Mga Sumasampalataya

Oct 11, 2010

CHIZ WHIZ

Habang nagbabasa ng maaaring isulat sa blog ko, napadpad ako sa isang lumang lathala. Naisulat ko ito noong nakaraang taon, dala ng di pagkakaroon ng tulog. Natural pala talaga ang pagkakeso ko.

Tutal medyo nasa mood naman ako na magpakacheesy ngayon, magrerepost na lang ulit ako. Dagdagan ko na rin ng mga natutunan ko ngayon habang kapiling si kasintahan.

Pasensya na sa titulo, di ko na maalala kung ano spelling ng Chiz Whiz (di ko sigurado kung Cheez Whiz o Chiz Whiz).
  • Pag nagmamahal ka hindi ka tatamarin magtrabaho. Instead, mas lalo kang magsisipag kasi nagpaplano ka na para sa kinabukasan niyo.
  • Hindi kailangan na alam mo kung ano ginagawa niya sa kasalukuyan, kung kumain na siya o nasaan siya ngayon. Ang importante, malaman mo kung naging maganda ba ang araw niya. At kung hindi, eh ano ang magagawa mo para mapagaan ito.
  • Tanggap mo na pango ang ilong niya, pike ang mga paa, mataba, kulot, bungi at wala kang hihilingin na baguhin sa kanya. Kasi hindi naman sa pisikal mo siya nagustuhan kundi sa maganda niyang kalooban.
  • Pag may darating na pagsubok, hindi mo iisipin na bumigay kaagad. Siya ay lalo mo pang sasamahan at dadamayan. Hindi magbabago pagtingin mo sa kanya, bagkus pagkatapos ng lahat, lalo pa kayong magiging malapit sa isa't-isa.
  • Kahit wala sa sistema mo ang mga hilig niya, aalamin mo, kasi alam mong iyon ang gusto niya. At mapapaligaya mo siya kapag magkasama kayong gagawin yung mga hilig niya.
  • Alam mong hindi ka marunong magsayaw, pero pag magkasama kayo, makakapagsayaw ka, kahit walang musika kasi kasama mo siya.
  • Kahit di kayo nag-uusap, basta magkahawak lang kayo ng kamay, kumpleto na ang araw mo, at sa gabi pipikit ka ng may ngiti sa'yong mukha.
  • Totoo nga na minsan maiinis ka sa'yong kasintahan. Mag-aaway kayo. Magsasagutan. Pero pag tapos na ang lahat, wala talagang tatalo pag kayo'y ulit na naglalambingan.

***********

Paalala nga pala, sa mga hindi pa sumasali, meron akong mini-paraffle. Click niyo lang ito, kung gusto ninyong sumali.

24 comments:

Boris said...

It's the power of love. everything is possible :)

Yffar said...

sapul sa first bullet. (sniffle) kaya siguro ako tinatamad at di mapakali kakalipat ng trabaho simula noong...shit...di ko na itutuloy.... naiiyak na naman ako.

haha... tamang-drama lang. kelangan humanap ng bagong inspirasyon! XD

nakakamiss narin ang pumikit sa pagtulog ng may ngiti sa muka.

salamat sa pagpapaalala nito. XD

Chyng said...

wala nakong masabi, ikaw na ang inlove! ♥

btw, ano ba gilbert kelan pa nagkaron ng penguin ba sa pinas?! 0_o hehe

thegreatmaldito.com said...

oo ikaw na ang inlove...hmmp!


ahahahaha

ang panget ng word verification ko...

VAGIT..

shit.ahahhah

Mokong™ said...

Don Romantiko... Kaw na, ikaw na... oo ikaw na...hehe

Photo Cache said...

alam mo di ko rin alam ang spelling noon - basta masarap lang syang palaman sa pandesal.

since romantiko ka - cguro nakabili ka na ng panregalo sa loved one mo ano?

Axl G. said...

yun oh.. ika nga nila love its like a magic..... :D so keso....

Chingoy said...

Kahit di kayo nag-uusap, basta magkahawak lang kayo ng kamay,


how morantic! haaay :)

jayvie said...

aha aha! hmmm. masunod nga ang mga tips na ito...sapul eh. sapul na sapul!!!

rico de buco said...

kung sinabihan kang don romantiko ng iba tatawagin kitang Mister suwabe hehehe...

sapol na sapol ang mga list mo..nggwa mo tlg lhat yan pag inlababo ka

pusang kalye said...

when in love, we are in cloud 9---once we setlle, that';s when reality bites. But I am still a great believer of true love and soul mates. you are lucky if you find one.

sunnsytarfish said...

Kahit di kayo nag-uusap, basta magkahawak lang kayo ng kamay, kumpleto na ang araw mo, at sa gabi pipikit ka ng may ngiti sa'yong mukha.

-ay super like ko yan!!! isang malaking haaaaaaay na lang ako hihi

Spiral Prince said...

ang chizi, pero totoo :3

an_indecent_mind said...

"teka teka, bakit parang iisa ang tema ng mga post natin. medyo maemo. ano meron?" --GILLBOARD

comment mo sa latest post ko, ibinabalik ko lang ho para sa post mo na to! hahahaha!

kikilabotz said...

naku naman. naisip ko nung una bkit chiz whiz. hahahahaha.. ikaw na. mukang lumalalim na ang pagkainlove mo ah?

shenanigans said...

sarap ma inlove noh?! hihi

ced said...

iba talaga pag inlababo GB! haha

makeso! :P

wanderingcommuter said...

love is blind nga talaga! nyahahaha!

Pamela said...

kelan nga kaya ako makaka-relate sa mga kakesohan na yan? hahaha. :)

akala ko kanina politically related yung post. yun pala eh yung literal na kakesohan. hahahaha.

:D

dong ho said...

Kahit di kayo nag-uusap, basta magkahawak lang kayo ng kamay, kumpleto na ang araw mo, at sa gabi pipikit ka ng may ngiti sa'yong mukha.>>> yon yun. hahaha

prinsesamusang said...

asus ang tamis! at bigla din akong napaisip sa spelling ng cheese whiz haha ano nga ba?

bulakbolero.sg said...

nice1. tunay lahat ng sinabi mo mr. chiz whiz. lol

caloy said...

hindi rin sa ganun yun. asan na yung libreng lunch ko?

Raft3r said...

yes, nakaka-relate ako
kunwari
nyahaha