Mga Sumasampalataya

Oct 31, 2011

KWENTONG KATATAKUTAN

Bata pa si Rico, hilig na niya ang kumuha ng mga litrato. May angking talento ang binata. Hindi lang niya masyadong nahubog dahil kulang ang kinikita ng pamilya niya. Nag-aral lang siya sa kanyang Tito na isang news photographer, pero hindi rin siya masyadong natutukan nito dahil palaging nasa duty ang kamag-anak, at kamakailan lang ay lumisan na ito.

Dalawa lang na magkapatid ang tatay ni Rico at ang kanyang tito. Hindi sila nagkaanak ng maybahay, kaya si Rico ang paborito nito. Kaya paglisan nito, kay Rico iniwan halos lahat ng kagamitan nito sa kanyang trabaho. Isang malaking koleksyon ng mga kamera at mga gamit dito.

Sa lahat ng iniwan sa kanya, ang naging paborito niya ay ang DSLR,  isa sa mga unang henerasyon ng digital camera na nabili ng tito niya. Kahit luma, kumpleto naman ang accessories nito at tila ay hindi pa nagagamit. Maliit nga lang ang memory kaya ito'y agad niyang pinalitan.

Una niyang ginamit ito noong nakaraang taon sa anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang Tito. Dumalaw ang kanilang pamilya sa puntod nag lumisang kamag-anak. Malawak ang sementeryong kanyang pinaglibingan. Isang magandang lugar upang pagpraktisan ang kanyang bagong laruan.

Habang kukunan niya ang kanyang mga kapatid, ay may nasilip si Rico sa lente ng kanyang camera. Isang lalaking nakaharang sa kanyang kukunan. Tiningnan ni Rico agad ang mama, kung umalis na ito, pero wala naman siyang nakita.

Sinilip niya  ulit ang lente. Ang lalaki ay nakatabi na sa kanyang ina. Walang emosyon na nakatingin lang sa kanila.

"Excuse me po!" sigaw ni Rico sa lalaki habang nakatingin sa lente.

Hindi gumagalaw ang lalaki.

Naasar si Rico sa hindi pagsunod ng estranghero kaya't tiningnan niya ulit ang lalake. Pagtingin niya sa pamilya, ay wala ang mama na kinakausap niya. Tumingin ito sa paligid, ngunit sila lang ang tao sa sementeryo.

Sumilip ulit si Rico sa kanyang camera, at nandun, nakatingin sa kanya ang mama. Agad niyang kinunan ng litrato ang multo, pero nang sinilip sa viewer, ay pamilya niya lang ang nanduon.Sa muling pagsilip ni Rico sa lente, ang lalaki ay naruon pa rin. Palapit na sa kanya.

Nabitiwan ng binata ang camera. Nang tanungin siya ng pamilya, ang sabi lang nito'y naubusan na ng baterya ang kamera.

***********
Itinago agad ni Rico ang kamera sa kanyang kwarto. Ayaw na muna niyang galawin ang ipinamana ng Tito. Agad niyang tinawagan ang kabarkada niyang sinasabi nilang may taglay na "third eye." Ipinaliwanag sa kaibigan ang sitwasyon at niyaya para ipakita ang kamera.

Dahil sadyang maraming ginagawa, umabot ng dalawang linggo bago nakapagkita ang magkaibigan.

Pagpasok pa lang ng dalaga ay may kakaiba na agad itong napansin. Wika niya'y tila may mabigat na mararamdaman pagpasok pa lang sa tahanan. Ngayon lang daw niya ito naramdaman.

Nang hanapin ng kaibigan ang kamera, sinabi ni Rico na ito'y nasa kanyang kwarto. Niyaya ng binata ang kaibigan para maipakita ito.

Bawat hakbang ng dalaga patungo sa kwarto, lalong bumibigat ang nararamdaman nito. Magkahalong lungkot at takot ang bumabalot sa bahay ng kanyang kaibigan. Pakiramdam niya na mabilis umikot ang mundo. Nakakahilo.

Malayo pa siya sa kwarto nang buksan ng kaibigan ang pinto.

Agad ay napatigil ang dalaga. Agad ding binalot ng takot ang katawan nito.

"Rico, s-s-sorry ngayon lang ako nakapunta dito," simula nito.

"Okay lang. Basta kung makakatulong ka..."

"Ibigay mo na yang camera," mabilis na payo ng kaibigan.

"Sa tingin mo yun lang ang pwede kong gawin?" tanong ng binata.

"Simula nung inuwi mo yan galing sementeryo, binuksan mo na ba ulit yung kamera?" tanong ng kaibigan.

"H-hindi pa. Maan, m-may dapat ba akong malaman?" habang sinasabi ni Rico ang kanyang tanong, ay agad din siyang nakaramdam ng takot. Nagtayuan ang mga balahibo nito sa katawan.

Hindi na nakasagot ang dalaga.

Agad agad ay kinuha nito ang kamera sa mesa, tinanggal ang takip at sinilip ang lente.

Hindi nakagalaw ang binata sa kanyang nakita.

Puno ang kwarto niya ng mga kaluluwa ng mga namayapa. May babaeng  duguan. May mga batang gusgusin. May lalaking sunog ang kalahati ng katawan. May dalagang puto ang ilang parte ng katawan. Lahat sila nakatingin sa kanya.

Kahit na inalis ni Rico ang mata sa lente, alam niyang napapaligiran siya ng mga kaluluwa. Multo. Lahat sila palapit sa kanya.

Agad tumakbo palabas ng bahay ang magkaibigan. Sinalubong sila ng inang umiiyak at hindi matahan.

"Rico, patay na ang Tita mo," sambit nito.

Napahinto ang dalawa.

Isinumpa. Yan ang unang pumasok sa isip ng magkaibigan.

****************
Happy Halloween sa inyong lahat!!!

Sana'y di magparamdam sa inyo yung katabi ninyong mga multo!!! :P

18 comments:

Anonymous said...

nabitin naman ako.haha pero nadala ako ng kwento.. Happy Halloween!

khantotantra said...

kolang.... ahaha.

andaming tanong ang naiwan..

baket haunted yung kamera? Dahil ba yun ang camera na ginagamit ng tito nia sa mga victims ng news?

Rah said...

reminds me of "Picture picture" song ng tanya markova, mahiwaga din ang kamera sa kanta na yon :)

Super Mario P. said...

Awesome story. Perfect for today!

escape said...

hintayin natin at baka may part 2 pa to. happy halloween.

Axl Powerhouse Network said...

ampness.. parang shutter yung style ng story.... yun nga lang bitin heheheh....
btw nice banner ha.. panalo...

Chyng said...

hehe bad jokes about dslr. baka macarried away ako!!!

glentot said...

Nairaos rin ang Halloween night nang walang katatakutan much.

Caloy said...

bitin! hehe! happy halloween! =)

gillboard said...

caloy: CALOOOOOOY!!! you're back!!! sana'y ayos ka na. mag-hi ka naman sakin minsan. dami kwento. :)

glentot: nasa trabaho ako nun. yung dami ng trabaho nakakatakot.

chyng: hahaha. yun ang naisip ko. lol.

gillboard said...

axl: salamat.

dongho: next year. di ko alam. di ako magaling gumawa ng horror story.

mario: thanks. welcome to my blog!!

gillboard said...

rah: katrabaho ko dati si angelo ng Tanya Markova now that you mentioned it. umalis lang siya ng company kasi sumikat sila.

khanto: you're asking the right questions. di ko nga lang alam kung pano sasagutin yung tanong. hahaha

mark: salamat!! happy all soul's day!!! :D

Artiemous said...

iskeyri naman ng kwento na ito, pero impernes nadala ako sa istorya... :D

YOW said...

Todo imagine ako sa mga salita ah? Nice story. Post halloween na nga lang. Hahaha.

Raft3r said...

kamusta daw sabi ng batang babae na laging nasa likod mo

Anonymous said...

kainis naman, ganda na e. bitin lang.

Anonymous said...

grabe Men
ako lang mag-isa dito sa bahay hanbang binabasa ko to..
at totoo ngang nakakakilabot
ramdam na ramdam ko ung kilabot dito
pero hindi nagtatayuan mga balahibo ko haha .. :D

CHAII <3

Anonymous said...

Nakakabitin naman po!