Mga Sumasampalataya

Sep 28, 2011

NASAAN KA GILLBOARD

Mahigit isang linggong hindi nagpaparamdam si Gillboard. Bakit kaya?

Alam ko wala naman talagang nakakamiss sa akin. Alam ko wala naman talagang nagtatanong. Pero dahil natural na sa pagkatao ko ang maging defensive, magpapaliwanag ako.

Kung inyong matatandaan, mga ilang linggo pa lang ang nakakalipas, ay nabanggit ko na may tinanggap akong bagong posisyon. Lateral movement, nagbago lang ang aking titulo, pero di naman ako napromote. Isa na akong Super FriendlyUser o mas kilala sa ibang kumpanya bilang Subject Matter Expert.

Ibig sabihin natatambakan na ako ngayon ng trabaho. Ang dati kong petiks na buhay ay isa na lang alaala. Araw araw ay may testing ako, may mga meeting, may mga isyung kailangang tapusin. Kapag weekend naman ay magkasama kami ni Kasintahan o kaya naman ako'y nasa harap ng telebisyon, naglalaro ng PS3 o XBox. Wala na talagang panahon sa net. Kung binubuksan ko man ito sa bahay, yun ay para na lang magdownload ng mga palabas sa telebisyon.

Ganito pala ang feeling ng busy. Nakakastress!!!

********************
Madami akong nakatambak na kwento sa drafts ko. Di ko natutuloy dahil walang oras. Minsan nasimulan ko na, pero dahil naputol ang trail of thought (shet trail of thought) nakalimutan ko na yung karugtong.

Sayang may isa pa naman akong magandang kwento. Saka na lang, kapag naalala ko na kung ano yung detalye nung kwento.

Basta nagpapasalamat pa rin naman ako at busy ako ngayon, kahit wala na pera.

********************
Bumigay na din ako. Di ko na matiis. Nagtutwit na ako. Nakaprivate nga lang ang account ko. Ayaw ko magkaroon ng kaaway kaya para na lang sa mga kakilala ko ang nakapost doon.

Meron na rin pala akong Google Plus. Wala nga lang oras ibrowse ito.  Yung Facebook ko naman, feeling ko going the way of friendster na. Ang dami na kasing kamag-anak akong dinedecline ang friend request.

********************
Maikling kwento lang.

Kanina, matapos ang pagkatagal-tagal na panahon, inispray ko yung Scent of a Man ng Body Shop. Itong cologne na 'to ang paboritong amoy sa akin ni Joy. Kaya biglang naalala ko siya. The one who got away.

Wala namang nanumbalik.

Wala lang naalala ko lang.

Nakangiti ako sa bus dahil dun. Ni-twit ko pa nga.

Kaya lang, ilang minuto lang pagkaupo ko sa bus, biglang sumakay si Kuyang Nigger. Obviously maitim siya. Malaki. Nakakatakot. Yung tipo bang sa airport, yung magpapasuksok ng droga sa puwet mo. Ganung hitsura. Oo panget siya.

Kaya lang hindi lang yun yung katangian ni KN. Tang-ina ang BAHO BAHO BAHO niya!!! Alam niyo yung amoy ng lumang bus? Yung iniipis? Parang ganun na may sakay  na apat na bumbay na hindi naliligo. Ang sakit sa ilong. Kumakapit. Na-overpower yung amoy ng pabango ko.

Walang halong biro, mula Baclaran hanggang sa LRT sa Buendia naaamoy ko siya. Sa harap ako nakaupo, siya sa likod. Yung naamoy ko lang yung nung dumaan siya, pero shit naglinger ng pagkatagal-tagal ang amoy niya.

Ayun lang naman ang kwento ng buhay ko sa ngayon. Sana sa mga susunod na araw mabakante ang oras ko.

Pero hindi ako nagrereklamo. Gusto ko ang mga ginagawa ko.

Sep 19, 2011

MANILA ZOO 2011

Sa ikalawang pagkakataon, nakapag photowalk session ako kahapon. Well, photowalk slash date na rin kasama si Kasintahan. Dahil nagtitipid kami pareho para sa byahe namin sa susunod na buwan sa Bohol, Manila Zoo lang ang napuntahan namin.

In fairness, mas maganda ang experience ko ngayon. Di gaya ng huling punta namin, na muntik na akong maiyak dahil sa kundisyon ng mga hayop doon, nakakatuwang marami na ang improvements niya. Tao na lang ang problema siguro. Nakikita namin ang daming basura ang nakakalat sa lugar. Sana maging disiplinado po tayo dahil kawawa ang mga hayop na nandun.

Meron pa ring mga hayop na medyo malnourished. Panalangin ko na lang na sana'y mabigyang pansin pa ito dahil sayang siya. Lahat naman siguro tayo noong bata'y nakarating na sa Manila Zoo. Kailangan talaga ng lugar ito. P40.00 lang ang entrance fee dito (maliban na lang kung bata ka o taga Maynila).

Anyhoo, ito ang mga litratong nakuha ko sa lugar. Wala po sanang laitan. Di ako photographer gaya nina Dongho at Chyng. Wala akong formal na training, at di pa gaanong upgraded ang camera ko.

Ang unang makikita mo pagpasok sa zoo.

parang alam lang niyang may kumukuha ng litrato niya

reminds me of someone sa office

cassowary

iguana ata 'to. limot ko pangalan.

meron isang tiger dun sobrang payat

mali yung naupload kong pic. yung isa yung paborito kong pichur

cross-breed na ata to ng horse at zebra.

in fairness, daming tao sa zoo

diba guinea pig 'to?

ayun pala yung rabbits!!!

love this picture

philippine squirrel. so cute!!!

family picture!!!

si scarlett na makulit

kulit nitong mga lovebirds na 'to. takot si kasintahan dito

bait nitong ibon na to. kasama sa package ng jungle adventure na dagdag P100 pero all access.

may picture din ako with gibby.
So ang tanong ngayon, magiging photoblogger na din ba ako?!

I know, marami pa akong kakainin para maging gaya ng mga pro photobloggers.

Sep 17, 2011

ISANG ARAW NAGTWITTER AKO

Isa sa mga bagay na sinabi kong hinding-hindi ko gagawin sa buong buhay ko ay ang magbukas ng account sa Twitter.


Wala lang, hindi kasi ako isa sa mga naunang nagkaroon nito. Di ako kasali sa mga trendsetters kaya di ko na pinangarap na makiuso. Ayaw kong maturingan na nagpauto.

Ito at ang Twilight Saga ang mga bagay na sobrang sumikat na hanggang ngayon ay di ko pinagkakainteresan. Ngayon, Twilight Saga na lang.

Halos isang linggo pa lang naman ako nagkakaroon nito. Pero nakita ko na kung bakit naaadik ang mga tao dito. Halos isang linggo nakong may account at naaliw din naman ako. Wala naman akong balak iexpand ang Twitter life ko. Wala nga akong sinusundan na kakilala ko ng personal. Puros celebrities lang. Ayoko nga magtwit. Gusto ko lang may maisulat.

At dahil dyan. Eto ang mga napansin ko sa isang linggong pagbukas ng Twitter.
  • Malaking tulong siya (lalo na kung follower ka ng MMDA). Kanina P300 lang ang nagastos ko sa taxi dahil nabalitaan kong traffic sa may airport dahil sa welga. Kung di ko nalaman yun, siguro P600 ang binayad ko at sobrang nalate ako.
  • Microblogging nga siya. Effective pa. 140 characters lang alam mo na ang nasa isip nila. Di mo na kailangang basahin ang ga-nobelang post ng mga tunay na blog.
  • Ang hirap gumawa ng twit na 140 characters lang. Facebook stats na lang ako.
  • Ang kuleet ni Superstarmarian!!! Pero minsan medyo sablay yung mga jokes niya.
  • Nakakatuwa din sundan si Kuya Kim. Mayroon kang matututunan. Mga kalokohan. 
  • Wala akong naexperience pang twitter wars. Pero sabi nila, sundan ko lang daw sina Ogie Diaz at Mo Twister. 
  • Di mo na kailangan maghintay na iapprove ang follow request mo para mabasa ang nasa isip ng mga artista. Di gaya ng sa Facebook (oo ikaw yun Ginger Conejeros!!!).
  • Di ako adik. Di ako maaadik.
Di ako nagsasabi ng tapos. Sinabi ko nga noon di ako magtutwitter pero eto ako ngayon, nagsusulat tungkol dito.

Bigyan niyo nga ako ng dahilan kung bakit dapat kong ituloy ang kalokohang ito?

Kung gusto niyo akong sundan (kahit wala namang laman ang twit ko, hanapin niyo na lang ang pangalan ko).

Sep 13, 2011

MY TOP FILMS: SUMMER 2011

Unlike last year, this year's list is going to be different. I'm just going to list the best films that I saw over the US Summer Movie Season. It's not over yet, here in the Philippines because there are still a few films that have yet to be shown here, but so far I think I have a good list.

If you're expecting some of the films to make it on this list but didn't, it only means three things: I thought it was crap, I didn't see it or both (I didn't see it because I thought it was crap). Yeah, so there's no Green Lantern, Captain America, The Priest, Cars 2 (very disappointing) or Hangover 2.

8. SUPER 8
Honestly, this year's list is hard to rank. These are films that had me picking up my jaw on the floor. Of course these are films that requires you to turn your brain off for a couple of hours to fully enjoy. But the thing I'm looking for, the one thing that makes me enjoy a movie, is when it makes me leave the theater with a huge grin on my face. Super 8 is the first on the list. They say this is J.J. Abrams' tribute to Steven Spielberg, and it really shows. The hair on my arms stood up when I saw the alien in this film. Story-wise, this is a kid's film, but as a guy who grew up the same time the makers did, it tugs the strings of the child in you.

7. THOR
Marvel is marketing monster. Whether it's in comics, films or tv, if they have a project coming out, expect the hype to be all out. The hype really isn't for Thor itself. Thor is just a small piece of a bigger puzzle. I think this movie was created so that we'll be excited for the Avengers movie coming out next year. And it was successful. I was drooling when I saw Clint Barton (Hawkeye) pulled his bow onscreen for the first time. The girls around me were obviously drooling everytime Thor was shirtless. This film had alot of drool-worthy moments

6. TRANSFORMERS 3: THE DARK OF THE MOON
I don't know why, critics have been lambasting this film. I thought the last part of the Transformers Trilogy lived up to my expectations. This was a fun movie. No need to turn on your brain, it's a movie about Japanese made toy cars from the 80s, you don't need to go all existensial on it. I do see some of their gripes with director Michael Bay though, he sticks with a formula. His fight scenes aren't as polished and  there are some that's just confusing (specially when autobots fight other robots). What is undeniable though, is that this film is visually arousing. There's no other way to see it but in IMAX 3D.

5. BRIDESMAIDS
Let's face it, Hangover 2 was a huge disappointment. It wasn't as funny as the original. Actually, it was the same film, just shot in a different location. Thank God, R-rated comedies got redeemed this summer by this movie. Kristin Wiig plays the maid of honor to her best friend's wedding. Unfortunately, she kinda lives a screwed up life. She's in a relationship with a guy who only sees her as a one night stand, the only guy who likes her, actually wants to put her in jail, and there's this other bridesmaid who wants to steal her place in the wedding. I don't ask much in films I watch, but this gave me what I asked for. I remember smiling from ear to ear when this film ended.

4. FRIENDS WITH BENEFITS
A summer film list that has a couple of chick flicks. Man, I'm getting sappy. Gay. Dammit. If you've seen alot of Filipino flicks then this one's cliche. Couple agreed to have sex for fun. One of them falls in love. The other misunderstood. There you go. But I like the execution. Mila Kunis and Justin Timberlake have chemistry. And they have sex. A lot. The girl who licked Natalie Portman's pussy can do guys too. That is the sole reason why it's high on the list. Oh it's got the best use of a flash mob.

3. RISE OF THE PLANET OF THE APES
I had zero expectations from this movie. Watching the trailer actually didn't make me want to watch it. I was actually surprised when I learned that it was showing already. I didn't read any reviews about ROTPOTA because it didn't occur to me that I'll be watching this movie. But one Saturday, after watching the genius that was "Babae Sa Septic Tank", Kasintahan was not yet ready to go home. Without anything to do, I thought why not just watch another movie. Long story short, it blew me away. Andy Serkis has been snubbed by Oscars for his Gollum and King Kong, and he probably will be again with his portrayal of Caesar for this one, but dammit he needs to be recognized! If it's for the ape alone, it's already worth your money.

2. X-MEN: FIRST CLASS
This film, I had high expectations. It's an X-Men film (I love the comics), it's rebooting the entire X-franchise, and it's directed by the helmer of my Top Film last year (Kick Ass) Matthew Vaughn. But people around me aren't as enthusiastic about this. It totally screws up the whole comics continuity, the movie stars no-name actors, and the line-up of the X-Men are of those who nobody really gives a fuck about. In a word, I was nervous. I thought that it would not live up to my expectation. Little did I know that it will. And it gave me more than what I asked for. It's not a comic book film. It's a spy film starring people with superpowers. Suddenly, I find myself loving Magneto, thought Xavier was actually a cool guy, fell in love with Mystique and I have a new favorite film.

1. HARRY POTTER AND THE DEATHLY HOLLOWS PART 2
It's really hard to say goodbye, let go and move on. I had a hard time finishing the book when it came out. Seeing this film, made it so much harder. I have high praises for this movie. I knew that from the book, this was the action part of the story. I knew it would be full of awesome moments and they did not disappoint. I love Neville's turn to badassery. I loved Ron and Hermione's kiss. Prof. McGonagall's desire fulfilled, coolness. And that one line, Molly Weasley uttered before she killed Bellatrix: goosebumps!!! Apart from all that, I did not expect that the film would also be poignant. I saw alot of girls wiping their eyes after leaving the cinema. This is how you say goodbye to a pop culture icon.  

What was your top film of the summer?

Sep 10, 2011

DO THEY KNOW?

A couple of years ago, I asked this question: Do they know?

I had an inkling that my parents had clues about who I really am. I think all parents do. These are things that just never get said. Things that are better left unsaid.

As a kid, I know they must have seen something in me. I remember my cousins would joke around that among our clan, the third generation of our family there were only about three and a half of us who'll spread our last name. The men in my family died young. I was the half.

My grandmother caught me fornicating with another guy in my room. I know she's always known. She'd tell my uncles what she thought of me when I was young. I'm sure that deed she saw would have already reached my mother's ears.

Then there's the fact that I'm almost thirty, and not once have I brought a woman home to meet them.

The Kid always sleeps over at home. And when he's there, we just lock ourselves up inside my room. I'm sure my cousin and our household help have at least once heard me and the kid say sweet nothings to each other.

They know.

The question though is this, should I confirm to them what they already know?

Sep 8, 2011

ONLINE LANDIAN NG MGA MAY KASINTAHAN

TANONG: Ano ang opinyon ninyo sa online landian ng may mga kasintahan?

Hindi naman sa nagpapakabitter ako dahil hindi ako nilalandi ni Kasintahan Online. Well, hindi niya talaga ako nilalandi. Period. Pero pansin ko, meron talagang mga tao na di mapigilan ang sarili makipaglandian sa kanilang mga kasintahan online.

Epekto ito siguro ng Facebook/Twitter Generation. Wala ka nang maitatago sa publiko. At kung papansin ka, lahat ay maaari mo nang ilabas.

Sa una, pag nakakakita ako nito, medyo cute. Tipong, awwww ang sweet. Pero kung tipong everyday, three-four times a day ka magpakita ng ginagawa at natatanggap mo sa syota mo, diba parang OA na yun?

Masarap ang keso, pero pag nasobrahan tayo dito, diba minsan medyo nakakaumay din siya?

Nung binato ko 'to medyo bumalik sakin kasi habang tinatype ko 'to sabay tinatamaan din ako. In fairness naman sakin, di ko naman to gawain sa Facebook. At sa blog naman, di nako masyado nagsusulat din tungkol kay Kasintahan. So medyo nakakailag naman ako kahit papaano.

Ang pakiramdam ko, sa umpisa ginagawa ng tao ito para magpapansin. "Uy, tingnan niyo ako may syota na ako. At ang sweet namin! Mainggit kayo! MAINGGIT KAYO!!!" Kaya lang, a few weeks/months later, magugulat ka na lang na biglang papasok sa News Feeds mo, "X changed his status from In a Relationship to Single."

Anyare? Akala ko ba mas matamis pa kayo sa semilya ng diabetic na pag tinapon sa basurahan ay agad pinagpipiyestahan ng mga langgam? Akala ko ba siya na yung the one? Diba one time sinulat mo pa nga, tamod niya lang ang kaya mong lunukin? Anyare, pre?!

Para sakin medyo nakakahiya magpaliwanag kung bakit di nagwork-out yung relationship. Hindi sa iniisip kong hindi magwowork-out yung relasyon, pero kung sakaling dumating yung panahon, alam mong walang matatawa sa'yo sa likod mo. Pagdating sa hiwalayan, ang isa sa pinakamahirap gawin ay ang magpaliwanag sa mga tao kung bakit hindi na kayo.

Sa totoo lang, wala naman masama na ihayag mo sa worldwide web ang pagmamahal mo sa isang tao. Sweet nga yon eh. Pero hindi maiiwasan na merong mga tao ang hindi makakatanggap sa ganito. Bagong bersyon ng PDA. Meron at meron talagang mga tao ang hindi natin maiiwasan na magtaas ng kilay. Lalo na kung talamak kang magpalit ng relationship status.

Ewan ko, sa akin lang naman ito, pero it's either nagyayabang ka lang or nagpapapansin.

Buti na lang wala akong twitter. Siguro marami na akong kaaway ngayon dahil sa mga iniisip ko.

Kung talagang masaya ka sa piling ng mahal mo, di mo na ito kailangang ipangalandakan online. Makikita sa mukha mo, sa kilos mo, at madaling mararamdaman ng mga tao ito. Di mo na kailangan sabihin ito, dahil ang mga nasa paligid mo ang unang makakapuna nito.

***************
DISCLAIMER:
Di ito tungkol sa mga blog post na kakesohan. Tanggap ko na yan. Sanay na ako dyan. Gusto ko pa nga ang mga yan. Nakakakilig yan. Minsan, naging ganito na rin ako.

Ang pinatatamaan ko dito ay yung mga mahilig mag status update sa facebook/twitter ng lahat ng detalye ng kanilang relasyon. Oo, pati yung pagswallow ng cum. Merong ganun. Gaya ng sabi sakin, walang basagan ng trip, malaya akong iblock ang mga update nitong mga ito kaya lang, baka wala nanaman akong maisulat.

Ang maganda sa blogging ay malaya tayong lahat ilabas ang opinyon tungkol sa kahit anong bagay. Kung sang-ayon kayo o hindi, malaya din kayong ihayag ito. Naniniwala akong doon tayong lahat natututo.

Sep 7, 2011

ANG MGA TAONG HINDI KO MALILIMUTAN 1

Alam naman nating lahat na mayroong mga tao sa buhay natin na kahit sa maliit na paraan ay mag-iiwan ng tatak sa ating puso na kahit hanggang pagtanda natin ay hindi natin makakalimutan. Mga taong naging malaking bahagi ng buhay natin. Maaaring nakasakit sa atin, o nakapagpatibok ng puso natin. Madalas, itong mga taong ito ay matatagal nating nakilala kaya hindi natin sila malilimot.

Pero hindi tungkol sa kanila ang post na ito. Para ito sa mga taong dumaan ng sobrang saglit lang, pero nag-iwan ng malaking tatak sa aking isipan.

MICRO MINISKIRT GIRL
May nakakaalala pa ba sa kanya? Sa totoo lang, siya ang dahilan kaya ko isinulat itong post na ito. Dahil nakasabay ko nanaman siya sa fx kanina. Si MMG ay yung dalagang sobrang ang ikli ng palda, pero gustung-gustong umupo sa likod ng fx. Hindi ko talaga siya makakalimutan, kasi unang-una maganda siya. Sexy. Kamukha ni Maja. Hindi mukhang pokpok. Pero parang. Tatlo kami kanina sa fx, at dun siya sa tapat ko umupo ulit. Sa tabi ni manong na mukhang manyak. Alam kong mukha siyang manya kasi nakikita ko ang tingin niya sa legs ni MMG. Alam kong balak niyang umupo sa aking tabi, kundi ko lang pinaupo yung bag ko sa tabi ko, malamang lumipat na siya. Paano ba naman, kanina ang ikli na nga ng suot niya, ang hilig pa niya bumukaka. Cream ang panty niya (oo sinilip ko, wala akong choice nakikita ko). Parang namamagnet ang mata ko. Yung tipong parang sinasadya niyang ipakita.

Pero sorry, kung alam niya lang... taken na ako. :P

SI PEKTO
Legend ito sa paaralan namin. Isa siyang taong grasa. Na  bakla. Tambayan niya ang eskwelahan namin dahil maraming pogi dun. Madami siyang namamanyak. Ang modus operandi niya ay manggulat ng estudyante, at hipuan ang mga ito. Take note, pag hinipuan ka niya pipigain niya ang bayag mo ng matagal. Pag babae naman, hinahabol niya o kinakagat ang mga ito. Parang allergic ba. Basta ang lahat ng tao, pag nakakasalubong ito ay dagling tumatakbo palayo.

Isang hapon, galing ako ng Mcdo pabalik sa eskwela, tahimik akong naglalakad. Nagpapantasya ng pinagnanasahan ko noong panahon na iyon. Hindi ko napansin na wala na palang mga tao sa paligid ko. Lahat kumaripas na ng takbo.

Ilang sandali pa ay may narinig akong parang umuungol. Alam niyo yung sa Resident Evil na mga laro pag may zombie sa likod mo. May ganung tunog kang maririnig pag malapit na si Pekto. At ayun na nga, pagtingin ko sa likod ko nakatayo sa likod ko si Pekto. Agad niyang sinunggaban ang bayag ko at pinisil pisil. Napaluhod ako, kasi ang sakit.

Looking back, nakakatakot yung experience ko sa kanya. Pero ngayong inaalala ko, nakakatuwa pala. Di ko kasi nasabi, ang mga tinatarget niya mga pogi sa school namin. Pag panget, kinakagat din niya.

Kaya di ko siya malilimutan ay dahil sa kanya, narealize kong pogi din pala ako.

Choz (Di talaga bagay sakin mag gay lingo).

Sep 2, 2011

SAME SHIT, DIFFERENT DAY

LUNES
Isang hilera ang team namin kung saan ako nagtatrabaho. Nag-iisang lalake lang ako. Ang tanging tinik sa mga rosas.

Tuwing umaga pagdating ko sa opisina, lahat sila  binabati ko.

"Good morning Carol, ganda mo ngayon ah. Mommy Rose, payakap naman! Missy, lalo kang sumesexy ah! Leah, smile naman dyan. Nona, good morning! Tet, mukhang blooming ang lovelife natin ah!"

Pero may isang teammate akong paboritong binibiro.

"Hi Chen, may nakapagsabi na ba sa'yong ang panget mo ngayon?" 

"Hmp. Leche ka!! Lunes na Lunes mambubuwisit ka!!"

"Concerned lang ako. Mukha ka kasing pokpok ngayon. Ang kapal ng make-up mo," sagot ko.

Walkout ang drama lagi ni Chen tuwing nakikita ako. Score one for me.

MARTES
"Naks naman, nakasleeveless tayo ngayon Chen ah! May date?!"

"Hoy ikaw ha, wag mo akong sisimulan ngayon. Umagang-umaga maninira ka nanaman ng araw!" bati sakin ni Chen.

"Eto naman, pinupuri ka na nga, pikon pa rin," sabay ngiti. "Buti naman at wala ka masyadong kolorete sa mukha ngayon, di ka na mukhang bakla."

Binato ni Chen ang hawak niyang tissue sabay alis.

"Psst, huy. Prumeno ka naman. Babae pa rin si Chen," paalala ni Missy.

Kindat lang ang aking sagot.

"Pag ikaw nireklamo niyan," dugtong naman ni Nona.

Ngiti lang ang sagot ko sa kanila.

Ilang saglit pa ay bumalik na si Chen. Namumula ang mukha. Parang napipikon na. Kinurot ko ang kanyang braso.

"Nakakagigil braso mo Chen. Parang liempo lang. Ang sarap kagatin."

"Teeeeeeee Elllllllll!!!" sigaw niya.

Tiningnan ako ng masama ni boss. "Nagbibiruan lang boss," ang sagot ko.

MIYERKULES
Dahil naubos na ang mga kasabayan kong pumasok sa opisina, ang team ko na lang ang palagi kong nakakasama. Sa tanghalian man o sa gimikan.

"Alam mo, worried ako sa magiging girlfriend mo hijo," may pag-aalalang banggit sakin ni Mommy Rose habang kami'y kumakain.

"Bakit naman po Mommy?" tanong ko.

"Malamang natatakot siya kasi di ka marunong gumalang sa babae," sagot ni Chen.

Tiningnan ko lang si Missy, at parang isang switch automatic itong sumagot para sakin. "Mommy, in fairness naman dyan, nung sila pa ng ate ko, sobrang sweet naman niyan. As in perfect gentleman. Lagi nga kami may pasalubong dyan."

"Asuuuuus. Kung perfect gentleman yan bakit wala na sila ng ate mo?" paghahamon ni Chen.

"Ate ko yung problema. Loka-loka talaga yun. Playgirl. Tatlo silang pinagsabay nun."

Naalala ko yung nangyari samin ng kapatid ni Missy. Masakit yun. Minahal ko talaga siya pero niloko ako. Naloko ako.

Ngiti ng pagpapasalamat ang binigay ko sa kanya. Kindat ang sagot sa akin.

"Mommy, wag kayo sakin mag-alala. Dyan kayo kay Chen mag-worry. Yan yung mukhang tatandang dalaga. Kahit minsan mukhang pokpok yan, feeling ko virgin pa yan. Takot ata sa lalake. Tapos linggo-linggo may dala kang mga Cosmo magazines, feeling mo naman makakatulong yan sa'yo"

Tumayo siya at umarteng parang sasaksakin ako ng hawak niyang tinidor.

"Ikaw, sumusobra ka na ha!!! Ang bastos talaga ng bunganga mo!!  Kalalake mong tao, ganyan ka magsalita! Ganyan ka ba pinalaki ng nanay mo?! Para kang bakla!"

Inawat si Chen ng aming mga kasamahan.

Kinabahan ako sa nangyari, pero okay lang.

HUWEBES
"Pssst. Lagot ka. Absent si Chen ngayon." bati sakin ni Tet.

"Ano bang nangyari sa inyo kahapon?" unang tanong sakin ni boss pagkakita sa akin.

"Wala po. Nagbibiro lang ako. Napikon na yata."

"Mag-sorry ka ha." paalala niya. Akala ko papagalitan ako. Buti na lang, hindi.

BIYERNES
Hindi ko na muna binati si Chen pagdating ko. Tahimik akong naupo sa kanyang tabi at nag-ayos ng gamit ko.

Buong araw, hindi niya ako kinikibo. Kakausapin niya ang lahat sa grupo namin. Pero pagdating sakin ay hindi niya kayang magbigay ng kahit isang tingin.

Hinabol ko si Chen nung papauwi na kami. Susundin ko na yung inutos sakin ni boss.

"Ano nangyari sa'yo kahapon? Bakit ka absent?"

Naglakad lang siya parang walang narinig.

"Hoy, napuno ka na ba sakin?" tanong ko.

Huminto si Chen. Nagpipigil ng luha. Ng galit. Nagsimulang mamula ang kanyang mga mata.

"Alam mo, fuck you ka!" simula niya."Ang lakas ng loob mong itanong yan. Fuck you ka! For six months, araw-araw mo akong binabastos. Araw-araw mong sinisira yung araw ko. And you have the nerve to ask me, napupuno na ba ako sa'yo! Fuck you!"

"Hey, sorry. Alam mo naman nagbibiro lang ako diba?"

Sinampal ako ni Chen.

"Tangina mo. Nagbibiro?! Araw-araw napapahiya ako sa mga ginagawa mo. Sa mga sinasabi mo. Alam mo ba na babae ako?! At alam mo kung ano ang nakapagpapainit ng ulo ko? Ang bait mo sa lahat. Bakit sa akin, hindi?! Tangina mo, isaksak mo sa baga mo yang mga biro mo!"

Ngumiti lang ako.

"Chen," simula ko. "you don't understand."

Isang sampal ulit. Nakatayo lang ako.

"Kung binigay ko sa'yo yung parehong trato na binibigay ko sa team, you wouldn't know na nasa iyo ang atensyon ko. Sorry, I know I'm being foul sometimes sa mga sinasabi ko sa'yo. Pero that's how I know you'll listen to what I say. Ang ganda mo kaya na walang make-up. I know you feel na you're medyo chubby, pero para sakin you're sexy.

"I'm sorry I've been giving you the same shit everyday. But the truth is, hindi ko alam kung paano ko ipaparamdam sa'yo na I like you."

Tumawa siya ng malakas.

"Feeling mo sasagutin kita after all that you did to me?! Ha!"

Ngumiti ako.

"Chen, nagpapapansin pa lang ako. But now I've got your attention. You'll change your mind."

Tinaasan niya ako ng kilay at nagsimulang lumakad palayo.

"Chen, manliligaw pa ako!" pahabol kong sabi sa kanya.

Sabi ko sa sarili ko, magbabago din ang isip nito.

*************
Hindi ko alam kung qualified pa ako, pero para ito sa patimpalak ni L na may temang Same Shit, Different Day.

Alam ko medyo napahaba ito, kaya kung di niyo binasa ito ng buo, i-wish niyo na lang ako ng good luck.