Repost ko muna ang isa sa blogpost kong pinakamadalas hanapin ng mga tao sa google. I'm sure yung hanap nila ay mga text quotes pero ito yung nakuha nila. Anyway nitatamad akong mag-isip at medyo busy sa trabaho kaya eto muna ang handog ko sa mga naliligaw at nagtitiyaga sa blog ko.
Para sa mga broken hearted...
DITO MO MAKIKILALA KUNG SINO ANG MGA KAIBIGAN MO. Merong mga panahon noong may kapartner ka pa, na hindi mo na madalas nakakasama ang iyong mga kabarkada. Alam ko, pag malungkot ka, mas nanaisin mong mapag-isa. Pero trust me, higit kailanman, ito ang panahon kung kailan mo kailangan ang iyong mga kaibigan. Hindi lamang dahil kaya ka nilang pasayahin, pero dahil hindi ka nila bibigyan pa ng dahilan para maging malungkot. Oo, minsan pagtatawanan ka nila, kasi naging tanga ka, pero kailangan nating mabatukan paminsan-minsan.
ISIPIN MO ANG SARILI MO. Sabi ko nga kanina, sa mga panahong ito mo itatanong kung ano ang kulang sayo. Kung ano ang mali sa'yo. Ayus lang yan. Importante yan para lalo mo makilala ang sarili mo. Pero don't dwell too much on the negative. Isipin mo, lalo kung wala kang makitang mali sa mga ginagawa mo, na baka hindi ikaw ang dahilan kaya kayo hindi nagkatuluyan. Baka siya yung may problema. Ang isipin mo na lang, paano mo pa mapapabuti ang sarili mo, at paano mo mamahalin ang sarili mo, para hindi na maulit ang nangyari sa inyo.
Totoong mahirap magmove on. Sabi nila, kadalasan hindi natin nakakatuluyan ang ating greatest love. Pero ang isipin niyo na lang, kung dun sa taong hindi para sa atin ay naging maligaya tayo, paano pa kaya kapag nakilala na natin yung babae/lalake na inilaan para sa atin.
17 comments:
gusto ko yung last part. Kung sa hindi para sa atin ay masaya na tayo, what more dun sa nakalaan para sa atin.
Malaking investment ang pagibig. Minsan lang talaga hindi ito nagwowork. pero tama ka "hindi ito katapusan ng mundo" simula palang.
"Pero don't dwell too much on the negative." - I strongly agree!
may tama ka, malaking check, lagpas sa papel!!!
hindi ako broken hearted pero minsan nang dumaan dyan at may tama ka dyan gillboard. at pinakatama ang huli... mahalin ang sarili. Wapak na wapak!
Asan ang post na ito nun mga panahon na nasasaktan ako? heheheh
AMEN! Haha. Ang ganda. First time ko to nabasa. Bakit hindi ko to nabasa 7 months ago? Haha.
"...Pero ang isipin niyo na lang, kung dun sa taong hindi para sa atin ay naging maligaya tayo, paano pa kaya kapag nakilala na natin yung babae/lalake na inilaan para sa atin. "
so true!agreeng agree ako dito kuya. =) sometimes we just need a good cry then we can start moving on. =)
pag-ibig nga naman.. kunwari lang naman yung sinasabi nila na mahirap magmove-on. mga atat lang kasi sila. hehehe. lilipas at lilipas din ang pag-ibig, it takes time nga lang. hehe.
perfect ang post mo na to gillboard :) naka move on na ako from heartbreak at halos lahat ng sinulat mo ay nagawa ko..at effective sya :)
madaling mag-move on. pramis. hehe
ay kung broken hearted ka eh di emo ka.. at kung emo ka agmove on kana kasi istostoje tro death kita.. ahahha
most important thing I always remember (by heart and by mind):
"Emotional distress would only last for 15 minutes. May scientific basis yan. After that, you're just prolonging the pain. In tagalog - nag-iinarte ka nalang!"
tAma?
di ako broken hearted pero kelangan kong mag-move on. hak hak hak.
Pero ang isipin niyo na lang, kung dun sa taong hindi para sa atin ay naging maligaya tayo, paano pa kaya kapag nakilala na natin yung babae/lalake na inilaan para sa atin
- - ISANG MASIGABONG PALAKPAKAN - -
I like the way you ended it.
eksperto!
IKAW NA SIR! hehe
hiatus ka rin ba? magsulat ka na. eheheh :P salamat sa mga tips. :P ehhehe
Post a Comment