Mga Sumasampalataya

Sep 5, 2013

ALAM KONG POGI AKO KASI

Simula nung nagboxing ako, medyo lumiit ang katawan ko...

Di na masyadong siopao ang mukha ko.

Kahit papaano medyo yummy na ako. (isang malaking echos)

Pero minsan talaga napapaniwala ako sa linya sa itaas.

Gaya kanina, papunta sa gym, humabol akong sumakay sa elevator.

At ako'y may nakasabay.

Isang tatay.

Ay hindi.

Isang lolo.

Na ang tingin sa akin ay pagkalagkit.

Nang-aakit.

Kaya biglang gusto kong manakit.

Mata niya sa akin ay hindi nawaglit.

Kahit habang ako'y nag-eehersisyo, si lolo'y nakaabang sa akin sa labas ng pinto.

Dun sa labas ng opisina nila, sa may waiting area dun lang siya nakaupo.

Hanggang matapos ako, andun si lolo ang paa'y nakapako.

Kaya pagbaba ko agad agad si lolo ay sumabay.

Agad agad ang wallet ay nilabas.

Kumuha ng 300 at sa akin ay nagyaya.

"Pogi, tara dun tayo sa CR... Sa'yo na to."

Ito na ang pinakamatagal na elevator ride sa buong buhay ko.

Apat na palapag lang... halos magunaw ang mundo ko.

Kaya paglabas ko ng pinto, biglang kumaripas ako ng takbo.

Hay lolo, nakakaloka ka!!!

Sa'yo na lang yang pensyon mo.

**************************************
Okay lang naman na may nagkakacrush sakin...

Pero sana lang yung mga taong yun ay crushable...

Hindi yung masarap i-crush sa ilalim ng pison.


14 comments:

Geosef Garcia said...

Oh my God... Di ko alam magiging reaction ko kung sakaling sa akin to mangyari... Ang creepy! Ano itsura nya? As in lolo na talaga?

yccos said...

ehmergehrd.. nagyayari pala to sa totoong buhay?! baka nga naman kasi yumminess ka..hahaha...

Cyron Agustin said...

taragis na lolo yan.

JM said...

Ayaw kong maging katulad ni lolo pag tanda ko. :)

Nomad said...

Oh my gawd! Di ko alam kung matatawa ako o maiiyak o matatakot o magmamaldita o maaawa kay lolo. Kaloka!

Naiimagine ko nasa pinaka sulok ka ng elevator sinisiksik mo yung sarili mo hanggang sa makalabas ka. Hahaha!

Iba talaga ang cardio mabilis makapagpayat kaya gusto ko din try ang kick boxing sa gym eh kaya lang wala kasi ako kasama :(

Pano nga pala ang diet mo?

Rix said...

sumakit ang gums ko dito ahahaha.

k0tz said...

lol ka lolo.

Sa Kalye ni Felipe said...

ang sarap mo siguro ngayon!

bagotilyo said...

haha .. buti hindi tumigil ang elevator tapos ma stock kayo kasi walang generator. ang epic nun pag nagkataon :p

kalansaycollector said...

ay sana bago ka tumakbo kinuha mo yung 300 bilang danyos sa traumang sinapit mo. haha

Victor Saudad said...

Mangingitian ko na lang siya in disbelief. then pagkabukas na pagkabukas ng elevator, babagalan ko palabas, na nagpipigil tawa. hindi sa tinatawanan ko sya.


mahihiya ako... 300 pesos lang pala ang itsura ko.

KULAPITOT said...

Ang landi ni lolo , ang akalang lolo , lola pala shit! hahahahah

300? pang pamasahe lng yan ha!

tataasan ko ng 10k hahahah

Little Nikki said...

nyak. pervy lolo.... hahaha.

glentot said...

Akala ko entry mo ito sa awards-awards... haha real-life experience pala. Ang baba ba ng offer? Kakaoffend yun ah haha. At least intact ang puri mo...