Mga Sumasampalataya

Oct 5, 2011

AKOOOOO NAAAAAAA

May mga araw talaga na napapatunayan ko sa sarili ko, na kahit na marami ang tumututol, tama akong gwapo ako.

Napatunayan ko rin na magnet talaga ako ng mga taong hindi ko tipo.

Kanina pauwi, pagod na pagod ako. As in nahaggard ako sa tatlong linggong siksik liglig ang trabaho. After eight years ng pagtatrabaho, ngayon lang ako napagod nang ganito. In short pag-uwi ko kanina di nako mukhang fresh. Di na mukhang bagong ligo. Pero mabango pa rin.

So sumakay ako ng bus, at dahil sobrang aga wala pang masyadong maraming tao. Lahat ng mukhang makikita mo, matatandaan mo. Pumwesto ako sa bandang gitna.

Pag-upo ko, sumakto ang mata ko dun sa lalakeng nasa harapan ko.  Ang mga mata niya ay nakatutok sa mukha ko. Sa katawan ko. Sa akin.

Eto nanaman, natipuhan ulit ako ng kuyang tirador ng mga pogi sa bus.

Shy type si kuya, nung napansin niyang nakita ko siya nakaharap na ang ulo niya sa tamang lugar. Palayo sa akin.

Pero sadyang malakas ang hila ng magnet ko. Sinisilip niya ang repleksyon ko sa salamin sa bintana. Nililingon niya ako sa likod niya. Hindi sa pagmamayabang, pero alam ko ako ang pinupunterya niya dahil ako lang ang tao sa likod niya. Ako lang ang tao sa gitna.

Kung ibang tao ako, papatulan ko siya. Pero sa totoo lang ang creepy ni kuya. Papatulan ko siya. Totoo. Sasapakin ko siya.

Hanggang sa pagbaba inabangan ako ni Kuya. Nang magkita kami sa mata, nakita ko ang dila niya. Yung parang nakatikim ng titing malinamnam.

Kahit nakatalikod ako, ramdam ko ang mga titig niya.

Nang-aakit.

Nanunukso.

Nakakadiri.

Oo. Ako na. Lecheng buhay to.

17 comments:

khantotantra said...

ikaw na talaga!!! ikaw na ang maalindog! Ikaw na ang nakaka-akit. ahahahaha.

sinimangutan mo sana or nag dirty finger :p

charles. said...

Yak ni kuya, pinakita talaga dila. haha.

KikomaxXx said...

iew.. hahaha

gasolinedude.com said...

It's you already!

Stone-Cold Angel said...

Tama si Gasul...

Its you already!

Pa kiss nga... hehehe!

an_indecent_mind said...

ay may nakakbwisit na araw din ako... ipost ko next time...

its you already!

Manila, Anyareh? said...

Hi there! New to your blog.

At ang masasabi ko lang ay.. nakakadura! hahaa

Chyng said...

sayang opportunity! char!
choosy mo na ngayon ha.. ^_^

Michael said...

Parusa talaga iyan sa ating maalindog. Buti nga ganyan lang sa iyo, hanggang titig,, ako talagang molestiya sa LRT ang gusto ... Tamang trauma lang ako sa pagsakay sa LRT! LOL! :D

YOW said...

Shet lang. Kadiri? Hahaha. Habang binabasa, ang sarap nga sapakin? LOL. Nakakadiri yung dila part. LOL

prinsesamusang said...

pakurot nga GB. ahahay!

Maldito said...

sana ginaya mo rin ang ginawa niya....o di kaya higitan mo..ahahhahaa....ewww...that dila is so kadiri..
arte.

L said...

hindi kaya snatcher 'yun? loljoke! o eh di ikaw na ang pogi, ser! XD

Charles said...

haggard = lagkit?

dong ho said...

iwas iwas na lang pag ganun. hehehe

glentot said...

baka bukas na naman zipper mo? lol

Raft3r said...

IKAW NA!!!
nyahaha
penge tips
hehe