Nicholas Patrick Figueroa.
Pangalan pa lang pogi na. Ganun din kaya siya sa personal? Tanong ng mga Team Lead sa isa't isa. Ngayon ang unang araw na makikita nila ang mga bagong salta sa call center na pinapasukan nila. Para kay Kiko, si Nicholas Patrick Figueroa ang gusto niyang unang makilala.
Para sa isang bading, kahit di pa nakikita alam niya kung ang isang tao ay pogi o hindi sa pangalan pa lang. Ipinagmamalaking talento ni Kiko ito.
"I got dibs dun sa Nicholas Figueroa." bungad niya sa Team.
"Bakla, makadibs ka naman. Tunog mayaman lang yung pangalan. Does not always equal mukhang mayaman." ang sagot ni TL Michelle, best friend ni Kiko.
"Bes, I have a feeling. Alam mo naman ako at ang mga vibes ko. They never fail me."
Alas nuwebe y medya nang isa-isang dumating ang mga bagong salta. Tambay muna sila sa pantry dahil wala pa silang workstation. Malayo sa inaasahan ng mga nauna nang empleyado, kakaunti lang ang baguhan na cute. Puros babae pa ang may hitsura.
"Ano bes, told you so." Bulong ni Michelle kay Kiko.
Irap lang ang sagot nito.
Alas dyes. Simula na ng shift ng business. Si Kiko ang naatasan na magwelcome sa mga bagong salta. At gaya ng tradisyon, sa unang oras ay ang pagpapakilala.
"Hi Guys, I'm Kiko Ponce, I'm going to be your trainer for the day. Well not really trainer... More like welcoming committee. You'll be meeting your real trainers in the next few days so you could expect the first hour of the next few days you'll be doing this. Kaya magprepare kayo ng mga tatlong things about you na di niyo pa nasasabi sa lahat."
Nagtawanan ang mga trainees niya. Magandang simula.
"Kiko is not short for anything. That is my real name. Pinaglihi daw ako kay Kiko Matsing." Konti lang ang natawa. Ang mga halata ang edad. Mga pinanganak sa panahon niya. "I have been with the company for the last year and a half. I was a pioneer of the account and was one and am still one of the best sellers for the program. I'm also going to be one of your Team Leads. Outside of work, I am movie addict. On a good week, I am able to watch at least 3 films. I am also into writing and music. I can play the piano, guitar and saxophone. And I'm also super gay. But not really that gay." Tawanan ulit ang grupo.
Sa pagkakataon na yun, tinuro ni Kiko ang babae sa likod. Miss, let's start with you and then we'll go clockwise.
Hi I'm Cristina Henson... (sosyal)
Good evening guys, I'm Bryan Tejada... (resident family man)
My name is Luisa Taguinod and you can call me Mommy Lui... (resident nanay)
Hi, I am Ebenezer Diaz... Ben for short... (medyo cute pero chubby)
Hi all, my name is Carla Cuaresma, 21 fresh grad from Iloilo... (ang magandang probinsyana)
Aaron Lontoc mula sa Bulacan... (resident bad boy)
Hello guuuys, I'm Greg Lindon, and you can call me Greggie for short hihihi... (resident becky)
Judy Prado and I'm a lesbian... (resident lesbian)
At dito natapos ang pagpapakilala. Wala si Nicholas Patrick Figueroa, malungkot na naisip ni Kiko. Siguro di niya gustong magtrabaho sa call center. O baka naman may mas malaking offer siyang nakuha sa ibang kumpanya.
Oh well.
"Okay, thank you everyone it's nice to meet you all. I guess it's now time to start introducing you to the company."
Tok tok tok.
Napalingon ang lahat sa pintuan sa likod.
Mukha ni Michelle ang lumantad sa grupo. Dali itong pumasok at niyaya ang isang pares. Mga na-late dumating.
"This is the training room, you can just choose any seat from there." Biglang tumingin si Michelle kay Nick. "Tama ang vibes," sabay kindat.
"Hi I'm Kiko. We were just about to start but since we have new people here you have to introduce yourselves to the class. Usual intro, name, background, hobbies, likes, dislikes, relationship status and expectations sa company or sa class."
Naunang nagsalita ang babae Princess daw ata ang pangalan. Walang ibang narinig si Kiko dahil ang buong atensyon nito ay nakatuon sa lalaking bagong dating. Matipuno. Gwapo. Mestiso. Matangkad. Mukhang mabango. Mukhang mayaman. Lahat siguro ng hanap nito sa isang lalaki ay nasa binatang hinihintay niya simula nang mabasa ang pangalan sa roster ng new hires.
"Thank you Peaches."
"Uhm... Princess." Pagtatama ng dalaga.
"Sorry, thank you Princess for that five minute introduction. Sir, it's your turn."
"Sorry I'm late. My name is Nicholas Patrick Figueroa, but you can call me Nick. I'm 27. Believe it or not this is my first real job. The last six years I spent with my mom in Japan. She's been battling cancer for the last eight years, but we lost the fight a few months ago. I know it's a downer, and I apologize for that. But I'm generally a happy person. I like to watch movies. Play video games. Typical geek I guess. What else? Uhm... I was a model in Japan. Oh yeah, relationship status. I'm proud to be in a ten year relationship with my girlfriend."
Damn! Naisip ni Kiko.
(To be continued...)