Mga Sumasampalataya

Nov 8, 2016

KWENTONG ONSE: BAKIT MASARAP MAGSULAT

Ako ay nagbalik upang ipaalam sa inyo na ngayong taon ang ika labing isang taon ng blog na ito.

11 years na akong nagsusulat... well hindi na tuluy tuloy... pero di ko pa rin siya nalilimutan i-update paminsan minsan.

Ang mga susunod ay ang mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay pinipilit ko pa ring buhayin ang munting tahanan ko na ito...

  • Ito ang naging tampulan ko ng mga kwentong 20s ko. Karamihan ng mga escapades ko sa buhay mula nung 23 ako hanggang siguro early 30s ko ay nakasulat dito.
  • Marami akong nakilalang mga bagong kaibigan sa mundo ng pagsusulat. Merong hanggang ngayon ay kaibigan pa rin, kahit medyo karamihan ay ka-social media ko na lang.
  • Ito ang nagpadali ng panahon na ako ay nakaranas ng "quarter life crisis". Dito ko nalaman na maswerte ako na ang "crisis" ko ay napakababaw lamang. Naappreciate ko ang mga payong nakuha ko at suporta na galing sa mga napapadaan dito.
  • Naging witness ang blog na ito sa love life ko. Although di nako nagsusulat tungkol dito (IT IS BEST TO KEEP YOUR LOVE LIFE AWAY FROM ANY FORM OF SOCIAL MEDIA), kung magbabackread ka, makikita mo ang mga unang pinagdaanan namin ng aking Kasintahan.
  • Dito ko rin naisulat ang ilang mga kwentong kathang isip ko lamang. Mababaw man, feeling ko, eto ang magiging legacy ko. Kahit papaano naman,feeling ko ay may mga naisulat din naman akong proud akong ginawa ko.
  • Ang sarap mag back read ng blog. Minsan maiinis ka kasi sobrang babaw ng mga naisulat ko noon, pero di ako magiging ganito katino ngayon kung di ko maaalala yung mga pinagdaanan ko noon.
  • Nagbabasa pa rin naman ako ng ibang mga blog. Meron pa rin naman na buhay pa ang mga blog nila hanggang ngayon. It's nice to keep up with those people now and again.

Anyway, maraming salamat sa mga nagbabasa pa rin dito. Maraming salamat sa mga nakilala ko sa blog at sa personal at sa mga naging kaibigan ko, thank you din. 

Susubukan kong maging mas aktibo dito, gawa nang pangarap kong maging "internet famous" someday.

2 comments:

Victor Saudad said...

buti ka pa nakakapgsulat ka pa rin. ako, everytime balak ko magsulat nauudlot. parang writer's block.

Montoya Jazhel said...

Hi Selina



i am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.

You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.



I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com



































Kumusta Selina



ako si Montoya Jazhel mula sa pilipinas, ako ay nasa malaking problema sa aking buhay sa pag-aasawa kaya nabasa ko ang iyong patotoo sa kung paano tulungan si Dr Ikhide na maibalik ang iyong asawa at sinabi kong susubukan ko ito at makipag-ugnay sa Dr Ikhide upang matulungan ako at nangako siyang tulungan ako na malulutas ang aking problema. ngayon masaya ako sa aking buhay dahil ang lahat ng aking mga problema ay tapos na. Salamat sa mahusay na Dr Ikhide para sa tulong at Salamat sa iyo Selina.

Maabot mo siya sa email na ito: - dr.ikhide@gmail.com at ipinapangako ko na hindi ka niya bibiguin.



AKO KAYA NAKAKITA …… tandaan dito ay ang kanyang email: - dr.ikhide@gmail.com