Dahil nga hindi normal na gaya ng regular na kumpanya magpasweldo ang mga amo ko, ngayong buwan na ito, ay madaling naubos ang kakarampot na sinuweldo ko. Hindi talaga ako masyadong magastos na tao, pero dahil maraming naganap sa buhay ko noong mga nakaraang mga linggo, kailangan kong humugot ng humugot ng pera sa aking ATM. Nandyan yung magpakain ako noong kaarawan ko, isa sa opisina, at isa para sa mga kaibigan ko. Tapos nandyang magshare ako ng panggastos para sa party ng nanay ko (kahit ako, walang party nung kaarawan ko). At syempre yung magdagdag sa pambayad kay Bebong (yung Xbox ko). Kaya isa't- kalahating linggo matapos ko makuha ang pinaghirapan ko, naubos agad ito.
Para sa tatlong linggo na ako'y naghihintay na magkaroon ng sasahurin muli, kailangan kong pagkasyahin ang dalawang libo na natira sa bulsa ko. Sasabihin ko sa inyo, ANG HIRAP ng ganito!!! Para sa isang taong magastos na kagaya ko, ang hirap pigilan ang sarili na bumili ng mga bagay na gusto ko.
Pero napagtanto ko na kahit ganun ang buhay, meron din namang mga advantage ang hindi pagkakaroon ng pera sa mga panahong ganito...
UNA: INSTANT DIET
Dahil nga wala akong pera, hindi na ako nakakabili ng pagkain sa labas sa tuwing mapagdesisyunan ng mga magulang ko na kamote lang ang kakainin nila sa bahay. Wala naman akong pera para umorder ng pagkain sa labas. Madalas ngayon, pag-uwi ko, imbis na Jollibee ang dinadaanan ko para bumili ng isang order ng burger o kaya Jolly Hotdog, yung tindahan ni Aling Ebang ang dinadaanan ko para bumili ng dalawang stick ng banana-que. Tapos pag tiyempong hindi pa sila nakakapagluto pag daan ko, natutulog na lang akong gutom. O diba, 5 pounds gone agad... Hahaha
PANGALAWA: FAMILY BONDING
At dahil wala akong panggastos para makagimik tuwing Biyernes o Sabado, tambay lang ako sa bahay. At dahil nakatambay lang ako sa bahay, syempre wala nang ibang pwedeng gawin kundi makipagbonding sa mga kasama ko doon. Si nanay at tatay. Nalaman kong patay na pala si Dave sa Tayong Dalawa at lumabas si Claudine sa May Bukas Pa. Kinuwento nila na tinanggap na ulit ng kapitbahay namin yung foreman na pinalayas nila. At saka yung nanay ng kababayan ng tatay ko eh pumanaw na rin. Hindi nga lang ako naambunan ng biyaya ng nanay ko, nung nanalo siya sa casino noong isang araw kasi pambayad daw ng utang yun.
PANGATLO: YOU GET SMARTER
Ulit, dahil nakakulong ka lang sa bahay kapag wala akong trabaho, madalas sa harap ng internet lang ako nakaharap. At minsan, dahil nakakasawa nang basahin lahat ng balita tungkol sa comics dahil wala namang bago, at madalas natapos ko nang basahin lahat ng blogs sa listahan ko, minsan napapadpad ako sa BBC news. Lumalawak kahit papaano ang nalalaman ko. Nakakakita ng mga site kung saan matatagpuan ang mga gadget na aking pag-iipunan. At may mga nabibisita rin akong mas maraming site kung saan nagpapakita sila ng mga educational videos ng human anatomy. At kung hindi ako naghahanap ng porn este magagandang website, eh nakakapagbasa ako ng libro.
PANG-APAT: SAVE MORE
Dahil nga nagtitipid ka, mas natututo akong magbudget ng pera ko ngayon. Biruin niyo, nakaya kong mapagkasya ang natitira kong pera sa loob ng halos isang buwan. Partida, bumibili pa ako ng comics niyan. Nakakahanap ako ng mga kainan na masarap kahit di kasingmahal. Narerealize ko ang mga bagay na hindi ko naman kailangan, at nababawasan ang buwanang pinagkakagastusan. Marahil hindi ako nakakasama sa gimikan ng aking mga kaibigan, pero mabuti na ngayong mas nalalaman ko kung paano magprioritize pagdating sa pera. Di man nadagdagan ngayong buwan ang emergency fund ko, di ko naman ito nagalaw.
PANGLIMA: LONG TRAVEL APPRECIATION
Dahil wala akong pantaxi sa gabi, bus lang ang sinasakyan ko. Nakakatipid ka na nga, maaappreciate mo naman ang mahabang biyahe. Lalo na kung type mo ang iyong katabi. Mas napapansin mo ang maniningning na ilaw ng Buendia at ng Roxas Boulevard. Minsan pa nga, mapapanuod mo yung mga pelikulang di mo pa nakikita. Bawal na ata ngayon ang mga pirated na pelikula sa bus, pero nakakaaliw lang, kasi kahapon napanuod ko yung The Hills Have Eyes 2. Astig yun, kahit walang kwenta yung storya. Napakagory. Pero di yun yung point, ang point eh masaya rin pala ang magcommute papasok.
**********
Nitong mga nakaraang linggo, simple lang ang pamumuhay ko. Walang gastos. Masaya naman pala. Mas kaunti ang pinoproblema. Actually, kung wala siguro akong ginastos noong isang buwan, tapos ganito lang ang pamumuhay ko, malaki tiyak ang maidadagdag ko sa emergency fund ko. Kung ganito lang ako mamuhay noon pa, baka malaki na ang ipon ko ngayon. Kaya ko naman, kelangan lang makapagpigil.
Ang plastic ng post na to no? Sa totoo lang, wala pa ring tatalo pag may pera ka. Mas malaya ka na gawin ang gusto mo. Wala namang masama sa simpleng pamumuhay, mas marami ka nga lang magagawa kapag may budget ka.
45 comments:
natawa naman ako dun sa bumili ka pa ng komiks...teka anong komiks ba yan? may komiks pa ba ngayon? o ito yung mga glossy na komiks
pero kahit anong sabihin mo pare, sobrang hirap pa rin ang walang arep. minsan nga sinasabi ko sana nagkatotoo na lang yung mga spam mail na tumama sa lotto o nagpamanan ng milyun milyung dolyar hehehe
Nabasa ko nga sa PEX na once a month kayo sumesweldo so isang bagsak na **,*** agad ang sweldo mo.
Sabe nila, yung iba sa kanila nagtatabi ng isa pang ATM para mabudget talga nila. hehe
Pero nice tips ha, tipid mode ako after ng Bohol Trip. Tipid dates at tipid lunches muna! ;)
pera na naman?
taena.. kaplastikan!
pero may mga advantage nga naman ang mawalan ng pera.. kita mo naman---may bonding moments kayu ng parent mo.. at hindi yun mabibili ng pera mo..lols nangyayari yun kapag wala kang pera? hehe
baka naman mag-wish ang parents mo na lagi kang maubusan ng pera..
hehehe
pero astig na astig ang mag-commute! yun ang isa sa hindi ko maiiwasan kapag nasa manila ako nun.. ayoko sa taxi..mabuburo ka..
mulongkis: lam mo, pareho tayo... minsan iniisip ko rin sana totoo yung napamanahan ako ng isang mayamang businessman sa Nigeria ng $500,000.00. hehehe
chyng: kulang... ***,*** sweldo ko... hahaha.. i wish!!!
kosa: i doubt na pinagdarasal nila yun... gusto na nga nila ako lumayas ng bahay... para bawas gastos sa kanila... hehehe
ang mahirap sa ganyan masasabi mo lang pag wala kang pera tapos pag meron na naman parang wala kang nasabi...
Lesson:
Matutong magtipid... hehehe
rens: totoo yan... pero at least ngayon, alam ko na kung ano advantages ng walang pera... hehehe
marco: totoo...
pera ang nagpapaikot ng mundo. makikipagsuntukan ako sa di nag-aagree. hehe.
masarap nga kung may pera ka. nabibili mo ang gusto mo. at kung magkasakit ka (knock on wood) may panggastos ka sa gamot. nakakabayad ng mga bills sa kuryente, tubig, cellphone, at isp. pati na rin xbox. :-D
ngayon na lang ako ulit makakapg-comment...
gusto ko yung ending. wala naman masamsa simpleng pamumuhay mas marami lang magagawa kapag may budget ka. ahahah. how true!
minsan gusto ko din na wala akong pera, kasi kapag may pera ako nararamdaman ko ang pagka-materialistic ko.
pero mas mahirap ang sakit na dulot ng kawalan ng pera. lalo na kung may mga kupal na mahilig magyaya lumabas at mag-shopping. ahahah.
scud: pera ba? akala ko love!!! hahaha... tsaka comics, makakbili ng comics. yun ang importante... hehehe
lavinia: ay naku, dami akong kilalang ganyan.. tas ending sakin papalibre kumain.. kakainis.. hahaha
At least nakita mo yung better sides ng walang pera. Hehehe. :)
Parekoy...nice tips... actually din sa ngayon habang nasa bahay lang para sa surgical recovery ko, no work no pay ako...huhu..kaya walang pera din, 60 days yun pare...anu ggawin ko..buti na lang si misis may work at sya muna bahala sa gastusin dito sa bahay..tama ka na tol sa mga tips mo... same with you "MASARAP DIN PALA ANG WALANG PERA"...
joms: yeah... pero kaplastikan lang talaga yan... hehehe
mokong: buti ka pa may katuwang ka na pagdating sa finances... mahirap yung mga kagaya kong lonely boy... hahaha
Pareng Gilbert...tama ka...marami kang natututunan pag wala kang pera.Evidence yung post na to. Hehehehe!
At least alam mo na ngayon kung anong gagawin mo para makapag save.
The thing is...most of us have that disease. Pag may pera tayo, kumakati ang mga kamay kung papano gagastusin. We need to learn how to save for a rainy day. Di ka nagiisa pare!:-)
hirap talaga pag nauubusan ng budget naranasan ko yan ng mag stay ako sa pinas, kya now ng bumalik ako dito more on savings na ko para sa future.di na pwede ang puro shopping hehehe...
... salamat kuya Gillboard for tryin' to cheer me up.... i appreciate it.... salamat....
...punta tayo sa post moh... totoo yang mga sinabi moh... true magaling tayo mag-budget kapag walang perah.... yung tipong minsan akoh ha... pag wala nang pera.... kahit instant noodles na lang kinakain koh.... at one time... i was out of budget... umuwi na lang akoh sa haus keysa kumain sa skul... at kung san sa pumunta.... wala akong pambili nang regular latte koh... napilitang umuwi sa haus para mag-instant coffee na lang... tapos true sometimes bonding w/ them... sama sama kmeng walang makain... lolz... or one time i was really hungry... binubuksan koh ang fridge nang ilang beses... pero walah tlgah... alam koh naman pag-open koh pareho pa ren makikita koh pero nagbabakasakaling may lumitaw na pagkain..lolz so yeah one time i juz ate rice w/ toyo... buti na lang may rice.... so 'unz... pag walang pera... walang gagastusin... 'un palah... kaya nde mahirap i-budget... cuz walang ibubudget... pag may money... sometimes iniisip... san koh gagastusin toh?... lolz... pero lately i think i'm being kuripot... eniweiz... so 'unz... ingatz lagi kuya Gillboard...
...oh yeah i guess d' less u have d' simpler ur life would be... i thinks itz better...and you'll be more happy.... opinion koh lang 'un =)
...oh nga palah kuya gillboard... kapapanood koh lang 'ung slumdog millionaire... ganda nga nang movie... alam koh huling huli nah akoh sa movie nah 'un... nabanggit koh lang sau... kc sinabi moh noon devah maganda...so 'unz... laterz =)
mahirap na masarap na walang pera.
wag nga lang makanood ng commercial sa tv ng masarap na cake sa red ribbon. torture,
but ok din ang instant diet. anorexia mode. instant ANOW (anorexia) dba..without effort un,, ^_^ ma try nga...
Hehehehe, alam okay din minsan ang walang pera kasi naapreciate mo ang mga simpleng bagay. May mga bagay din na di nabibili ng pera. Bakit pa kasi nauso uso yang pera na yan, hindi ba pwedeng barter trade na lang. Yung tipong papalitan natin yung XBOX nila ng isang sakong kamote?yung ganun ba?
Nga pala pre magkano XBOX sa pinas, dito sa Saudi less than 10T pesos lang ata yan dito eh?
mahirap talaga pag wlang pera... pero wala ng mas hihirap pa sa sitwasyong wala ka ng pera baon ka pa sa utang...
mahirap magtago sa pinagkakautangan!!! db?
"ok lang mawalan ng pera basta malapit sa pamilya"..
yun ang lesson na natutunan ko dito sa dubei..hehe..kaya save more, kembot less ako ngaun..haha
dahil wala si naynay at taytay sa tabi ko para abutan ako ng sermon este ng pera pag naubusan na ko :))
very positive ah. i hope ako dn..my pagka nega kc ako..
ako okay lang wag gumastos ng sobra, pero mas assured ako if I know I have money sa wallets ko. :)
at least, I know I have bucks to spend whenever I need 'em.
pero okay lang din mamuhay ng simple, like what I'm doing now.
Ron: Wala naman sigurong tatanggi kung sasabihin kong masarap talagang gumastos para sa sarili. Pero kung future na ang usapan, kelangan talaga may ipon na.
Angel: ok lang naman shopping every once in awhile... ako tuwing pasko at bday ko, nagshoshopping ako para sa sarili ko...
ang hinahanap ko ngayon.. simpleng buhay at hindi kumplikado
dhianz: galing ng movie noh?! di ako magpopromote dito kung di ko naman gusto... may taste ata to... hehehe
juz: onga.. kung la ka pera stay out of television... temptation lang lahat yan!!!
drake: di nga, 10k lang dyan?! 25 siya dito!!! waaaaahhhh!!!!
azel: totoo, kaya hanggang ngayon, wala pa rin akong credit card.. ayaw ko ng utang... kung di maiiwasan, make sure na mabayaran agad.
jen: yan din ang dahilan ko kaya ayaw kong umalis ng Pinas. Di naman kasi ako lugmok sa hirap dito, kaya ko pa naman... tsaka hirap malayo sa mahal mo sa buhay...
ckleick: it's all about the attitude. lagi kasi isip ko, di naman palagi magiging ganito buhay ko.. tsaka kung optimistic ka, mas lapitin ka sa swerte... pansin ko lang.
noah: naks yaman, daming wallet... ako isa lang kasi... chaka isang coin pars...
jin: kung gusto mo simple... magpakasingle ka muna... hahaha!!!
naku nakakarelate ako tsong sa post mo. Gastador din kasi ako. :-)
pero tsong mas natuwa ako sa background music mo, waaahhh! naalala ko na naman ang SLUMDOG MILLIONAIRE! hindi mo ba alam kung ilang linggo kong pinagmuni-munian ang pelikula na yan bago ako naka-recover? hahaha tapos eto pa ang music mo. hahaha
onats: naku pareho tayo... ako nga, ngayon, pinapatugtog ko dito sa office paulit-ulit yung version ni Nicole ng Jai Ho... hehehe
Very true gillboard!
GAnyan din ang mga ginagawa ko nowadays dahil nagiipon ako...
kaysa magyaya na mag kape sa labas eh sa labas nalang kami ng bahay at nagkukwentuhan ng mga kaibigan ko! hehehe.....
and yes! bonding moments with the parentals and mas maraming chores na nagagawa.
gillboard---ay---pagkaisahan ba ako with Chyng with the same question----next question please---keke
Wahahaha! Natuwa naman ako dito parekoy! Na miss ko bahay mo ha!
Well, yan ang power ng perspectives ika nga. Sa bawat sitwasyon may advantages at disadvantages. Minsan naka focus lang tayo sa negative na nakakalimutan natin yung blessings na kadikit sa bawat pangyayari...
Make the most out of everything. Yun yon! ANg galing! =)
"Nitong mga nakaraang linggo, simple lang ang pamumuhay ko. Walang gastos. Masaya naman pala. Mas kaunti ang pinoproblema."
Waaaaah Gilbert, hindi ko matanggap sa sarili ko yan. Haha. Pag kapos sa pera, hindi ako masaya. haha. magastos kasi.
But I like this entry. Very looking on the bright side lang. Hihi.
hahaha... kakatuwa naamn to. kuhang kuha mo ang katotohanan. kaya dami talagang matutuwa sa listahang ito.
Hirap kasing magkontrol pag may pera tapos may gusto kang bilhin na di naman talaga importante..
Sabi nila, pag di daw maganda ang mood ng tao isa lang ibig sabihin nun, wala syang pera.
Sabi naman ng kanta, buti pa ang pera may tao, ang tao wala namang pera.
Sabi ko naman, wag kang lalabas ng bahay at pupunta sa mall dahil siguradong holdap at simot ang pera mo sa makikita mo dun.. lolz
Pag wala akong pera naiisip ko yung gustong bilhin at gawin ko pero par meron na, di konagagawa yun. hayz
minsan sasabihin mo sa susunod magtitipid na po ako, pero pag andiyan na yun pera...
kaching....
lalo na kapag nabaryahan ang isanglibo, 500 o isangdaan..
HAHAHA
this is awesome
ang diet ang pinaka gusto ko!
nice tips!
ok lang walang pera basta wag lang lagi. totoo un, pag wala kn budget matututo ka, anjan nang hahanap ka ng alternatives para sa mga bagay na nakasanayan na.wala naman ding masama kung gusto mo ng marami pera lalo na kung alam mong marami ka matutulungan.
kung sakali namang sumobra pera mo at wala ka nang paglagyan, don't worry...dito lang kami.tulungan ka naming ubusin yan. hehe. ok?
hahahaha...talgang masarap ang walang pera. dito matututo kang mahtipid at gamitin ang natitirang pera sa tama...
gastador din kasi ako minsan kaya ang sweldo dumadaan lang sa atm at hindi sa kamay.....stay sa bahay mode to save...:)
that's the spirit! mabuti at nakikita mo ang positive side ng isang di masyadong magandang sitwasyon. pero at least, alam mo san napupunta ang pera mo.
Ahahahahahhahahaha.... Ayos! Adik na adik ka ah... hahahhahaha
sobrang korek ng mga sinabi. ako sabi ko sa barkada..i'll be managing my finances like a corporation. lol
Post a Comment