Hehehe... eto nanaman ako at pahihirapan ang sarili ko sa pagsulat ng makabagong talaarawan sa wikang aking kinalakhan... namamawis nanaman ulit ako sa loob ng kwarto ko dahil mahirap magisip ng mga sasabihin...
Ngayon ako ay naaadik sa friendster (patawarin po ako at di ko po alam ang tagalog ng salitang ito)... marami-rami narin ang mga kaibigan ko dito... at medyo madami narin akong naisusulat sa talaarawan ng sapot-paningin (literal na translation ng website... corny!!!) na ito... at ako ay masayang ipaalam sa inyo na kilala ko halos lahat ng kaibigan ko dun... mga katrabaho, kaklase at mga kaibigan... ngunit nakapagtataka na walang istranghero ang nagdadagdag sa akin para gawin akong kaibigan... hmmm...
Maiikli lang ang mga sinusulat ko ngayong mga araw dahil sobrang walang laman ang utak ko kundi ang trabaho... Sa edad na bente-kwatro ay ako ang naatasan na magpatakbo ng programa namin sa aking kumpanyang pinaglilingkuran... Di ko pa natitikman ang kapalit ng mga pinaghirapan ko ngunit malapit na ulit ang sweldo... Sana lang wala akong katrabaho na nagbabasa nito... May alam akong 2 tao na nagbubukas nito kasi mas alam nila ang blog ko sa friendster... di naman ako nagrereklamo pero napapagod lang ako...
KAILANGAN KO NG ISANG LINGGONG BAKASYON!!!
Hanggang dito na lang muna... ako ay magpapagupit pa para mas lalong gumuwapo...
No comments:
Post a Comment