Mga Sumasampalataya

May 29, 2012

MISSING POGI

Again, MIA ang drama ng lolo niyio dahil busy-busyhan sa work. Kung pwede lang talaga magsulat ng mga rants tungkol sa trabaho, matagal ko nang ginawa ito dito. Sobrang stressed ako ngayon sa trabaho. Kung pwede lang talaga. Hayst.

At dahil matagal nanaman akong nawala... let me share kung anu-ano ang mga pinagkakaabalahan ko nitong mga nakaraang araw.

2 YEARS
Noong nakaraang linggo ay nagcelebrate kami ni Kasintahan ng ikalawang anibersaryo. Sobrang bilis ng araw, 24 months na pala kami. Parang kahapon lang, pinagseselos ko siya. Simple lang ang ginawa namin. Kumain lang kami sa labas. Foodtrip buong weekend.

Sabi ko nga, wala na akong pag-asang pumayat.

OFFICIALLY GEEK
Confirmed na ang pagiging geek ko. Una dahil nagsasalamin na ako. Yung may grado, hindi yung pampacute lang. Tapos noong linggo, pumunta ako sa Glorietta para magpa-autograph ng comics kay Mark MIllar. Siya ang nagpabalik sa akin sa pagbabasa ng comics. Siya ang nagsulat ng comic book version ng mga sikat na pelikulang Kick Ass at Wanted.

GAMER
Pinagkakaabalahan ko lately ang mga video games. At lately, ang umuubos sa oras ko pag weekend ay ang mga larong Max Payne 3 at The Witcher 2. Sobrang gagandang mga games para sa xbox at ps3. Talagang magpapaubos ng oras.

FEELING CELEB LANG
At ang huling pinagkaabalahan ko nitong long weekend... nagpakafeeling celebrity lang. Akalain niyong mayroong gustong mag-interview sakin. Forbidden questions nga lang.

Medyo nakakailang kasi mostly tungkol sa sex. Pero okay lang.

Visit niyo to kahit di pa tapos ang interview.

8 comments:

Axl Powerhouse Production Inc. said...

welcome back..
happie anni sa inyo ng gf mo.
nainterview ka pala ni rusell sa FQ!

rudeboy said...

Oist, gillboard, kelan mo balak kunin yung keychain mo atbp.?

Inaarbor na kasi ni Desole Boy yung isang
keychain.

Inong said...

happy 2nd anniv. sa inyo. maligayang pagbabalik

khantotantra said...

nabasa ko yung interview.... curious ako tungkol sa number 3. pero di ko na papakialaman. hehehe.

Happy anniv sa kasintahan mo. More years to come para sa inyo :D

shenanigans said...

happy aniv sir.

thanks sa pag plug. hehe! I really did enjoy asking those questions to you feeling ko unti unti kitang nahuhubaran... choz!

salamat uli :)

McRICH said...

na-miss ka namin, oks lang yong busy sa work, at least at the end of the day, andyan si kasintahan para puportahan ka, happy anniv senyo!

Jessica said...

normal lng tlga siguro ma-stress sa work...hihihi

happy monthsary/ anniv... :)

Denoy Eusebio said...

haha
celebrity ka na talaga!
ikaw na ang sikat, gibo!