Mga Sumasampalataya

May 29, 2013

OA COUNTRY

Kung ikaw ay aktibo sa social media, medyo mapapansin mo na dumarami ang mga issue na ang pinaghuhugutan ay mga walang kakwenta kwentang bagay.

Si Dan Brown tinawag ang Manila na Gates of Hell.

Yung joke ni Vice Ganda kay Jessica Soho sa concert nito.

Take note, national issue itong mga ito. Tipong headline sa mga pahayagan. Umabot pa na sulatan ng pinuno ng MMDA ang manunulat para punahin ang sinulat.

Napaisip tuloy ako, napaka-OA nating mga Pilipino. Fiction at Joke pinapatulan natin. Pinag-aaksayahan natin ng oras. Napakasensitive naman natin na kapag ang isang taong overweight ay pabirong tinawag na baboy, magiging emotional tayo. Nagiging bayolente.

Wala na bang magawang matino ang mga Pilipino na pati ganun kababaw na bagay pinagkakaabalahan natin? Ganun ba kataas ang tingin natin sa sarili natin na hindi tayo tatanggap ng anumang hindi maganda na sasabihin satin o sa bansa natin?  In denial ba tayo na hindi talaga "It's More Fun In The Philippines"?

Kung babasahin mo ang libro ni Dan Brown, noong nasa Maynila si Sienna Brooks, muntik na siyang ma-rape. Tinulungan lang siya ng isang matandang babae na bingi.  Hindi nabanggit yun noong lumabas ang issue ng "Gates of Hell".

Si Vice Ganda, sumikat sa panlalait ng mga pangit. Doon siya nakilala. Sa estilo niyang yun kaya pinipilahan ang mga palabas niya. Sa pagiging mapanlait niya kaya siya ang may hawak ng pinakakumitang mga pelikula sa bansa (kahit wala naman talaga itong kwenta). In short, naging ganyan siya kasi sinuportahan natin siya.

Nakakatawa na kung magtanggol tayo sa mga sinusuportahan natin, ay tayo mismo ay nagiging mas malala pa sa mga tinatawag natin na bully.

Kaya siguro hanggang ngayon ay nananatili tayong Third World Country. Imbes na magtrabaho tayo, maghanap ng pagkakakitaan, eto tayo pumapatol sa mga issue nina Vice Ganda, Dan Brown, Kris Aquino at Ai Ai delas Alas.

Pwede tayong lahat maging artista.

Ang dami nating Over Acting.