Mga Sumasampalataya

Nov 17, 2011

KWENTONG LAITERO AKO

Gusto ko lang ilabas. Nag-init talaga ang ulo ko kanina.

I'm mean today.

Sa mga nag-follow sakin sa Twitter, medyo nabanggit ko na to kanina.

Anyway, kwentong commute nanaman ito.

Dahil kagagaling ko lang ng 2 hour overtime sa trabaho, ninais ko nang matulog habang bumibyahe.

Paidlip nako nun. Nakakatatlumpong puting tupa na ang nabibilang ko.

Biglang may nag-ingay sa harap ko.

Babae. Tumitili.

"Excited nako sa Breaking Dohwn (pronounced d-own)!!!"

Tas tumili din yung katabi niyang bading.

At sabay sabay nang umingay sa harap ko. Apat silang excited sa Twilight.

Kaya di nako nakatulog.

Nang tingnan ko yung pinakamaingay sa kanila, napatutok agad ang mata ko sa isang medyo kakaiba.

Sinipat ko si ate mula ulo hanggang paa.  

Ate naman siya. Pero shet, bakit ganun? May balbas siya.

Yung tingin kong iyon ay di pumigil sa kanilang pag-iingay.

Yung curiosity ko bumalik sa galit.

Tapos nakita ko yung katabi niyang bading. May goatee.

Pero shet, mas makapal yung goatee ni ate.

Lalong lumala ang pagiging laitero ko.

Habang tumitindi ang asar ko sa kanya, ganun din ang level ng ingay niya.

Sabay tawa pa.

Kaya pala minsan pasusyal ang salita niya, may braces siya.

Tanginaaaaaaaa!!!



Ate may pang braces ka, pero pangwax ng balbas mo di mo magawa!!!!

********************
Inhale. Exhale.

Yun lang. I'm okay now.

24 comments:

Chyng said...

high blood?! ^_^

khantotantra said...

ginilitan mo sana ng neck. hahahaha

cheerfulnuts said...

Hahaha... Nakakainis, pero nakakatawa!:D

Mac Callister said...

haha baka naman di tunay na babae si ate?! waaaa!

Gaspard said...

BWAHAHAHAHAHA! relax lang!

prinsesamusang said...

haha minsan talaga tyempo sa ganito eh no? pero minsan maingay din ako. pero minsan lang kasi madalas tulog ako sa byahe eh haha pero lamang pa din si ate kasi siya may balbas ako wala. haha.

rah said...

Nakakatuwa talaga yun mga babaeng may balbas. haha

pag pinagsabihan mo sila na

tangalin yung balbas nila -

sila pa ang galit.

Ang number one na reason kung bakit ayaw nila patanggal

KAKAPAL DAW.

hahaha

sige, sila na may mustache.

juan vicente said...

i can't seem understand this twilight craze. chos!

YOW said...

Eh napasagana ang male hormones niyan. Hahaha. KALMA Kuya.

maddeningcrowd said...

Bad ka. LOL.

KikomaxXx said...

hahaha... baka transgender... hehehe

Albert Einstein☺ said...

relax ka lang....

Mugen said...

Simply say, dude I'm trying to sleep. Tatahimik yung mga yun. :)

Rence said...

nangyari na rin sa akin yan sa PUV's. wala naman ako magawa kundi magmura sa aking isipan habang binibigyan sila ng nakamamatay na mga tingin kung nakamamatay ang mga iyon.

-mark- said...

naiimagine ko ang itsura nya.wahahaha.. medyo mild ang pagiging laitero mo sa laitero meter ko.hahahaha

Ipe Wacka-Wacka said...

umiinit ang pilipinas evurrrr

caloy rabino said...

malay mo naman, ganun lang talaga ang peg ni ate/kuya. lol nga pala, happy 6th anniv kuya gillboard. :)

Leah said...

LOL... may balbas at goatee ang mga ate. hehehe.. Sila na! :P

♥superjaid♥ said...

kaloka!goatee at balbas?tsk kaloka talaga

iambillstumor said...

Winner ang Breaking Dohwn! Haha. Wagi award! Haha. Baka naman may kinky reasons ang pagbabalbas nya. Baka akala ng buypren nya lalake sya. Ngi!

Dorm Boy said...

Nyahaha tawa naman ako sa Breaking dohwn hahaha! Relax lang pre ang puso mo! Ok lang nakalait ka naman na eh! Quits b?

mylifeisnotperfectbutiamhappy said...

HNAHAHAHA ... dame ko namang tawa dun

Raft3r said...

nyahaha
sakit ng tyan ko kakatawa dito
hehe

Klet Makulet said...

buti walang nagtulak sayo na bumunot ng isa hahaha