Laging tinatanong sa akin ng aking kasintahan kung bakit daw ang bahay namin eh laging may bisita. Palagi ko kasing nakukwento na meron mga balikbayan na nakikitira samin paminsan minsan (lately parang once a month).
Ewan ko ba, yung bahay namin, medyo nagiging transient house ng mga Amerikano, balikbayan, galing probinsya at kung sinu-sino pa. Hindi naman siya kalakihan, ngalang, malapit sa airport.
So naisip ko magkwento ng mga kwentong transient house ngayong post na ito. Mga paborito kong bisita.
OLA
Si Ola ang pinakahuli naming bisita. Kaninang umaga lang siya bumalik. Sa pagkakaalam ko, galing siyang North Carolina. Isa siyang itim, na may nakitang Pilipinang mapapangasawa.
Ang masuwerteng nilalang na iyon, ay papangalanan nating si Rodora (her real name). Maliit siya, maganda, mukhang disente.
Nagkakilala sila sa isang online dating site yata. Hindi ko alam, at kaya pumunta dito si Ola ay para makilala ang kanyang nobya. Dumating siya noong isang linggo.
Wala akong masyadong kwento sa kanya kasi di ko siya nakakausap. Lagi lang silang nagkukulong sa kwarto.
Eto lang, noong unang gabi nila sa bahay namin. Mga hatinggabi o madaling-araw ata yun. Kwento sakin ng nanay ko, nagising daw siya kasi medyo maingay sa taas. Parang may bukas na gripo. nang inakyat ng nanay ko, ayun yung dalawa sa banyo. Naglalaba.
Namantsahan daw ng dugo yung aming bed sheet.
Di na kami nagtanong. Pero feeling namin, di kinaya ni Rodora si Ola.
***************
CLAYTON
Naisulat ko na siya noon. Isang Featured Friend. Kamukha kasi ni Zac Efron.
Ganun din yung kwento, although hindi siya yung naghahanap ng mapapangasawa kundi yung tatay niya.
Malas lang nila, yung nakilala nila, eh yung renter namin dati na hustler na si Rowena. (Ang daming nabiktimang foreigner nun, sayang at yung iba ay may hitsura pa naman).
Anyway, kaya memorable sakin yung pagbisita nila sa ating bansa ay dahil, naging tourist guide nila ako.
At dahil all boys kami noong nagguide ako, eh hiniling nilang dalhin ko sila sa isang bar na may nagsasayaw na mga babae... na nakahubad!!!
Syempte, medyo nahirapan ako dun dahil ano ba naman ang interes ko sa mga babaeng nakahubad, diba?! Buti na lang, yung kapitbahay ko, sanay sa mga ganun.
Dinala ko sila sa Binibini sa Baclaran. Dun namin nakilala si Ana... Margaritahhhhh (kelangan may pause at h talaga pag sinasabi ang pangalan niya) na kamukha ni Mystica. Tapos naglaplapan sila ng tatay sa harap ko. Pinapahawak pa sakin ni Ana Margarita yung dibdib niya. Medyo nawala ako sa sarili ko. Hindi ko kinaya!!! Umalis na kami nung may mga jejemon nang nagsayaw (nagulat ako dahil may mga lalake ding sumasayaw sa bar na yun... hiphop nga lang).
***************
CANTRELL FAMILYMerong kasabihan 'everything is bigger in Texas', at pagdating sa Cantrell Family, totoong totoo yang kasabihan na yan.
Isang pamilya sila na puros bigatin. Sa sobrang bigatin yung tatay at yung uncle, hindi kasya sa pintuan namin.
Sila na yata ang pinakamalalaking taong nakilala ko sa buong buhay ko. Six footer at siguro nasa 400 lbs sila. Tatlo ata yung ganun, sa pagkakaalala ko. Hindi nga sila nagkasya sa kama namin. Sa sahig sila lahat natulog.
Ang malala pa nun, pag gabi, parang may bapor at tren na nagbanggaan sa sobrang lakas ng hilik nila. Sarado na ang pinto at bintana ko nun, pero kahit anong lakas ng ulan sa labas, dinig na dinig ko pa din ang hilik nila.
Nasa kolehiyo pa lang ako nun. Dun ko ata unang naranasan ang insomnia.
***************
UNCLE FRANK
Medyo madrama ang kwento ng buhay nito. Sa tingin ko patay na siya, kasi dumating siya sa amin mga 80's pa ata. Noong panahon na yun eh nasa 70's na ang edad niya.
Dumating siya para pakasalan yung katulong namin. Eh yung katulong na iyon, medyo playgirl. Pinagsasabay niya si Uncle Frank atsaka yung isang tricycle driver sa village namin.
Eto naman si matanda aanga anga. Niloloko na siya, wala pa ring pakialam. Siguro ganun din kasi siya.
Paano kasi, noong bata ako, yung mga katulong namin puros magaganda. Hayun, lahat minamanyak. Kinukunan ng picture. Hinahalikan. Dinadakma ang pwet. Yung mga dalaga naman, makire, pinagsasamantalahan na, kinikilig pa rin. Kunsabagay, marami ding nabigay samin yung matandang iyon.
Pero ang di ko makakalimutan, may dala siyang harmonica noon. Tapos gusto niya akong turuan, pero nilalayo ako ng tito ko, kasi daw baka magka-AIDS ako. Pag hihiramin ko daw yung silindro niya, hugasan ko muna ng mabuti.
Ako naman, dahil bata, at nauuso pa lang noon ang AIDS, syempre natakot ako.
***************
Hay, ang dami pang kwentong ganyan. Ang dami pang naging bisita. May Hapon. May Koreanong retarded (as in mentally challenged). May dalawang kyut na Pranses. Tsaka yung mga naloko ng renter namin na si Rowena.
Pag may pagkakataon, ikukwento ko lahat iyon.