Mga Sumasampalataya

Apr 25, 2011

BULLET POINTS


  • Kahapon kami ni Kasintahan ay nagtungo ng Enchanted Kingdom upang magcelebrate ng aming ika labing-isang buwan ng pagsasama. Mababaw man, pareho naman kaming masaya kahit ayaw niyang sumakay sa Anchor's Away at hindi ko siya napilit mag EKstreme.

  • Ang sakit ng likod ko!!! Ayoko mang aminin pero feeling ko sign of aging na talaga ito. Kailangan ko ng masahista o manghihilot.

  • Mayroon akong dalawang palabas na kinahuhumalingan ngayon. Ang una ay Shameless. Tungkol ito sa pamilya ng mga manggagantso at lasinggero at kung papaano sila nabubuhay kahit sila'y pinapabayaan ng kanilang ama. Ang ganda niya, nakakatawa at nakakabilib.

  • Ang ikalawa naman ay ang Game of Thrones ng HBO. Hango ito sa serye ni George Martin. Ang husay ng pagkakagawa. Feeling mo nanunuod ka ulit ng Lord of the Rings. Isang episode pa lang ang pinapalabas kaya madali pa kayo makakahabol.

  • Ilang linggo na lang at ako'y makakatapak na sa buhangin ng Boracay. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong iexpect pero dapat pumayat na ako bago ako magpunta dun. Hindi na kasya sa akin ang mga pang-ibaba ko. Hayst.

  • Hindi ko ito madalas nagagawa pero MARAMING SALAMAT sa lahat ng napapadaan dito. Nagulat ako pagbukas ko ng blog kanina meron na pala akong 322 na followers at 73 miyembro sa aking reader's community sa facebook. Salamat at kahit lately ay wala akong masyadong maraming naikukwento ay sinusundan niyo pa rin ako. Hayaan niyo, nararamadaman kong malapit ng bumalik ang mojo ko.

  • Huli man, pero Happy Easter sa inyong lahat!!!

Apr 18, 2011

BAKIT NAGSUSULAT AKO

Medyo hindi na ako aktibo sa mundo ng pagsusulat. Hindi naman sa tinatamad ako, pero hindi pa ako masyado dinadapuan ng inspirasyon. Minsan iniisip ko kung panahon na ba para lisanin ang mundong ito.

Marami na akong nakilalang kaibigan. Naikwento ko na lahat ng nais kong ikwento. Busy na ang buhay pag-ibig ko. Wala na akong maisulat.

Pero pag binabalikan ko ang mga lumang post ko at nababasa ko ang mga kumentong gaya ng nasa ibaba, nagbabago isip ko. Mababaw man ang mga panulat ko meron pa rin naaapekto sa mga sinasabi ko.

Worth it magsulat sa tahanang ito.

*****************************

ayidnas said... i'm not really a bloggerbut as i am trying to find something in the web that could ease my pain of loosing my family i came across your blog entry about saying goodbye... It hurts... more than what i thought how it is that I know of when we talk about pain of letting go..I am very much inspired by you... who ever you are I thank you for this wonderful blogsite...now I am trying to make My own...

Like what you saidI quote"write to express, but not to impress"hope to hear it from you... Salamat kabayan!

ZsaZsa said... anyway, i was reading this at bloglines and in the middle of the text, i channeled the inner coniotic in me and i said to myself, "OMG! it's so nakakakilig naman! this Gilbert he's mahiyain pala."

nakakatuwa ang date mo, it's like something out of a teeny-bopper movie. yung mga kwentong first date ng dalawang hs student tapos ang tahimik, pero pag-uwi super kilig naman at hindi makatulog. whahaha. ayiiiiii!

Mugen said... Since isang pasasalamat entry ito, sasabihin ko sayo kung paano ko nahanap ang blog mo.

Naghahanap ako ng mga interesadong blog sa pinoyexchange minsan. Nagkataon naman na pinost mo yung link mo roon. Sa hindi ko mapaliwanag na dahilan, naaliw ako. Yung mga entry mo kasi light, tapos magkapareho pa tayo ng generation, tapos makwento ka sa nakaraan mo. Hayun, simula noon, araw araw na kita sinusundan.

Keep on writing. Maniwala ka man o sa hindi, nakikita ko sa iyo si Bob Ong. :D

UtakMunggo said... sa totoo lang napaluha ako sa kwento mong ito. napaka-vivid ng iyong paglalahad. at naiyak/naenjoy ako sa mga banat mo. siguro nga mas nagiging close ang mga anak sa kanilang mga magulang kapag nasa certain age na ang mga ito. siguro kasi mas madaling masakyan yung mga trip ng isa't isa sa buhay.

walang perpektong magulang. at ito ang lagi kong sinasabi sa sarili ko tuwing ako'y sumasablay sa napakapalpak kong role bilang ilaw (bumbilya) ng tahanan.

aba kinarir ko raw ang comment. sori naman. happy belated birthday sa mommy mo. God bless her.

gravity said... bow ako sayo! super keen observant ka haha. nakakatawa yung tungkol sa mga nagcocomment ng nice blog, pls visit mine. haha.

basta ako, super favorite ko blog mo. bukod sa halos magkaedad tayo, eh super idol kita sa lawak at astig mong mag-isip. Ü

write on Ü

Dylan Dimaubusan said... Nakakatuwa naman 'tong post na woh. Hindi ko alam kung isa ako sa mga babaeng mahahaba ang post, pero madalang lang ata akong magpost ng nobela - ang comment, nyahaha!

Anyways ito ang seryosong totoo, I'd have to agree with Mulong. Ang alam ko halos magkaedad lang tayo pero di ko alam kung nakaka-relate ka sa mga post ko, ako kasi madalas maka-relate sa pinagsususulat mo, kaya isa itong blog mo sa binabalik-balikan ko. Wala kasing halong kaplastikan at buhatan ng upuan.

Apr 12, 2011

MAKIKISAWSAW LANG

Mga taong hindi kawalan sa mundo. Ito ay opinyon ko lamang po.

- Willie Revillame
- Christy Fermin
- Ping Lacson
- Gloria Macapagal Arroyo
- Mo Twister
- Mag-asawang Ligot
- Mikey Arroyo
- Tim Yap
- Dra. Vicky Belo
- Raymond Guttierez

Sa totoo lang naiirita na ako pag pinapanuod ko sila sa balita. Lagi na lang silang laman ng telebisyon. Wala naman silang magandang naidudulot sa mundo. Hindi magaganda ang mga ugali. Ewan ko ba kung bakit sila ay nasa taas pa rin sa hierarchy ng society.

Hindi naman tayo mga bobong mamamayan, pero bakit may hila pa rin sila sa atin? Bakit may nagtitiwala? Bakit may nagpapauto? Bakit may humahanga pa rin sa kanila?

Apr 4, 2011

DUKOT

Feeling ko kinarma ako noong nag April Fools Day joke ako noong Biyernes. Paano ba naman pag-uwi ko nung Sabado, naranasan ko ang pinakanakakatakot na Bus Ride sa tanang buhay ko.


Wala naman nangyari sa aking masama. Pero the fact na sobrang muntik na may nangyari eh nagpapasalamat ako at sa akin ay may nagbabantay pa rin.


Ngayong Abril kasi, 730pm to 430am na ang schedule ng inyong lingkod. At dahil weekend na, inisip kong wag sayangin ang oras sa opisina at umuwi na lang para matulog. Kaya on the dot ang alis ko. Dahil maarte ang lolo niyo nag-abang talaga ako ng aircon na bus. Di naman kasi ako talaga sumasakay sa hindi aircon.


Nung una may kasabay ako na tsinitsismis sa akin ang kanyang buhay pag-ibig na hindi ako nakakarelate.


Nagbibigay lang ako ng opinyon kasi kailangan niya ang opinyon ng lalake. So wala lang di ko muna pinapansin ang mga kaganapan sa loob ng bus.


Pero nung ako na lang mag-isa, dun na nagsimula akong makakita ng hindi ko dapat makita. ANG DAMING MANDURUKOT AKONG KASABAY!!!


Mga lima o anim yata sila. Noong una yung isa lang yung napansin ko. Nasa harap ko kasi. Tingin siya ng tingin dun sa katabi niya na natutulog. Nung una, iniisip ko baka bading yun na chinachansingan yung katabi niya, pero mukhang sanggano yung lalake. Tapos nakita ko yung nasa tapat nila nakatingin din. Parang lookout. Shet, sabi ko dinudukutan nito yung mamang natutulog. Shet kakasweldo lang pala ng ibang manggagawa ngayon!!!


At dun ko na napansin yung iba nilang kasama. Palipat lipat sila ng upuan. At palaging tumatabi sa mga mukhang natutulog. Gusto kong dutdutin yung mama sa harap ko pero natatakot ako na baka ako naman yung pagdiskitahan nila.


Meron isa na mukhang ako yung natripan dahil may bag ako. Pero tinitingnan ko sila. Hindi ko siya pinatabi sa akin at kumapit ako ng mahigpit sa aking bag. Kabadong-kabado ako nung mga panahon na iyon. Buti na lang mabilis yung bus at nakarating kami agad ng Baclaran.


Grabe nung tumayo ako at sinilip yung mamang natutulog, bukas na bukas yung bag at binulatlat talaga. Tapos yung mama na muntik tumabi sakin, kitang kita kong binubuksan yung bag nung binata na natutulog.


Shet, sa isip ko alam ko na kung paano dumiskarte ang mga mandurukot, pwede ko nang gawin yun sa susunod!!!


Lumayo ako sa kanila pagbaba. Nakakatakot. P150 lang ang pera ko nun pero ayoko mawala pa yun.


Nagpapasalamat ako na kahit sinungaling ako at masama ang ugali ko ay nilalayo pa rin ako sa kapahamakan. It’s either that or mukha din akong mandurukot kaya di nila ako tinalo.