Mga Sumasampalataya

Nov 7, 2010

PAG UBOS NA ANG PERA

Sweldo nanaman ngayong Biyernes (Sabado o Lunes sa ibang kumpanya). Sa aking minamahal na gasolinahang pinagtatrabahuan (o grasahan), isang beses sa isang buwan lang kami sumahod. Kaya ang dali namin maghirap. Tipong dalawang linggo pa lang, ubos na agad ang pera namin.

Madalas akong ganyan. Ang hirap din ngayon kasi syempre may bagong pinagkakagastusan (hon kung nababasa mo 'to, di ako nagrereklamo!!!) tapos sabay pa ngayong magpapasko na. Mas mabilis lately maubos ang budget. Madali lang kung every 2 weeks, may papasok sayong pera. Pero kasi samin apat, minsan limang linggo, pero ayus lang. Meron namang magandang naidudulot ito sa akin.

UNA: INSTANT DIET

Dahil nga wala akong pera, hindi na ako nakakabili ng pagkain sa labas sa tuwing mapagdesisyunan ng mga magulang ko na kamote lang ang kakainin nila sa bahay. Wala naman akong pera para umorder ng pagkain sa labas. Madalas ngayon, pag-uwi ko, imbis na Jollibee ang dinadaanan ko para bumili ng isang order ng burger o kaya Jolly Hotdog, yung tindahan ni Aling Ebang ang dinadaanan ko para bumili ng dalawang stick ng banana-que. Tapos pag tiyempong hindi pa sila nakakapagluto pag daan ko, natutulog na lang akong gutom. O diba, 5 pounds gone agad... Hahaha

PANGALAWA: FAMILY BONDING
At dahil wala akong panggastos para makagimik tuwing Biyernes o Sabado, tambay lang ako sa bahay. At dahil nakatambay lang ako sa bahay, syempre wala nang ibang pwedeng gawin kundi makipagbonding sa mga kasama ko doon. Si nanay at tatay. Kinuwento nila na tinanggap na ulit ng kapitbahay namin yung foreman na pinalayas nila. At saka yung nanay ng kababayan ng tatay ko eh pumanaw na rin. Hindi nga lang ako naambunan ng biyaya ng nanay ko, nung nanalo siya sa casino noong isang araw kasi pambayad daw ng utang yun.

PANGATLO: YOU GET SMARTER
Ulit, dahil nakakulong ka lang sa bahay kapag wala akong trabaho, madalas sa harap ng internet lang ako nakaharap. At minsan, dahil nakakasawa nang basahin lahat ng balita tungkol sa comics dahil wala namang bago, at madalas natapos ko nang basahin lahat ng blogs sa listahan ko, minsan napapadpad ako sa BBC news. Lumalawak kahit papaano ang nalalaman ko. Nakakakita ng mga site kung saan matatagpuan ang mga gadget na aking pag-iipunan. At may mga nabibisita rin akong mas maraming site kung saan nagpapakita sila ng mga educational videos ng human anatomy. At kung hindi ako naghahanap ng porn este magagandang website, eh nakakapagbasa ako ng libro.

PANG-APAT: SAVE MORE
Dahil nga nagtitipid ka, mas natututo akong magbudget ng pera ko ngayon. Biruin niyo, nakaya kong mapagkasya ang natitira kong pera sa loob ng halos isang buwan. Partida, bumibili pa ako ng comics niyan. Nakakahanap ako ng mga kainan na masarap kahit di kasingmahal. Narerealize ko ang mga bagay na hindi ko naman kailangan, at nababawasan ang buwanang pinagkakagastusan. Marahil hindi ako nakakasama sa gimikan ng aking mga kaibigan, pero mabuti na ngayong mas nalalaman ko kung paano magprioritize pagdating sa pera. Di man nadagdagan ngayong buwan ang emergency fund ko, di ko naman ito nagalaw.

PANGLIMA: LONG TRAVEL APPRECIATION
Dahil wala akong pantaxi sa gabi, bus lang ang sinasakyan ko. Nakakatipid ka na nga, maaappreciate mo naman ang mahabang biyahe. Lalo na kung type mo ang iyong katabi. Mas napapansin mo ang maniningning na ilaw ng Buendia at ng Roxas Boulevard. Minsan pa nga, mapapanuod mo yung mga pelikulang di mo pa nakikita. Bawal na ata ngayon ang mga pirated na pelikula sa bus, pero nakakaaliw lang, kasi kahapon napanuod ko yung The Hills Have Eyes 2. Astig yun, kahit walang kwenta yung storya. Napakagory. Pero di yun yung point, ang point eh masaya rin pala ang magcommute papasok.

****************
Pahinga muna ang aking brains sa pagsusulat ngayon, dahil sa ilang araw ay maglilimang taon na ang aking tahanan. Mahirap mag-isip ng anniversary post.

Happy birthday nga pala sa aking tatay!!!

At happy sweldo sa mga makakakuha ng 13th month pay ngayong buwan!!! Libre!!!

19 comments:

domjullian said...

Happy birthday kay tatay!

Anonymous said...

weee... may tayong daawa pa ba ngayon... last year pa ata yun... hahaha... pero oo nga kahit ako budgeting yung midde name ko... kahit nung bata pa.. wahehehe

EngrMoks said...

wahhhh ako walang 13th month t xmas bonus this year...wala na ko work eh...huhuhuhu

rudeboy said...

13th month pay? Ano yun?

Makiki- happy birthday na rin ako sa iyong tatay, at pati na rin sa iyong nagniningning na blog.

Jepoy said...

happy bday kay tatay mo.

Ako din nag titipid at mas masarap palang mag commute lalo na pag nakikita mo na malaking difference nya kumpara sa cab parati.

Tsaka, yung instant diet so true ahahah. Savings pa!

OMG 13th month pay naaaaaaa palaaaaaaaaa! Wiiiiiiiiii!!!!

Yffar'sWorld said...

maligayang bati sa iyong itay! XD

ayan, nalungkot na naman ako dahil naalala kong isa pala ako sa mahigit 2 milyong pinoy na jobless at walang makukuhang 13th month pay ngayong taon... waaaaaah!!!

claudiopoi said...

happy birthday sa tatay mo!

ako din, ganyan pag walang pera. haha. tawag namin ng kaibian ko jan ay water therapy, o di kaya ay sleep therapy. haha.

advanced fifth year anniv! :D

Klet Makulet said...

uso talaga ang walang pera ngayon hehehe at isa ako sa "in" dyan sa uso na yan

chingoy, the great chef wannabe said...

haberdey sa tatay!

maganda ung save muna bago gastos.. :)

an_indecent_mind said...

hapi berdey sa tatay mo!

bawasan mo naman ang 13th month pay mo!! manlibre ka oi! :D

escape said...

Nakakatipid ka na nga, maaappreciate mo naman ang mahabang biyahe. Lalo na kung type mo ang iyong katabi>>> hahaha... yun lang pala ang katapat sa trapik. isang beses sa isang buwan? di ko pa nasubukan yan malamang tipid tips nga ang kailangan.

YOW said...

Tama ka! Lahat nga na yan nagagawa kapag wala ng pera. Bigla ko nga narealized. Haha. Wow. 5 years na pala blog mo. Astiiig. Congratulations. Happy Anniversary at happy bday sa tatay mo. :)

bobot said...

sabi nga sa nabasa ko, kelangan 1/3 ng iyong kinikita (akinse man o buwanan) ay naitatago mo bilang savings o ipon mo sa future mong gastos.

happy birthday sa tatay mo at happy anniversary na rin!

asteeeg!

Axl Powerhouse Network said...

yun oh.. hapie bday sa iyong mabait na ama heheh :D
congrats 5 yrs ka na sa mundo ng blog... more blog to come.... write to write to express not to impress...
GBU :D

HOMER said...

ayus yan! ako din nakakaexperience nyan minsan ang gastos ko kasi ang kapal ng mukha ko kahit wala ako work magastos hehe! :D

-ssf- said...

happy birthday kay tatay!!!

ngayon magpaturo ka na kay nany ng skype haha...

Jayvie said...

sige sige, kapag lumabas ulit tayo isasabay namin ni SSF sa sahod mo. hahaha :D

Chyng said...

ang aga namang 13th month nyan, saang company yan?

ano na, may winner na? hoping ako eh. haha

Raft3r said...

hehe
parehong-pareho tayo
kaso nga lang
every other thursday sahod samin
pero ganon din
ubos agad
hehe