Mga Sumasampalataya

Nov 8, 2016

KWENTONG ONSE: BAKIT MASARAP MAGSULAT

Ako ay nagbalik upang ipaalam sa inyo na ngayong taon ang ika labing isang taon ng blog na ito.

11 years na akong nagsusulat... well hindi na tuluy tuloy... pero di ko pa rin siya nalilimutan i-update paminsan minsan.

Ang mga susunod ay ang mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay pinipilit ko pa ring buhayin ang munting tahanan ko na ito...

  • Ito ang naging tampulan ko ng mga kwentong 20s ko. Karamihan ng mga escapades ko sa buhay mula nung 23 ako hanggang siguro early 30s ko ay nakasulat dito.
  • Marami akong nakilalang mga bagong kaibigan sa mundo ng pagsusulat. Merong hanggang ngayon ay kaibigan pa rin, kahit medyo karamihan ay ka-social media ko na lang.
  • Ito ang nagpadali ng panahon na ako ay nakaranas ng "quarter life crisis". Dito ko nalaman na maswerte ako na ang "crisis" ko ay napakababaw lamang. Naappreciate ko ang mga payong nakuha ko at suporta na galing sa mga napapadaan dito.
  • Naging witness ang blog na ito sa love life ko. Although di nako nagsusulat tungkol dito (IT IS BEST TO KEEP YOUR LOVE LIFE AWAY FROM ANY FORM OF SOCIAL MEDIA), kung magbabackread ka, makikita mo ang mga unang pinagdaanan namin ng aking Kasintahan.
  • Dito ko rin naisulat ang ilang mga kwentong kathang isip ko lamang. Mababaw man, feeling ko, eto ang magiging legacy ko. Kahit papaano naman,feeling ko ay may mga naisulat din naman akong proud akong ginawa ko.
  • Ang sarap mag back read ng blog. Minsan maiinis ka kasi sobrang babaw ng mga naisulat ko noon, pero di ako magiging ganito katino ngayon kung di ko maaalala yung mga pinagdaanan ko noon.
  • Nagbabasa pa rin naman ako ng ibang mga blog. Meron pa rin naman na buhay pa ang mga blog nila hanggang ngayon. It's nice to keep up with those people now and again.

Anyway, maraming salamat sa mga nagbabasa pa rin dito. Maraming salamat sa mga nakilala ko sa blog at sa personal at sa mga naging kaibigan ko, thank you din. 

Susubukan kong maging mas aktibo dito, gawa nang pangarap kong maging "internet famous" someday.

Sep 2, 2016

REPLY TO DEAR GILLBOARD 2011

Kumusta naman ba ang future? Masaya ba?

Sana ay masaya ka pa. Kasi kung tatanungin mo ako ngayong 2011, masayang masaya ako. Naaalala mo pa ba? Madaming magagandang nangyari sa mga panahong ito. May lovelife ka!!! Sana pag binasa mo ito, kayo pa ring dalawa. Wag mong gaguhin yun. Mahal ka nun. Mahal na mahal.

Sana pag binasa mo ito ay may malaking ipon ka na. Marunong ka na ngayong magdownload ng comics. Hindi mo na kailangang gumastos ng libu-libo para makapagbasa nito. Isang libo lang ang internet connection ngayon, unlimited download ka na sa lahat ng gusto mong basahin at panuorin.

Pumapayat na ako ngayon, kaya dapat pag binasa mo ito ay mas healthy ka na. Tandaan mo, singkwenta ang edad kung kelan tayo lilisan. At dahil ang dalas ko ngayon mag Dance Central, sana naman ay hindi ka na nakakahiyang tingnan sumayaw ngayon. Hopefully hindi ka kailangan magkaroon ng mga muscles, kasi dapat yun nga, kayo pa rin ni Kasintahan.

Suportahan mo yun. Laki ng pag-asang yumaman nun. Matalino. Ngayon pa lang kahit trainee, siya na gumagawa ng trabaho ng isang may mataas na posisyon. Kung sakali, matutupad ang pangarap mong magretire ng maaga. Kaya kung may mga araw na pressured siya sa trabaho, dun ka lang sa likod niya. Kaya naman niya, kailangan lang niya na may labasan ng mga  rants niya. Mataas pangarap nun, at kayang kaya niya abutin lahat ng mga iyon.

Kung sakali naman na pangatawanan mo ang pagiging Career Boy at di isang simpleng houseband, sana naman ay mataas na ang posisyon mo. Kung di man, ay malaki na ang sweldo mo. Sobrang ngarag ako ngayon sa trabaho, nag-aaral ulit para lumawak ang nalalaman sa linya ng trabaho ko ngayon. Wag mong sayangin lahat ng pinaghirapan ko. Yang mga inaaral ko ngayon, hindi lang sa mundo ng gasolinahan at lubricant mo magagamit, pwede ka pang maging IT pag nagkataon. In demand yang posisyon mo ngayon, wag mong sayangin at balewalain.

Sa mga oras na ito, wala na ako masyadong mahihiling pa. Pwede nating sabihing kumpleto tayo ngayon. Maintain mo lang yan.

Don't screw it up.

Nagmamahal,

Gillboard 2011

************************

May love life pa rin ako. Kami pa rin. Anim na taon na!!!

Nakapagsimula akong mag-ipon. Pero naubos din. Try ko ulit. Promise! Totoo na 'to.

Medyo namayat ako. Kailangan lang panindigan dahil naaadik nanaman ako sa shake shake fries ng mcdo.

Napromote naman ako last year. Ginusto ko yun eh. Kaya ngayon haggard na haggard nako. Dami issue. Nakakapagod. Pero gaya ng sabi ko, ginusto ko to.

Gusto ko pa sana magsulat kaya lang wala nang panahon. Pag lampas trenta ka na, iba na talaga ang focus mo. MAs maraming bayarin. Mas maraming responsibilidad.

Mapurol na nga ang talento ko sa larangan na 'to. Hayst. Balang araw makakagawa ako ng isa pang liham para sa sarili.

Aug 5, 2016

KWENTONG BACLARAN: A SHORT STORY

Eksena kahapon sa Baclaran habang naghihintay ng masasakyan pauwi.

May isang ate naglalakad pasugod papunta sakin.

Akala ko ako ang aawayin.

Nilampasan ako.

Tumungo sa lalaking nakatulala sa aking likod.

"Hinuhubaran mo ba ako with your mind?!" sigaw ni ate.

"Stop it! Manyak!!!" patuloy niya.

Nagulantang si kuya.

Nahimasmasan sa pagiging tulala.

Tiningnan si ate mula ulo hanggang paa.

Sabay sabi (in his most becky voice) "Excuuuse me beh."

"Hindi kita hinuhubaran... jinajudge kita.

"Imbyerna! Chaka ka beh! Chaka ka!!!"

Inirapan ng badet si ate sabay sakay ng fx.

The End.


*************************
Welcome back to me.