naguguluhan. Madaming tanong.

“Sigurado ka ba kay Alice?” usisa ko.

Oo naman. Kilala mo ako, tsaka lahat ng naging girlfriend ko. Si Alice lang ang nakasundo ninyong lahat. Tsaka siya lang yung talagang boto si mommy. I have no doubts, I love her,” masigasig niyang sagot.

Ngumiti lang ako ulit.

Good. Gusto ko lang makasiguro you’re going through this for all the right reasons. Alam mo naman andito lang kami ni Tisha para sa inyo.”

I know that bro. Kaya nga ikaw ang kinuha kong Best Man. Dapat Ninong ka talaga eh…”

Gago!!!” Nagtawanan kaming magkaibigan.

Nagring ang telepono ko. Si misis. Nangamusta tungkol sa party. Nagbabantay to, sigurado dahil alam niyang pag kasama ko si Pat, puros kagaguhan lang ang gagawin namin. Hindi sa wala siyang tiwala kay Pat, pero wala siyang tiwala samin pag kami’y magkasama. Naging saksi si Tisha sa lahat ng mga katangahang ginawa namin kahit nung nasa hayskul pa kami.

Don’t worry, Tisha behave ang asawa mo tonight!!! Ako nagbantay dyan!!!” sigaw ni Pat.

Tumawa lang ang asawa ko. Nagpaalam ako na dito na matutulog at marami pa kaming dapat iligpit sa bahay ni Pat. Mabuti at maunawain siya.

Pagpunta  ko ng kusina, nakita ko na naglilinis na ng bahay si Pat. “Simulan na natin ngayon, para konti na lang lilinisin bukas.”

Tama siya. Tumulong na rin ako.

 Alas dos na yata nang matapos kami maglinis ng kusina. Naghugas ng mga plato at nagligpit ng mga natirang pagkain. Pareho kaming lasing at pagod.

Ngayon ko lang narealize bro, tagal na nating magkaibigan. High school?” nagiging sentimental nanaman si Pat.

Nagiging Pat ka nanaman. Senti.” Biro ko.

Tumawa siya.

Haha. Pero seriously, di sa nagpapakasenti ako ha. Pero, who would’ve thought na after all these years, magiging magkaibigan pa rin tayo. Specially after want we went through with Tisha.”

Kolehiyo nung pareho kaming na-inlove kay Tisha. Literal na nagsapakan kami para sa atensyon niya.

Oo nga. Dami na nating pinagsamahan. Nagawa na yata natin lahat,” sabi ko.

Hindi pa,” sagot niya.

Napag-isip ako. Ano pa ang di naming nagagawa. Lahat na yata ng katarantaduhang maiisip ko, naging kasama ko siya. Magnakaw. Manligaw sa isang babae. Tumikim ng marijuana. Naging magkatrabaho din kami noon. Binigyan ko siya ng mapagtanong na tingin.

Biglaang lumapit siya at sa labi ako’y hinalikan. Pinilit kong ialis ang mukha niya sa harap ko pero pinigil niya ito.

Bro!” pilit na sinasabi ko.

Bumitaw siya sa kanyang halik.

Sinapak ko siya sa mukha.

Hindi ko alam kung anong nangyari. Dala ba to ng alcohol?

Di ko napigilan ang sarili ko.
Pareho kaming pagod. Lasing. Galit ang pakiramdam ko.

Pero ilang saglit pa, humalik naman ako.

17 comments:

Mark said...

sana bukas na ang part 2!excited?hehe

Raft3r said...

ano ito, ha
hehe

Anonymous said...

“Haha. Pero seriously, di sa nagpapakasenti ako ha. Pero, who would’ve thought na after all these years, magiging magkaibigan pa rin tayo"

sana in reality it happens,
na after all the mess, what will stand up is the friendship,

Mamon said...

“Haha. Pero seriously, di sa nagpapakasenti ako ha. Pero, who would’ve thought na after all these years, magiging magkaibigan pa rin tayo"

TR., I know people who overcame this kind of situation. in the end, wala sa kanila ang napangasawa nung girl. at ngayon, nagtataka sila kung bakit sila nagkagusto dun sa girl na yun e di pala nila type. hehe.

what happened next?

Rah said...

kung ano man yang iniinom nila, malamang lakas tama yon ! :) well written! like it.

khantotantra said...

may twist!!!! may twist!!!

Pede na to sa mga new kind of movies na kakaiba ang nagiging takbo ng wento!

clap! clap!

Jenny said...

I was so right to think na either one of them is bakla? LOL

Nice story though! I publish na ang part 2 NOW!

Garpppy Garp said...

MGa fantasy mo ah. Hahaha!

Gaspard said...

bakit parang kinilig ako? hahaha

Superjaid said...

waaah!IMBA sa twist. next na!=D

Anonymous said...

nakakaloka. i like. :D

Klet Makulet said...

hahaha sabi ko na yun yon eh! :P more!

Ms. Chuniverse said...

Sumi-XEREX!!!!


Gow! Gow! GOWWWWW!!!!



:p

timangkey said...

o.O

escape said...

napaisip. naguluhan. hehehe

ilocanoak said...

ayos ang ganda ng kwento.. may twist.

bagotilyo said...

wild ang imagination hehehe :)