Mga Sumasampalataya

Jul 30, 2013

MCDONALD'S TVC

Tanghali.

Mahaba ang pila sa McDonald's.

Isang ama nakaupo sa tapat ng manliligaw ng kanyang anak.

TATAY: Alam mo hijo, si militar, natuto akong magbasa ng mga tao. Kaya kong alamin kung nagsisinungaling ang kausap ko o hindi.

Mapapalunok ang manliligaw. Ngiti lamang ang naisagot sa ama ng nililigawan.

TATAY: Sagutin mo ako. Gusto mo ba ang anak ko?

Titingin ang ama sa likod ng manliligaw. Sa isang babaeng may kasamang bata. 

MANLILIGAW: (Sasagot ng may paninindigan) Opo gusto ko po.

TATAY:  Tanggap mo kung sino at kung ano ang meron siya.

MANLILIGAW: Tatango at magsasabi ng "Opo."

TATAY: Hindi mo lolokohin ang anak ko?

MANLILIGAW: Hindi po.

TATAY: Mapapanindigan mo ba siya?

MANLILIGAW: Yes sir!

Darating ang anak na babae na may dala ng order nila at tatabi sa kanyang ama.

BABAE: Dad, here's your favorite... Quarter Pounder.

Mapapangiti ang ama. 

TATAY: Well hijo, in that case... I give you permission...

May parating na lalake.

TATAY: To date my son.

Mapapangiti ang manliligaw. Sabay darating ang lalaki, uupo sa kanyang tabi at ibibigay ang inorder na Big Mac.

ANAK: What's that all about? (may pagtatakang tanong ng anak)

Isang malaking ngiti ang ibibigay ng isa pang lalaki.

M

*****************************************************************
Kathang isip lamang. Nadala lang ng commercial ng McDo. Noong isang araw ko pa ito naisip, ngayon ko lang naisulat.

Kailan kaya magkakaroon ng ganitong ads dito sa Pilipinas?

6 comments:

khantotantra said...

hmmmm....

baka malapit na ang ganyang eksena na commercial.....

maybe sooooooon. :D

Nomad said...

galing! pwede

Eagleman said...

hahaha! yung pala yung ending lol ! ^_^

chyngreyes.com said...

lavet! hahaha

FiftyShadesOfQueer said...

Panalo! Kinilig ako. At ang sweet ng tatay. Poignant para sa akin ang ganitong family scenes. :)

Klet Makulet said...

awww namiss ko ang mga post mo na ganito hehehe I'm back! (tanda mo pa kaya ako? hehehe)