Mga Sumasampalataya

Nov 27, 2010

AYON KAY KASINTAHAN

Response ko to sa sinulat ni Gillboard nung October 5, 2010 about our relationship. Dahil ayaw nya yung una kong prinopose na entry na “Rationalizing Homosexuality”—kasi medyo malalim yung argumentations—naisipan ko nalang sabihin sa inyo yung naging istorya namin sa mas simple pero nakakakilig na paraan. Naks.

October, 2009 (Last Week)

Noong una ko siyan nakilala, plano kong i-good-time yung kabarkada kong lalaki non kasi stupid sya at alam naming may bahid sya ng kabadingan.

Ganto yung plano:

1. Magpapakilala ako bilang ‘Peter’— yung name ng kabarkada ko.

2. Papa-in-love-in ko si Gillboard gamit yung identity ni ‘Peter’.

3. Papa-meet ko si Peter sa kanya.

4. Tapos ayun, ikakalat ko sa barkada.

Pero iba yung nangyari, kasi ako yung nabakla. Sabi ko pa non, “curious lang ako, pero pano mo nalamang bading ka?” Ganon naman daw lagi yung umpisa non, gagamitin mo yung concept of curiosity para di masyadong obvious na uhaw ka sa impormasyon. Dahil sa loob ng utak mo, di lang yun yung gusto mong malaman.

Buong gabi kaming nag-usap. Kung san-san napunta yung topic. Nag-umpisa sa sexuality, then sa sex, then sa mga balakin sa buhay, then sa pagsabing “baka magustuhan kita”.

Inumpisahan ko yung sumunod na umaga sa pag-aming hindi ako si Peter. Humingi ako ng tawad at binigay naman nya. Worth it kasi syang kaibiganin; at dahil alam kong di tamang manloko ng tao.

October to December (First Week)

Araw-araw kami magkausap non sa cellphone. Trip kong kausap sya habang kinukwento ko yung mga katarantaduhan ko nung high school. Aliw sya pag kumakanta ako sa cellphone, pag-nag-jo-joke ako, at kahit kapag kinukuwento ko kung gano ka-inconvenient ang online enlistment sa school namin.

Medyo weird na isipin pero sa bawat oras na magka-usap kami sa cellphone, parang nagiging masaya ako. Iba yung feeling pag kausap ko si Gillboard. Para ko na syang kuya, hindi tito pala kasi medyo malayo nga agwat ng age namin. PEACE!

Isang araw, sabi nya may bf daw sya. Sabi ko ok. Sabi nya magagalit daw ba ako. Sabi ko hindi bakit naman. Sabi nya ok. Sabi ko ok...

Pero hindi ok. Pero wala rin naman sa lugar kung magalit ako. Steady lang. Freudian yung feeling ko non kasi huhugutin mo sa sub-conscious yung tinge of envy kahit alam mong illogical na gawin yon. Kaya hinayaan ko na. Friends lang naman kami.

Tapos tumakbo yung mga araw at parang walang nag-iba sa closeness namin. Minsan iniisip ko kung may bf ba talaga sya o ginu-good-time lang nya ako. Usually kasi ganto yung usapan:

9:00 am, kagagaling lang ni Gillboard sa trabaho...

Ako: Oh, ano ginawa nyo ngayon?

Sya: Ayun, nagbreakfast lang sa Jollibee then umuwi na.

Ako: Ah, ano pa?

Sya: Wala na.

Pagkatapos non e magkukwento na ko sa mga nangyari sakin sa inuman, sa gimik, sa school, etc. Basta kahit anong maikuwento, ikukwento ko kasi ayokong ma-bore sya.

December, 2009 (Second Week)

Pag kausap ko siya, masaya ako. Pag kasama ko yung gf ko, nabwibwisit ako. Siguro kasi di na rin kami ok nung gf ko. Parang iniintay nalang namin ang confession of sentiments para matuldukan na rin yung ilang buwan na lokohan at tiisan.

Start ng December non nung sinabi niya na break na sila ng bf nya. Hindi ko maintindihan yung pakiramdam ko non habang binabalita nya sakin yung nangyari.

Palyado ako sa Semiotics nung first sem kaya di ko masyadong naintindihan yung message na gustong sabihin ni Gillboard. Nag-break kayo, o tapos? Dapat ba akong matuwa? Matakot? Mainis? Maasar?


Don ko lang napagtantong mas lumalim na nga ang mga pangyayari. Di man nya aminin, alam kong ako ang dahilan ng break-up nila. Ako naman, hindi malaman kung anong emosyon ang akmang hugutin para ibato pabalik sa kanya. Logical na matuwa, kasi alam mong mahal ka na nya, pero may gf ako, at lalaki siya, gaya ko.

Identity crisis yung problema ko. Kasi alam ko kung ano yung tama. Yung tama e yung magmahal ng taong kaiba sa kasarian mo. Kasi ayun yung natural. Yung natural e yung sunurin mo ang iniukit sa sistema mo. At sa pagsunod sa kanaturalan ng pagkatao mo e naitatama mo ang sarili mo.


Naniniwala akong lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ng tao e gawa ng mga desisyong pinili nya. At sa pagkakaalam ko, hindi naiiba ang isyu ng sekswalidad don. Kung bakla ka, ayun ay dahil pinili mong maging bakla.

Pero ayokong maging bakla kahit alam kong bakla ako. Kasi alam kong ayun ang tama.

Kaya nung gabing yon nung December, masakit man para sa aming dalawa, pinili kong iwanan sya. Kahit alam kong masakit; at kahit alam kong mahal ko na sya.

January to March, 2010

Sinimulan ko yung taon nang may bagong perspective sa buhay. Masyadong ginusot ni Gillboard yung mga huling buwan ng 2009, kaya ngayon taon, sabi ko sa sarili ko e mag-aayos na ko.


Pero surpresang di naayos ang lahat. Nag-break kami nang tuluyan ng girlfriend ko. At shit, namimiss ko siya! Iba na kasi yung pakiramdam na wala sya. Parang hindi na ako kumpleto.

Kaya nong March bumalik ako bilang isang kaibigan. Kung tatanungin nyo kung binalak kong ma-in-love muli sa kanya, hindi. Simple ang dahilan ko: ayoko na syang saktan.

Ngunit parang di ganon yung nangyari. Na-in-love ako ulit sa kanya. Tanda ko non, kapag nasa smoket ako o nasa korean restaurant at kasama ko ang mga kabarkada ko, bigla ko silang iiwanan para lang makapag-usap kami. Ganon siya ka-espesyal sakin. Masakit kasi di ko yon kayang sabihin sa kanya.


May, 2010 (Third Week)

Matapos ang ilang buwang puno ng usapan, nahanap ko muli ang sarili ko sa parehong dilemma nung isang taon. Pero dahil nga ayoko nang saktan si Gillboard, di ko na binalak pang aminin sa kanya kung gano ko na sya kamahal.

Pero parang mas nasaktan ko pa sya nung mga sumunod na pangyayari. Tuesday ata yun nung naisipan kong uminom kasama yung mga kaibigan ko. Kahit alam kong may final reporting kami sa Philosophy class the next day, e pinili ko pa ring magpakalasing kasi nagpapa-impress ako sa babaeng kasama namin.

May nangyari samin nung babae at napaka-estupidong sa kanya ko unang nakwento ang lahat. Pagkatapos non nag-send sya ng message na nakapagpabago ng pananaw ko sa kanya at sa sarili ko...

Sabi ni Gillboard e tinanong daw sya ng kaibigan nya kung worth daw ba lahat ng pinagdadaanan nya sa akin, sabi nya oo. Apparently, hindi naging worth it ang lahat dahil niloko ko sya.

Dahil nakasanayan ko nang tumakbo matapos makagawa ng gulo, sinabi ko sa kanya isang araw na handa na kong lumayo. Nakakagulat lang na parang alam na rin niya na don magtatapos ang lahat: ako tatakbo at sya madidismaya.

Sabado non nung hindi ako makatiis at tinext ko sya. Ilang araw na rin ang lumipas matapos akong magpaalam sa kanya. Sa mga pagkakataong iyon, wala akong ibang gusto kundi plantsahin ko na lahat ng pagkakamali ko sa kanya. Para at least kung mag-bye-bye na kami e di na sya ganon kaasar sakin.

May 24, 2010

Matapos ang ilang oras ng iyakan at ilang futile attempts para magpaalam, pinili kong manatili sa buhay nya. At tuluyang naging kami.

Noong gabing yon, nalaman kong nakabase ang kaligayahan ng tao sa kung pano nya tatanggapin ang kanyang sarili. At wala nang mas tatama pa sa pagkilos nang naaayon sa pagkatao mo. Sabi nga ni Aquinas: ‘Agere sequitur esse’ o ‘action follows being’.

Pagdating sa pag-ibig, mas importanteng tanggap nyo muna ang sarili nyo bago kayo magmahal. Dahil sa puntong yon nyo lamang nalalaman kung ano ang kaya nyong maibigay para sa kapareha. Kaya nga lagi kong sinasabi kay Gillboard, ang favourite kong quote about love e yung ginagamit sa Philo, kasi yun yung pinakatotoo: “Love is the recognition of otherness”.

Alam kong tama ang desisyon kong mahalin siya dahil pinagbubuti ako ng relasyon namin. Siguro nga dapat ko pa syang pasalamatan dahil mas lalo akong naging mature. At lagi kong sinasabi sa kanyang kasama na sya sa malalaking plano ko sa buhay, at di na magbabago yon.

Kaya naman gusto kong tapusin tong entry na to sa pagsabing siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Natutuwa akong maraming nagmamahal sa taong pinakamamahal ko.

Ayun na. Tapos na. Inuman na!


**********

Kaya mahal ko yung nagsulat niyan. Hay.

30 comments:

Anonymous said...

Gusto kitang sabunutan. Haba ng hair mo! Hahahaha!

Kinilig ako habang nagbabasa, pero di ko aaminin kasi dyahe dude-pare-tsong! LOL! Joke!

Happy for you both. :)

The Gasoline Dude™ said...

Nakanaman si Gibo! Pumapag-ibig! :)

claudiopoi said...

wow.

di ko inexpect tong revelation na to. na shock ako ng slight. pero slight lang. hehe.

be happy always, gillboard! :))

Anonymous said...

lucky you!!!!! :)

god bless and stay in love. ;)

Anonymous said...

Testimony of LOve.. BOw...

an_indecent_mind said...

ayun oh! ikaw na GB!

my-so-called-Quest said...

wow milestones. :D
happy for you GB.

Spiral Prince said...

Haaaaayyyy. :)

Inuman na!

bobot said...

1. shock ako sa mga revelations sa entry na to...
2. napa-believe ako...
3. natuwa pra sa inyong dalawa...

astig! stay in love!

-ssf- said...

haaaaaaaaay....eto yun eto yun eh...

ikaw na, ikaw na talaga!!!

kilig to the bones, abot hanggang Guadalupe ang hair sobra!!!

Skron said...

Ang haba naman ng post na to.

Pasensya ka na, hindi ko to binasa. LOL.

iurico said...

wow! Ikaw na! Ikaw na ang mahabng blonde ang buhok! Ikaw na ang other woman na nagtagumpay! Ikaw na ang maganda!!!

Ikaw na talaga! Lika, sabunutan lang kita ng slight.
hahaha

Im soooooo happy for you. Two less lonely people in the world.

gillboard said...

iurico: uy gusto ko yang kanta na yan... two less lonely people in the world, and we're gonna be fine.

skron: hehehe.. ayos lang. :)

ssf: last na to.. promise... next year na ulit!! kawawa ang mga SMP... lolz

Superjaid said...

weeeh!ikaw na!ikaw na ang may pagibig at mahaba ang buhok hehehe

happy for you..

gillboard said...

bobot: well, welcome to my blog. this is nothing new sa blog ko. hehehe. :D

spiral prince: tara!!! kelan ka punta manila?!

doc ced: thanks doc!!!

gillboard said...

indecent: daig ko pa nakajackpot sa lotto!!! hahaha

kikomaxx: hindi. pinilit ko lang siya. hahaha

anonymous: thank you. i really am lucky.

gillboard said...

claudiopoi: wala naman akong secret dito. backread ka lang... around august.. hehehe

gasul: season of love kasi. hehehe

bob: ok lang bob, crush pa din kita. mas mahal ko lang si kasintahan!!! ahhaha...

superjaid: thanks jaid!!! :)

Jayvie said...

hinika ako! nebulizer please!

ang galing sumulat ni John Doe! panalo! mas maigi yung pagkakwento nya dito kaysa nung ikaw nagkwento nung inuman natin. peace on earth! hehe

sana may blog din sya no? na hindi nosebleed gaya ng sinulat nya dito hihi :D

Anonymous said...

isa lang ang masasabi ako... palakpakan!

rudeboy said...

Napangiti naman ako sa entry na ito.
Hang-sweet.

Null said...

una sa lahat, hindi ako nagskipread... pangalawa, magquote ako sa pinakanagustuhan ko...

"Kaya naman gusto kong tapusin tong entry na to sa pagsabing siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Natutuwa akong maraming nagmamahal sa taong pinakamamahal ko."

uulitin ko kahit last line yan, hindi talga ako nagskipread... promise...

it's just that i envy you... because you're loved... but you deserve it! Good luck to both of you!!! =) cheers!

chingoy, the great chef wannabe said...

ayan, naintindihan ko na... nung una kasing post, di ko maintindihan hehehe

mahusay GB... happiness! L)

Klet Makulet said...

Yiiiheeee kakakilig!!!

Sana magtagal kayo. Sana always happy :)

Haba ng hair!

Anonymous said...

This post somehow answered my dilemma! Haaayst! We have our own different love stories to tell, at ang bawat isa, may kanya-kanyang definition ng "happiness". I'm glad you guys already found yours. :]

gillboard said...

bientot: teka, dilemma mo ba yung nabasa ko noon. dilemma nga talaga yun. :)

klet: maraming salamat klet!!!

chingoy: sana tinanong mo sakin, baka naexplain ko ng maigi. hehehe

gillboard said...

ro anne: aysus, ikaw nga feeling ko marami ka niyan. kwento. nabusy ka lang dyan. :D

rudeboy: feel good post lang. :)

musang: clap clap clap!!!

jayvie: meron siya blog dati for school. isearch mo name niya sa google. lalabas yun. kaya lang ang nosebleed. di ko kinaya basahin. hahaha

Axl Powerhouse Network said...

yun oh.. love love love ikaw nga ni kris aquino :D

saM said...

Kinilig naman ako
ng bongga sa post na ito :)

Raft3r said...

Yan ang lovelife!

tara05angelee said...

wow! nakakagulat .. pero this is so nice! as in.. :)