Siguro kapag matagal na ang isang relasyon, dumarating talaga ang panahon na iisipin mong ayaw mo na. Pagod ka na. May mga makikita ka nang hindi mo nagugustuhan.
Tipong gusto mo na siyang sukuan.
Pero hindi rin mawawala sa iyong isipan na sa loob ng apat na taon:
Marami siyang nagawa hindi lang para sa iyo kundi sa pamilya mo.
Wala nang ibang tao ang tunay na nakakakilala sa iyo kundi siya lang.
Kahit masakit, tinanggap niya ang lahat lahat ng pagkukulang mo.
Napamahal na siya sa pamilya mo at mga kaibigan mo.
Pagkatapos niya, alam mong wala nang magmamahal sa'yo na gaya ng pagmamahal niya sa iyo.
Ang dami dami na naming pinagdaanan.
Pero sa huli, kami pa rin.
Ganun ata talaga ang nagmamahalan.
Pang walang hanggan.
10 comments:
Sa totoo lang swerte mo, Gillboard. :)
naks, parang "be careful with my heart", pumo-forever hehehehe. congrats GB!
it's magic
totoo to.
ahhhhh.... hong sweet ☺
Relationships were never meant to be easy and sweet. It's always bitter and sweet. Ang issue dito kasi ay commitment, humility, and learning the art to forgive and forget.
Nandiyan din ang loyalty and faithfulness.
Hindi talaga madali. Malaking bagay na na nakalampas ng 2 years ang isang couple at nag survive. Dun na nagtatapos daw ang sweetness at diyan na unti-unting nagsisimula ang clash of character and values.
And dami kong sinasabi tungkol sa relationship, eh single naman ako. Maka epal lang eh. hahaha!
awh :) If only I can turn back time :)
apir tayo diyan, parekoy!may pinaghuhugutan.
#forever
:) keep the love burning! :)
Post a Comment