Mga Sumasampalataya

Nov 1, 2010

QUICKIES ULIT

May bisita kami kani-kanina lang. Di ko siya kilala. Pero buwiset na buwiset nako sa kanya.

Nanay: Ay, eto nga pala ang anak ko si Gillboard.
Bisita: Bakit, andito ka pa? (tanong sa akin)
Ako: (Tahimik lang)
Bisita: Bakit hindi ka pa nag-aasawa? Ilang taon ka na ba?
Ako: (ngiti lang, sa loob loob ko gusto kong sabunutan si ate. Feeling close ang potah!!!)

**************
Noong weekend, nagpagawa ako kay kasintahan ng isang sulat para sakin na ipopost ko sana dito o sa isang bahay ko.

Naghahanap ako ng something sweet. Tipong kwento ng lablayp namin pero sa kanyang point of view.

Kaninang umaga, nagtext siya. Tapos na daw. Kaya lang, umamin siya. Iba yung naisulat niya. Philosophical side ng pagiging isang tao. Natural Law. Mga bagay na ni minsan ay hindi ko naiintindihan.

Kasintahan: Blah blah blah… existentialism… blah blah blah… natural law… blah blah blah… the point of being human…blah blah blah…
Ako: Hon, nasaan ako sa sinulat mo?
Kasintahan: Ay oo, ilalagay ko sa dulo. Isusulat ko dun, ikaw ang inspiration ng essay ko.
Ako: Ang nasa isip ko kasi sana yung tungkol sa love story natin isusulat mo.
Kasintahan: Ganun nga dapat, kaya lang nung nasimulan ko, nagtuluy-tuloy na eh. Ilalagay naman kita sa dulo eh.
Ako: Ermmm. Okay. I love you?

Ang sweet niya no?

**************
Noong isang araw…

Nanay: Anak, halika nga dito at tandaan mo ang sinulat ni Kuya ano mo. Di ko kasi maintindihan.
Ako: Ano yan? Tungkol saan?
Nanay: Sa Skype.
Ako: Ha? Wala nga akong Skype!
Nanay: Hindi. Ako meron na. Dinownload kagabi. Hindi ko lang alam kung paano tumawag.
Ako: Tambling!!!

Mas techie na ang nanay ko sa akin. Feeling ko, mauuna pa siya sakin matuto magphotoshop.

30 comments:

Null said...

sosyalin si mader, techie!!! :) na mis ko tuloy nanay ko at ang nobela nya na emails

mikel said...

haha. enjoy!

Bloiggster said...

haha! ayos nanay mo ah!

my-so-called-Quest said...

si nanay mo e hip and cool! hahaha.


buti hindi mo nilagyan ng lason ung inumin nung bisita. kaasar nga yang mga ganung tanong.

Rah said...

Ang galing naman ng nanay mo. Tama yan, malaking tulong talaga ang teknolohiya. Favorite subject niya siguro dati, science o agham :)

YOW said...

Eh cool si Mommy. Haha. Pambihirang Hon mo, kadami siguro sinasabi nun pag kakwentuhan mo. Haha.

The Gasoline Dude™ said...
This comment has been removed by the author.
The Gasoline Dude™ said...

Natawa ako sa pangalawang kuwento. Ang sweet nga. At least hindi siya jejemon.

Maldito said...

haahahhaa..eh sabi nga na panghuli ka...ikaw ang pang finale! bravo.aahhahaa

Yffar'sWorld said...

ok lang yan, kumbaga sa js prom - ikaw ang last dance (na sa tingin ko ay mas espesyal kesa sa first dance). XD

feeling ko magkaklase nanay mo at nanay ko dati. XD

Anonymous said...

hahaha, ang cool ng mom mu. My mom doesnt even know how to use the mouse, pero nung pinag-open ko sya ng FB account nya, ayun na-addict sa farmville at hotel city. haha.. :]

Jayvie said...

nakakanose bleed talaga yan kasintahan mo. mga philosophical churchur! pero sweet pa din hihi.

aba groovy groovy talaga ang madir mo. nung nagpunta kami dyan, tutok na tutok sa pc. at ngayon, skype naman! sushal!

Anonymous said...

natawa ako sa mom mo.. yung mom ko naman, mahilig mag-email. minsan inaabot sya ng isang oras sa pagta-type ng isang paragraph. lol

Axl Powerhouse Network said...

ang kulit ni nanay... lumulevel up na... paskype skype na lang ha hehe :D

Rico De Buco said...

okay si mami ah..parang si lola techie lang hehehe..baka next time alam narin niyang mgdota..laro kmi hehehe

EngrMoks said...

Ang kulet ni nanay pati si gf kulet din... ang kukulet ng mga babae mo sa buhay par ah...hehehe

-ssf- said...

hahaha si kasintahan talaga oh, di maarok tisssuuuueee pleeeease!!!

si madir eh puyatan galore sa fb ngayon skype naman hanep talaga hehe

chingoy, the great chef wannabe said...

mamya meron rin syang singsnap hahaha

gillboard said...

chingoy: ako yung meron nun. di si nanay. hahahaha

ssf: onga no. nung andun kayo samin, deadma lang siya nung nagcoconcert tayo. fb lang siya ng fb. hahaha

moks: hula ko either di mo binabasa ilang post ko, o nagskip read ka. :P

gillboard said...

rico: feeling ko nga eh. buti na lang hindi ako nagdodownload ng mga games sa computer. baka lalo akong hindi makagamit. hehehe

axl: onga. kakatakot, baka kung anu-ano pang matutunan nun. marunong na din siya mag-ym.

sob: ganun din siya magsulat. palibhasa one finger lang ginagamit sa pagtype. hehehe

gillboard said...

jayvie: naku, kung mababasa mo yung sinulat niya. finally. hehehe. naiyak nga ako kanina nung binabasa ko yun. :)

bientot: di pa naman niya nadidiscover mga fb games. pero feeling ko, di rin naman niya maiintindihan. lolz

yffar: gusto ko yang comparison mo. :)
taga leyte ba nanay mo? hehehe

gillboard said...

maldito: onga naman. makitid siguro utak ko. hahaha

gasul: anong di jejemon. kung alam mo lang kung pano magjejetext yan. sakit sa ulo basahin. hahaha

yow: sinabi mo. minsan, matutulog na lang kami, ang daldal pa din. kelangan takpan bibig. hehehe. kaya love ko yun. :)

Chyng said...

ok, time's up! nov na. sino ang winners! =)

gillboard said...

rah: ang alam ko math. wala lang, sineryoso ko yung tanong mo. hehehe

doc ced: naku muntik ko nang lasunin yun. atribida. kakaasar!!!

bloiggster: thank you. welcome sa blog ko!!!

gillboard said...

chyng: sa birthday ng blog ko iaannounce kung sino nanalo. Hindi ko pa nga nabibili yung prizes. hahaha

mikel: maraming salamat sa pagbisita. balik ka!!!

roanne: awwww. umuwi ka na kasi, para makasama mo na siya. :)

Klet Makulet said...

Nakakainis talaga yung mga taong di mo kakilala pero kala mo close na close kayo at nakikialam ng personal mong buhay ...

Buti pa si nanay mo meron nang skype ako ni hindi ko alam kung ano yun wehehehehe

Yj said...

oo nga... ilalagay ka naman sa dulo eh...

tumbling! napaka sweet nga!

C.C. said...

I love the second storyyyy! Hahaha sobrang benta sakin e.

And nagulat rin ako nung ininvite ako ng nanay ko sa facebook. -_-

egG. said...

sosyal si mader... marunong magdownlod ng skype!!!

panalo tong post na to.. :)

Raft3r said...

i really should meet your mom
hehe