Mga Sumasampalataya

Oct 27, 2012

SA MGA DI KO KA-TWITTER

Medyo after 10 years lumuwag ang oras ko ngayong gabi sa opisina kaya may pagkakataon akong magsulat. Nagbabackread ako ng mga blogs na sinusundan ko at napadpad ako sa isang post ni Mugen kaya may naisip tuloy akong ipost. Gaya gaya lang.

Dalhin minsan mas mahaba ang totoong kwento kesa sa mga nipopost natin sa twitter.

Oct 25: habang nakapila ako sa cr sa jollibee... lolo: halika na sabay na tayo sa CR... me: erm... ok lang po, kaya ko pa po. thank you po.

Hindi naman sa naghihinala ako kay lolo ano, pero hindi ko talaga mawari kung bakit ako ni-offeran ni lolo nito. Minsan kasi bago ako umuwi dumadaan muna ako sa Jollibee o McDo para magCR o kumain (madalas magCR). Eh nung umagang iyon medyo may kahabaan ang pila, jumejebs ata yung ale na gumagamit ng banyo bago kami kaya nagkaroon ng pila sa banyo. Hindi naman talaga ako ihing-ihi noong panahon na iyon, kaya nagulat ako nang biglaang nag-aya si Lolo na sabayan siya sa CR. At medyo may 20 segundo ata siya nakatayo sa may pintuan at niyayaya akong pumasok na din. Pareho nga naman daw naman kasi kaming lalake. Medyo nakakaloka lang ang offer ni Lolo. Nawindang ako.

Oct 14: Just learned yung puppy sana na kukunin ko... She's dead. :(

Dahil tumatanda na ako, at hindi ko talaga gustong maging corporate slave buong buhay ko, ngayon ay nagpaplano na ako ng maaari kong gawing business. Dog breeding / pet breeding ang napili ko. Mahilig talaga ako sa mga hayop, at minsan sinuswerte naman kami na mahaba ang buhay ng mga alaga namin, kaya naisip kong pwede ko itong gawing business. Nag-uumpisa pa lang ako. Meron nako 2 shih tzu puppies kaya lang pareho sila lalake. Noong isang linggo dapat magkakaroon na ako ng babaeng tuta, kaya lang bago ko pa siya nakuha ay inunahan ako ni Lord. Namatay siya. Kaya sa susunod na lang. May darating naman akong isang pares ng beagle sa Disyembre at Enero. :)

Oct 10: Tanggap ko na na ang twitter ay kung san ako magcomment sa mga palabas sa tv

Ang hobby ko ngayon, aside sa mga aso at video games ko ay ang magdownload ng mga tv series. At dahil kakasimula lang ng fall sa Amerika, ibig sabihin ay nagbabalik na lahat ng magagandang palabas sa telebisyon. Medyo marami akong dinadownload ngayon, siguro may 20 shows din ito. Dahil wala na talaga akong oras para magblog, sa twitter ko na lang tuloy nishishare ang mga opinyon ko tungkol sa mga palabas sa tv. Although ingat naman ako magbigay ng spoilers dahil ayoko rin naman na pagalitan ako pag sinabi ko kung sino ang namatay or nabuhay sa mga palabas. Kasi mahilig ako sumaway ng mga nagbibigay ng spoilers sa mga social networking sites.

Oct 04: May 3 nanaman kami na kasabay na mandurukot sa bus kanina. Hay

Ewan ko ba kung bakit suki ako ng mga ganito. Nakakatakot siya sa totoo lang. Pero maswerte pa rin ako dahil ni minsan ay hindi pa ako nabibiktima ng mga ito. Alam mong mandurukot sila dahil ang hilig nilang lumipat ng upuan. Uupo sa harap. Tapos lilipat sa likod. Tatabi sa mga pasaherong natutulog. Yung isa, tumabi pa sa akin. Agad ko niyakap ang bag ko at maingay akong kumanta sa bus. Buti na lang talaga mukha akong kasama nila kaya ako'y di pa nabibiktima.

Sep 17: Natuwa naman ako kasi may mabait na nagshare ng payong sakin kanina #GoodSamaritan nainspire tuloy ako ngayon. :D

Sa panahon ngayon na maraming tandem bikers, magnanakaw, mandurukot, masasama ang ugali, isa talagang malaking sorpresa yung mga taong kahit hindi mo kilala ay tutulong sa iyo. Lalo na yung may hitsura at yummy. Maulan noong gabing iyon at nakasabay ko siya sa pila sa 711. Sa totoo lang, kahit di pa niya ako pinayungan nakatutok na ang mata ko sa kanya dahil nga cute siya (oo na ako na ang malandi). Sabay din kaming lumabas nun. At dahil nasa building namin ang 711 at umaambon pa nang pumunta ako di na ako nagjacket at payong. Kamalasmalasan ay lumakas ang ulan at para makalabas ka ng tindahan na tuyo ay kailangan mong mapayungan. Paglabas ko, ay nandun siya parang hinintay ako. Sabi niya "lika sabay na tayo." Biglang tumugtog ang kantang "Sukob Na" sa utak ko. Sayang nga lang at hindi kami pareho ng pupuntahan kaya di ko siya nakapiling ng mas mahaba. Hindi ko man lang siya napasalamatan. Kinilig ako. Ay may Kasintahan nga pala ako.


Yan lang muna for now... maghahanap muna ako ng mga nitweet kong gusto kong ikwento.

Follow niyo ako sa twitter @gillboard.

Salamat!!!

Oct 11, 2012

GUSTO KONG MAGKWENTO

  • Gusto kong magkwento tungkol sa namatay kong parrot.
  • Gusto kong magkwento tungkol sa tatlong taon naming pagkakaibigan ni Kasintahan.
  • Gusto kong magkwento tungkol sa naunsyaming bakasyon namin sa Singapore.
  • Gusto kong magkwento sa mga bago kong alagang hayop.
  • Gusto kong magkwento tungkol sa gabing napalibutan ako ng mga holdaper.
  • Gusto kong magkwento kung bakit wala na akong gana maglaro ng PS3 at XBox360.
  • Gusto kong malaman niyo kung bakit tinatamad na ako magbasa ng comics.
  • Gusto kong malaman ninyo na Grammar Nazi ako.
  • Gusto kong ikwento sa inyo ang mga paborito kong palabas sa telebisyon ngayon.
  • Gusto kong ibalita sa inyo ang tungkol sa pinaplano kong negosyo.
Pero busy ako.

Gusto ko lang malaman niyo na buhay pa ako kahit parang patay na ang blog na ito.

Magkwento naman kayo.