Mga Sumasampalataya

Jan 22, 2015

SARAP KAYA MAGTRENTA

Di ako makapaniwala na dati, takot ako na magtrenta.

Noong teenager ako hanggang early 20s, ito yung pinakakinatatakutan ko, umabot sa edad na trenta.

Dati, feeling ko ang tanda tanda na ng mga taong nasa edad na 'to. Nakakadiri sila kasama. Hindi sila cool. Dasal ko, na forever 20s na lang ako.

Almost three years ago, naging 30 nako. Hindi ako nagcelebrate, dahil natatakot ako. Dumating na ang ika tatlong dekada ng buhay ko. Pero imbes na madepress, nagulat ako, di ako sobrang nadisappoint.

At kahit lumipas ang tatlong taon, mas natutuwa ako ngayon na nasa trenta na ako.

I love my thirties!!!

Hindi ko alam kung bakit, pero mas masaya ako ngayon.

Wala na akong angst sa buhay.

At kahit medyo mataba ako ngayon, feeling ko, ngayon ako talaga pinakagwapo.

Sabi nga nila, with age comes wisdom, at ngayon ko napapatunayan yan.

Hindi na ako nagpapakangarag sa mga simpleng bagay. Mas mataas na ang confidence ko. May pera na ako. Mas may kalayaan gawin ang gusto ko. At may sex life ako.

Baka iniisip niyo na nasasabi ko lang 'to dahil may Kasintahan ako, pero sa totoo lang, kahit siguro single ako, I'll be fine in my 30s. Maaaring hindi kasing saya, pero mahahanapan ng paraan yan.

Lahat naman 'to eh depende rin sa pananaw natin sa buhay. Pero marami akong kilala na katulad ko o mas matanda pa, na sobrang nag-eenjoy sa kanilang 30s.

Sabi nga namin, if we had the confidence of our 30-year old selves and the body of our 20s, life would be more perfect. Pero... nagagawan yan ng paraan!!!



7 comments:

Anonymous said...

wow 33 ka na pala : )

Sepsep said...

Excited na ko maging 30. lol
Kaso may 5 years pa ko bago umabot dun, so i-enjoy ko muna to. :)

gasolinedude said...

Thanks to George Clooney, naa-appreciate ko din ang pagtanda ko, white hairs and all. Lol

Axl Powerhouse Network said...

sabi nga nila di ba, kalabaw lang ang tumatanda. Sa edad na yan mas lalo nagiging malawak ang mga pagunawa sa mga bagay-bagay...

Mr. Tripster said...

Botox. Gym. Diet. Money. Elements that make our thirties awesome. Turning 30 nako this year and I'm quite excited. Hehehe!

Skron/5Lens said...

I've seen more and done a lot more during the first 4 years of my 30's compared the to the last 5 years of my 20's. That's why I don't blog as much anymore. I live more than write more.

Anonymous said...

Happy birthday God bless you