Mga Sumasampalataya

Showing posts with label battle of the sexes. Show all posts
Showing posts with label battle of the sexes. Show all posts

Jul 2, 2009

BATTLE OF THE SEXES ROUND 5: BLOGGERS

Ang tagal ko na ring hindi nagsusulat ng Battle of the Sexes na post. Naisip ko, siguro nararapat lang ngayon na ibalik itong segment na ito sa blog ko, kahit once a month lang. O kapag wala akong maisulat siguro.

Hindi nais ng post na ito na gumawa ng issue. Gaya ng mga nakaraang naisulat ko tungkol dito, ang mga mababasa ninyo ay opinyon ko lang. Maaaring may tatamaan, maaari din naman na ako'y nagmamagaling lang at hindi ko alam ang aking sinasabi. Nasa inyo po yan, aking minamahal na mga mambabasa para pagdesisyunan. Hindi ako naghahanap ng away kahit pa may Battle dun sa titulo. Gusto ko lang ng isang matinong diskusyunan. Okay?

So ang topic ko ngayon, bloggers. Sino nga ba ang mas mahusay pagdating sa paggawa ng blog, ang mga babae ba o ang mga lalake? Sino ang mas mahusay magsulat? Ang mas relevant? Ang mas masarap basahin? O kaya naman kanino ang nakakapagod basahin? Simulan natin ang diskusyunan:

LALAKENG BLOGGERS:

PROS
  • Maraming blog na sulat ng mga lalake ang masarap basahin kasi relevant. Maraming makabayan, pero magaan basahin, hindi nakakatamad.
  • Karamihan sa mga lalakeng blogger eh creative. Kanya-kanyang gimik sa pagsusulat na hindi nakakasawang balikan.
  • Kapag ang lalakeng blogger nagsulat ng post na may puso, talagang maaapektuhan ka. Rare lang ang lalakeng nagsusulat ng may puso.
  • Ang lalake kapag nagsusulat, madalas KISS (Keep It Short and Sweet).
  • Madalas ang mga blog ng mga lalake nakakatawa. Pantanggal stress.

CONS:

  • Ang kaso lang, ang daming blog na naglipana na clone ni Bob Ong.
  • Pag nakakahanap ka ng mga nag-aaway sa blogosperyo... madalas ito'y sa pagitan ng dalawang lalakeng bloggers.
  • Hindi mo alam kung sinong lalakeng blogger ang tunay na lalake.
  • Ang daming blog ng mga lalake, walang kwenta... ginagawa lang ang blog na business.
  • Mga lalakeng blogger ang nagkakalat ng mga tag na post. Minsan wala ring kwenta.

BABAENG BLOGERS:

PROS:

  • Ang mga babaeng blogger, pag nagsusulat nararamdaman mo talaga ang mga emosyon nila.
  • Napakacreative ng mga babaeng bloggers, lalo na sa paggawa ng mga tula.
  • Hindi man marami, pero kapag ang isang babaeng blogger nagpatawa. Iba. Kakaiba ang comedic timing ng babaeng blogger.
  • Marami kang matututunan sa paghandle ng mga relasyon mula sa mga babaeng blogger.
  • Generally, ang mga babae, pag nagbablog dahil alam mong matalino sila, at ang mga sinusulat nila, it makes sense. Naiintindihan mo ang punto nila.

CONS:

  • Kaya lang, ang mga babae pag nagsulat NOBELA!!! Ang haba.
  • Kung gusto mong madepress, magbasa ka ng blog ng babae, dahil madalas puros reklamo o problema ang sinusulat nila.
  • Kung lalakeng blogger ka, mahihirapan kang makarelate sa ibang blog ng babae, dahil puros kakikayan lang ang nakasulat sa mga blog nila.
  • Maraming nanay na blogger na ginagawang business ang blog nila. Magpopost ng mga picture ng anak nila, tapos yung sunod na post, yung binebenta nila.
  • Kung ang mga lalake ang nagkakalat ng mga tags, ang mga babae kadalasan ang gumagawa nito. Madalas yung sinasagutan sa friendster, icocopy sa blog nila at kinakalat.

O ayan, general observation ko lang yan. Agree kayo? Disagree? Ipaalam ninyo. Discuss.

Dec 15, 2008

BATTLE OF THE SEXES: SPECIAL EDITION

Actually, ang totoo niyan, wala lang talaga akong maisip na title para sa post na ito na maikli. Mahahaba an naiisip kong title. At dahil tungkol ito sa mga makabagong kalalakihan at kababaihan, eh naisip kong ilagay ito sa ilalim ng Battle of the Sexes banner.

Dahil special edition ito, hindi ito talaga yung tipo na paglalabanin ko ang dalawang kasarian katulad ng mga nakaraang BOTS posts. Dalawa lang naman ang tanong ko ngayon...

BUHAY PA BA SI MARIA CLARA?
AT MAY MGA LALAKING TUNAY NA MAGINOO PA BA TALAGA?

Ang Pilipinas sa matagal na panahon ay kilala bilang isang konserbatibong bansa. Pero ngayon, napapansin ko na ang pagiging konserbatibong ito, lalo na sa mga taong kaedad ko, eh lubusang nawala na. Sa totoo lang, matagal ko nang napansin na wala na talaga, ngayon ko lang naisip na isulat.

Mangilan-ngilan na lang talaga ang mga taong naniniwala na ikakasal muna sila bago talaga ibigay ang kanilang sarili sa mahal nila. Minsan nga, naiisip ko ang mga taong ganito na lang mag-isip eh yung mga taong panget na walang pag-asang makahanap ng syota... Pero naprove na akong mali iyon.

Hindi sa mababa ang tingin ko sa mga taong handang maghintay, actually saludo ako sa kanila, dahil kaya nilang makatiis ng walang nangyayari sa kanila kahit na ang lahat ng makikita mo sa paligid eh puros suggestive sa sex. Naisip ko, kung nagsasariling-sikap ba sila?

Itong mga batang ito ba, lumalabas pa para makipag-date. Sa sobrang advanced ng teknolohiya natin ngayon, marami pa bang dumadaan sa mga ganung ritwal, o dumidiretso na sila sa kwarto pagkatapos magkita? Kinikilala pa ba nila ang mga kinakasama nila?

Naisulat ko ito, dahil ang isa sa mga pamangkin ko eh nabalitaan kong nahihilig nang makipaglaro sa mga babae. Kakatungtong lang niya ng katorse ngayong taon kung hindi ako nagkakamali. Ayokong makialam dahil hindi kami gaanong close nitong batang ito. Pero nakakagulat lang talaga. Kunsabagay, halos ilang taon rin lang naman ang naging lamang ko sa kanya nung una akong nagkaroon ng karanasan.

Hindi ko alam kung kasing-edad niya ang babae, pero feeling ko kung ganun man ay maling-mali. Sa pagkakaalala ko sa mga kapitbahay namin, noong mga kaedad namin sila, eh puros laro pa ang mga ginagawa namin. Mas bata man kami nang makakita ng mga video at litrato ng mga nagtatalik, eh hindi pumasok sa isip namin na gawin iyon (well syempre hindi sa isa't-isa). Pag nag-uusap kami nun, tungkol sa kung ano ang usong pelikula, sapatos, damit, mga laro. Pero ngayon, ang mga bata iba na.

Pagtanda kaya ng mga batang ito, eh matututo silang maging maginoo? Sa panahong iyon ba, eh may babaeng Maria Clara pa? Sobrang tanda ko na ba, at namamangha ako sa mga napapansin ko?

Ewan ko ba. Ngayon, dalawa lang ang kakilala kong nasa age range na 21-25 na birhen pa. At least sila lang ang honest na nagsasabing wala pa silang karanasan. Lahat ng kakilala ko eh naging maligaya na at one point in their life.

Ang babata na kasing magsimula maging aktibo ng mga tao ngayon. Ganun din naman siguro noon, pero dahil laro pa ang inaatupag ko, kaya siguro hindi ko siya napapansin. Noong nasa kolehiyo ako, nagugulat ako, noong tumatambay kami ng mga kaklase ko sa may yosihan na may mga high school students na tahasan kung maghalikan sa mga corridors. Take note, ang San Beda noon ay all-boys pa. Parang, sa liit nung mga batang iyon, naisip namin, kung tuli na ba yung mga yun, at ang lakas ng loob nilang gawin ang mga yun.

Ayokong mangaral dahil wala naman akong karapatan. Unang-una dahil ginagawa ko rin naman yun. Ang kaibahan lang naman, eh noon mahabang proseso ng pakikipagdate ang ginawa ko, bago ako nakahome run. Although di na masyado ngayon... hehehe. Hence, the question.

Siguro, naiinsecure lang ako, at baka maunahan pa akong magkaanak ng pamangkin ko. Shet, pagnagkataon magiging lolo na ako!!! Siguro, kelangan kong makealam sa batang ito... Sa totoo lang, may pamangkin na akong may anak na... Pero mas matanda siya sa akin. Tsaka medyo malayong pamangkin ko yun. Pero pag itong pamangkin kong binata ang nagkaanak, yun ang hinding-hindi ko matatanggap!!!

Dec 8, 2008

BATTLE OF THE SEXES ROUND 4: KAMA

RULES: Okay, as you all know I'm just a guy, so most of the things that you'll be reading would be input of MEN (not boys). You are free to disagree and post your ideas on the comments area. If you want to answer with your own post about the subject, and you want me to post it in my blog, e-mail your reply post at jao_224@yahoo.com and I will post this in my blog with your name as a guest writer. I want this to be interactive, so hopefully you'll leave your comments right away. And please, don't be violent or threatening with your posts/replies. Let us all be civil here.

*********
Ang tanong: Sa mga babae at lalake, sino nga ba talaga ang mas horny?

My take: Ang mga lalake ang obvious na panalo dito kasi alam naman ng lahat na kami ay madalas magdesisyon gamit ang ulo sa baba.

Pero, ang tingin ko dyan, kaya lang kami ang madalas na napagbibintangan eh dahil ganyan eh dahil ganun ang perception ng publiko. Pero sa totoong buhay ang mga babae, ay sadya talagang mainit. Hindi lang halata, dahil sa girl talk lang ito napag-uusapan, at hindi sila kasing ingay kesa pag ang lalake ang mag-usap tungkol dito. Sadyang mayabang lang talaga ang ilan pagdating sa aming mga naconquer.

Pero grabe ang mga babae pagdating sa kanilang mga girl talk... "girl, iba talaga, alala mo dati, pademure ako, pero ngayon, ako na kumakalabit kay M..." ganyan ang mga naririnig ko kapag sumasabay ako sa mga babae kapag lunch.

Meron pa akong isang nakadate nang nakaraan, sa sinehan, siya pa ang nandadakma... Ano ba yan?!

Tapos sa bus, minsan kapag nasa likod ako ng mga magsyotang PDA, sila pa yung nakikita mong ngumangatngat ng tenga ng kasama nila.

**********

Di nako magtatry na idefend ang mga kalalakihan, kasi sigurado na namang talo kami. Ginagawa ko lang even ang playing field. Kung di kayo sang-ayon sa mga sinusulat ko... Let me know.. Opinyon ko lang po ito.

Sep 29, 2008

BATTLE OF THE SEXES: ROUND 3

RULES:

Okay, as you all know I'm just a guy, so most of the things that you'll be reading would be input of MEN (not boys). You are free to disagree and post your ideas on the comments area. If you want to answer with your own post about the subject, and you want me to post it in my blog, e-mail your reply post at
jao_224@yahoo.com and I will post this in my blog with your name as a guest writer.

I want this to be interactive, so hopefully you'll leave your comments right away. And please, don't be violent or threatening with your posts/replies. Let us all be civil here.

*********

Ang tanong: Sino ang kadalasan mas nag-eexert ng effort sa relasyon, ang mga babae ba o ang mga lalake?

Point for Girls:
- Ang mga babae ang nagdadala ng relasyon. Sa kanila madalas nakasalalay kung kaya pang ipagpatuloy ang relasyon o hindi na.
- Ang mga babae ang kadalasang martir.
- Effort sa mga babae ang maghanda sa mga date.

Points for Boys:
- Ang mga lalake, kadalasan ang nagpaplano ng mga "sweetest moments" sa relasyon. Mapa-date o proposal.
- Sobra sobrang effort ang binibigay namin kapag kami'y nanunuyo sa aming mga sinisinta.
- Dahil kadalasang nasusunod ang mga babae, effort sa amin ang sundin ang mga gusto (luho) ng mga babae.
- Effort din sa mga lalake ang maghintay (minsan hanggang kasal) sa babaeng mahal niya bago sila magsama.

I know, most of the points eh for the guys, alam na naman siguro ninyo kung bakit. Kung hindi kayo sang-ayon, pakisabi lang. Pero in fairness naman sa mga kababaihan, mabibigat naman ang mga puntos na nakalahad dito.

Aug 18, 2008

BATTLE OF THE SEXES ROUND 2: HIWALAYAN

RULES:

Okay, as you all know I'm just a guy, so most of the things that you'll be reading would be input of MEN (not boys). You are free to disagree and post your ideas on the comments area. If you want to answer with your own post about the subject, and you want me to post it in my blog, e-mail your reply post at jao_224@yahoo.com and I will post this in my blog with your name as a guest writer.

I want this to be interactive, so hopefully you'll leave your comments right away. And please, don't be violent or threatening with your posts/replies. Let us all be civil here.

TOPIC:

Kwentong hiwalayan sa pagitan ng mga kababaihan at kalalakihan. Ang tanong sino ang mas magaling tumanggap ng hiwalayan, ang babae o ang lalake? Ang tanong na ito ay para sa mga taong nanggaling sa isang seryosong relasyon. Hindi sa mga laru-laro lamang. Naiintindihan ko na minsan depende rin ito sa dahilan ng hiwalayan kung sino ang mas mahusay na magdala sa mga pagkakataong ito.

Tingnan natin ang mga puntos:

LALAKE:

Naglalasing... tumataba o pumapayat... madalas ay nawawala... pero mas madalas na kinikimkim sa sarili ang sakit na nararamdaman.

Mas mabilis mag-move on ang mga lalake, at kahit na linoko ng babae, eh kailanman ay hindi isusumpa ang mga ito.

MInsan pa nga ay manunuyong muli, hanggang sa humiling ang babae ng restraining order.

May pagkakataon din na kapag ang lalake ay iniwan, lalong nagiging tarantado... natututong manggago ng babae bilang pangganti sa umiwan sa kanya.

BABAE:

Di tumitigil sa pag-iyak na para bagang nababaliw... ang babae kapag iniwan, ay hindi rin titigil sa kakadakdak na minsan pa nga'y pagmumukhaing kontrabida ang kanyang kasintahan.

May mga pagkakataon na ang babaeng iniwan ay pumapanget... at minsan pa nga'y isusumpa lahat ng mga kalalakihan sa buong buhay nila.

Ang babae, pag nagkahiwalayan, sasabihin sa sarili ang tanga-tanga niya... pero pagsinuyo, bumibigay agad... tapos maghihiwalay ulit sa parehong dahilan... tapos sisisihin ulit ang sarili...

Ang babae, kapag iniwan umaabot ng taon ang pagiging depressed... at kadalasan, hinahayaang maapektuhan ang ilang aspeto ng buhay niyang hindi naman dapat naaapektuhan.

**********

Yeah, I know. Creative juices still not functioning. I'm trying to rewrite some of the other posts that I've written prior to the whole virus thing. Indulge me for this... hopefully this will only be temporary. I don't really want to abandon this blog.

Ayokong makisali sa mga umiwan ng kanilang mga blog... hehehe

Aug 14, 2008

BATTLE OF THE SEXES: ROUND 1

This post is inspired by Leviuqse's comment on one of my posts the other week, and dedicated to one of my new colleagues. Before we proceed with the whole fight, let me just tell you a little bit of history about this whole thing.

HISTORY

If you still haven't heard or read, I've lost all my unpublished posts when my pc got reformatted. It's still inefficient, by the way. I'm using our office's resources to post this (I'm never leaving this job ever!!!).

So, these days I don't really have anything to post, and my head's uncreative and uninspired.

Anyway, last week was pretty much the whole getting to know each other stage in our new work. And what's a good way of getting to know your co-workers than to talk about their relationships. Well, I don't talk too much because I don't have input (over a year of being single), so I heard a lot of comments about guys and girls. And I thought: this is a could be a good post.

RULES:

Okay, as you all know I'm just a guy, so most of the things that you'll be reading would be input of MEN (not boys). You are free to disagree and post your ideas on the comments area. If you want to answer with your own post about the subject, and you want me to post it in my blog, e-mail your reply post at jao_224@yahoo.com and I will post this in my blog with your name as a guest writer.

I want this to be interactive, so hopefully you'll leave your comments right away. And please, don't be violent or threatening with your posts/replies. Let us all be civil here.

ROUND 1: THE MORE VIOLENT SEX!!!

I don't mean physically violent. It's just the title. Who starts fights more in a relationship... men or women?

WOMEN:

Si girlfriend ay di natuwa sa ginawa o sinabi ni boyfriend. Ang usually nangyayari, si babae ay hindi na mamamansin. Magdadabog. Magagalit. Habang itong si boyfriend, hindi alam kung bakit. Totoo, o hindi?

O kaya naman, si babae pipilitin si lalaki na sagutin ang tanung niya. "Maganda ba ako?" "Nagkita kayo ng ex mo no?" "Nasaan ka kagabi? Ano ginawa mo?" Ikaw na ang umiiwas, tapos pag sinagot ng lalake, magsisimula na siyang magdadakdak.

MEN:

Ang lalake, nagsisimula lang ng away, kapag sigurado siyang may ginawa ang babae na mali. Minsan dahil nakulitan na ito sa mga maling akala (o tamang akala) ng kanilang mga girlfriend. Kung mahilig mang-away ang boyfriend niyo, hiwalayan niyo yan... Men are supposed to be gentlemen and not war freaks!!!

I know, I'm leaning towards the guys here. I can't help it, I'm one of them. NOthing personal... I'm just playing the devil's advocate.

So let's start the ball rolling... Let's get it on!!!