Mga Sumasampalataya

Nov 4, 2010

BLAST FROM THE PAST

Wala pa ako sa wisyo magsulat, kaya pagtiyagaan niyo muna ang isang kwentong nakaraan ko. 2 years ago ko pa ito nilathala, wala lang.

Enjoy.

*********************
Di ako sigurado kung alam ninyong lahat, pero hindi ko talaga nagustuhan ang hayskul life ko. Noong college talaga ako sobrang nag-enjoy. Pero sa aking pagbabalik-tanaw, naisip ko na mas gusto ko pa ang elementary days ko kesa nung high school ako. Alam ko mas maraming nangyari sa apat na taon ko dun, kesa sa anim na taon sa elementarya, pero para sakin mas masaya ang aking kabataan.

Yung panahon na totoy na totoy pa ako at lahat ng mga kasama ko. Walang inggitan. Puros laro lang inaatupag. Hindi ako stressed. Hindi ako pulubi. Namimiss ko yun, lalo na ngayon pang nagsisimula na akong tambakan ng trabaho.

Nanggaling ako sa all-boys school buong buhay ko, at masaya don. Enjoy, at maagang natuto ng kalokohan. Kaya ngayon, bilang tribute (at dahil wala akong maisip na maaaring isulat na may kabuluhang post) eh ilalathala ko lahat ng highlights na maaalala ko noong grade school ako.

GRADE 1
Unang taon kong mag-aral sa isang malaking paaralang katoliko. Naaalala kong pinaiyak ako ng aming guro dahil nung school fair eh hindi ako sumama na ihatid ang tatay ko sa airport. Nagstay lang ako sa school at hindi bumaba sa Ferris Wheel. Nagsayaw kami noon ng ati-atihan, at doon ako natutong maglaro ng teks, sipa, yung mga trading cards ng mga kotse, eroplano, tangke at racing cars.

GRADE 2
Ito ang taon na una akong sobrang nahumaling sa babaeng matanda pa sa akin. Ang guro kong si Ms. Marianne. Eto rin ang taon na sobrang dumami ang Marvel cards ko sa teks, tipong limang dangkal. Tapos sinunog lang ng nanay ko kasi ang grade ko sa periodical test ko sa Math ay 8/70. Ito rin ang taon na una kong narinig ang salitang jakol. Siyempre, iba ang pagkakaintindi namin dito. Ganito pa ang gamit namin dun... "Ah, si Jeffrey mukhang jakol!!!" Tapos eto rin yung panahon na tuwing lunch, nagtatago kami sa barkada nina Gio Alvarez (na model pa lang ng Safeguard noon), Grade 6 sila, kami Grade 2, tapos pag nahabol nila kami, nilalagay kami sa loob ng basurahan.

GRADE 3
Dito ako unang natuto magbasa ng comics. Yung una kong nakuha eh XMen 3. First appearance ata yun ni Omega Red. Dinala ko lang sa klase isang araw, pagdating ng lunch, nawala na. Ninakaw ng isa kong kaklase (feeling ko si Rogelio yun). Naging best friend ko si Mikko, kasi napansin naming madalas kaming magkasunod sa class number, di namin alam kung bakit (alphabetical order O ako P siya). Nagtataka na lang kami, sa loob ng 3 taon eh tuwing first quarter, kami palagi ang magkatabi. Naban ang eskwelahan namin sa isang museo sa Maynila dahil ang kaklase kong si Reimann eh umebak sa loob, at nagiwan ng dilaw na trail sa pula nitong karpet. Naging kalove team ko ang kaschoolbus kong si Mimi... pero mas gusto ko yung kapatid niyang si Peanut. Walang nangyari, kasi simula nang tuksuhin kami sa isa't-isa, lumipat siya ng ibang schoolbus.

GRADE 4
Unang taon na ako'y naging isang teacher's pet. Dito ko narealize, na magaling pala ako magbasa ng ingles. At dito rin nagsimulang lumalim ang galit ko sa Math. Muntik nakong bumagsak kung di lang ako natuto magbasa ng oras (ang basa ko pag ang maliit na kamay ng orasan ay nasa 3 at ang mahaba ay nasa 9 ay 3:9). Sensya naman at digital watch lang ang kaya ko basahin noon. Paglunch, sina Moses, Shierwin at ako ay madalas maglaro ng drain (imbento naming laro na habulan tapos pag nahuli mo yung hinahabol mo, eh pipisilin mo ang bayag, leeg o braso nito)... bading na ngayon si Shierwin. Kras ko noon ang ka schoolbus kong si Gracielle. Ako ang nabunot niya sa monito monita, at niregaluhan niya ako ng planner. Nakalagay dun ang number niya, pero di ko kayang tawagan. Shy type ako eh. 2 years later, nalaman kong, tibo na siya ngayon.

GRADE 5
Nagsisimula nang lumabas ang pagiging rebelde ng klase namin. Si John Michael na kaklase kong pilosopo eh madalas makipagdebate sa guro naming si Mrs. Andrade, para lang sirain ang araw nito. Ang subject namin sa kanya ay Math. Si Moses ay nagsisimula na ring bumuo ng sarili niyang kulto. Inimbento namin ang iba't ibang lebel ng satanismo... tiyanak ang pinakamababang lebel, at Mephisto, Supreme Lord of the Underworld ang pinakamataas na lebel. Dalawa lang kami sa kulto, at dahil siya nag-imbento noon, tiyanak lang ako.

GRADE 6
Hmmm... Naging over-all officer ako ng BSP (Boy Scout of the Philippines), sa paaralan namin. Dahil huli akong dumating at wala ng team na paglalagyan sakin. Galing noh?! Nakarating ako ng Baguio dahil dun. Si Moses, napili ng team nila para isali sa Mr. & Ms. Scout dun sa Baguio. Pero, dahil may pagkasosyal yung tao (at wala masyadong talent), eh inindian lahat ng competition sa pageant. Dito rin nag-umpisang magkalamat ang pagkakaibigan namin ni Mikko. Nag-away kami dahil matagal na niyang kras si Claudine, at sinabihan kong wala siyang pag-asang maging gelpren ito. Nagalit ang loko... kadalasan, pag may nagkamali sa amin, nagsosorry kami sa isa't-isa. Pero yung away na yun, wala. Mataas pride namin pareho... Tapos ito din yung taon na nanlibre ako nung birthday ko. Sumama lahat ng kaibigan kong matalik (7 sila) at saka si Ricardo, na walang maski isa samin ay kaclose niya. Di ko nga alam kung pano napasama yun, sa Parañaque ako nanlibre, sa Cavite siya nakatira.

Hay, grade school life. Namiss kita ng sobra!!!

18 comments:

Axl Powerhouse Network said...

tama.. mas masaya ang elementary kung asan walang masyadong gulo sa buhay..
masaya kasi yung tipong pag nag-away galit galit pero pagdating ng recess bati na hehe..

Axl Powerhouse Network said...

pa xlink/blogroll naman sir :D

Rico De Buco said...

honga... nakammmms din ang elementary pero mas trip ko ung hs khit lagi akong bnbully nun.. hehehe

musta na kau ni mikko ngaun?

natawa ako dun sa tumae mong kaklase at dun kay ricardo na sumama khit hindi imbitado hahaha

EngrMoks said...

Mas masaya ang elementary days ko kesa sa college at highschool life... Iba talaga ang feeling par pag pumapasok ka sa school noong bata ka... parang naglalaro ka lang kasi...

escape said...

ako sobrang enjoy ang high school pero mas exciting yung college. doon kasi nagsimula gumala.

astig naalala mo pa na grade 3 ka nagsimulang magbasa ng comics. ako di ko maalala. tumatanda na nga.

Jayvie said...

grade 2 jakol na agad! haha. mga supot pa kayo nun hahaha. college ko na yun nalaman. hihi

Kura said...

whoa! ang galing. na-alala mo pa lahat yun? =) grade 1 ako inakala kong nasa top 10 ako kasi picture ko ang nilagay sa bulletin. pagkatapos ng lunch time wala na ang picture ko. kala ko pinag-nasahan lang ng kung sino.. mali daw pala ang nailagay sabi ng titser ko. kamuka ko kasi yung isa kong classmate - yung tunay na pang top 10 leche! enjoyed your blog. keep it up.

Anonymous said...

Nakalimutan ko na ang halos lahat ng nangyari sa akin noong elementary ako. buti ikaw malinaw ang memory mo. saka, noong elementary ako, isa akong invisible, hindi ako napapansin, haha.. Good jeb sa Jakol, at least ngayon alam mo nang ang jakol ay verb at hindi adjective! LOL..

glentot said...

hanep sa recall!!!!

"mukhang jakol si jeffrey" hahahaha si jepoy ba yun

my-so-called-Quest said...

apir for hating highschool life! haha

Spiral Prince said...

bihira na akong makakita ng mga batang naglalaro ng teks. haha. puro na dota, ang sosyal na nila~ haha

Anonymous said...

wala akong masyadong matandaan sa elementary ko. okay ka ah, catholic school at boyscout! talaga naman! naisip ko sa post na to yung aklat ni bob ong na green, haha

Anonymous said...

weee.. saya talagang balikan yung grade school days... padaan lang po...

claudiopoi said...

ayoko ng elementary dahil na-bully ako. kaya nung tumungtong ako sa hayskul, ako naman ang naging bully! joke! pero totoo. hehe

pa-follow din ako ha! :D

Yffar'sWorld said...

mas masaya rin ang elementary days ko - pero, mas meaningful ang high-school...dun kasi ako natutong umibig, hehe. XD

Superjaid said...

halos wala akong matandaan sa elemntary life ko dahil na rin siguro sa marupok kong memorya hehehe pero masaya at masarap maging bata kasi wala ka pang masyadong pino problema..^^

Klet Makulet said...

pag elementary talaga parang wala lang. saya ng life!

Raft3r said...

grade 4 teacher's pet
pareho tayo
hehe