Sa blog ko, dalawang lalaki lang ang madalas kong naisusulat...
Si Kasintahan...
At si "The One That Got Away".
Mahal ko sila pareho. Mga great loves ika nga.
Matagal ko nang natanggap na si TOTGA ay para talaga sa isang babae. I mean, apat na taon na kami ni Kasintahan. So ibig sabihin, naka move on na ako sa kanya.
Pero sadyang dumadaloy sa dugo nito ni TOTGA ang pagiging sweet, na minsan hindi maiwasan mag-isip (oo na magpantasya) kung paano kaya kung hindi siya straight.
So, eto na lang, mga dahilan kung bakit minsan napapatanong ka ng 'what if?'

- May girlfriend siya, pero minsan nagkasama kaming tatlo, mas una niya hinatid pauwi ang kasintahan niya, bago ako.
- Noong magkatrabaho pa kami, siya lang (maliban kay Kasintahan) ang nagdala sa akin ng pagkain sa opisina. As in, mula sa bahay niya, dumayo pa siya sa isang fast food resto para bilhan ako ng pagkain kasi gutom ako.
- Si TOTGA ang tipo ng lalake na kumportable sa sekswalidad niya na wala sya pakialam sa sasabihin ng tao sa kanya. Madalas pag nagkikita kami niyan, ipapakilala ako sa mga nakakasalubong namin na di namin kakilala bilang boypren niya o ex niya.
- Tinawag niya akong soulmate at best friend sa mga kaibigan ko.
- Driver ko siya. Minsan ipinagdrive niya ako sa kasal ng kaklase ko sa Quezon City. Sinundo niya sa Las Piñas galing Pasig kung saan siya nakatira.
- Kinukwento niya ako sa girlfriend niya. Na parang kapatid ang turing niya sakin. At alam ng girlfriend niya ang kwento naming dalawa.
- Isang beses, usapan namin: "Kung sakali bang pumatol ka sa bading, may pag-asa ba ako?" sagot niya, "oo naman, ikaw lang naman choice ko,"
- Hindi kami madalas nagkikita o nag-uusap dahil may kanya kanya kaming buhay, pero kahit once a year lang kami nagkikita, walang nagbabago sa pakikitungo niya sa akin di gaya ng iba kong kaibigan.
- Yung simpleng fact na matapos kong umamin sa kanya kung ano ako, at nagtapat ng nararamdaman ko para sa kanya, imbis na umiwas siya, ay mas lalo pa kami naging close. Syempre, may ilang buwan/taon din kaming hind nag-usap bago yun.
Kilala siya ni Kasintahan. May pagkakapareho nga sila sa ugali. Pareho silang may topak.
At alam ni Kasintahan na hindi si TOTGA ang tipo ng taong dapat pagselosan.
Si Kasintahan pa rin ang True Love ko.
Malandi lang ako talaga.