"It is confirmed, Carlson will be moving to Marikina."
Noong mga oras na yun, parang biglang nadurog ang mundo ko. Naging sobrang kumportable ko sa Ortigas noong mga panahong iyon, na di ko alam kung paano mamumuhay kung sakaling lumipat ako ng Marikina. Doon nabuo ang desisyon ko na magresign sa pinagtatrabahuan ko. Pareho kami ng sentimyento ng halos kalahati ng hinahawakan kong programa. Nang panahon na malapit na ngang matuloy ang paglipat, nakumbinse akong samahan ang aking barkada na maghanap ng malilipatan at matitirahan sa lugar na yon para pansamantalang hindi ako lumayas sa kumpanyang iyon. At dun nabuo ang samahang One House...
ONE HOUSE
Ang One House ang pinangalan namin sa apartment na tinirahan ko sa loob ng apat na buwan na mamalagi ko sa Marikina. Malaki siya, at sa halagang 7500 kada buwan na hahatiin sa lima, at minsan 6, eh sobrang sulit yun. Limang minutong lakaran mula sa aming pinagtatrabahuan. Katabi ng sementeryo. Sobrang lapit sa mga kainan at sinehan. Location-wise wala ka talagang irereklamo. Medyo malayo nga lang sa Makati na aking madalas na tambayan, pero ayus lang. Sabi ko sa sarili ko, minsan dapat matuto akong umikot sa kalakhang Maynila. Kasama na riyan ang Marikina.
Apat na buwan man ang opisyal na pamamalagi ko sa One House, eh buong taon naman akong madalas doon tumambay. Minsan, tuwing weekend, eh dun ako nakikitira. Lalo na noong mga panahon na mahina ang tubig. Doon ako nakikiligo paminsan.
ONE HOUSEMATES
Nakilala niyo na ang isa sa aking mga housemates at naifeature ko na siya dito nung isang buwan. Lima kaming opisyal na nakatira sa One House. Ako at dalawang magsyota: sina Shamai at Hansi, at Morris at Maybe. At dahil yung bahay na yun eh dalawa lang ang kwarto, gaya ng naibahagi ko noon, eh ako ang natutulog sa sala.
Si Shamito, gaya ng sabi ko, eh ipinakilala ko na noong isang buwan. Kung gusto niyong marefresh ang inyong mga alaala, iclick niyo yung featured friend na label sa inyong kaliwa. Si Hansi ang resident kuya ng grupo. Ang lider noong panahon ng mga kidnapping at inuman. Sa kanya ang pakanang magsama-sama kami sa iisang tahanan.
Si Morris naman ang aking partner noon sa opisina. Ang aking kanang kamay at noong palapit na ang araw ng aking pag-alis ng kumpanyang aking pinagtatrabahuan, ang taong responsable sa aming tahanan.
Si Maybe naman, na bagamat ate na ng samahan ay parang bunso namin. Isa kasi siyang malaking iyakin. Sabihin na nating siya ang pinakaclose ko sa aking mga kaibigan. Ang aking nahihingahan ng problema at laging biktima ng aking pang-aasar.
Sila ang opisyal kong mga housemates. Pero dahil malaki nga ang aming bahay, paminsan eh merong mga nakikitira saming mga iba pang kaibigan. Kasama na rito sina Lester, Jaja, Balu, Cajo, Padz at kung sinu-sino pa.
GIMIKAN
Simula nang tumira kami dun, siguro masasabi kong naging mas mature kaming lahat. Nabawasan at tuluyang nawala ang mga araw na nangingidnap ang grupo ng mga tao para gumimik at pumarty kung saan saan. Dahil madalas sa One House na kami nag-iinuman.
Isang hapon kasi, bigla na lang akong ginising nina Cajo at Hansi. Umpisa yun ng tag-araw. Mainit. At dahil napagtripan nila, sabi sakin gusto nilang bumili ng swimming pool. At kahit lahat kami eh hindi pa sumusweldo noon, hinakot ng dalawa lahat ng barya na nakuha nila, at lahat ng spare change ko sa bintana para lang makabili ng pool. Nagawa nila yun, at dun nagsimulang kami'y magkaroon ng pool party halos linggo-linggo.
Ang mga events na ganun sa One House eh laging blockbuster, maraming tao, palaging masaya, at nag-eenjoy lahat ng tao. Mapa-inuman, birthday, labasan ng sama ng loob, team meeting o kaya'y simpleng makikitulog lang sa apartment, eh lahat memorable. Minsan nga, kahit di namin housemate, samin gusto magcelebrate ng kanilang kaarawan.
MATAPOS ANG LAHAT
Ang maganda sa aming samahan, kahit na ngayon ay may sari-sarili na kaming mga buhay. Yung isa ay nasa probinsya na namamalagi, dalawa na lang ang naiwan sa dati naming kumpanya. At sadyang malalayo na sa isa't-isa, eh matatag pa rin ang aming samahan.
Nakita namin noon, yung mga magkakasama sa apartment, pagkatapos iwan ng isa ang tahanan, lahat eh naging kaaway na niya. Sabi namin noon, na di samin dapat mangyari yung ganun. Sa awa ng Diyos, wala namang ganung katinding away ang nangyari. Di maiiwasan na minsa'y may mga tampuhan sa isa't-isa, pero mas malakas pa rin yung pagmamahal namin sa aming mga kaibigan.
Noong Linggo, matapos ang halos tatlong buwan, eh nagkasama-sama kami ulit. Hindi man kami kumpleto, eh masaya pa rin. Lalo pa't nabalitaan naming on-the-way na ang isa. Pero mas lalo dahil sa bahay eh 2 na yung controller ng xbox ko!!!
Hay, madadagdagan nanaman ang aking magiging inaanak.
24 comments:
Nasubukan ko na magkaroon ng housemates. Next time, maaring iyon naman ang ikwento ko. Hehe.
Hi Gilbert!
Nung saturday ko pa nabasa yung YCMY entry mo, pero di ako nakacomment kaso uwian na eh.
Nwey, di ko pa din pinanood kahit andameng tao ang nasiyahan jan!
ganyan talaga ang totoong samahan, hindi nasisira kahit ano ang mangyari.
iyan naman ang hindi ko naranasan yung tumira sa maynila ng kasama ang mga kaibigan.
joms: hihintayin ko yan... naisulat ko lang to kasi nga nagkita kami nung weekend... tas ngayon miss ko nanaman sila.... hay
chyng: okay lang yan... pero parang corny yung wla kang kasabayan na kiligin.. hehehe.. pero di ako kinilig!!!
mulongkis: masaya na medyo mahirap, kasi pag kasama mo mga kaibigan mo sa isang bahay, parang asawa lang... dun din lalabas yung mga ugaling di mo magugustuhan na dati'y di mo nakikita... pero ayos lang... tanggap ko pa rin sila... hahahahaha!!!
mukhang talagang walang kapantay ang samahang ONE HOUSe ahhhh...
parang alak ang pagkakaibigan.. habang tumatagal, lalong sumasarap...
totoo yan... ewan ko ba... siguro parepareho lang kasi kaming mahilig mag-enjoy sa buhay...
This post remind me of my friends back in Baguio, mga naging housemates ko din for three months. And some others na nakasama ko rin kung saan saan. Kung saan saan kasi ako tumira. NPA
Ang sarap magkaroon ng mga kasamang tulad nila noh... Di mo naman maiiwasan ang conflicts eh pero importante nangingibabaw yung pagmamahal nyo sa isa't isa.
Maraming taong dumadaan sa buhay natin kaya make the best of every opportunity to let them have a part of you. Para kahit magkakakalayo na kayo, imposible ka nilang makalimutan.
Ay naku pare, lalo akong naho-homesick sa post mo. Yan yung maganda pag sa Pinas ka. Kahit magkakalayo na kayo ng mga barkada mo, meron pa rin kayong koneksyon.
Dito, kahit magkalapit ang bahay ninyo halos hindi kayo nagkikita dahil parang masyadong mabilis ang oras dito. All work no time to play. Very depressing.
Panahon para magpakilala at panahon para magpaalam. Realidad ng buhay....
Ang mahala don't burn bridges...
Talagang darating sa punto na kailangan natin maghiwalay ngunit ang mga alala ang siyang magsisilbing tulay sa magpakailanman...
Naalala ko rin ang aking college days.. ang sarap mag reminisce! =)
dylan: onga eh... looking back, di mo aakalain na magiging kaclose ko yung mga yan... kasi, pangunahing pasaway yan sila nung hawak ko pa sila noon sa account ko.
ron: isa yan sa dahilan kaya wala akong balak na umalis ng Pilipinas...
oracle: so deep... pero so true.. salamat!!!
iba tlga ang feeling pag kasama mo ang mga kaibigan lalo na kung malalapit sayo. ang saya saya...laging may party..tumira din ako sa isang one house sa maynila, ang pagkakaiba nga lang eh sa akin one house at one man, walang kausap kaya boring.....
sarap cgro tumira sa one house nyo na yan....lolz..
iba tlga ang feeling pag kasama mo ang mga kaibigan lalo na kung malalapit sayo. ang saya saya...laging may party..tumira din ako sa isang one house sa maynila, ang pagkakaiba nga lang eh sa akin one house at one man, walang kausap kaya boring.....
sarap cgro tumira sa one house nyo na yan....lolz..
kami ng mga housemates ko ngayon magkakasundo lahat. ibang-iba kung ikukumpara dun sa experience ko with my former roommate (nabasa mo na yun).
basta marunong ka makisama at wala kang kasama sa bahay na maluwag ang turnilyo sa ulo, magiging maayos ang samahan.
pogi: ay naku... nung magkakasama pa kami sa one house, lahat kami nagsitabaan dahil wala ng ibang ginawa kundi kumain... at pumarty.
eben: dapat lang talaga na kasundo mo yung mga kasama mo... eh ang layo mo sa Pinas, may pagkaloner ka pa, tapos di mo pa makakasundo housemates mo... hehehe
no matter how far the distance and how long the time... true friends will always be friends...
saya naman magsoundtrip dito... hehe
nako.. kung ako yan.. bka gabi gabi inuman kami! haha.
saya nun ah!lols.. :]
Uy, okay yan ah! I haven't tried living outside our house. Buong buhay ko sa bahay namin sa Far-view ako umuuwi. Complete freedom from my family is something I haven't experienced yet. Subukan ko pag kaya na ng suweldo ko, ehehe.
keep your friends... and keep in touch.. dahil kailangan ka ng mga inaanak mo pag pasko! ahehehehehe!
minsan lang magyari ang ganyan sa isang samahan ng magkakaibigan kaya lalo nyong pagtibayin, good luck sa one house :)
walong taon din ang ginugol ko living with housemates. masaya pero dumating din ang panahon na kelangan ko ma-try living alone. yun naging wild tuloy ako! LOLs
nice to reminisce!
never tried na ganyan na kasama ang mga kabigan sa isang house---wacky cguro no? ----kakalungkot nga lang talaga pag paalaman na---
wahaha! ngaun ko lng nbsa to ah.. isa png trivia,
remember y 1house? kc nung wla pa 1 house and evritym mangingidnap c hansi or my mgaaya na mgstay sa bhay ng my bhay at dun matulog at uminom at manginain aft ng shift, ang famous line is " tara, 1house tayo!" until nkpundar na tyo ng sarili nting 1 house..hehe!
naalala ko tuloy na nging multipurpose hall ang apt ntin for events and gatherings, nging shelter din ng mga abandonadong agents.. hehe!
wel sadly, wla na yung mgiging inaanak ntin..
Post a Comment