Mga Sumasampalataya

Nov 9, 2010

ANTUKIN

Posting in under ten minutes:

Hindi ko alam pero antukin ako these days. Pag inaantok ako, minsan wala na akong pakialam kung may kausap ako o wala. Ganito ata talaga. Puyat kasi ako tuwing may pasok kaya bumabawi lang ang katawan ko.

Pero minsan apektado si Kasintahan sa pagiging antukin ko. Kung anu-ano kasi ang nasasabi ko tuwing nag-uusap kami at natataong naglalaro na ang diwa ko sa lalaland.

Gaya nito…
Kasintahan: Hon, sino nga yung kontrabida dun sa Betty La Fea?
Ako: Si Marcella.
K: Sino nga si Marcella?
A: Si Stella Yulo (HR Manager sa kumpanya namin).
K: Sino si Stella Yulo?
A: Yung kasabayan ni Hopia.
K: Huh, sino si Hopia?
A: Yung sa Going Bulilit.
K: Hon, parang di naman ata magka-age si Hopia tsaka si Stella Yulo.
A: (naalimpungatan)

Meron pa isang beses nag-uusap kami ng kung anu-ano lang nang bigla akong sumingit ng…
A: Hon, teka lang ha mag-iigib lang ako ng tubig.

At nung Biyernes, naasar na ata si Kasintahan sa mga hirit ko kasi habang nag-uusap kami..
K: blah blah blah (wala na talaga akong alam kung ano ang pinag-uusapan namin)
A: Teka lang hon, three minutes, magsusulat lang ako ng short story (hilik)
K: (natulog na lang din)

Eto pa pala yung isa, last Friday lahat yan.

K: Hon, bakit hindi pa kinakasal sina Morris and Maybe (mga barkada ko)
A: Kasi magpapalit pa sila ng pangalan.
K: Bakit nila kailangan magpalit ng pangalan?
A: Syempre kasi natatakot sila.
K: Saan naman sila natatakot?
A: Ano ba, e di sa mga terorista.

Thirteen minutes. Not bad. Not bad at all.

23 comments:

ʎonqʎʇıɔ said...

minsan lang ako magcomment dito. natawa lang kasi ako ng bongga. haha at ang speed blogging? galeng!

KikomaxXx said...

weee... kabalitaran tayo... di na nga ako makatulog eh...

an_indecent_mind said...

parehas tayo... iba kapag antok na ang kalaban.. galit galit muna! hehehehe!

Photo Cache said...

global problem yata yan, kasi antukin din ako. buti na lang understanding si husband :)

The Gasoline Dude said...

LOL! Natawa ako kay Hopia at Stella Yulo. Kulet!

glentot said...

Sana pag Ginoogle ng HR Manager nyo ang pangalan nya eh di sya magawi dito...

hArTLeSsChiq said...

haha natawa naman ako dito.pareho tayo,knabukasan ako naman ang clueless sa pnagsasasabi ni bf,un pala ako ung nagsabi nun sa kanya bago ako makatulog...lol sori naman antok na!

my-so-called-Quest said...

hahaha. tama nga naman si kasintahan mo. hindi magka age si hopia at ang boss mo. adik lang! haha

pusang kalye said...

ang bad. hahaha. pero wag lang yung me kausap ka tapos naka-idlip kana tapos tuloy laway na ha. mapapatawad na lahat wag lang yun.lol

Jayvie said...

basag ka ba? o bangag? o sabaw? hahaha

Axl said...

naku.. sobra toxic yan hehee.. pahinga ka kc minsan :D

mots said...

natawa ko rito nang pak na pak. haha
teka, baka buntis ka..antukin ang buntis :)

congrats

rainbow box said...

tumawa muna ko ng 2 minutes bago nag-comment. LOL!

ganyang ganyan din ang drama ko, wag lang akong masabihan na hindi nakikinig at di tinutulugan ang kausap ko. baket ba? at least my thoughts. hahahaha!

Dhianz said...

haha.. lavet lavet... oh yeah like sabi ni kuya mots.. baka buntis kah... hihhhee.. haha.. lolz... ingatz kuya =) Godbless!

ahmer said...

Terorista! Haha, Naku naglilihi ka' haha

claudiopoi said...

haha, natawa ako dito ng subra. haha. nawala ang antok ko.

-ssf- said...

haha, ganyan din ako minsan, wrestling yung palabas pero sinasabi ko teams sa PBA haha

Yffar said...

Say No To Drugs kasi gilbert. XD hehehe...

iprovoked said...

hahaha.. kung saan-saan ka napapadpad Gilbert! LOL.

Word Verification: terote.
Parang ikaw, torete. LOL

Anonymous said...

Jouer poker en ligne gratuit
poker gratis

dong ho said...

Meron pa isang beses nag-uusap kami ng kung anu-ano lang nang bigla akong sumingit ng…
A: Hon, teka lang ha mag-iigib lang ako ng tubig>>> pangulo to. hahaha

Raft3r said...

kumpleto na ba tulog mo?
hehe

Anonymous said...

Sobrang natawa ako. Kilalang kilala ko si Stella Yulo. Siya parati ang may dala ng BASKET noon. Unfortunately, it was empty. Kilala ko rin si Hopia...Sana hindi na sila pareho antukin. At ang kutong LUPA na si Noel Paraso...hahaha. Kaya mahal gasolina dahil sa kanila eh. Buti walang bomb threat sa kanila.