Mga Sumasampalataya

Apr 22, 2009

UMAAPAW SA KA BOB ONG -AN

"Hindi na niya kailangan sabihin mahal niya ako, okay lang kasi nararamdaman ko naman yun sa tuwing tumitingin siya sa akin."

Ang keso no? Pero bago kayo mag-isip ng kung ano pa man... hindi po ako inlove... wala akong inspiration ngayon. Natanggap ko lang na nasa sistema ko na talaga na may pagkakeso talaga ang pagkatao ko. Wala naman masama, sabi nga ni Ate Utakmunggo, mas gusto ng mga babae ang mga taong keso sa mga taong emo.

Wala nanaman akong tulog. Dala lang lahat ito ng pagiging insomniac ko. Pero ayus na rin yun, at least kahit papaano eh bumabalik ang mojo ko sa pagsusulat.

Anyway, balik sa topic. Hindi naman, dahil sa nag-eenjoy ako sa pagiging single ko, eh ayaw ko na maging kalahati ng 2 pusong nagmamahalan. Time will come na iibig din ako, at may magmamahal din sa akin, might as well start na ipakita kung paano ako magmahal diba.

Again... sisihin ninyo ang pagiging insomniac ko.
  • Pag nagmamahal ka hindi ka tatamarin magtrabaho. Instead, mas lalo kang magsisipag kasi nagpaplano ka na para sa kinabukasan niyo.
  • Hindi kailangan na alam mo kung ano ginagawa niya sa kasalukuyan, kung kumain na siya o nasaan siya ngayon. Ang importante, malaman mo kung naging maganda ba ang araw niya. At kung hindi, eh ano ang magagawa mo para mapagaan ito.
  • Tanggap mo na pango ang ilong niya, pike ang mga paa, mataba, kulot, bungi at wala kang hihilingin na baguhin sa kanya. Kasi hindi naman sa pisikal mo siya nagustuhan kundi sa maganda niyang kalooban.
  • Pag may darating na pagsubok, hindi mo iisipin na bumigay kaagad. Siya ay lalo mo pang sasamahan at dadamayan. Hindi magbabago pagtingin mo sa kanya, bagkus pagkatapos ng lahat, lalo pa kayong magiging malapit sa isa't-isa.
  • Kahit wala sa sistema mo ang mga hilig niya, aalamin mo, kasi alam mong iyon ang gusto niya. At mapapaligaya mo siya kapag magkasama kayong gagawin yung mga hilig niya.
  • Alam mong hindi ka marunong magsayaw, pero pag magkasama kayo, makakapagsayaw ka, kahit walang musika kasi kasama mo siya.
  • Kahit di kayo nag-uusap, basta magkahawak lang kayo ng kamay, kumpleto na ang araw mo, at sa gabi pipikit ka ng may ngiti sa'yong mukha.
Hopefully, tuluy-tuloy na 'tong pagkawala ng writer's block ko (parang ang galing-galing magsulat no?).

34 comments:

Kosa said...

may tunay na pag-ibig nga kaya?
yun ang napakalaking misteryo sa mundo... yung tipong kapag nawala yung mahal mo eh magpapakamatay ka..(tulad sa mga pelikula..lol)

pero yung mga binanggit mo parekoy eh parang napakairap i-sustain.. pwede siguro once inawhile pero kung palagi eh mababangenge ka... lalo na yung pangatlo....

Chyng said...

wow, mahusay Gilbert! at mas nagusuhan ko nga tong basahin kesa ang mga emo post!

@kosa, merong binigay na book ang siang blogger saken. "Para kay B" sa 5 iibig, 4 daw dun ay mabibigo. Binasa ko nga eh. hehe Patola!

gillboard said...

kosa: meron naman siguro... di ako dapat sumagot niyan.. at wala pa akong nahahanap na ganun... lolz

chyng: di ko pa yun nababasa.. pahiram!!!

escape said...

galing nga pagkasulat. imposibleng walang inspirasyon ito. hehehe...

dami tuloy maghahanap ng espesyal na kaibigan ang mga readers dito.

mas ok nga ang keso kaysa emo.

gillboard said...

DISCLAIMER:

Nakalimutan kong isulat sa post... hindi po ako nagfifeeling na kasinghusay ni Ginoong Ong sa pagsusulat. Nailagay ko lang yun, kasi medyo associated yung mga panulat niya sa mga kwentong keso... kaya yun yung naisip kong titulo. Alam ko sobrang dami ko pang kakaining gulay bago maihalintulad dun sa manunulat.

Anonymous said...

inlab ka nga! hahaha!

gillboard said...

the dong: yung inspirasyon ko... insomnia!!!

joshmarie: hindi ako inlab... in hate nga ako ngayon eh... hehehe

Badong said...

inspired maging in-love? hindi..in-love ka talaga. ang kulit. hehe

@chyng

nabasa ko rin yung 'para kay b'. nakaktuwa siya. dapat basahin din yun ng lahat.

EngrMoks said...

Pare... tama sila inlove ka nga...hindi nga lang sa tao..baka sa ibang bagay. hehe!

gillboard said...

badong: talagang mas kilala niyo pa talaga ako ha... hehehe... di ako in love!!!

mokong: hala... sa engkanto?! lolz!!!

EǝʞsuǝJ said...

in short...mas ok pa rin maging single..hehe...

Eben said...

may konek ba ito dun sa hinihintay mo na hindi naman dapat hintayin? hehehe.

A-Z-3-L said...

love knows no reason...

sabi nga diba pag nagkaron ka ng isang sagot sa tanong na "bakit mo sya mahal"... ang kakulangan sa sagot mo ang magiging dahilan naman kung bakit ayaw mo na syang mahalin...

kaya mabuti pang hindi mo alam ang reason bakit ka nagmamahal!

keso time na naman... tulog mo yan uy!

keep on writing... and inspiring...

gillboard said...

jen: korek!!! di naman tayo sounding bitter? hehehe

eben: joke lang yun... hahaha... sikreto...

azel: kung kaya ko lang itulog... gagawin ko!!! inaantok na ako!!!

len said...

love will always be the most compelling of all human emotions. :p

Iriz said...

Nice post Gillboard, napatunayan mong may magandang dulot din ang pagiging insomniac.

Totoo 'tong mga nasa listahan mo. Tama ka. Nakalimutan mo lang isaad ang pagkakaroon ng tigyawat sa ilong at ganun din ang pananatiling gising buong magdamag (yun ba yung tinatawag na insomniac?).Hehe.Huwag kang mag-alala naniniwala akong hindi ka inlove. Sabi mo e...


Nice post! Get enough sleep. ;)

Jinjiruks said...

err hindi mo naman kailangang magpa-impress sa iba when it comes to blogging basta kung ano ang nasa puso mo iyon ang isulat mo. ^^;

wahaha. tama na nga yang entry na yan. president na ako ng singles club sa chapter namin.

gillboard said...

len: amen.

iriz: salamat at may naniwala din... hahaha..

jin: wala lang.. la kasi ako maisip na isulat.. hehe

Anonymous said...

Talaga bang di ka in love???

HAng sweat naman..ahaha!
Ibang klase dala ng insomnia sa'yo ah.. Parang di halatang in hate ka! lolz

Ako may times feeling ko in love ako, pero di sa tao, sa kanta siguro o sa isang sitwasyon na nakita ko o nakapag inspire sa kin para magmukhang in love, nyahahaha!

Kung pupunta ka sa Summit malamang magkita tayo, sana makapag -invite ka ng ilang blogger na parehong nasa list natin na nandito.. Well, kung sigurado tayo.. wehehehe

Cheers Gill!

Allen Yuarata said...

wow inlab!

Admin said...

Nice naman Gill...

Hehe :) Sana naman ay hindi na mawala iyang nasa utak mo.

Hehe :)

enjoy said...

mushy but cool :)

ang sarap pakinggan yung mga ganitong usapin pag guys na ang nagsasalita. di kasi lahat ng lalaki eh expressive. ewan ko ba kung bakit parang may fear sila na i-express ang kanilang emosyon.

this is nice :)

MkSurf8 said...

gusto ko yung huli. :-) nag uusap sa katahimikan. tama ba communicate in silence?

Led said...

"Alam mong hindi ka marunong magsayaw, pero pag magkasama kayo, makakapagsayaw ka, kahit walang musika kasi kasama mo siya."

ayos to...ang kanyang tinig ang nagsisilbing musila XD LOL

gillboard said...

dylan: siguro ganyan din ang feeling ko... in love sa kanta... hehehe... pero di talaga eh...

allen: again... hindi po..

gillboard said...

richard: sana rin... kahit yung insomnia lang yung mawala... pwede na...

enjoy: kasi takot kami mabasted!!!

gillboard said...

mksurf8: yes. naisip ko yan last sunday. nung nakita namin yung mag-asawa na nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape. la lang.. kakatuwa.

led: why not...

The Pope said...

Tama ka Gillboard, you love a person for what she is and not for what you want her to be, kaya nga favorite ko ang kanta ni Billy Joel na "The Way You Are".

Purihin ka kaibigan.

bampiraako said...

Ang keso-keso nga. Ingat baka matunaw ka!

my-so-called-Quest said...

may quote din ako... "gusto ko din kung pano nya ko tingnan, parang kinakain nya ko"
--ced

hihihi!


malapit ko na ulit maramdaman ang mga yan! hihihi.

at hopeless romantic... masama ba yun?

The Pope said...

Magandang umaga, may hatid ko ay isang munting award, pakikuha na lang accross the Arabian Gulf, nawa'y pagdamutan mo ito.

krisler said...

"Kahit di kayo nag-uusap, basta magkahawak lang kayo ng kamay, kumpleto na ang araw mo, at sa gabi pipikit ka ng may ngiti sa'yong mukha."

--> ang keso nito pero totoo...

admin said...

pre add mo ko sa link mo..tnx...

The Scud said...

masarap ma-inlab gillboard. kahit may mga LQ paminsan-minsan ayos pa din. isang smile lang. o isang smack. o squeeze ng kamay while holding hands. sapat na ang isa sa mga yun to make your day worthwhile.