Malamang sa malamang, malabo nang may puntahan ang kung ano man ang meron kaming dalawa. Pagkakamali ko yun. Siguro subconsciously, iniisip ko na hindi siya yung nararapat para sa akin. Totoo din naman yung sinabi ko na hindi pa talaga ako handa na pumasok sa isang relasyon.
Kanina, habang pinipilit kong patulugin ang aking sarili, napaisip ako... Sabi ko sa sarili ko, kung saka-sakaling may makilala akong magpapatibok ng tiyan ko, dapat malaman niya rin ang mga pagkukulang ko. Kaya naisip kong ilaglag ang sarili ko dito sa blog ko.
WHY I WON'T MAKE A GOOD BOYFRIEND
- MAY MGA INSECURITIES PA AKO. Alam ko naman na hindi ako naknakan ng pogi, mga apat na ligo lang ang lamang sakin ni Dingdong. Kaya di mawawala na minsan eh may pagkaseloso ako. Maaaring kulitin kita kung may makikita ako na lumalapit sayo na ibang lalake. O kaya naman ay kung mas magaling ka sakin eh umiral ang pagiging mapride ko.
- MALILIMUTIN AKO. Kung ikaw yung tipo ng tao na maaalala ang lahat ng birthday o special na okasyon sa buhay ng isang pares, ako hindi. May mga araw na malilimutan ko ang monthsary or anniversary natin. Tapos minsan, pag busy talaga ako, baka di ko maalala na birthday mo. Wala talaga akong kusa, kaya dapat laging pinariringgan mo ako.
- MASYADO KONG INEENJOY ANG PAGIGING SINGLE KO. Late bloomer ako. Siguro di pa umaabot ng taon, nang maenjoy ko ang pagiging single. Simula nang magtapos ako ng pag-aaral, puros bahay, trabaho at pagmumukmok dahil mag-isa ako ang inaatupag ko. Ngayon lang ako nakakalabas-labas, at hindi pa ako nagsasawa. Kung papasukin ko man ang isang relasyon ngayon (as in ngayon na...), baka isipin mo na pinapabayaan kita. Hayaan mo lang ako, dahil magsasawa din ako.
- MAS MAHUSAY AKONG MAGSULAT KESA MAGSALITA. Kung mahulog ka man sa mga text at email ko, tapos maninibago ka pag magkaharap na tayo, ito ay dahil hindi talaga ako makwentong tao. Lumaki ako na mag-isa sa bahay, kaya di ako sanay na makipag-usap sa ibang tao. Hindi ko alam kung ano ang ikukwento ko. Kaya kung gusto mo akong mag-open up wag kang mahihiyang magtanong. Sasagutin ko naman yun.
- MAY PAGKATACTLESS AKO. Hindi ako barumbado, hindi rin ako bastos. Pero dahil noong bata ako, di ako sanay makisalamuha sa ibang tao, minsan eh hindi napipigilan ang bibig ko ang magkumento. May pagkamanhid ako. Kung di mo sasabihin, di ko malalaman na mali ako. Kaya hindi uubra sa akin yung silent type, dahil hangga't di ko narerealize na may mali ako, hindi kita papansinin.
Hindi ko dinadown yung sarili ko. Alam ko yan ang mga pagkukulang ko. Sinasabi ko lang, para alam mo ang papasukin mo. I'm just laying down my cards for you. Nasa sa iyo kung pano mo idedeal 'to.
Hindi rin ibig sabihin na dahil tinatanggap mo ang mga pagkukulang ko eh hindi ko babaguhin ang mga ito. Ngayon pa lang, tinatry ko nang baguhin yun. Pero dahil nga single pa ako, hanggang listahan na muna. Pero pag may nakilala naman ako na sa tingi ko ay the one na... sigurado akong mag-eeffort na akong magbago. Yung tipong alam ko na maipagmamalaki rin ako.
34 comments:
pero ganito yan parekoy...pag may nagtanong kung bakit single ka pa, wag mong sasabihin yung mga rason y u wont be a good boyfriend or wag mo ding sasabihing pihikan ka....
sabihin mo lang busy sa career. at least walang time frame di ba? hehehe
syempre naman, hindi yang mga yan ang sasabihin ko... dyahe yun... tsaka turn off
tagay para dyan parekoy!
yan na yan talaga ang mga bagay na nakakasira sa pagiging isa mong mabuting boypren..hahaha
pero teka, tanggalin mo yung pangalawa... alam na ng mga babae yun! na ang mga pogi talaga, hindi mahilig bagay na may kinalaman sa Petsa.. di ko lang alam si Date mo.. pero halos lahat ng kakilala kong babae, alam at tanggap na nila yun kaya pwede mo na "sigurong" burahin..hehehe
tama yung sinabi ni Mulong..lols
sige goodluck..
magsasawa at magaasawa ka rin!
okay lang na andyan yan... para at least pag inaway ako ni syota... ipoint ko na lang sya sa blogpost na ito... reminder baga.
Those are the exact reasons too and the very details kung bakit blah blah blah.. Alam mo na yun..
Pero hanggang kelan mo i-eenjoy ang pagiging single mo? Baka di mo namamalayan nalilipasan ka na ng panahon...Nadala ka na. Marrealize mo nalang - TUMATANDA NA AKO!
Pero syempre may perfect timing naman yan.. DI mo pa rin kailangan mag-rush sa mga ganyang bagay.
When a person loves another, he/she should accept them for what they are, and for what they aren't.
ayos... darating din yon babae na para talaga sayo. PEKSMAN! hehehe
MAY PAGKATACTLESS AKO. Hindi ako barumbado, hindi rin ako bastos. Pero dahil noong bata ako, di ako sanay makisalamuha sa ibang tao, minsan eh hindi napipigilan ang bibig ko ang magkumento. May pagkamanhid ako. Kung di mo sasabihin, di ko malalaman na mali ako. Kaya hindi uubra sa akin yung silent type, dahil hangga't di ko narerealize na may mali ako, hindi kita papansinin.
Sobrang napansin ko ito. Hahaha.
Huwag ka mag-alala. Kapag ikaw ay napana talaga ni Kupido, lahat ng mga pagkukulang mo ay kusang mawawala sa iyo. :)
dylan: hangga't walang dumarating. di naman ibig sabihin na dahil enjoy ko ngayon, di ako naghahanap. hangga't la pa nagpapakabog ng dibdib ko... enjoy na muna.
marco: inaasahan ko yan... hahaha
joms: nitatry ko ko naman pigilan magsalita ng di kailangan... trying to be good nako ngayon.. hehehe
Parekoy... wag ka magmamadali..di pa huli ang lahat... darating din yan. Isang tagay para sa blogpost na ito.
Enjoy mo muna tol being single.
Single is Sexy ika nga!
Pag-nag-asawa ka na kasi habambuhay na yan. Ang pagiging binata mo hindi mo na mababalikan once na ikasal ka.
Gudluck sa paghahanap ng misses right mo!!!
me alter-post ha--keke---buti nalang ginawa u to---kundi girls would thing you are a perfect mate---lagot ka. mahirap kaya hinahabol ng maraming babae....parang axe commercial.keke
bonggang listahan =)
hindi naman masama yung i-enjoy ang pagiging single eh. ang masama lang is yung may mapabayaan kang tao along the way. Hehe.. just learn from your past, yun yung mahalaga dun, pra hindi mo na madala yung mga bagay na hindi maganda in the future. :)
enjoy mo lang muna ang pagiging singol parekoy. darating din ung ryt girl sa tamang panahon.
wish ko para syo ay makikilala mo yung tao na makakaintindi at tatanggapin kung ano mang flaws meron ka. =)
pag nakilala mo na sya, kwento mo sa amin ha =)
Wala akong masabi sa post na 'to. Antindi! *LOLz*
Siguro nga hindi mo pa nakikilala 'yung taong para sa 'yo at 'yung tipong ma-"head over heels" ka kasi hindi ko ma-imagine kahit sa sarili ko na magsulat ng tulad nito. Baka kasi wala nang umibig sa 'kin. Hahaha. = P
Pero s'yempre, kanya-kanya naman tayo ng diskarte eh. Iinom na lang natin 'yan. = D
mokong: yun nga yung sabi sa probe... pag ang lalake, nagsawa bilang single bago nagpakasal, malamang sure na si misis na di ito mambababae... hehehe
pusang-gala: onga.. kelangan malaman ng mga tao, na tao din ako, di ako diyos na dapat sambahin... hahahaha
jen: tama ka... natututo naman ako, kaya nga nisusulat ko dito yun.. para in the future pag nabasa ko to ulit... may mumurahin ako...(sarili ko)
ilocano: di naman ako nagmamadali... kaya pa maghintay... bata pa naman ako...
gravity: oo naman... ikukuwento ko halos lahat pag nakilala ko... pero di lahat... (evil grin) hehehe
gas dude: sige... game ako sa inuman... kelan?! hahaha
may mga ganyang tao naman talaga. ang maganda sa yo ay kilala mo kung sino ka. yon ang importante.
the dong: yeah... so ang mission ko ngayon eh isang taong tanggap ang mga flaws ko... hehe
Pare ganyan talaga ang buhay, wala namang perpekto na lalaki. Bakit ba? Wala rin namang perpekto na babae. Kung mahal ka talaga mamahalin niya buong pagkatao mo.
Huwag kang magmadali, darating at darating yan.
"MAS MAHUSAY AKONG MAGSULAT KESA MAGSALITA."
-> Mejo nakaka-relate ako dito ^^ dahil ganyan din ako. Marami nga na-didismaya sa 'kin kasi ibang-iba raw ang panunulat ko sa pagsasalita ko. Eh bakit ba, eh sa ganito talaga ako, may magagawa ba sila? Ehehe.
At introvert rin pala ako.
Pansin ko lang ha.. karamihan ng nag-komento, lahi ni adan.. parang kampihan lang.. hahaha..
The good thing though is, you are aware of what you need to improve on, it's more than enough. :)
nde koh po makitah ang cbox moh... eniweiz napadaan lang para mag-thanks sa pagdaan moh... pero napabasa akoh don sa conversation nyo ni date moh... so tong reply koh has nothin' to do d2 sa post na kinomentan koh... d2 na lang akoh magkokoment para mabasa moh... eniweiz.. hmmnnzz... yeah i think na-fall inlove sya sau at mejo nasaktan sya sa sinabi moh... babae naman kc madaling mahulog... nde kah pa nagpapakasweet non ahh... hala pano nah kapag nagpaka-sweet ka pah... 'la nah... lolz... eniweiz.. humirit lang... ingatz lagi kuya Gillboard... Godbless! -di
ron: yep.. di naman ako nagmamadali... sabi ko nga dati, mga bagay na ganyan di minamadali...
andy: yeah... masaya maging loner, wallflower at introvert... hehehe... pero minsan kasi, kelangan mong makihalubilo sa ibang tao... no man is an island...ikanga
edsie: syempre... we got each other's backs... hahaha...
dhianz: la na'ko cbox... tinanggal ko at naiinis ako sa mga nagpupunta dito para lang ipromote yung blog nila. tsaka just to ensure na lahat ng bumibisita dito eh nagbabasa ng sulat ko, and di dumadaan lang para magpromote.. hehehe
desperate ba tol?hehehe..visit nmn jn
pano kung nasa isang relationship ka na, at unti unti, nawala yang mga bagay na naiisip natin kung bakit we won't make a good BF?
minsan naisip ko, baka yung relationship na yun ang makapagbago sa atin, hehhe
oks na naacknowldge mo yung mga ganyang bagay. hehe
lahat ng sa tingin mong kakulangan mo ay mamahalin at yayakapin rin ng babaeng nakatakda para sa iyo.
naks. parang horroscope lang.
ckleick: mukha ba akong desperado? di naman...
ced: sigurado naman akong mawawala yan, dahil for sure kung makikilala ko na si "the one" eh gagawin ko ang lahat para maging siya na talaga.
utakmunggo: sana ay magdilang anghel ka at bechay!!!
@gillboard: Lecturan at pangaralan ako? Tama ba yan? Hindi ka naman tactless sa lagay na yan? Ehehehe. :p
andy: uy di naman... sa totoo niyan, ganyan din ako... di nga ako pumupunta ng mga party dahil madalas nakaupo lang ako sa isang tabi...
pero yun nga, minsan kelangan talaga na matutong maging extrovert... hehehe
hahaha atleast honest ka at alam mong may mga di ka maganda ugali...
those are funny list hehe.kaya pag may nagkamaling i-pursue ka pa din inspite of all those things about u aba e wag mo n pakawalan hehe
pero sabi mo nga di ka pa ready mag commit mag enjoy ka nalang muna para fair ka mister whoever
can we exchange links? (i ask nicely ha hehe)
sige po... baka mamaya ko pa aayusin yung blog ko...
Post a Comment