Bata pa si Rico, hilig na niya ang kumuha ng mga litrato. May angking talento ang binata. Hindi lang niya masyadong nahubog dahil kulang ang kinikita ng pamilya niya. Nag-aral lang siya sa kanyang Tito na isang news photographer, pero hindi rin siya masyadong natutukan nito dahil palaging nasa duty ang kamag-anak, at kamakailan lang ay lumisan na ito.
Dalawa lang na magkapatid ang tatay ni Rico at ang kanyang tito. Hindi sila nagkaanak ng maybahay, kaya si Rico ang paborito nito. Kaya paglisan nito, kay Rico iniwan halos lahat ng kagamitan nito sa kanyang trabaho. Isang malaking koleksyon ng mga kamera at mga gamit dito.
Sa lahat ng iniwan sa kanya, ang naging paborito niya ay ang DSLR, isa sa mga unang henerasyon ng digital camera na nabili ng tito niya. Kahit luma, kumpleto naman ang accessories nito at tila ay hindi pa nagagamit. Maliit nga lang ang memory kaya ito'y agad niyang pinalitan.
Una niyang ginamit ito noong nakaraang taon sa anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang Tito. Dumalaw ang kanilang pamilya sa puntod nag lumisang kamag-anak. Malawak ang sementeryong kanyang pinaglibingan. Isang magandang lugar upang pagpraktisan ang kanyang bagong laruan.
Habang kukunan niya ang kanyang mga kapatid, ay may nasilip si Rico sa lente ng kanyang camera. Isang lalaking nakaharang sa kanyang kukunan. Tiningnan ni Rico agad ang mama, kung umalis na ito, pero wala naman siyang nakita.
Sinilip niya ulit ang lente. Ang lalaki ay nakatabi na sa kanyang ina. Walang emosyon na nakatingin lang sa kanila.
"Excuse me po!" sigaw ni Rico sa lalaki habang nakatingin sa lente.
Hindi gumagalaw ang lalaki.
Naasar si Rico sa hindi pagsunod ng estranghero kaya't tiningnan niya ulit ang lalake. Pagtingin niya sa pamilya, ay wala ang mama na kinakausap niya. Tumingin ito sa paligid, ngunit sila lang ang tao sa sementeryo.
Sumilip ulit si Rico sa kanyang camera, at nandun, nakatingin sa kanya ang mama. Agad niyang kinunan ng litrato ang multo, pero nang sinilip sa viewer, ay pamilya niya lang ang nanduon.Sa muling pagsilip ni Rico sa lente, ang lalaki ay naruon pa rin. Palapit na sa kanya.
Nabitiwan ng binata ang camera. Nang tanungin siya ng pamilya, ang sabi lang nito'y naubusan na ng baterya ang kamera.
***********
Itinago agad ni Rico ang kamera sa kanyang kwarto. Ayaw na muna niyang galawin ang ipinamana ng Tito. Agad niyang tinawagan ang kabarkada niyang sinasabi nilang may taglay na "third eye." Ipinaliwanag sa kaibigan ang sitwasyon at niyaya para ipakita ang kamera.
Dahil sadyang maraming ginagawa, umabot ng dalawang linggo bago nakapagkita ang magkaibigan.
Pagpasok pa lang ng dalaga ay may kakaiba na agad itong napansin. Wika niya'y tila may mabigat na mararamdaman pagpasok pa lang sa tahanan. Ngayon lang daw niya ito naramdaman.
Nang hanapin ng kaibigan ang kamera, sinabi ni Rico na ito'y nasa kanyang kwarto. Niyaya ng binata ang kaibigan para maipakita ito.
Bawat hakbang ng dalaga patungo sa kwarto, lalong bumibigat ang nararamdaman nito. Magkahalong lungkot at takot ang bumabalot sa bahay ng kanyang kaibigan. Pakiramdam niya na mabilis umikot ang mundo. Nakakahilo.
Malayo pa siya sa kwarto nang buksan ng kaibigan ang pinto.
Agad ay napatigil ang dalaga. Agad ding binalot ng takot ang katawan nito.
"Rico, s-s-sorry ngayon lang ako nakapunta dito," simula nito.
"Okay lang. Basta kung makakatulong ka..."
"Ibigay mo na yang camera," mabilis na payo ng kaibigan.
"Sa tingin mo yun lang ang pwede kong gawin?" tanong ng binata.
"Simula nung inuwi mo yan galing sementeryo, binuksan mo na ba ulit yung kamera?" tanong ng kaibigan.
"H-hindi pa. Maan, m-may dapat ba akong malaman?" habang sinasabi ni Rico ang kanyang tanong, ay agad din siyang nakaramdam ng takot. Nagtayuan ang mga balahibo nito sa katawan.
Hindi na nakasagot ang dalaga.
Agad agad ay kinuha nito ang kamera sa mesa, tinanggal ang takip at sinilip ang lente.
Hindi nakagalaw ang binata sa kanyang nakita.
Puno ang kwarto niya ng mga kaluluwa ng mga namayapa. May babaeng duguan. May mga batang gusgusin. May lalaking sunog ang kalahati ng katawan. May dalagang puto ang ilang parte ng katawan. Lahat sila nakatingin sa kanya.
Kahit na inalis ni Rico ang mata sa lente, alam niyang napapaligiran siya ng mga kaluluwa. Multo. Lahat sila palapit sa kanya.
Agad tumakbo palabas ng bahay ang magkaibigan. Sinalubong sila ng inang umiiyak at hindi matahan.
"Rico, patay na ang Tita mo," sambit nito.
Napahinto ang dalawa.
Isinumpa. Yan ang unang pumasok sa isip ng magkaibigan.
****************
Happy Halloween sa inyong lahat!!!
Sana'y di magparamdam sa inyo yung katabi ninyong mga multo!!! :P
Mga Sumasampalataya
Oct 31, 2011
Oct 26, 2011
DEAR GILLBOARD 2011
Kumusta naman ba ang future? Masaya ba?
Sana ay masaya ka pa. Kasi kung tatanungin mo ako ngayong 2011, masayang masaya ako. Naaalala mo pa ba? Madaming magagandang nangyari sa mga panahong ito. May lovelife ka!!! Sana pag binasa mo ito, kayo pa ring dalawa. Wag mong gaguhin yun. Mahal ka nun. Mahal na mahal.
Sana pag binasa mo ito ay may malaking ipon ka na. Marunong ka na ngayong magdownload ng comics. Hindi mo na kailangang gumastos ng libu-libo para makapagbasa nito. Isang libo lang ang internet connection ngayon, unlimited download ka na sa lahat ng gusto mong basahin at panuorin.
Pumapayat na ako ngayon, kaya dapat pag binasa mo ito ay mas healthy ka na. Tandaan mo, singkwenta ang edad kung kelan tayo lilisan. At dahil ang dalas ko ngayon mag Dance Central, sana naman ay hindi ka na nakakahiyang tingnan sumayaw ngayon. Hopefully hindi ka kailangan magkaroon ng mga muscles, kasi dapat yun nga, kayo pa rin ni Kasintahan.
Suportahan mo yun. Laki ng pag-asang yumaman nun. Matalino. Ngayon pa lang kahit trainee, siya na gumagawa ng trabaho ng isang may mataas na posisyon. Kung sakali, matutupad ang pangarap mong magretire ng maaga. Kaya kung may mga araw na pressured siya sa trabaho, dun ka lang sa likod niya. Kaya naman niya, kailangan lang niya na may labasan ng mga rants niya. Mataas pangarap nun, at kayang kaya niya abutin lahat ng mga iyon.
Kung sakali naman na pangatawanan mo ang pagiging Career Boy at di isang simpleng houseband, sana naman ay mataas na ang posisyon mo. Kung di man, ay malaki na ang sweldo mo. Sobrang ngarag ako ngayon sa trabaho, nag-aaral ulit para lumawak ang nalalaman sa linya ng trabaho ko ngayon. Wag mong sayangin lahat ng pinaghirapan ko. Yang mga inaaral ko ngayon, hindi lang sa mundo ng gasolinahan at lubricant mo magagamit, pwede ka pang maging IT pag nagkataon. In demand yang posisyon mo ngayon, wag mong sayangin at balewalain.
Sa mga oras na ito, wala na ako masyadong mahihiling pa. Pwede nating sabihing kumpleto tayo ngayon. Maintain mo lang yan.
Don't screw it up.
Nagmamahal,
Gillboard 2011

Oct 22, 2011
MY FAVORITES IN BOHOL
I'm not much of a traveler. I'm a city boy. I prefer the hustle and bustle of the urban life. But every once in awhile opportunities come my way to travel, so I just take it.
AS OF 12:01 10/24/11
This time, it's Kasintahan's birthday.
This is also the first out-of-town trip I had where I brought along my camera. I now see why travel bloggers do what they do. There's something alluring to capturing and immortalizing real beauty.
Our second out-of-town trip brought us to one of the most beautiful provinces in the Philippines. Bohol.
So today, I'm posting my 10 favorite photos of the place. I know I still have alot to learn about camera settings. I'm still using full auto when I shoot pics.
Inside Baclayon Church |
Dancing group in the middle of the Loboc River ride |
At the end of the Loboc River ride |
Who doesn't like tarsiers? |
The man made forest. |
The world famous Chocolate Hills |
My favorite photo in Bohol |
Relaxing |
Inside Hinagdanan Cave |
Just beautiful. |
AS OF 12:01 10/24/11
It's official. 2 years na kaming friends ni Kasintahan!!! Wala lang. Pakakeso lang.
Oct 19, 2011
THE WALKING DEAD SEASON 2
Last Sunday, one of the best series on the planet started it's second season.
The Walking Dead is back!!!
The first episode picks up where last season ended. The group has moved on after the CDC blew up. They get stranded in the middle of the highway on their way to their next stop. A pile of about a thousand vehicles stops them from moving forward and a herd of the hungry undead prevents them from going anywhere.
The show has moved away from the comic books, but that's fine. It's become more unpredictable, and more exciting. You don't know what to expect anymore.
I'm now worried for Sophia. I don't know what will happen to Shane (I'm waiting for him to finally die... he did in the comics). I hope they'll flesh out T-Dog and Daryl more (they're the new characters). Where's Tyreese and his family?! How long will they be staying in Herschel's farm? I don't know the answers to these questions. I like it.
The great thing about this series is that even if they did deviate from the original story, they still find a way to come back to where they should be in the comics.
The first episode like the rest of the series was brilliant. The first half of the episode was heart attack inducing. It was suspenseful. It was gory. It was scary as hell. The show's back in it's form. Just the way I like it.
I believe Fox International will be showing the series here starting this weekend.

Oct 11, 2011
PAPAPAPAPALAISIPAN
May lumapit sa aking isang kaibigan.
Iniwan ng kanyang kalandian.
Di niya masabi ang dahilan kasi hindi niya alam kung bakit siya hiniwalayan. Ginawa daw niya ang lahat para mapasaya si ex niya. Ibinuhos ang oras, ang pera ang lahat ng nararamdaman para ito'y maging maligaya. Tapos bigla na lang daw sasabihin sa kanyang ayaw na niya.
Alam ko itong mga bagay na ito ay balido. Tuwing nakikita ko sila nararamdaman ko namang totoo ang sinasabi ng kaibigan ko. Pero alam ko din na siya ay medyo selosa, mataray, competitive at overbearing. Mga katangiang pag nasobrahan ka ay iyong pagsasawaan.
Pero dahil siya ang iniwan, sa mga kwento niya siya ang naging biktima.
Napaisip ako, bakit kaya pagdating sa mga kwento ng hiwalayan kung sino ang nagkukwento siya palagi ang biktima? Palaging hindi siya ang may kasalanan?
Mahirap bang aminin na kaya di kayo nagkatuluyan ng mahal mo ay dahil sinakal mo ito? Na kaya laging maikli ang mga relasyon ninyo ay dahil may magpakita lang nang kaunting interes sa iyo ay pinapatulan mo agad ito? Na kaya wala talagang nakakatagal sa iyo ay dahil di lang pangit ang mukha mo, pati na ang ugali mo? Masakit ba sa pride sabihin na kaya ka iniwan ng syota mo ay dahil nahuli ka nitong nanloloko?
Kailangan ba lagi tayo ang biktima? Mahirap ba talagang tanggapin na minsan tayo ang may pagkukulang?
Bakit kaya mas madaling ibato ang sisi sa iba?
Wala lang. Naisip ko lang.

Oct 5, 2011
AKOOOOO NAAAAAAA
May mga araw talaga na napapatunayan ko sa sarili ko, na kahit na marami ang tumututol, tama akong gwapo ako.
Napatunayan ko rin na magnet talaga ako ng mga taong hindi ko tipo.
Kanina pauwi, pagod na pagod ako. As in nahaggard ako sa tatlong linggong siksik liglig ang trabaho. After eight years ng pagtatrabaho, ngayon lang ako napagod nang ganito. In short pag-uwi ko kanina di nako mukhang fresh. Di na mukhang bagong ligo. Pero mabango pa rin.
So sumakay ako ng bus, at dahil sobrang aga wala pang masyadong maraming tao. Lahat ng mukhang makikita mo, matatandaan mo. Pumwesto ako sa bandang gitna.
Pag-upo ko, sumakto ang mata ko dun sa lalakeng nasa harapan ko. Ang mga mata niya ay nakatutok sa mukha ko. Sa katawan ko. Sa akin.
Eto nanaman, natipuhan ulit ako ng kuyang tirador ng mga pogi sa bus.
Shy type si kuya, nung napansin niyang nakita ko siya nakaharap na ang ulo niya sa tamang lugar. Palayo sa akin.
Pero sadyang malakas ang hila ng magnet ko. Sinisilip niya ang repleksyon ko sa salamin sa bintana. Nililingon niya ako sa likod niya. Hindi sa pagmamayabang, pero alam ko ako ang pinupunterya niya dahil ako lang ang tao sa likod niya. Ako lang ang tao sa gitna.
Kung ibang tao ako, papatulan ko siya. Pero sa totoo lang ang creepy ni kuya. Papatulan ko siya. Totoo. Sasapakin ko siya.
Hanggang sa pagbaba inabangan ako ni Kuya. Nang magkita kami sa mata, nakita ko ang dila niya. Yung parang nakatikim ng titing malinamnam.
Kahit nakatalikod ako, ramdam ko ang mga titig niya.
Nang-aakit.
Nanunukso.
Nakakadiri.
Oo. Ako na. Lecheng buhay to.

Subscribe to:
Posts (Atom)