Mga Sumasampalataya
Nov 30, 2010
MY AMNESIA BOY
It is a typical Filipino romcom whose ending was ruined because someone thought they didn’t want the ending to be cliché. Anyway, I’m not going to rant about the film because even with the crappy ending, I still liked it.
It’s really not the film that I wanted to talk about. But there was something about the story that made me ponder.
Is there anything or anyone that happened or came to my life that I wanted to forget?
Unlike Irene (Toni Gonzaga), I haven’t been left standing alone on the altar by my groom. But there are certain things in my life that I know I’d have done without.
Exes.
Embarrassing moments.
Frienemies.
Bad decisions.
I’m not young anymore. I’ve made a lot of bad choices, and there are times I’d wish I could forget all of them. The saying that those things make you better persons in the end sometimes you’d think its crap. You know you’d still be a better person even if your paths haven’t crossed.
There are a couple of things I wanted to forget. Stupid people and wrong choices. But I guess I have to live with it.
How about you, is there anything/anyone you want to forget?
MAIIKLING MGA KWENTO
Mabilisan lang. Walang kilig-kilig muna. Baka isipin niyo bading ako. Hehehehe
***********
Noong nakaraang linggo ay anim na araw ang bakasyon ko.
Akala ko makakatipid ako, isang malaking pagkakamali. Mas lalo akong napagastos. Yung akala kong matitipid ko sa isang linggong pahinga, eh ang ginastos ko ay parang nagtrabaho ako ng tatlong linggo.
Madami naman akong napanuod. Eto ang pellet reviews ko.
Saw VII: Bayolente sana, kaya lang di naman pinakita yung mga nakakadiring part. Nambitin lang. Walang kwenta. 6/10
My Amnesia Girl: Maganda sana. Kung hindi lang dinagdagan ng sampung minuto yung ending. Pero nakakakilig siya. Nakakatuwa si JLC at Toni. 8.5/10
Unstoppable: Maingay. Isa lang yung namatay. Pero medyo maganda naman siya kesa Saw. 7.5/10
Takers: The best movie… para matulog. 5.5/10
***********
Noong nakaraang weekend din, ay may nameet akong dalawang low profile bloggers. Wala lang.
Si RF, na balikbayan mula Amerika. Natutuwa ako sa mga kwento niya, at bilib ako sa kanya dahil kinaya niyang mamuhay ng mag-isa malayo sa mga kamag-anak, mga kaibigan, at sa sibilisasyon.
Nakakatuwa dahil ang aliw ng mga kwento niya. Mantakin mong, dun pa siya natutong magbisikleta. Tinuruan siya ng asawa ng boss niya. At pumunta siya sa Amerika para magtrabaho ng night shift. Kunsabagay, kung dito sa Pilipinas yun, malamang dayshift ang trabaho niya.
At ang pinakagusto ko sa meet-up na iyon, ay dahil binigay niya sa akin yung hiningi kong pasalubong sa kanya mula Amerika. Hehehe. Thank you RF sa maagang pamasko!!!
Si Boris naman yung isang nakilala ko noong Sabado na nanggaling pa ng Quezon. Niclaim niya yung kalahati ng napanalunan niya sa pacontest ko (kasi di pa dumarating yung order ko na power balance) kaya free lunch muna. Yung sa ibang mga nanalo, iemail ko kayo or imessage ko sa facebook kung kelan.
Naaliw din ako sa kanya dahil ang pino niyang magtagalog. Yung tipong, ako’y nagagayak na ika’y makilala. Wala nang nagsasalita ng ganyan ngayon. Tapos pinakita niya ang kanyang mga doodles. Pero mas naging interesado ako sa mga kumento sa mga doodles na yun. Sino si monkey?! Yiiiiiiiii.
***********
Tapos kahapon, habang nag-iinternet ako. Lumapit ang nanay ko.
Nanay: Anak, ano yung twitter. Meron daw kasi si Ate ano mo…
Ako: Wag mo sabihin gusto mong mag-open ng twitter?
Nanay: Di naman. Gusto ko lang makita kung ano yun.
Ako: Weh, pasimple ka pa. Wala nga ako nun. Baka bukas lang malaman ko meron ka na niyan.
Nanay: Parang facebook ba yan? Kasi, kung ganun, iopen mo naman ako…
Ako: Ayoko. Wala nga ako nun.
Nanay: Sige na nga, kay ate ano mo na lang ako magpapaturo.
UPDATE:
Kinamusta ko kanina si nanay tungkol sa twitter. Ayaw na daw niya. Di siya natuwa dahil wala naman daw mga pictures gaya ng sa facebook. Tamad kasi yun magbasa. Puros pictures lang tinitingnan.
***********
Magpapasko na pala.
Disyembre na bukas.
May regalo na ba kayo sa akin? :P
Nov 27, 2010
AYON KAY KASINTAHAN
Response ko to sa sinulat ni Gillboard nung October 5, 2010 about our relationship. Dahil ayaw nya yung una kong prinopose na entry na “Rationalizing Homosexuality”—kasi medyo malalim yung argumentations—naisipan ko nalang sabihin sa inyo yung naging istorya namin sa mas simple pero nakakakilig na paraan. Naks.
October, 2009 (Last Week)
Noong una ko siyan nakilala, plano kong i-good-time yung kabarkada kong lalaki non kasi stupid sya at alam naming may bahid sya ng kabadingan.
Ganto yung plano:
1. Magpapakilala ako bilang ‘Peter’— yung name ng kabarkada ko.
2. Papa-in-love-in ko si Gillboard gamit yung identity ni ‘Peter’.
3. Papa-meet ko si Peter sa kanya.
4. Tapos ayun, ikakalat ko sa barkada.
Pero iba yung nangyari, kasi ako yung nabakla. Sabi ko pa non, “curious lang ako, pero pano mo nalamang bading ka?” Ganon naman daw lagi yung umpisa non, gagamitin mo yung concept of curiosity para di masyadong obvious na uhaw ka sa impormasyon. Dahil sa loob ng utak mo, di lang yun yung gusto mong malaman.
Buong gabi kaming nag-usap. Kung san-san napunta yung topic. Nag-umpisa sa sexuality, then sa sex, then sa mga balakin sa buhay, then sa pagsabing “baka magustuhan kita”.
Inumpisahan ko yung sumunod na umaga sa pag-aming hindi ako si Peter. Humingi ako ng tawad at binigay naman nya. Worth it kasi syang kaibiganin; at dahil alam kong di tamang manloko ng tao.
October to December (First Week)
Araw-araw kami magkausap non sa cellphone. Trip kong kausap sya habang kinukwento ko yung mga katarantaduhan ko nung high school. Aliw sya pag kumakanta ako sa cellphone, pag-nag-jo-joke ako, at kahit kapag kinukuwento ko kung gano ka-inconvenient ang online enlistment sa school namin.
Medyo weird na isipin pero sa bawat oras na magka-usap kami sa cellphone, parang nagiging masaya ako. Iba yung feeling pag kausap ko si Gillboard. Para ko na syang kuya, hindi tito pala kasi medyo malayo nga agwat ng age namin. PEACE!
Isang araw, sabi nya may bf daw sya. Sabi ko ok. Sabi nya magagalit daw ba ako. Sabi ko hindi bakit naman. Sabi nya ok. Sabi ko ok...
Pero hindi ok. Pero wala rin naman sa lugar kung magalit ako. Steady lang. Freudian yung feeling ko non kasi huhugutin mo sa sub-conscious yung tinge of envy kahit alam mong illogical na gawin yon. Kaya hinayaan ko na. Friends lang naman kami.
Tapos tumakbo yung mga araw at parang walang nag-iba sa closeness namin. Minsan iniisip ko kung may bf ba talaga sya o ginu-good-time lang nya ako. Usually kasi ganto yung usapan:
9:00 am, kagagaling lang ni Gillboard sa trabaho...
Ako: Oh, ano ginawa nyo ngayon?
Sya: Ayun, nagbreakfast lang sa Jollibee then umuwi na.
Ako: Ah, ano pa?
Sya: Wala na.
Pagkatapos non e magkukwento na ko sa mga nangyari sakin sa inuman, sa gimik, sa school, etc. Basta kahit anong maikuwento, ikukwento ko kasi ayokong ma-bore sya.
December, 2009 (Second Week)
Pag kausap ko siya, masaya ako. Pag kasama ko yung gf ko, nabwibwisit ako. Siguro kasi di na rin kami ok nung gf ko. Parang iniintay nalang namin ang confession of sentiments para matuldukan na rin yung ilang buwan na lokohan at tiisan.
Start ng December non nung sinabi niya na break na sila ng bf nya. Hindi ko maintindihan yung pakiramdam ko non habang binabalita nya sakin yung nangyari.
Palyado ako sa Semiotics nung first sem kaya di ko masyadong naintindihan yung message na gustong sabihin ni Gillboard. Nag-break kayo, o tapos? Dapat ba akong matuwa? Matakot? Mainis? Maasar?
Don ko lang napagtantong mas lumalim na nga ang mga pangyayari. Di man nya aminin, alam kong ako ang dahilan ng break-up nila. Ako naman, hindi malaman kung anong emosyon ang akmang hugutin para ibato pabalik sa kanya. Logical na matuwa, kasi alam mong mahal ka na nya, pero may gf ako, at lalaki siya, gaya ko.
Identity crisis yung problema ko. Kasi alam ko kung ano yung tama. Yung tama e yung magmahal ng taong kaiba sa kasarian mo. Kasi ayun yung natural. Yung natural e yung sunurin mo ang iniukit sa sistema mo. At sa pagsunod sa kanaturalan ng pagkatao mo e naitatama mo ang sarili mo.
Naniniwala akong lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ng tao e gawa ng mga desisyong pinili nya. At sa pagkakaalam ko, hindi naiiba ang isyu ng sekswalidad don. Kung bakla ka, ayun ay dahil pinili mong maging bakla.
Pero ayokong maging bakla kahit alam kong bakla ako. Kasi alam kong ayun ang tama.
Kaya nung gabing yon nung December, masakit man para sa aming dalawa, pinili kong iwanan sya. Kahit alam kong masakit; at kahit alam kong mahal ko na sya.
January to March, 2010
Sinimulan ko yung taon nang may bagong perspective sa buhay. Masyadong ginusot ni Gillboard yung mga huling buwan ng 2009, kaya ngayon taon, sabi ko sa sarili ko e mag-aayos na ko.
Pero surpresang di naayos ang lahat. Nag-break kami nang tuluyan ng girlfriend ko. At shit, namimiss ko siya! Iba na kasi yung pakiramdam na wala sya. Parang hindi na ako kumpleto.
Kaya nong March bumalik ako bilang isang kaibigan. Kung tatanungin nyo kung binalak kong ma-in-love muli sa kanya, hindi. Simple ang dahilan ko: ayoko na syang saktan.
Ngunit parang di ganon yung nangyari. Na-in-love ako ulit sa kanya. Tanda ko non, kapag nasa smoket ako o nasa korean restaurant at kasama ko ang mga kabarkada ko, bigla ko silang iiwanan para lang makapag-usap kami. Ganon siya ka-espesyal sakin. Masakit kasi di ko yon kayang sabihin sa kanya.
May, 2010 (Third Week)
Matapos ang ilang buwang puno ng usapan, nahanap ko muli ang sarili ko sa parehong dilemma nung isang taon. Pero dahil nga ayoko nang saktan si Gillboard, di ko na binalak pang aminin sa kanya kung gano ko na sya kamahal.
Pero parang mas nasaktan ko pa sya nung mga sumunod na pangyayari. Tuesday ata yun nung naisipan kong uminom kasama yung mga kaibigan ko. Kahit alam kong may final reporting kami sa Philosophy class the next day, e pinili ko pa ring magpakalasing kasi nagpapa-impress ako sa babaeng kasama namin.
May nangyari samin nung babae at napaka-estupidong sa kanya ko unang nakwento ang lahat. Pagkatapos non nag-send sya ng message na nakapagpabago ng pananaw ko sa kanya at sa sarili ko...
Sabi ni Gillboard e tinanong daw sya ng kaibigan nya kung worth daw ba lahat ng pinagdadaanan nya sa akin, sabi nya oo. Apparently, hindi naging worth it ang lahat dahil niloko ko sya.
Dahil nakasanayan ko nang tumakbo matapos makagawa ng gulo, sinabi ko sa kanya isang araw na handa na kong lumayo. Nakakagulat lang na parang alam na rin niya na don magtatapos ang lahat: ako tatakbo at sya madidismaya.
Sabado non nung hindi ako makatiis at tinext ko sya. Ilang araw na rin ang lumipas matapos akong magpaalam sa kanya. Sa mga pagkakataong iyon, wala akong ibang gusto kundi plantsahin ko na lahat ng pagkakamali ko sa kanya. Para at least kung mag-bye-bye na kami e di na sya ganon kaasar sakin.
May 24, 2010
Matapos ang ilang oras ng iyakan at ilang futile attempts para magpaalam, pinili kong manatili sa buhay nya. At tuluyang naging kami.
Noong gabing yon, nalaman kong nakabase ang kaligayahan ng tao sa kung pano nya tatanggapin ang kanyang sarili. At wala nang mas tatama pa sa pagkilos nang naaayon sa pagkatao mo. Sabi nga ni Aquinas: ‘Agere sequitur esse’ o ‘action follows being’.
Pagdating sa pag-ibig, mas importanteng tanggap nyo muna ang sarili nyo bago kayo magmahal. Dahil sa puntong yon nyo lamang nalalaman kung ano ang kaya nyong maibigay para sa kapareha. Kaya nga lagi kong sinasabi kay Gillboard, ang favourite kong quote about love e yung ginagamit sa Philo, kasi yun yung pinakatotoo: “Love is the recognition of otherness”.
Alam kong tama ang desisyon kong mahalin siya dahil pinagbubuti ako ng relasyon namin. Siguro nga dapat ko pa syang pasalamatan dahil mas lalo akong naging mature. At lagi kong sinasabi sa kanyang kasama na sya sa malalaking plano ko sa buhay, at di na magbabago yon.
Kaya naman gusto kong tapusin tong entry na to sa pagsabing siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Natutuwa akong maraming nagmamahal sa taong pinakamamahal ko.
Ayun na. Tapos na. Inuman na!
**********
Kaya mahal ko yung nagsulat niyan. Hay.
Nov 24, 2010
BY THE NUMBERS 3
Nov 22, 2010
ANG AKING KABATAAN
Pero looking back, marami rin akong ipinagpapasalamat na matanda na ako. Ganito kasi yun, isa akong batang jologs noon. Batang kalye. Basang sisiw pag tag-ulan. Pwedeng bata sa commercial ng Tide kapag may field trip. At hari ng kakengkoyan. In short abnormal na bata.
- Hindi ako marunong magsuklay.... hanggang high school.
- Tuwing may lakad outside school, isa lang ang get-up ko... Lolo polo tsaka faded maong.
- Namumulot ako ng upos ng yosi tapos titikman.
- Mahilig ako mamulot ng echas ng aso para ipatikim sa mga kalaro.
- Boses babae ako pag kumakanta... pagnagduduet kami pinsan ko, ako daw si Princess Jasmin, tapos si Aladdin yung ate ko!!!
- Hangga't di nasisira yung sapatos ko, hindi ako mabibilhan ng bago.
- Sobrang salbahe ko noong bata ako... lalo na sa mga kuting...
- Palagi akong una sa pila ng mga pelikulang gaya ng Haba Baba Doo, Puti Puti Pooh, Tong Tatlong Tatay kong Pakitong Kitong, Petrang Kabayo, Roller Boys, at kung ano pang jologs na pelikula noong 90s.
- Memorize ko ang lahat ng version ng Ikaw Pa Rin (Sai gono iwaki, my one and only...)
- Dumaan ako sa stage na isang linggong bahag ng igorot lang ang suot ko, wala nang iba.
- Kamukha ko si Einstein sa grad pic ko noong Grade 6.
- Nag-aaral ako ng Math!!!
- Dahil tatanga-tanga, laging sinasalo ng mukha ko ang kamao, goma, at bala ng airsoft ng mga kalaro ko.
- Lahat ng t-shirt na panlakad ko, hanggang tuhod ang haba. Panlakad ko yung mula Grade 5 hanggang 3rd year high school.
- Isa akong malaking sinungaling NOONG bata pa ako.
- Mahilig ako sumama magcaroling sa mga batang 4-6 years old kahit 10 na ako, para ako lagi may pinakamalaking hati ng napagcarolingan.
- Ipinapangako ako ng nanay ko sa mga anak na babae ng mga amiga niya, na yung iba, sana ngayon ay tinotohanan nila!!!
Meron talagang mga bagay na ayaw ko nang balikan, kahit kailan!!!
***********
Reposting because my mind's on complete shutdown.
Nov 18, 2010
SPOILER FREE: HARRY POTTER AND THE DEATHLY HOLLOWS PART 1
This is easily one of my favourite films of the year. Man, I don’t know how I’m going to do my best of 2010.
Yeah, I’m one of those Potter fanatics who lined up on the first day of showing of the film. I think I did that since Harry Potter and The Chamber of Secrets.
I could tell you this, the film is not complete. But it is faithful to the book, that’s why I’m satisfied with the outcome.
Is this the best of the series? I’d still say Alfonso Cuaron’s Prisoner of Azkaban is still the best, but it is the next on my film.
Harry Potter and the Deathly Hollows Part 1 follows Harry Potter, Ron Weasley and Hermione Granger on their quest to find and destroy Lord Voldemort’s horcruxes (pieces of his soul).
From start to finish, this film has been packed with action, drama, comedy and scares, you will walk out of the cinema not knowing where to start when you talk about it with your friends.
If there’s anything that’s disappointing about this film, is that it ended. I wouldn’t mind if the whole film is 5 hours long, I wanted to see it in one sitting!!!
This is just a short post. I think I’ll add some more after I see it for the second time.
Nov 16, 2010
QUICK HITS X: LOW-PROFILE BLOGGERS
Gone were the days when sex was the main hook of writers. Heck, even Soltero’s starting to become sentimental.
But the new ones these days, I’m just wowed by how talented some of the new writers have become. I get nosebleed every time I open the blog of one of the new people I follow. The last time I’ve read so many awesome online journals was when this blog was still new.
Sex still sells though. There’s this one blog I keep on following, not because of his posts but because he’s just hot. He doesn’t do sex posts, which is great, and he’s low profile. I like low profile bloggers.
****************
Speaking of low profile bloggers or bloggers in general, I wonder if all of them open up blogs to become famous.
A lot may disagree, but I think people nowadays do this to get noticed, to become popular. There are even bloggers who put up a blog so they’d be able to meet other bloggers too.
I’m not going to lie but there was a time when I wanted to become a celebrity through my blog. That’s a long shot, still is, but there are days when I hope to achieve that. I’m pretty sure a lot of people share the same sentiment. I mean if that’s not an intention, you could always keep the blog private. Or better yet, just stay writing on journals or notebooks.
There’s absolutely nothing wrong with wanting to become a celebrity or famous using blogs as a medium. It is a growing trend which shows no signs of declining soon.
I shouldn’t really be worrying or thinking about this too much. Everyone’s got a reason for writing, and it’s their home. I shouldn’t be concerned too much.
I shouldn't be concerned at all.
Nov 13, 2010
LIMANG TAON
Kaya siguro nakatagal ako ng limang taon dito. Dahil masarap maging blogger.
Masarap na merong nakakarelate sa mga sinasabi mo. Masarap dahil marami kang nagiging kaibigan. Masarap dahil nailalabas mo ang iyong sama ng loob. Masarap dahil gumagaan ang iyong pakiramdam. At masarap dahil gusto mo ang ginagawa mo.
**********
Marami akong dapat pasalamatan ngayong nakaabot na sa limang taon ang Gillboard, so dapat ditto ako magsimula:
Unang-una, salamat sa Panginoon sa pagbibigay sakin ng kaunting talento sa pagsusulat. Walang blog kung walang talento.
Sa blog world, maraming salamat sa mga kaibigang nakilala dito. Si Kuya Jon, na simula nang mag-umpisa akong magsulat ay ka-exlink ko na. Sina Gasul, Chingoy at Jepoy na nanlibre na. Si Mark na aking church buddy tuwing Huwebes. Si Domjullian na aking kakuwentuhan sa buhay-buhay. Si Scud na sinuyod pa ang Quiapo bilhin mahanap lang yung nirequest kong pelikula. Sina Bob at Coldie na mga paborito kong kachat sa kani-kanilang mga blogs.
Maraming salamat din sa mga pinakamatagal ko nang mga tagasubaybay. Sa mga di nagsasawang bumisita dito, kahit minsan walang kwenta mga pinagsusulat ko. Sina Moks, ang bagong daddy na si Kosa, Maldito, si Chyng, si Doc Ced (na manlilibre ng doctor's fee pag nagkasakit ako) Raft3r (na lahat ng post ko ay may comment, nagbabackread), Joms, Klet Makulet, Ahmer, Dong Ho (na kinaiinggitan ko), si Efbee (na idol kong humor blogger), si Anton (na laging nangangaral sakin), Gincie/SSF at Jayvie (na mga bagong kaibigan naming ni kasintahan… ayan Kikilabotz, nakalink na si SSF as requested) at sa lahat ng napadpad, sumunod at nag-iwan ng marka sa tahanan ko.
Maraming salamat din sa lampas dalawang daan na followers ni Gillboard. Ayokong nagbibilang, pero di nawawala ang ngiti sa aking mukha tuwing nakikita kong nadadagdagan ng isa ang sumusunod sa akin. Kahit minsan di naman talaga sila nagbabasa ng blog ko.
Syempre, maraming salamat din sa mga nagbibigay sa aking blog ng traffic. Di man sila nagbabasa, pero dahil sikat sila, ay nahahawa ang blog ko sa kasikatan nila. Sina Soltero, Baklang Maton in the Suburbs, Tristantales, Salbehe, Ardyey (ng Ardyeytology), ang salitang jack0l sa google, at sa lahat ng bloggers na naglink sa aking tahanan.
Sigurado ako, marami pa akong nakalimutan. Wag kayong magtampo. Ieedit ko pa din to pag naalala ko kayo. I'm showing early signs of alzheimer's.
Gaya ng sinabi ko kanina, minsan mahirap magblog. Lalo na sa kalagayan ko. Matagal kong itinago kung sino ako, pero nung nalaman ninyo yung totoo, at tinanggap pa rin ako, ang sarap ng feeling. Pag nakikita mong may mga nagbabasa pa rin sa mga nilalathala mo, alam mong sulit lahat ng pinaghirapan mo.
**********
Para naman sa aking munting pakulo. Ito ang mga nagwagi sa aking pacontest. Baka sa December na natin gagawin ang ating munting meet-up para maclaim ninyo ang premyo kasi puno na ang weekend ng Nobyembre ko. Iemail niyo na lang ako ng contact details ninyo para makapagschedule tayo.
Drumroll please…
Power Balance Bracelet: Boris
Starbucks Tumbler: Chyng
Book: Aajao
Free Lunch: Anj/Klet Makulet and Raft3r
Lahat ng winners kasama sa free lunch or dinner depende sa mapag-usapan. Isang date lang sana ito para isang gastos lang, kasi budgeted. Magsuggest kayo ng masarap na kainan sa may Makati or Ortigas area para dun na lang tayo. At weekend sana ito, dahil weekend lang ako pwede. Ubos na ang leave ko for the year.
Happy 5 years of blogging sa akin!!!
Next year, pag nagsawa ako, baka yung Xbox ko ang iparaffle ko.
Nov 11, 2010
COUCH POTATO: THE WALKING DEAD
Nov 9, 2010
ANTUKIN
Hindi ko alam pero antukin ako these days. Pag inaantok ako, minsan wala na akong pakialam kung may kausap ako o wala. Ganito ata talaga. Puyat kasi ako tuwing may pasok kaya bumabawi lang ang katawan ko.
Pero minsan apektado si Kasintahan sa pagiging antukin ko. Kung anu-ano kasi ang nasasabi ko tuwing nag-uusap kami at natataong naglalaro na ang diwa ko sa lalaland.
Gaya nito…
Kasintahan: Hon, sino nga yung kontrabida dun sa Betty La Fea?
Ako: Si Marcella.
K: Sino nga si Marcella?
A: Si Stella Yulo (HR Manager sa kumpanya namin).
K: Sino si Stella Yulo?
A: Yung kasabayan ni Hopia.
K: Huh, sino si Hopia?
A: Yung sa Going Bulilit.
K: Hon, parang di naman ata magka-age si Hopia tsaka si Stella Yulo.
A: (naalimpungatan)
Meron pa isang beses nag-uusap kami ng kung anu-ano lang nang bigla akong sumingit ng…
A: Hon, teka lang ha mag-iigib lang ako ng tubig.
At nung Biyernes, naasar na ata si Kasintahan sa mga hirit ko kasi habang nag-uusap kami..
K: blah blah blah (wala na talaga akong alam kung ano ang pinag-uusapan namin)
A: Teka lang hon, three minutes, magsusulat lang ako ng short story (hilik)
K: (natulog na lang din)
Eto pa pala yung isa, last Friday lahat yan.
K: Hon, bakit hindi pa kinakasal sina Morris and Maybe (mga barkada ko)
A: Kasi magpapalit pa sila ng pangalan.
A: Syempre kasi natatakot sila.
Thirteen minutes. Not bad. Not bad at all.
Nov 7, 2010
PAG UBOS NA ANG PERA
Dahil nga wala akong pera, hindi na ako nakakabili ng pagkain sa labas sa tuwing mapagdesisyunan ng mga magulang ko na kamote lang ang kakainin nila sa bahay. Wala naman akong pera para umorder ng pagkain sa labas. Madalas ngayon, pag-uwi ko, imbis na Jollibee ang dinadaanan ko para bumili ng isang order ng burger o kaya Jolly Hotdog, yung tindahan ni Aling Ebang ang dinadaanan ko para bumili ng dalawang stick ng banana-que. Tapos pag tiyempong hindi pa sila nakakapagluto pag daan ko, natutulog na lang akong gutom. O diba, 5 pounds gone agad... Hahaha
PANGALAWA: FAMILY BONDING
At dahil wala akong panggastos para makagimik tuwing Biyernes o Sabado, tambay lang ako sa bahay. At dahil nakatambay lang ako sa bahay, syempre wala nang ibang pwedeng gawin kundi makipagbonding sa mga kasama ko doon. Si nanay at tatay. Kinuwento nila na tinanggap na ulit ng kapitbahay namin yung foreman na pinalayas nila. At saka yung nanay ng kababayan ng tatay ko eh pumanaw na rin. Hindi nga lang ako naambunan ng biyaya ng nanay ko, nung nanalo siya sa casino noong isang araw kasi pambayad daw ng utang yun.
PANGATLO: YOU GET SMARTER
Ulit, dahil nakakulong ka lang sa bahay kapag wala akong trabaho, madalas sa harap ng internet lang ako nakaharap. At minsan, dahil nakakasawa nang basahin lahat ng balita tungkol sa comics dahil wala namang bago, at madalas natapos ko nang basahin lahat ng blogs sa listahan ko, minsan napapadpad ako sa BBC news. Lumalawak kahit papaano ang nalalaman ko. Nakakakita ng mga site kung saan matatagpuan ang mga gadget na aking pag-iipunan. At may mga nabibisita rin akong mas maraming site kung saan nagpapakita sila ng mga educational videos ng human anatomy. At kung hindi ako naghahanap ng porn este magagandang website, eh nakakapagbasa ako ng libro.
PANG-APAT: SAVE MORE
Dahil nga nagtitipid ka, mas natututo akong magbudget ng pera ko ngayon. Biruin niyo, nakaya kong mapagkasya ang natitira kong pera sa loob ng halos isang buwan. Partida, bumibili pa ako ng comics niyan. Nakakahanap ako ng mga kainan na masarap kahit di kasingmahal. Narerealize ko ang mga bagay na hindi ko naman kailangan, at nababawasan ang buwanang pinagkakagastusan. Marahil hindi ako nakakasama sa gimikan ng aking mga kaibigan, pero mabuti na ngayong mas nalalaman ko kung paano magprioritize pagdating sa pera. Di man nadagdagan ngayong buwan ang emergency fund ko, di ko naman ito nagalaw.
PANGLIMA: LONG TRAVEL APPRECIATION
Dahil wala akong pantaxi sa gabi, bus lang ang sinasakyan ko. Nakakatipid ka na nga, maaappreciate mo naman ang mahabang biyahe. Lalo na kung type mo ang iyong katabi. Mas napapansin mo ang maniningning na ilaw ng Buendia at ng Roxas Boulevard. Minsan pa nga, mapapanuod mo yung mga pelikulang di mo pa nakikita. Bawal na ata ngayon ang mga pirated na pelikula sa bus, pero nakakaaliw lang, kasi kahapon napanuod ko yung The Hills Have Eyes 2. Astig yun, kahit walang kwenta yung storya. Napakagory. Pero di yun yung point, ang point eh masaya rin pala ang magcommute papasok.
Nov 4, 2010
BLAST FROM THE PAST
Enjoy.
*********************
Di ako sigurado kung alam ninyong lahat, pero hindi ko talaga nagustuhan ang hayskul life ko. Noong college talaga ako sobrang nag-enjoy. Pero sa aking pagbabalik-tanaw, naisip ko na mas gusto ko pa ang elementary days ko kesa nung high school ako. Alam ko mas maraming nangyari sa apat na taon ko dun, kesa sa anim na taon sa elementarya, pero para sakin mas masaya ang aking kabataan.
Yung panahon na totoy na totoy pa ako at lahat ng mga kasama ko. Walang inggitan. Puros laro lang inaatupag. Hindi ako stressed. Hindi ako pulubi. Namimiss ko yun, lalo na ngayon pang nagsisimula na akong tambakan ng trabaho.
Nanggaling ako sa all-boys school buong buhay ko, at masaya don. Enjoy, at maagang natuto ng kalokohan. Kaya ngayon, bilang tribute (at dahil wala akong maisip na maaaring isulat na may kabuluhang post) eh ilalathala ko lahat ng highlights na maaalala ko noong grade school ako.
GRADE 1
Unang taon kong mag-aral sa isang malaking paaralang katoliko. Naaalala kong pinaiyak ako ng aming guro dahil nung school fair eh hindi ako sumama na ihatid ang tatay ko sa airport. Nagstay lang ako sa school at hindi bumaba sa Ferris Wheel. Nagsayaw kami noon ng ati-atihan, at doon ako natutong maglaro ng teks, sipa, yung mga trading cards ng mga kotse, eroplano, tangke at racing cars.
GRADE 2
Ito ang taon na una akong sobrang nahumaling sa babaeng matanda pa sa akin. Ang guro kong si Ms. Marianne. Eto rin ang taon na sobrang dumami ang Marvel cards ko sa teks, tipong limang dangkal. Tapos sinunog lang ng nanay ko kasi ang grade ko sa periodical test ko sa Math ay 8/70. Ito rin ang taon na una kong narinig ang salitang jakol. Siyempre, iba ang pagkakaintindi namin dito. Ganito pa ang gamit namin dun... "Ah, si Jeffrey mukhang jakol!!!" Tapos eto rin yung panahon na tuwing lunch, nagtatago kami sa barkada nina Gio Alvarez (na model pa lang ng Safeguard noon), Grade 6 sila, kami Grade 2, tapos pag nahabol nila kami, nilalagay kami sa loob ng basurahan.
GRADE 3
Dito ako unang natuto magbasa ng comics. Yung una kong nakuha eh XMen 3. First appearance ata yun ni Omega Red. Dinala ko lang sa klase isang araw, pagdating ng lunch, nawala na. Ninakaw ng isa kong kaklase (feeling ko si Rogelio yun). Naging best friend ko si Mikko, kasi napansin naming madalas kaming magkasunod sa class number, di namin alam kung bakit (alphabetical order O ako P siya). Nagtataka na lang kami, sa loob ng 3 taon eh tuwing first quarter, kami palagi ang magkatabi. Naban ang eskwelahan namin sa isang museo sa Maynila dahil ang kaklase kong si Reimann eh umebak sa loob, at nagiwan ng dilaw na trail sa pula nitong karpet. Naging kalove team ko ang kaschoolbus kong si Mimi... pero mas gusto ko yung kapatid niyang si Peanut. Walang nangyari, kasi simula nang tuksuhin kami sa isa't-isa, lumipat siya ng ibang schoolbus.
GRADE 4
Unang taon na ako'y naging isang teacher's pet. Dito ko narealize, na magaling pala ako magbasa ng ingles. At dito rin nagsimulang lumalim ang galit ko sa Math. Muntik nakong bumagsak kung di lang ako natuto magbasa ng oras (ang basa ko pag ang maliit na kamay ng orasan ay nasa 3 at ang mahaba ay nasa 9 ay 3:9). Sensya naman at digital watch lang ang kaya ko basahin noon. Paglunch, sina Moses, Shierwin at ako ay madalas maglaro ng drain (imbento naming laro na habulan tapos pag nahuli mo yung hinahabol mo, eh pipisilin mo ang bayag, leeg o braso nito)... bading na ngayon si Shierwin. Kras ko noon ang ka schoolbus kong si Gracielle. Ako ang nabunot niya sa monito monita, at niregaluhan niya ako ng planner. Nakalagay dun ang number niya, pero di ko kayang tawagan. Shy type ako eh. 2 years later, nalaman kong, tibo na siya ngayon.
GRADE 5
Nagsisimula nang lumabas ang pagiging rebelde ng klase namin. Si John Michael na kaklase kong pilosopo eh madalas makipagdebate sa guro naming si Mrs. Andrade, para lang sirain ang araw nito. Ang subject namin sa kanya ay Math. Si Moses ay nagsisimula na ring bumuo ng sarili niyang kulto. Inimbento namin ang iba't ibang lebel ng satanismo... tiyanak ang pinakamababang lebel, at Mephisto, Supreme Lord of the Underworld ang pinakamataas na lebel. Dalawa lang kami sa kulto, at dahil siya nag-imbento noon, tiyanak lang ako.
GRADE 6
Hmmm... Naging over-all officer ako ng BSP (Boy Scout of the Philippines), sa paaralan namin. Dahil huli akong dumating at wala ng team na paglalagyan sakin. Galing noh?! Nakarating ako ng Baguio dahil dun. Si Moses, napili ng team nila para isali sa Mr. & Ms. Scout dun sa Baguio. Pero, dahil may pagkasosyal yung tao (at wala masyadong talent), eh inindian lahat ng competition sa pageant. Dito rin nag-umpisang magkalamat ang pagkakaibigan namin ni Mikko. Nag-away kami dahil matagal na niyang kras si Claudine, at sinabihan kong wala siyang pag-asang maging gelpren ito. Nagalit ang loko... kadalasan, pag may nagkamali sa amin, nagsosorry kami sa isa't-isa. Pero yung away na yun, wala. Mataas pride namin pareho... Tapos ito din yung taon na nanlibre ako nung birthday ko. Sumama lahat ng kaibigan kong matalik (7 sila) at saka si Ricardo, na walang maski isa samin ay kaclose niya. Di ko nga alam kung pano napasama yun, sa Parañaque ako nanlibre, sa Cavite siya nakatira.
Hay, grade school life. Namiss kita ng sobra!!!
Nov 1, 2010
QUICKIES ULIT
Nanay: Ay, eto nga pala ang anak ko si Gillboard.
Bisita: Bakit, andito ka pa? (tanong sa akin)
Ako: (Tahimik lang)
Bisita: Bakit hindi ka pa nag-aasawa? Ilang taon ka na ba?
Ako: (ngiti lang, sa loob loob ko gusto kong sabunutan si ate. Feeling close ang potah!!!)
**************
Noong weekend, nagpagawa ako kay kasintahan ng isang sulat para sakin na ipopost ko sana dito o sa isang bahay ko.
Naghahanap ako ng something sweet. Tipong kwento ng lablayp namin pero sa kanyang point of view.
Kaninang umaga, nagtext siya. Tapos na daw. Kaya lang, umamin siya. Iba yung naisulat niya. Philosophical side ng pagiging isang tao. Natural Law. Mga bagay na ni minsan ay hindi ko naiintindihan.
Kasintahan: Blah blah blah… existentialism… blah blah blah… natural law… blah blah blah… the point of being human…blah blah blah…
Ako: Hon, nasaan ako sa sinulat mo?
Kasintahan: Ay oo, ilalagay ko sa dulo. Isusulat ko dun, ikaw ang inspiration ng essay ko.
Ako: Ang nasa isip ko kasi sana yung tungkol sa love story natin isusulat mo.
Kasintahan: Ganun nga dapat, kaya lang nung nasimulan ko, nagtuluy-tuloy na eh. Ilalagay naman kita sa dulo eh.
Ako: Ermmm. Okay. I love you?
Ang sweet niya no?
**************
Noong isang araw…
Nanay: Anak, halika nga dito at tandaan mo ang sinulat ni Kuya ano mo. Di ko kasi maintindihan.
Ako: Ano yan? Tungkol saan?
Nanay: Sa Skype.
Ako: Ha? Wala nga akong Skype!
Nanay: Hindi. Ako meron na. Dinownload kagabi. Hindi ko lang alam kung paano tumawag.
Ako: Tambling!!!
Mas techie na ang nanay ko sa akin. Feeling ko, mauuna pa siya sakin matuto magphotoshop.