"So?"
"So..." hindi ko kayang dugtungan ang salitang inumpisahan ko. Ang hirap ibalik sa kanya ang nagtatanong niyang mga mata. Nagmamakaawa. Nangungulila.
*****
Ganito pala maging malaya.
Ang tagal nang huli kong maranasan ang mag-isa. Walang kasama. Malaya. Malaya akong nakakahinga. Walang mag-aalala kung saan ako pupunta. Anong oras uuwi. Malaya akong makipagkilala sa kahit sinong gusto ko.
Tang-ina, ang sarap makipagsex!!!
"Masarap ba? Ito ba ang gusto mo?!" tanong niya habang dahan dahan niyang pinadarama ang init... ang libog niya.
"Fuck yes!" sigaw ko. "Putang ina, ang sarap mo!!!"
*****
"I'm so happy you met with me. How long has it been?" usisa sa akin ng kaibigan kong sobrang tagal ko nang hindi nakita.
"Sixteen years." sagot ko.
"Shit, it's been that long?!"
"I know. I'm so sorry. It's all on me. I... I wasn't a good friend."
Ngumiti siya sa akin. Hindi niya ako sinagot. Tama ako. Hindi ako naging mabuting kaibigan sa kanya.
"I forgive you. Nagmahal ka. Kaya ka nakalimot."
"I was fucked up. How could I do that to you?"
"Sus. Bakla, everytime nagkaboyfriend ka, nakakalimutan mo ako. But, I'm proud of you. Nagawa niyong magsama for sixteen years. That's some kind of record."
"I know... kaming dalawa, we were a myth. Pero wala talagang forever."
"So... how is it for you now?"
"What?"
"How is it being alone?"
*****
Mag-isa ako ngayong gabi. Walang dahilan, pero bigla akong naluha. Parang biglang gumuho ang mundo sa mga paa ko. Nahuhulog ako at walang sasalo sa akin.
Mag-isa ako.
*****
Pandemya. Dalawang taon matapos kong tapusin ang lahat. Ako ay mag-isa. Nakakulong sa bahay mag-isa. Kumakain mag-isa. Naglilinis ng bahay mag-isa. Nanunuod ng tv mag-isa.
Mag-isa.
Binuksan ko ang Facebook para hanapin siya. Kumustahin.
Nakita ko ang litrato. Ang profile picture... nila.
Hindi na siya mag-isa. Mayroon na siyang iba.
Nalaman kong nagkakilala sila ilang buwan nang matapos kami. Pero yun lang. Hindi ko na makita ang ibang laman ng profile niya. Hindi na kami magkaibigan.
At lalo akong nangulila.
*****
Nakuha ko ang sakit. Pinagdasal ko sana'y tamaan ako nang malubha. Gusto kong matapos na tong buhay ko. Tutal, ako lang naman mag-isa.
Pero tila ako'y sinumpa.
Gumaling ako. Maswerte daw ako at mild lang ang mga naging simtomas ko. Maaari akong umuwi at doon na magpagaling. Sa tahanan ko. Kung saan ako ay mag-isa.
Muli kong naramdaman ang pagguho ng lupa sa ilalim ng aking mga paa.
Hindi ko na kaya.
*****
"So... ganun na lang? Sixteen years. Tatapusin mo ng ganun ganun na lang?"
Pumikit ako at huminga ng malalim.
Sixteen years.
Hindi na ako masaya.
Kaya ko ba mag-isa?
Kaya ko ba mawala siya?
Kaya ko bang tapusin kaming dalawa?
Sixteen years.
"So... I still want to try."
*************************
Work of fiction.
I'm back today to celebrate this blog's 16th birthday.
2 comments:
Kinabahan ako haha!
Happy birthday sa blog mo!
Maligayang pagbabalik!
- Mugen
Post a Comment