Mga Sumasampalataya

May 31, 2010

DATI... NGAYON...

Dati hinihiling ko lang

Dati pinapangarap

Dati dahil hindi ka pa sigurado,

nasasaktan mo ako.

Ilang buwan din ang aking hinintay

At hindi ako nabigo.

Dati ang tanong ko

tama ba itong ginagawa ko

nagpapakatanga para sa'yo.

Dati pag naglalambing ako

tinatawag mo akong weirdo.

Dati talaga gusto ko nang lumayo.

Buti at namulat ang mata mo.

Buti nagbago ang isip mo.

Buti at ako'y minahal mo.

Ngayon masaya ako.

Ngayon sapat na ako.

Ngayon ay kumpleto na ako.

Lahat yun, salamat sa'yo.

Ikaw yung pinapangarap ko

at lahat ay gagawin ko

para habangbuhay ay tayo.

**********
Keso na 'to!!!

May 29, 2010

GAME DAY: RED DEAD REDEMPTION

If you noticed, my bloghopping's a bit limited this past few days. Most of you already know the reason for this. But if you're unsure, let me tell you... I'm playing Red Dead Redemption!!! (If you guess another answer, you're probably correct there as well).

So anyway, I purchased this title last week. I was supposed to buy Alan Wake, but the store where I usually buy Xbox games from, they didn't save me a copy of the title when I requested to have one copy reserved for me. I'm not buying from that place anymore.

Anyway, to compensate for my disappointment in not having to buy the title I really really wanted, I bought this. I wasn't really interested in it, as westerns don't pique my interest. But when I went to Data Blitz, everyone there was lining up to buy that title. So I thought to myself, what the heck.
I had only limited playthrough of this game over the weekend due to some fortunate events that happened last Sunday. But what I did play though was enough to get me hooked on this title for the next few weeks, or until a copy of Alan Wake becomes available.

This was a great game. In the same vein as Grand Theft Auto IV. A sandbox game set in the wild west where instead of stealing cars, you steal carriages, and horses.

Players play as John Marston, an ex-convict/ former outlaw being blackmailed by the government to stop his former group. I haven't gotten to the really meaty parts of the story yet so I don't have that much to say about the story.

Anyway, the game is actually really good. Some of the story arcs are engaging. What do you expect? It came from the same people who created my most favorite video game ever. The gameplay is somewhat similar if you're familiar with the GTA series. And the world of Red Dead Redemption is really HUGE!!! And there are tons to do. You can save a lady from being raped, you can go hawk, rabbit, horse, cow and bandit hunting. You can be a nightwatch guard. You can go find wild horses to tame, or just pick flowers for an old man's rotting corpse of a wife. There's also those random gun duelling ala The Quick and the Dead. And also, there's one crazy cannibal loose in the middle of the desert killing innocent people. No fifteen minutes will pass without you doing anything.
But if you get tired of doing missions, you can get on your horse find a high spot and marvel at the vast expanse of the games world.

I actually love the game. The only problem I have is that in the beginning of the game, there were alot of glitches. I mean the second town I visited, I was surprised that I'm only seeing a white screen. Some parts also hang. And load times are sometimes very long. Made me doubt that I actually bought the original title or a pirated game. But apparently everyone who bought this have the same problem.

But those glitches aside, the game is very addictive. Had I more free time, I would probably have a better review of the game. But regardless, the bottomline is, Red Dead Redemption is a great open world game that is both engaging and fun.
This is for people who want to know how it feels like to be a cowboy.

RATING: 8.5 OUT OF 10 STARS

May 27, 2010

ANG KESO KO

Kung napapansin ninyo... sa mga pinagsususulat ko sa buong pamamalagi ko dito sa blogosperyo eh medyo mahilig ako sa keso. Actually, hindi medyo... mahilig talaga ako sa keso.

Paano ba naman, masarap naman talaga ang keso diba. Nakakagaan ng loob. Nakakatuwa. Minsan pa nga, pagkatapos mong magkeso, nagiging masaya ka.

Ewan ko sa inyo, pero ako gusto ko ang keso. Minsan nga, pag nakikita ko ang ibang tao na may keso, naiinggit ako. Sinasabi ko, gusto ko rin ng keso.

Ayoko nang magpatumpik-tumpik pa sa post na ito. Alam ninyong lahat, sa simula pa lang na tungkol sa keso itong isusulat ko. Kaya eto ako, isusulat ang mga paborito kong keso.

MOZZARELLA
Mahilig ako sa pizza, at ito ang pinakagusto kong parte ng pizza. Masarap siya. Malagkit. At kapag niluto mo ng tama, matibay ang kapit. Hindi bibitaw hangga't hindi pinipilit. Madalas nga, yun ang iniiwan ko sa pizza ko, kasi ang sarap niyang nguyain. Yung tipong manghihinayang ka kapag naubos na ito. Maaaring pangkaraniwan na siya, pero para sakin hindi rin. Mahal kasi. So parang sayang kapag nawala na. Di ba?

PARMESAN
Paborito ko rin ito. Medyo maalat siya, pero pag hinahalo mo sa ibang putahe, lalong nagpapasarap sa lasa ng pagkain. Meron talagang mga ganun siguro, kapag mag-isa lang, hindi mo matitipuhan, pero pag hinalo na sa iba, dun mo makikita, o malalaman na masarap naman pala. May chemistry baga. Ang galing kasi, kahit pangkaraniwan lang, gaya ng kanin ay nagagawa niyang ito'y pasarapin.

BLUE CHEESE
Sa una medyo mag-aalangan ka. Mukhang napanis na keso. Mukhang may amag pa. Kung titikman mo, kailangang isara ang iyong mga mata, kasi nga medyo nakakatakot. Kahit pa sabihin ng iba na masarap siya, dahil sa hitsura mag-aalangan ka. Sa unang kagat, manginginig ka. Medyo may maasim. May iba sa panlasa. Pero habang ito'y iyong nginunguya, magugulat ka, ay masarap pala. Acquired taste ika nga. Unfair sa blue cheese minsan kasi nahuhusgahan dahil sa hitsura, pero pag natikman, sobrang sarap naman pala.

CHEESE SPREAD
Eto masarap piliin kasi alam mong gagawin niya ang lahat masarapan ka lang. Payag siyang ipalaman sa tinapay. Ihalo sa ulam. Pangsabaw sa kanin at kung anu-ano pa. Mamahalin mo siya kasi nga alam mo na laging andyan lang siya pag iyong kailangan. Dahil nakaproseso na, di ka matatakot na ito'y mapanis at ito'y amagin. Kaya lang kasi minsan pag palaman, maghahanap ka ng iba. Peanut butter. Strawberry jam. Nutella. Kaya minsan, si cheese spread iyong nakakalimutan. Pero pag nagsawa ka na sa iba, pag naalala mo siya makikita mo, yung bote may laman pa. Pag masyadong natagalan ka nga lang, baka pagbukas mo ito'y panis na.

CHEDDAR CHEESE
Ito yung mga pangkaraniwan. Masarap siya, kaya lang walang something na espesyal. Lagi mo siyang pipiliin kasi nga mura lang. Pero madali rin namang maubos. Madaling pagsawaan. Madaling palitan. Paminsan may dadaang quickmelt. Sa una matutuwa ka, kasi nga madaling matunaw, pero pag tinikman mo, yun din naman pala yung lasa. Magsasawa ka. Mabilis mo siyang uubusin, kasi alam mong madali siyang palitan. Minsan maghahanap ka ng ibang brand pero alam mo na ganun pa rin ang lasa at maghahanap ka ng iba.

Alam ko marami pang ibang klase ng keso. May mahal. May mura. May malaki. May maliit. May mabaho. May maraming mapaggagamitan. Kung ikaw ang tatanungin, anong keso ang paborito mo?

May 25, 2010

TWENTY MINUTES

Sabi ng trainer namin, we only have twenty minutes before the class start. So I only have twenty minutes para magsulat dito sa blog ko. Pagpasensyahan niyo na kung hindi medyo walang patutunguhan to pero kailangan may maikwento ako sa loob ng dalawampung minuto. Sa huli kong post, merong nagpapakwento kung bakit ako masaya.

**********
Gustuhin ko mang isulat dito ay sobrang haba. Kulang ang dalawampung minuto para pagkasyahin ang kwentong ito. Basta meron nagpapaligaya sakin ngayon.

**********
Iniisip kong tanggalin lahat ng kamag-anak ko sa facebook. Hindi na kasi ako masyado makapagupdate ng status dun dahil natatakot akong may magsumbong. Lalo pa ngayon andaming nagbabalak bumisita at makitira sa bahay namin. Sigurado ako, lahat sila itatanong kung kelan ako mag-aasawa. Naubusan nako ng style ng pag walk away. Nakakainis lang. Palibhasa kasi sa probinsya, mga tao dun wala masyadong magawa kaya nagpapakasal agad. Hindi ito bitterness. Pagkaasar lang.

**********
Naisip ko wala pa naman akong balak mag-asawa. Good luck. Di nga ako makapag-ipon ng malaki, ayoko pang problemahin ang pag-aasawa. Nakakaipon ako, pero nagagamit ko rin ito pambili ng mga bisyo ko. Gaya ng mp3 player, cellphone, xbox at kung ano-ano pa. So wala rin. Ayaw ko rin naman mag-ipon pambili ng bahay, kasi sa isip ko, ako rin naman ang magmamana ng tinitirahan ko ngayon.

**********
Iniisip ko ulit kung bakit ako masaya... Para akong tanga. Nakangiti mag-isa. Buti na lang wala akong katabi. Hindi halata na adik adikan ako. Hay...






Ayun... twenty minutes na pala. Walang kwenta. Pasensya na. Pero salamat sa pagbasa.

May 24, 2010

CONTENTMENT

Seven months.

It took seven months.

**********
The way we met, heck everything about us, you won't think anything will happen.

He is 19. I am 28. He was unsure about who he is. I was impatient. He likes girls. I'm gay. He was just bored. I'm overly romantic. He loves me. But he kept it in. I love him, but he frustrates me.

The seven months that we've known each other was a roller coaster ride. Alot of ups and so many lows. And when the lows come in, it's really low. It was so fucked up. Messed up. What you get for falling for a kid, right? But I did.

Two months in, was the first low. He had a girlfriend then. I just broke up with my ex. We were friends. But things aren't what I wanted it to be. Maybe I pushed myself too hard on him. He felt pressured, I guess. And he had his friends and his girlfriend. So without a word, he turned his back on me.

What happened hurt. I was depressed for weeks. I didn't know what went wrong. Because prior to his walking out on me, I thought we were okay. We were friends. And the last message he sent me, he said he loves me. It may have all been a lie.

Three months after, I was already moving on. Thoughts of him no longer linger as often as it did when we parted. I was flirting with other people. I have almost forgotten.

Then one afternoon, he chatted me up again. Out of nowhere, he just said hi. And all my defenses came crashing. To protect myself from getting hurt, a line was drawn. This time, it's all about being friends. The interactions were limited. The feelings guarded.

But feelings, it's a funny thing. No matter how much you cover it up, it still finds a way to show. And worse, the feelings kept being rejected.

Last week was probably the climax of our twisted relationship. He was drunk with a girl friend. And you know how alcohol blurs the senses. Suffice it to say, something happened. But before that, we were texting each other and he told me he needed me. The next day I found out what happened.

It was frustrating. I wanted to give up. I felt I do not deserve to be treated that way. I asked a friend (believe it or not, it's Ternie), what I can do to end all this shit. I hated being rejected again. He asked me if he was worth feeling shitty about being rejected. I said yes. And he told me to talk to him.

The next morning he felt I was pissed off. I asked him what he'd do if he was right. And he replied he'd just end everything between us.

It just made me mad. I questioned what I said about him being worth all the pain. So instead of talking to him to maybe work things out, I decided to end it.

That being the second time already, moving on wasn't as difficult. I let it all out on Kane. I told him our story, and after that, when I woke up everything was okay. It was like a heavy burden being lifted off my shoulders. No more worries. No more rejections. No more problem.

Things even looked up for me at work.

Sunday night, I was looking for the moon (because of the event with Venus or something) and didn't find it. Instead I saw a shooting star. I did not make a wish, but he was the first person that came to mind when I saw it.

Last Wednesday evening I received a text from him formally ending whatever it is we had. I was moving on. And it was okay. But honestly, in my heart I wasn't ready to let him go.

The next day I went to St. Jude to pray. I asked God to give me a sign that I need to move on already. And that if he was the one, give him back.

Early morning Sunday, I was off to bed after getting myself distracted the whole evening playing video games. I saw a few unread messages on my phone.

"It's so hard forgetting about you."

"Maybe because I know you are the one and yet I still shun it."

"It hurts to realize I turned back on someone who loved me the way you did."

A friend of his told him that it wasn't me who was stupid for loving him. It was he who was stupid for not appreciating it.

That evening we had a long talk after that. Cards dealt. Feelings out on the open. We were both crying. He said sorry for being insensitive and for hurting me. He said the words that I've always wanted to hear. He's now ready to man up for us.

And for the first time, I really felt it when he said that he loves me too.

Monday 11:00 am. I'm sleepless and tired.

But I can't take this smile off of my face.

***********
I was talking to Kane this morning. Yeah, I guess I'm back.

QUICKIES

Maikling post...

Ano ang meron sa buwan ng Hulyo o Agosto bakit madaming pinapanganak kapag Mayo?

**********
Kasalukuyan akong naaadik sa larong Red Dead Redemption. Kapag sinipag akong magsulat, one of these days gagawa ako ng review ng larong iyon. Pero sobrang nakakaadik talaga yung laro!!!

**********
Sabi ng librong The Secret, "whatever it is you want for yourself, you should say it over and over again, and the universe will conspire for you to get it."

Hindi yan verbatim, yan ang naaalala kong gustong ipahiwatig ng librong iyon. Di ko pa siya nababasa sa totoo lang, pero yan ang itinuro sakin ng kaklase ko dati. Magna Cum Laude siya ng nagtapos kami.

Ilang beses ko na ring napatunayan na kahit papaano ay totoo ito.

**********
Di ako normally nagsusulat tungkol sa trabaho dahil wala naman akong masasabi tungkol dito. Tsaka etiquette na rin. Alam mong may magbabasa ng sinusulat mo, pero ito lang ang masasabi ko, I love my job. Wala pa akong balak iwan ito dahil una nakakontrata pa ako hanggang katapusan ng Hulyo at pangalawa, mahal ko talaga ang trabaho ko.

Napagsabihan akong pokpok ng kumpanya, dahil lilipat nanaman ako ng Team. Bale pangatlong lipat ko na to sa loob ng dalawang taon. At least di ako tinatapon sa bagong team, pinipili ako dahil napapagkatiwalaan akong ginagawa ng matino ang trabaho ko.

Bagong hamon. Bagong mga responsibilidad. Sa tingin ko, ayos naman.

**********
Marami akong gustong ikwento. Sobra.

Pero wala pa ako sa mood. Masaya pa ako.

Masayang masaya.

May 22, 2010

EPIC FAIL: MGA KWENTONG KAMUNDUHAN

BABALA:Ang mga mababasa ninyo eh hindi yung karaniwang mababasa ninyo sa tahanan kong ito. Ngunit kahit tungkol sa s-e-x etong post na ito, wag din kayo mag-expect na kayo eh matuturn-on sa mga susunod na kwento. Ipapaliwanag ko mamaya...

PARA NAMAN SA MGA NAKAKABASA NITO NA KILALA AKO SA PERSONAL:
Sarilinin niyo na lang ang mga mababasa ninyo, wag niyo na ipagkalat sa iba ang mga nakasaad dito. Wag niyo rin ipapabasa sa mga bata ito, dahil hindi naman ito talaga pambata. At kung kayo naman eh mga pamangkin/pinsan ko, sa akin na lang kayo magtanong tungkol sa nabasa niyo at wag sa magulang niyo. Baka isumbong pa ako ng mga iyon sa magulang ko... hehehe

Ayun, sa mga hindi pa nakakaalam may sex life din naman ako. Hindi nga lang siya aktibo nitong mga nakalipas na mga buwan, pero panakanaka eh meron naman. Di ko naman ilalabas dito lahat ng kwentong ganun sa buhay ko... sa totoo lang naniniwala akong a true gentleman does not kiss and tell. Pero dahil kakwento kwento ang mga isusulat ko, bilang paggalang sa kasabihan na iyon, eh hindi ako magbabanggit ng mga pangalan. Kasi, maski ako, di ko na rin maalala yung pangalan ng ibang ikukwento ko dito.

Pero kung kwentong $3X naman pala ang isusulat ko, bakit naman Epic Fail ang titulo? Di naman kasi ito tungkol sa mga conquest ko. Yung mga ganun, sarilinin ko na lang yun. Or sa ibang pagkakataon na lang. Ang mga sumusunod eh mga karanasan kong ayaw ko nang balikan dahil sila'y epic fail talaga. Nakakahiya mang aminin, meron akong mga di kanais nais na mga karanasan!!!

BAKIT HINDI AKO NAG-UUWI NG MGA KALARO SA BAHAY
Sa buong buhay ko, dalawang beses pa lang ako nag-uwi ng kalaro sa aming tahanan. Ayoko talagang mag-uwi ng mga ganun dahil una, mga pakialamero ang ilang mga kapitbahay namin. Baka isumbong pa ako sa nanay at tatay ko na gumagawa ako ng milagro sa bahay nila pag wala sila. Pangalawa, ito ang kwento...

Nasa kolehiyo pa ako nung nag-uwi ako ng bisitang gusto ko sa bahay namin. Pagkatapos kong pakainin ang bisita, eh naisip naming magkulong sa kwarto. Noong mga panahon na iyon, sa lumang bahay pa ako nakatira. So kwarto ko eh nasa baba, di katulad ngayon na nasa 2nd floor.

Ngayon, gumagawa na kami ng kalokohan ng aking kaibigan nun. Medyo enjoy, kasi pareho naman naming gusto ang isa't isa. So sa kalagitnaan ng aming paglalaro, napatingin ako sa taas, sa bintana namin, kung saan nakita ko ang lola ko, na nanlalaki ang mga mata habang pinapanuod kaming naglalaro ng bahay-bahayan. Ang tagal naming nagkatitigan ng lola ko, at nang marealize niya na alam ko na ginagawa niya, sinabi niya "nagtatanggal lang ako ng mga sinampay!" sabay alis.

Nanghina ako, at medyo nawala sa mood. Patay ako nito. So tinapos namin agad ang larong sinimulan namin. Pag-alis ng kaibigan ko, ang sama ng tingin ng lola ko sa amin. Hindi naman siya nagsumbong, pero sapat nang naging dahilan para sa akin yun na di na mag-uwi ng mga kalaro sa bahay.

BAKIT HINDI AKO NAADIK SA PHONE $3X
Hindi ko talaga makita ang point ng SOP. Siguro di pa lang ako nakakakausap ng taong magaling dito, pero hindi rin naman ako interesado. Dalawang beses ko pa lang tinangkang gawin yun. Yung una, hindi naman talaga ako kasali. Uso pa noon ang 3 way calling, so pinakinggan ko lang ang kaklase ko na pagtripan yung nililigawan niya sa phone. Di ako naturn-on.

Tapos yung pangalawa, noong panahon na iyon, eh medyo in heat na ako talaga. Pero wala akong makita na gustong lumabas at makipagkita. Meron isa na sabi niya, gusto niya sa phone lang. Dahil kelangan ko nang maglabas ng init, sige pinatulan ko. Tinawagan ko siya. Ayos naman, maganda ang boses, parang kolehiyala. Magaling mang-akit sa telepono.

So medyo nag-init talaga ako. Ayan na, nagtatanggal na daw siya ng suot niya, gayahin ko daw. Tapos dinedescribe niya kung ano daw ang mga gagawin niya sa akin. Sabay halinghing. Shet, ang galing, talagang may tumayo sa akin. Kaya lang bigla siyang humirit..."Shet, nangingisay ako!"Ano daw?! Sabi ko sa sarili ko, tangina ang nangingisay diba mga epileptic lang yun. So yun yung naimagine ko. Sobra talaga akong natawa. As in ang lakas ng tawa ko. Parang biglang nawala ang libog sa katawan ko sa katatawa. Tinanong niya kung bakit daw ako tawa ng tawa. Di ko masagot kasi, hindi ako makahinga sa kakahalakhak.Ayun binagsakan ako ng telepono.

BAKIT DI AKO NAKIKIPAG-EYEBALL KUNG KANI-KANINO
May panahon sa buhay ko na medyo natuwa ako sa mga chatroom sa cable. Marami akong naging karanasan dun na gusto kong balik-balikan, pero meron din namang mangilan-ngilan na sobra talagang sablay.Wala akong trabaho nun at gising pa ng madaling araw. Meron ako nakitang isang magandang mensahe sa tv na nakakaaliw, at medyo nakakaturn on din. So tinext ko yung number niya. Nakakaaliw siya katext, kasi medyo pabibo pero in a way may pagkasophisticated.

So hiningi ko yung number niya sa bahay. At nang tawagan ko, namangha ako sa nakausap ko. Shet, ang ganda ng boses. Parang ang talino niya magsalita. Tsaka maiimagine mo talaga na maganda hitsura niya dun sa maririnig mo. Two days later, inaya niya ako sa apartment niya, kasi wala daw yung roommate niya.

Ako tong si boy libog, punta naman. Malapit lang naman sa amin. Bumaba ako sa harap ng bahay nila, at nang pagbuksan ako ng gate, nagulat ako dun sa humarap sa akin. Pota, ang ganda talaga ng boses niya. Nang magpaulan ang Diyos ng magagandang boses, nasa front and center siya. Pero nang magpaulan naman ang Panginoon ng iba pang magaganda sa mundo, umalis na siya.

Sabi ko shet, mapapasubo ako dito. Pero wala naman ako magagawa, andun na ako, binuksan na ang gate, tatalikod pa ba ako? So dun sa kwarto, wala na akong saplot, pero walang tumatayo. Tangina iniwan ako ng libog ko sa gate pa lang. Wala talaga, pinaglaruan na niya, tinikman, di talaga nagalit.After talaga ng limang minuto, hinugot ko't nagbihis ako."It's not going to work. Sorry." Sabay layas. Tyempo paglabas na paglabas ko ng gate, biglang umulan ng malakas. Tigang na nga ako, basang basa pa ng ulan.

BAKIT LAGI NA AKONG MAY BAON SA BAG KO
Peak ng pagkaadik ko sa chat sa tv, may nakilala akong matinong kachat. At dahil smart na ako nung mga panahon na yon, tiningnan ko muna sa friendster ang hitsura nito. Ayos. Panalo, at kahit papaano, eh nagustuhan din niya ako.Pareho kaming walang lugar na mapaglalaruan nung nagkita kami, so napagdesisyunan naming magpunta na lang sa Eurotel. Pumayag naman siya na maghati kami sa babayaran para sa 12 oras na pagstay namin dun.

So holding hands na kami, paakyat pa lang. Mararamdaman mo sa higpit ng pagpisil niya sa kamay ko na medyo nag-iinit na din siya. So pagpasok pa lang namin sa kwarto, walang anu ano eh torrid na halikan agad ang drama naming dalawa. Parang eksena sa pelikula. Aliw talaga, sabi ko sa sarili ko ngayon ko lang to magagawa. Shet, tapos nang makita namin yung channel list sa tabi ng kama, merong channel na puros bold lang ang palabas. Tangina game on!!!Ang haba ng foreplay naming dalawa. Halikan dito. Dilaan dun. Mapaghahalatang init na init kami sa isa't isa. Pero nung nasa kama na kami...

"You have protection?"

"Ano?" tanong ko.

"Condom?"

"Wala. Di na natin kelangan nun. Ilalabas ko na lang pag malapit na." sabi ko.

"No. I don't do it without protection."

Tangina!!! Hindi ako bumili. Wala akong dala. Tiningnan ko yung paligid namin wala. Tawagan ko daw reception, baka meron sila, sabi sakin. Sabi ko ayoko at nakakahiya. Eh tinatamad naman akong bumaba, at ayaw din naman niya.Para naman masulit ang binayad namin sa hotel, dun na lang kami pareho natulog. May unan sa pagitan naming dalawa.

**********
At sa repost na ito, opisyal kong tinatapos ang kakesohan at kaemohan ni Gillboard. Nakaquota na ako ngayong taon...

May 20, 2010

BA'T DI KA MAKAPAGHINTAY

Iiwasan ko munang magsulat ng personal na post at lagi akong napapagkamalang bitter. Ewan ko lang kung bakit. Ako sa ngayon ay medyo masaya. Aaminin ko may konting drama na nagaganap sakin pero hinahayaan ko na lang. Matatapos din yun.

Ang nais ko talagang ilathala (shet ang lalim) ay ang pagiging psychoanalytical ko pagdating sa mga usapang puso. Hanapan ng dahilan ang ilang bagay na madalas na ating pinagdadaanan.
Bakit nga ba may mga taong hindi makapaghintay? Bakit merong mga nagmamadaling makahanap ng kanilang the one?

Hindi tungkol sa akin itong post na ito, inaanalyze ko lang... kaya bawal magreact!!!

FEELING HANDA NA
May naipon ka na. Marunong nang magluto. Nakuha mo na ang lahat ng gusto mo pagdating sa iyong karera. Halos kumpleto ka na sa lahat... asawa na lang. At dahil dyan iniisip mo marahil kung may kasama ka na(gf/bf), na siya na, kahit hindi pa siya handa. Pero kung nag-iisa ka pa, gagawin mo ang lahat makilala lang siya. Magpaset-up ng date sa mga kaibigan, maghanap online sa mga social networking sites, manligaw ng katrabaho o kaibigan, magpost ng numero sa dyaryo o magpahanap ng matandang foreigner na naghahanap ng mapapangasawa. Kahit ano, gagawin mo para mahanap lang si The One.

MAY CRUSH KASI / IN LOVE
Minsan dahil mahal na mahal mo o L na L ka dun sa kasama mo, feeling mo siya na yung 'the one' mo. Minsan nga crush mo pa lang, wala ka pang ginagawa o hindi ka pa pinapansin, pinaplano mo na kung paano kayo ikakasal. Kahit hindi mo pa gaano kakilala yung partner mo, feeling mo siya na talaga yung para sa'yo kasi mabait siya, matalino, maganda, sexy, magaling magperform sa kwarto, o siya nagdevirginize sa'yo.

NADADALA SA MGA PINAPANUOD SA TV AT PELIKULA
Single ka. Hopeless romantic. Mahilig manuod ng pelikula. At feeling mo nangyayari talaga sa totoong buhay ang lahat ng napapanuod mo sa sine o telebisyon. Makaranas ka lang ng konting di pagsang-ayon mula sa mga kaibigan niya, feeling mo na you and me against the world na kayo, at ang lahat ay mauuwi din sa happy ending. Meron ding dahil hindi tama ang timing, at naghiwalay kayo aasa ka pa rin na paglaon ng panahon ay kayong dalawa pa rin ang magkakatuluyan. Kahit hindi naman. Nabubuhay sa mundong gawa sa fairy tale. Ika nga... optimistic, kahit minsan kailangan mong maging pragmatic.

PEER PRESSURE
Aaminin ko napagalitan ako ng isang kaibigan, nang minsang sabihin ko sa kanya na kaya ako nalungkot na single pa ako ay dahil halos lahat ng tao sa blogosperyo ay in love. Ang sabi niya, 'kung naging uso ba ang pagpapakamatay sa blogosperyo, magpapakamatay ka rin?' Siguro dala iyon ng inggit. Naiinggit ka na maraming tao sa paligid mo ang masaya dahil may kasama sila at ikaw ay wala. Tapos sasabayan pa ng mga atribidang kamag-anak na kukulitin ka kung nasaan ang girlfriend mo, kelan ka mag-aasawa, kelan mo bibigyan ng apo yang nanay mo, plus matching kumpara sa mga anak/ kanila na pamilyado na (hiwalay naman!!).

TUMATANDA NA
Prevalent ito sa mga babae, dahil sila ay may hinahabol nga naman. Hanggang ilang taon nga lang ba ang isang babae, bago hindi na pwedeng magbuntis? Sa lalake, hindi naman talaga issue yan, minsan pa nga, the older we get, the more attractive we become (so mag-aasawa ako mga kwarenta na!!! joke!!!). May kaibigan akong babae noon, nakipagsex sa syota-syotaan dahil 26 na raw siya, panget naman kung virgin pa rin siya. Di naman siya nabuntis, pero napakasagwa nung kinuwento niya yung first time niya. Madugo!!! Anyway, ayun nga, balido naman ang dahilan ng mga kababaihan kung bakit sila nagmamadali.

Marami pa sigurong dahilan na mas malalim pa dito. Pero sa tingin ko, at minsan aaminin ko ganito ako... Kahit gaano ka pa kaligaya kung ano man ang estado mo sa buhay, gaano ka kaaccomplished. Gaano ka kakuntento sa kung ano man ang meron ka. May mga araw na magsasawa ka talaga na ikaw lang mag-isa. Aminin niyo, may punto ako.

May 18, 2010

DEAR FUTURE GILLBOARD

Kumusta ka naman?

Mababasa mo ulit itong liham na ito ilang taon mula ngayon. Sana ay nasa maayos ka nang kalagayan. Siguro naman pag binasa mo ito, hindi ka na single... Pero kung ganun pa rin ang estado mo, ayos lang yan... wag masyadong madaliin... Mas maganda kung hinintay mo siya, kesa nagmadali ka at nakahanap ng mga sila.

Kung babasahin mo ito at nasa may trenta na ang edad mo, sana naman ay malaki-laki na ang ipon mo. By now, dapat nabili mo na ang mga kababawang nagustuhan mo. Dapat nagsawa ka na sa kababasa ng comics, kakalaro ng xbox, at kakabili ng pagkaing di mo naman kayang ubusin. Dapat ang goal mo malakihan na. Pambili ng sariling tahanan o sasakyan (kahit wala kang balak magmaneho dahil ikamamatay mo ito).

Yung mga kaibigan mo, dapat hanggang ngayon ay kasa-kasama mo pa rin. Matanda ka na, hindi ka na dapat nagpapakaloner. Masarap ang magkaroon ng maraming kaibigan. Yung mga nakilala mo habang sinusulat ko ito, mababait na mga tao ito. Mga taong kilala ka at tanggap lahat ng topak mo. Pag pinakawalan mo yang mga yan, ang laki mong tanga! Madali kang pakisamahan, pero hindi lahat ng tao kaya sakyan lahat ng trip mo, kaya kung sino man ang magkamaling kumaibigan sa'yo, wag mo silang bibitiwan.

Kung saan ka man nagtatrabaho noong isinulat mo ito, sana naman dun ka pa rin nagtatrabaho. Tandaan mo, di ka makakarating ng New Zealand kundi dahil dito kaya mahalin mo ito. Kung minsan nararamdaman mong hindi ka mahal ng kumpanya mo, isipin mo na lang, san ka makakahanap ng trabahong babayaran ka para magblog, manuod ng palabas sa telebisyon, habang naghihintay ng trabaho? Wala na... unless matupad ang pangarap mong bayaran para maglaro ng video games, o manuod ng sine... then papatawarin kita kung iwan mo ang pangkasalukuyang trabaho mo.

Ngapala... kung sa mga panahong ito, medyo overweight ka pa, magpapayat ka na. Kaya mo naman. Nagagawa mo. Disiplina lang ang kailangan. Matanda ka na... di na kasing liksi kesa nung bata ka pa. Para din sa'yo yan. Maraming nagsasabing mas gwapo ka pag payat ka!!!

At kung sakasakali namang binabasa mo ito dahil hanggang sa panahong ito, ay bitter ka pa rin sa mga taong minahal mo at tumalikod sa'yo. Tama na. Matauhan ka. Mauntog ka. Di na bagay sa'yo ang ganyan!!! Kahit ngayong bente otso ka pa lang, ang sagwa nang tingnan. Pang high school lang yang mga kapatweetuman na yan!!! Ang kaligayahan, hindi lang sa tao makikita yan. Kung wala ang swerte mo sa larangan ng pag-ibig, maghintay ka lang at makikita mo rin yan.

Basta lagi ka lang ngingiti, nag-aattract ng positive vibes yan. Positibo ka naman mag-isip. Ipagpatuloy mo lang yan. Yun lang... Mahalin mo ang sarili mo.

Nagmamahal,

Gillboard noong 2010

May 16, 2010

SINGLE CHRONICLE 1

I'm convincing myself that I'm okay now that I've ended one complication in my life (that's a story I'm not comfortable telling yet). So I thought to chronicle the bright side of my situation. The situation being free of complications. Being officially single. Not that I was with someone. But this time I'm really free. No kaflirts. Textmates. Dates. Really single.

Welcome to the chronicles of being single. So to start up...

I like watching movies alone.

I don't really see anything wrong with watching films in my lonesome. I understand the film better. I don't have to be composed when I'm with someone. I mean I can slouch if I want to, put my feet atop the seat in front of me, and do some other stuff, but more on that later on.

Come on, the only perk of watching a movie with someone is that you could hold hands with your date or if you're really lucky, makeout when you're watching a film. But I think that's it, that's why I like watching movies alone.

So, it's better to watch a movie alone because:
  1. YOU CAN CONCENTRATE ON THE MOVIE ITSELF. There's no annoying person who asks what happened while they were peeing. No one asking you to kiss her/him while the good parts of the film is showing. I mean if you just want to make out, get a room, and don't go to the cinemas.
  2. YOU CAN SIT ANYWHERE YOU LIKE. This is really good specially if you're watching a movie that everyone else want to see. You can sit on solo empty seats and not worry that you won't be seated with your friends. And it's worse when you go to see the first full show, but the available seat is only on the last full screening (this is obviously just an exaggeration but you know what I mean).
  3. YOU CAN FLIRT WITH THE GIRL/GUY ON THE OTHER AISLE. If you're the type who scour the cinema to find a potential date. I'm not like that. It's dark. But if you are, you won't be able to do so because you're on a date or you're scared that your friends will tease you. You're on your lonesome, you can do whatever you want.
  4. LESS EXPENSIVE. You can do whatever you want to do before or after the movie. When you're with someone you'll be forced to eat first, then have coffee after the movie. You'd sometimes be forced to treat your friend/date to see the film.
  5. PRE-SCREENING / POST-CREDITS. So you like seeing trailers of upcoming films. Watching movies alone, you can enter the cinema anytime you want. You don't have to wait for anyone in the ladies room, or for your date who's unable to choose between what popcorn flavor to bring in. And you won't get to miss any post-credit scenes since no one will pull you out of your seat to get out of the cinema.

The way I see it, it doesn't matter if people see it as a loser-y thing to do. I like watching movies alone. But it does not also say that I'd rather watch it alone than with someone. It's nice having to feel the awkward moment of deciding to hold your date's hand. I'm just saying there really is nothing wrong with watching a movie alone.

May 13, 2010

I'M THE MAN

You know how relationships are complicated? How sometimes you want to give up on it because your gf/bf is driving you nuts? How crazy your partner sometimes is because she/he isn't telling you what the problem is? Or because you don't know where you stand in the relationship?

Yeah, I'm going through all that. And I'm single. WTF, right?!

Long story.

**********
They say people normally don't follow the advise that they give to other people. I think the past few weeks (or months) I'm guilty of it.

If you've been following my blog since I don't know last year. You know there are days when I wrote about single blessedness, about why there's nothing wrong with being single, all that bullshit. I admit, there were days that I felt it was all full of shit. Crap. I didn't follow my own advise.

I guess, Domjullian was right calling me ampalaya, because I was bitter. Could be because of my current predicament. I complicate stuff when they shouldn't be.

I'm going to try changing that. I don't know where or how to start, but I will.

**********
Interestingly, last Tuesday, prior to going to work I passed by Glorietta and passed by quite a number of couples strolling around. Normally, such a sight would make me go bitter or depressed, depending on the shape of the moon, but Tuesday was different. I actually smiled at the sight of sweet couples holding hands while window shopping, couples sharing McDonald's sundae. The cheesy stuff.

I don't know why, but my thoughts when I saw them were nice.

**********
So a couple of the comments I got from my last post, and a few posts ago was an invite from my blog friend jayvie to go out on a date with his cousin.

I know I've been ranting about being dateless these days. Naawa siguro siya sakin, that's why he thought of hooking me up with his cousin. I'm not really sure how to answer the invite. I mean it would be great. Actually it would be awesome to go out again. I'd really like that. The thing is, I don't know them personally, and I wouldn't jump into things first without testing the waters. I mean, they only know me through what they read. And what I write isn't entirely who I am. So I don't want to disappoint any of them if I don't pass their standards or anything.

Anyway, the answer is yes, I'd accept the invite. But I would like to get to know jayvie and your cousin more first before we push through with the date.

I'm easy. But not that easy. Hahaha. I'm just kidding. I am easy.

**********
Let me share the chorus of the song I'm currently in to. Could be the reason why I'm feeling better these days. The song's been sitting on my mp3 player for months now, but it was only this week that I noticed the lyrics. If you listen to the whole song, it's a bit cliche, but for some reason, this song spoke to me.

I'm the man who holds my ground
I'm the man who sticks around
I'm the man to hold you tight
Cuz I'm the man in love...
And I'm the man to make it right
I'm the man to kiss goodnight
I'm the man who won't let you down
Cuz I'm the man in love...
with you.

-Elliott Yamin, "I'm The Man"

Someday... I'll be able to say these lines to someone.

May 11, 2010

MGA ARAL SA PAGBABLOG

Medyo matagal na rin pala akong nagsusulat dito sa blog na ito. Limang taon pagsapit ng Nobyembre. Medyo inuugat na kung tutuusin, pero medyo baguhan pa rin sa ilang aspeto. Marami pa ring natutunan na bago sa paglipas ng mga araw.

Sa loob ng halos limang taon, marami nang dumaan dito sa blog na 'to at naging kaibigan online, pero hindi na nagpaparamdam. Nagsara ng blog. Nagtampo. Nakalimot. Nainis. Nagsawa... Actually, wala tong kinalaman sa post, pero nakakatamad nang burahin.

Ang gusto ko talagang isulat eh yung mga natutunan ko sa pagsusulat dito, at paglilibut-libot sa mundong ilang taon ko nang pinagkakaabalahan.
  • Mahirap magjudge ng isang blogger, dahil kadalasan iba ang personalidad nila sa labas ng kanilang pinagsusulatan. Magugulat ka na lang na iba pala ang ugali ng mga ito kumpara sa mga nababasa mo.
  • Ang pagsusulat ay mahirap iwan, lalo na kung ito talaga ang hilig mo. Ilang beses mo mang tangkaing iwan ito, pero "once a blogger, always a blogger."
  • Hindi kailangan ng kung anu-anong pautot para mapansin ng ibang tao. Kung may taglay ka talagang talento sa pagsusulat o pagkiliti sa mga mambabasa mo, kusa silang lalapit sa'yo. Di mo kailangang gumawa ng kung anu-anong pakulo. In the end, kaya ka binabalikan dahil sa mga sinusulat mo at hindi sa kung anong award, tag, papremyo o kung anuman na ipinamimigay mo.
  • Isa ring epektibong paraan sa pakikitungo ang pagiging blog hopper. Dahil iba-iba ang personalidad ng mga manunulat. Merong pikon. Matampuhin. Madrama. Bastos. Isip bata. Mayabang. Tanggapin mo na lang ang pagkatao nila, kundi sasakit lang ang ulo mo. Option mo namang wag silang bisitahin o wag pansinin kung ayaw mo.
  • Posible yung makakakilala ka ng magkakagusto sa'yo dahil sa mga sinusulat mo. Basta kung magkatuluyan kayo wag kang manggago. Para kung sakali mang maghiwalay kayo, eh walang masasabing masama sa'yo yung ibang tao.
  • Madaling mahuli kung sino yung mga hindi nagbabasa ng mga sinusulat at kumukumento for the sake of comments lang. Trust me.
  • Kung balak mong ilabas lahat ng gusto mong sabihin, kelangan tanggapin mo na hindi lahat ng tao ay maaaring sumang-ayon sa mga sasabihin mo. Maging bukas sa kritisismo. Dahil dun tayo matututo. Kung may sarili kang paninindigan, ayos lang, wala rin namang masama kung paminsan makikinig ka sa payo ng iba, diba?
  • At kung hindi ka naman sang-ayon minsan sa sasabihin ng iba, kung sasagot ka kailangan mong maging careful sa sasabihin mo. Madaling mamisinterpret ang iyong sasabihin dahil hindi madaling maramdaman ang emosyon kapag ito'y sinusulat, kumpara kung ito'y sinasabi. At kung wala ka rin namang magandang sasabihin, sarilinin mo na lang. Mahirap yung may natatapakan kang ibang tao.
  • Kung isa kang blogger na naghahanap ng maaaring ibigin sa medium na ito, payong kaibigan lang, wag ka masyado magkwento tungkol sa mga karanasang kamunduhan mo. Parang nilalaglag mo lang ang sarili mo. Paano ka nga naman mamahalin ng isang tao, kung alam nilang natikman at napagpasapasahan ka ng kung sinu-sino.
  • Ang pinakamasayang reward sa pagbablog ay ang makakilala ng mga tunay na kaibigan na tatanggapin ka inspite ng mga katarantaduhang pinagsusulat mo sa tahanan mo. At kung makakakilala ka nang mga taong ganito, wag mo na pakakawalan yun. Tunay na kaibigan yung mga yon.

Muli, ito'y aking mga opinyon lamang. Kung may masasaktan o tatamaan, hindi ito sinasadya. At kung tinamaan kayo, wag kayo umamin, kasi hindi lang kayo ang nagbabasa nito. Malalaman pa ng mas maraming tao kung may ugali kayo. Hehehe

Peace...

May 9, 2010

ANG AYAW KO SA NANAY KO

If there's anyone worse in singing than my father, it's my mom. Parang kaboses niya si Judy Ann (nasal) na wala sa tono. At isa lang ang alam niyang kantahin... Words ng Bee Gees. Believe me when I say masakit siya sa tenga.

I hate it pag sinesermonan ako niya na mag-ipon. Save for the future. Pag mag-aasawa nako. Pag wala na sila. At pag natapos na siya sa kanyang litanya, manghihingi na yan ng pera para baon niya sa bakasyon niya. Pambili ng hanger. Pampaayos ng gate. At kung ano-ano pa.

Kapag nagkukwentuhan kami niyan. Kahit anong usapan, isa lang ang patutunguhan. Ang pagkabwisit niya sa tatay ko dahil dati napupunta ang sweldo niya sa pagpapagawa ng bahay nila sa probinsya na hindi naman niya napakikinabangan ngayon, at hindi sa amin na pamilya niya. Kahit ang topic namin ay ang nangyari sa Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010.

Naaasar ako pag ninanais kong makipagbonding sa kanya (manunuod lang kami ng DVD), tas hindi niya kayang tapusin yung pelikula. 20 minutes into the film, maiistorbo na ang panunuod ko, dahil makakarinig nako ng malakas na hagong ng kanyang mga hilik.

Noong bata ako, sobrang laki ng tampo ko sa kanya kasi kahit may tatay akong OFW, eh hindi ako nagkakaroon ng mga laruan na gaya ng mga kapitbahay kong katulad ko.

Pero dahil sa kanya:
  • Natuto akong maging pasensyoso.
  • Natuto akong ang pagiging mabuting tao ay magbubunga ng maraming kaibigang magpapahalaga sa'yo.
  • Natuto akong makinig.
  • Natuto ako na kahit ano pa ang pagkukulang ng mahal mo, pag mahal mo siya, tatanggapin mo ang lahat lahat ng ito.
  • Natuto akong makitungo sa mga tao, gaano man kalakas humilik ang mga ito.
  • Natuto akong pahalagahan kung ano man ang meron ako.
  • Natuto akong mag-ipon para makabili ng kung ano man ang nanaisin ko.
  • At marami pang iba.
I love you mom!!!

Happy Mother's Day sa lahat ng inyong mga nanay. Pakihalikan sila para sa akin, dahil hindi ako makakakilala ng mga taong kagaya ninyo kung hindi dahil sa kanila.


May 7, 2010

KWENTONG LUGAWAN ESTE LIGAWAN

When I look back at my past, it doesn't necessarily mean that I dwell on it. That I still live and bask in the glory that was my youth. Tumatanda tayo. Nagmamature. Nagbabago. Masarap lang magbalik tanaw kasi minsan pag sobrang nalulunod ka na sa problema mo sa buhay, nanaisin mo na bumalik sa mga panahon na mas simple pa ang buhay.

Naikwento ko na yata dati ang ilan kong mga naging ex. Pero hindi ko pa masyadong nakukwento yung tungkol sa una kong girlfriend. Di ko rin naman ikukwento yung buong detalye ngayon, pero kanina habang nakaupo ako sa trono ko, naalala ko kung paano kami naging kami.

Third year high school pa lang ako noon. Hindi pa masyadong uso ang texting, chatting, internet, at kung anu-anong ka hightechan. Ang sikat pa noon eh sina Diane, Gina, Melanie, Ricky at ilan pang cast ng Gimik. At imbes na ym, mirc, facebook, blog o friendster, makakakilala ka ng bagong kaibigan sa pamamagitan ng phonepal.

Random dialing lang yung ginawa ko nang makilala ko si Lovely (Love for short... oo na... medyo pangkatulong ang pangalan niya). Nakakatuwa siyang kausap noon dahil ang daldal niya. Kabaligtaran ko. At araw araw pinupuri niya ako sa telepono. Ang ganda daw kasi ng boses ko. Kaboses ko daw ang crush niya. Ako naman dahil uto-uto nadala. Niligawan ko na.

Di ko talaga alam kung paano manligaw. Basta noon inaaya ko lang siya lumabas para magdate. Sosyalin pa ang SM Southmall noon. Masarap pang kumain sa Burger King. At malakas pa ang aircon sa loob ng sinehan.

Isang araw narealize ko na lang na tinamaan na ako. Imbes na formula sa chemistry ang sinusulat ko, drawing ng mukha niya ang pumupuno ng notebook ko. Looking back, yun ata ang dahilan kung bakit pasang awa ako sa Chemistry dahil sa kanya.

Anyway, balik sa kwento, alala ko mga August yun niyaya ko siyang kumain sa labas. Magtatapat na ako. Nung gabi bago ang big date, sobrang nagpractice ako ng gagawin ko, sinulat ang script na sasabihin ko. Gumawa ng love letter. Humarap sa salamin at pinapraktis kung ano ang magiging hitsura kung sinagot ng oo o pag binasted.

Dumating ang araw ng pagtutuos. Dahil nga bano pa. Hindi marunong manligaw. At dahil hindi ko napractice kung paano ang tamang timing, hindi ako makabueno. Nagmeryenda na kami. Nanuod ng sine. At patapos na rin ang hapunan, hindi ko pa rin alam kung paano ko sisimulan...

"Uhmmm... Love?"

"Yes?"

"Ermmmm... Love?"

"Ano nga?"

"Wala."

Nachope ako. Oo. Hindi ko siya tinanong. Hanggang sa umuwi kami. Inuntog ko talaga ulo ko sa pader. Ang tanga tanga ko. Di ko alam ba't nagpapakaloner ako noong high school, di tuloy ako naturuan ng mga cool boys ng tamang timing at panliligaw.

Nang mag-usap kami sa telepono noong maghahating gabi na...

"So Gillboard, may gusto kang sabihin sakin kanina?"

"Hehehe... meron ba?"

"Ewan ko sayo. So?"

"Uhmmm... Love..."

"Ano?"

"Iloveyoutayona?"

Ang tagal na katahimikan. Siguro mga isang minutong walang nagsasalita sa aming dalawa.
"Anong sabi mo?" tinanong niya.

"Wala," sabi ko. Medyo napikon ng konti.

"So... gusto mo tayo na?" tanong niya.

"Gusto mo ba?"

"Ok lang."

At dun nagsimula ang pinakamahabang relationship na naranasan ko. Walong buwan lang kami nagtagal, kasi sabi niya noon na kailangan na niyang pagtuunan ang pag-aaral dahil magcollege na siya nun.

Kakastalk ko lang sa kanya sa facebook ngayon. Hindi ko siya mahanap. May asawa na kasi siya. Di ko alam ang apelyido nila.

Sana panget na siya ngayon.

Bitter lang. Hehehe... Joke!!!

May 5, 2010

MAY AAMININ AKO

Mayroong mga bagay na sa una ay mahirap tanggapin. Na kung maaari ay itatanggi natin. Maaaring mapapansin ng iba, pero pag ito'y kanilang pinuna ay hindi natin kayang aminin. Siguro dahil hindi natin napapansin. Maaaring dahil hindi natin tanggap sa ating sarili na ganun nga tayo. O dahil hindi natin talaga alam hanggang sa isang araw ay magigising na lang tayo at matatauhan, oo nga ganun pala ako.

May aaminin ako sa inyo.

Ako po si Gillboard, isa po akong seloso.

Madali akong magselos. Sa syota. Sa mga kaibigan. Sa mga tao sa paligid ko. Selos pag may nakikiclose sa kanila na ibang tao. Kapag may nakikilalang bagong kaibigan. Kapag hindi na ako pinapansin dahil sa mga bagong tao sa buhay nila.

May mga pagkakataon na sa sobrang selos ko may mga nasasabi akong mga bagay na hindi na pwedeng bawiin. Halimbawa:

Isang beses, meron akong regular na kausap. Isang araw may nabanggit
siyang kaibigan na hindi ko kasundo, at naging sanhi ng hindi namin
pagkakaunawaan. Dahil sa pangyayaring yun, may isang buong araw na hindi kami nagkausap.

Ewan ko kung ano ang sumapi sa akin, at bigla ko siyang pinadalhan ng text
na nagsasabing itigil ang kung ano mang meron kami at sumama siya dun sa bago
niyang 'friend'.

Kinabukasan tumawag siya sakin. Tawa ng tawa. Ang drama ko daw. Kaya lang
daw siya hindi nakakasagot sa akin ay dahil wala na siyang load.

Ang masaklap dun, hindi ko siya syota o kahit ano. Kaibigan ko lang siya.

Ang tigas ng mukha ko. Ewan ko ba kung bakit ako ganito. Dahil ba solong anak ako? Kulang sa pansin? Namana ko ba ito? May topak ba ako? Dala ba ito ng ugali kong pagiging loyal sa mga kaibigan ko, na adik ako magreact pag napapansin kong di ito nasusuklian ng tama? Paranoid lang ba ako?

Para sa akin, hindi na mahalaga na malaman ang sagot, ang importante ay kailangan ko itong baguhin.

Wala naman talagang masama sa pagseselos. Sa totoo lang, tanda yan na talagang mahal mo yung tao (kaibigan man ito o karelasyon). Nagiging masama lang ito kapag nakakasakal ka na. Kapag nawawala ang common sense mo at nakakalimutan mo nang mag-isip. Kapag nakakasakit ka na.

May 2, 2010

NO INHIBITIONS

Before going to sleep this morning, I found myself backreading. I find it fascinating how much I grew up chronicling my life here. When I started posting stuff here, I was mostly ranting about how much my life sucked (that lessened as years went by). I rant about the dumbest things (my job, my age, my looks, my schedule). I think I wrote almost everything about my life in that blog.

But one thing I noticed is that even after I revealed alot about me here, I was never really able to write while I was in a relationship. The blog's existed for quite awhile now, and I've been in a couple of relationships after I started writing, but I was not able to write about it while in the midst of that relationship.

I have written about failed dates. Successful dates. Getting turned down. Turning down someone. I've written about courting people. I have chronicled details about my exes. But I never wrote anything about my relationship while I'm with that person.

I haven't written about how I asked someone out. I never wrote about feeling anxious waiting for a call after a fight. I've never written sweet moments with my exes. I haven't posted about the petty reasons why we fought and what we did after we made up. I'll never write details about our awesome sexy times. I never wrote how I felt when we broke up. I just didn't write anything.

I don't know, maybe I was afraid people would find that I suck in relationships. Maybe I was afraid that people would tell me I was the one at fault when we're fighting. Or maybe that people would find me 'mayabang' when I brag about how great a date went, while the rest of the blogosphere's suicidal because they're still single. I do know that when I was with somebody, I never really had the time to do anything else but focus most of my free time with that person.

Looking back, if I did write about the relationship, when we were having problems, maybe I could've saved it. Seeing how alot of readers were giving insights about what could be done to right a mistake, maybe it could've opened my eyes and and made me want to fight more for the love. Maybe I wouldn't be single anymore. Who knows, right?

But this is not me whinging about the past. This is about looking forward. This is what I meant when I wrote about the overhaul. I still wouldn't be posting about my sex life, it's something that's private and needs not be bragged about. But the point is, I'll be writing without inhibitions.

Of course, before I write about those things, I'd need to find myself the one.

*************
I wrote this when I opened the other blog. But seeing as the other home is already closed, I think it's high time I bring that old saying here.

Writing with no inhibitions.

May 1, 2010

LABOR DAY

Dahil araw ngayon ng mga manggagawa... Actually sa Lunes siya dahil minove ng napakahusay nating Pangulo. Kakaasar, di tuloy double pay ang pinasok namin kanina.

Anyway, highway wala pa ako sa tamang wisyo. At para mahabol ko lang dahil Labor Day ngayon... Naisip kong ilathala ito muli.

Pitong taon na mula nang ako'y nagsimulang magtrabaho. Mangilan-ngilan na ring kumpanya ang napasukan ko. May nagtagal ng anim na araw. Meron din naman minahal ko't sinamahan ko ng tatlong taon. Etong huli, sana dito na talaga ako magtatagal, dahil ngayon, eh sobrang nag-eenjoy ako sa ginagawa ko.

Anim na taon na rin akong nagtatrabaho. Marami na rin akong natutunan dito.
  • The best way na magkaroon ng isang malaking sakit sa ulo sa trabaho eh ang makahanap ng syotang katrabaho.
  • Kapag workaholic ang drama mo sa buhay, darating ang panahon na makikita mo na lang ang sarili mong nag-iisa sa tuktok.
  • Pinakamadaling paraan para masisante ang pagdadala ng problema sa bahay pagpasok mo sa trabaho.
  • Isa sa pinakamabisang paraan para mapansin ka ng boss mo, eh ang pumasok sa trabaho ng maaga palagi.
  • Nasabi ko na ito dati, pero uulitin ko. Kahit saang parte ng mundo ka magtrabaho, hindi mawawala ang pulitika sa opisina.
  • Hindi sapat na mahusay ka sa ginagawa mo para makaangat ka sa trabaho. Kailangan marunong ka ring makibagay sa mga kinakasama mo.
  • Kung boss ka, huwag mong pipigilan ang mga nagnanais na umalis sa kumpanya niyo. Manghahawa lang yan sa pagiging di mabuting empleyado.
  • Huwag matakot sa mga pagbabago. Minsan mas nakakabuti ito para sa inyo.
  • Sa mga job interview, kung sasagot ka ng oo siguraduhin mong mapapangatawanan mo ito. Magsasayang ka lang ng oras kung sasabihin mong kaya mo mag graveyard shift, kung hindi naman totoo.
  • Masarap ang magtrabaho at pumasok kung gusto mo rin ang mga nakakasama mo.
  • Pero hindi ibig sabihin na dahil gusto mo silang kasama, at nag-eenjoy kapag kasama mo sila, eh magkaibigan na kayo. Pagdating sa trabaho, ang mga yan sarili din ang iniisip.
  • Hindi masama na alam mo ang gusto mo. Pero siguraduhin mo, kapag may hihingin ka sa iyong trabaho, eh nakakatiyak ka na karapag-dapat ka ngang pagbigyan nito.
  • Sa mga empleyado, naiintindihan ng mga boss ninyo na may pangangailangan din kayo. Intindihin niyo lang, na meron ding pangangailangan sa inyo ang kumpanya ninyo.
  • At totoo ang sinasabi nilang, gaano mo man kamahal ang kumpanya mo, minsan talaga hindi nila kayang suklian ito sa'yo.