Hindi nais ng post na ito na gumawa ng issue. Gaya ng mga nakaraang naisulat ko tungkol dito, ang mga mababasa ninyo ay opinyon ko lang. Maaaring may tatamaan, maaari din naman na ako'y nagmamagaling lang at hindi ko alam ang aking sinasabi. Nasa inyo po yan, aking minamahal na mga mambabasa para pagdesisyunan. Hindi ako naghahanap ng away kahit pa may Battle dun sa titulo. Gusto ko lang ng isang matinong diskusyunan. Okay?
So ang topic ko ngayon, bloggers. Sino nga ba ang mas mahusay pagdating sa paggawa ng blog, ang mga babae ba o ang mga lalake? Sino ang mas mahusay magsulat? Ang mas relevant? Ang mas masarap basahin? O kaya naman kanino ang nakakapagod basahin? Simulan natin ang diskusyunan:
LALAKENG BLOGGERS:
PROS
- Maraming blog na sulat ng mga lalake ang masarap basahin kasi relevant. Maraming makabayan, pero magaan basahin, hindi nakakatamad.
- Karamihan sa mga lalakeng blogger eh creative. Kanya-kanyang gimik sa pagsusulat na hindi nakakasawang balikan.
- Kapag ang lalakeng blogger nagsulat ng post na may puso, talagang maaapektuhan ka. Rare lang ang lalakeng nagsusulat ng may puso.
- Ang lalake kapag nagsusulat, madalas KISS (Keep It Short and Sweet).
- Madalas ang mga blog ng mga lalake nakakatawa. Pantanggal stress.
CONS:
- Ang kaso lang, ang daming blog na naglipana na clone ni Bob Ong.
- Pag nakakahanap ka ng mga nag-aaway sa blogosperyo... madalas ito'y sa pagitan ng dalawang lalakeng bloggers.
- Hindi mo alam kung sinong lalakeng blogger ang tunay na lalake.
- Ang daming blog ng mga lalake, walang kwenta... ginagawa lang ang blog na business.
- Mga lalakeng blogger ang nagkakalat ng mga tag na post. Minsan wala ring kwenta.
BABAENG BLOGERS:
PROS:
- Ang mga babaeng blogger, pag nagsusulat nararamdaman mo talaga ang mga emosyon nila.
- Napakacreative ng mga babaeng bloggers, lalo na sa paggawa ng mga tula.
- Hindi man marami, pero kapag ang isang babaeng blogger nagpatawa. Iba. Kakaiba ang comedic timing ng babaeng blogger.
- Marami kang matututunan sa paghandle ng mga relasyon mula sa mga babaeng blogger.
- Generally, ang mga babae, pag nagbablog dahil alam mong matalino sila, at ang mga sinusulat nila, it makes sense. Naiintindihan mo ang punto nila.
CONS:
- Kaya lang, ang mga babae pag nagsulat NOBELA!!! Ang haba.
- Kung gusto mong madepress, magbasa ka ng blog ng babae, dahil madalas puros reklamo o problema ang sinusulat nila.
- Kung lalakeng blogger ka, mahihirapan kang makarelate sa ibang blog ng babae, dahil puros kakikayan lang ang nakasulat sa mga blog nila.
- Maraming nanay na blogger na ginagawang business ang blog nila. Magpopost ng mga picture ng anak nila, tapos yung sunod na post, yung binebenta nila.
- Kung ang mga lalake ang nagkakalat ng mga tags, ang mga babae kadalasan ang gumagawa nito. Madalas yung sinasagutan sa friendster, icocopy sa blog nila at kinakalat.
O ayan, general observation ko lang yan. Agree kayo? Disagree? Ipaalam ninyo. Discuss.
41 comments:
Parang me kulang dun sa trait ng mga lalaking bloggers ah. Karamihan sa kanila eh yung mga hobby nila ang bino-blog nila (tulad ko at tulad mo na rin hehe) tsaka mostly na mga lalaking bloggers eh gamers rin..
in short... may pagkanerd?! hehehe
medyo agree haha.
sa mga lalake madalas kasi mga pahapyaw ang mga sinusulat, hindi agad tinutumbok.. pero okay na okay pa din..
tama tama..Ü agree ako,kahit na girL ako,mas type ko ang blog ng mga lalaki..siguro dahil marami akong natututunan..Ü
Hindi ko alam, pero mas nakaka-relate ako sa mga blog ng lalaki. Pag puro kakikayan at love story na mala nobela di ko rin natatapos.
Pero sa totoo lang, mas marami sa mga blog ng lalaki ng nakakadepress, mas emosyonal, mas kikay pa nga kung minsan. At mas nobela. At alam ko rin kung bading o mas bading ang blogger.
Agree! ako na ang mga babae kapag nasusulat... NOBELA... sobrang haba ng babasahin mo... papa-whew ka... hehehehe!
Babae Pros: Napakacreative ng mga babaeng bloggers, lalo na sa paggawa ng mga tula. ---> *ehem* parang akoh 'un ah... lolz... biro lang.. feelingera lang =)
Babae Cons: Kaya lang, ang mga babae pag nagsulat NOBELA!!! Ang haba. ---> hahaha. nde akoh ''un. nde ren 'un yung latest post koh. *wink* wehe.
lab diz entry. aliw and yeah i agree to most of them. Godbless! -di
Napadaan at nakicomment kasi wala akong nakitang cbox kaya dito nalang sa comment ng latest entry.
Anyway, nag feeling close lang ang masasabi ko lang ay Agree ako sa sinabi mo Period. lol (Feeling close lang)
Keep up!
para sakin mas masarap basahin ang mga post ng lalaking bloggers dahil una sa lahat, mas nakaka-relate ka sa kanila. yung sa mga blog ng babae kasing nababasa ko, masayadong personal yung blog nila. yung literal na diary talaga.
Hmmm. Meron sa post mo na medyo hindi ako agree. 'Yung sinabi mong walang kwenta kapag ginagawang business ng mga lalake ang blog nila. Naku baka giyerahin ka d'yan! LOL
Iba-iba naman kasi ang mga blogs. Merong video blogs, travel blogs, food blogs, at 'yung naka-monetize na mga blogs. Nagkataon lang na pare-pareho tayo ng classification, which is more on personal blogging, and others have their own classifications as well.
gas dude: onga noh.. siguro ilimit na lang natin tong usapan na to sa mga personal blog at hindi yung mga travel, food or ibang category... yung tipong puros sulat lang mababasa at di picture.. hehehe... salamat sa puna.
badong: kunsabagay online journal naman talaga was supposed to be a blogger's online diary.. hehe
jepoy: welcome po sa blog ko... balik lang... para di ka na feeling close... hehehe
dhianz: eto, seryoso to... bago ko sinulat tong post na to... di ko pa nabibisita yung blog mo.. hehehe
marco: hehe.. achievement ba pag natapos basahin yung post... hehehe
dylan: wala pa naman akong nababasang blog ng kikay na lalake... hahaha
superjaid: marami rin naman tayong matututunan sa mga blog ng babae... well siguro kaming mga lalake...
kheed: di ba babae yung mahilig magpahapyaw ng mga kumento.. kaya mahirap sila kausapin... hehehe... joke lang po!!!
Noon adik ako sa tag post..ngayon tinamad na ko... wala ngang kwenta..hehhe!
Para sa akin both have their own traits how to do there blogs, basta ako tagabsa lang taga comment kapag maganda yung nabsa ko ke sehodang mahab o maikli, may sense o wala, basta trip kong basahin i-follow walng problema...laht nman tayo pag nagsulat may puso eh...Godbless. (pra sa kin yan ang opinyon ko)Neutral lang ako paramay reperi hehehe (lols)
hahaha... kulit nito. nagulat ako dito> "Pag nakakahanap ka ng mga nag-aaway sa blogosperyo... madalas ito'y sa pagitan ng dalawang lalakeng bloggers. ">>> hahaha... meron pala.
Gusto mong makabasa ng kikay na blog from a guy? haha!
"Sino nga ba ang mas mahusay pagdating sa paggawa ng blog, ang mga babae ba o ang mga lalake? Sino ang mas mahusay magsulat? Ang mas relevant? Ang mas masarap basahin?"
Syempre sa mga lalake parekoy! Period no erase! Apir! Hehehe....
Pero in second thought....
hirap eh, sa mga panahon ngayon di mo na mawari ang tunay ngang babae or tunay ngang lalake. Nakakalito aba! So null and void ang tanong mo sa ngayon. Hehehehe... :)
"Kaya lang, ang mga babae pag nagsulat NOBELA!!!" hahahahaha!
kahit ako... im more interested pag lalake ang owner ng blog. mas na-aappreciate ko ang mga sinusulat nila.
pero, whether lalake or babae ang owner.. pag poetry ang laman... interested talaga ako...
depende siguro sa interest ng bawat isa. kaya mahirap pagtalunan kung sino ang mas lamang. dahil hindi naman iisa ang interest ng reader. basta ang mahalaga, may lessons na mkukuha sa sinulat, ok na siguro un!
Tara blog war na! Mukhang masyado kang na-trauma nung nakipag-gera ako sa mga bloggers ah. LOL.
Seriously, hindi pa ko nakakabasa ng blog ng babae. Hindi rin ako makarelate eh.
isa ba akong bob ong clone?
pero teka
sino ba sya?
pasensya na
di ako mahilig magbasa, eh
nyahaha
i'm back at nognog na
hehe
Uhmmm.. tagal ko ng naririnig sa iyo yan Bob Ong clone na yan, hehhehe!Para bang si Bob Ong lang ang pwedeng maging kwela sa pagsusulat.Bka tuloy hindi mo na maappreciate ang ibang blogger kasi feeling mo "clone lang sila" Hehhee
Sa akin....
Ewan ko parang may lalim ang bawat kwento ng lalaking blogger.
Kalimitang topic: Trabaho,sex,at gadget
Sa babaeng blogger naman madaling mong makita ang gusto nilang ipahatid at emosyonal sila.
Kalimitang topic: lovelife at pamilya
Ingat
Drake
hindi rin ako mahilig sa mga sobrang habang post. lalo pa't puro kakikayan at text language pa ang gamit.
keep it short and simple. ganyan nga. hehehe.
medyo tama., pero kadalasan mahaba ang pinopost mo a...awooo wat does that mean ..hahah
http://kcatwoman.blogspot.com
sex doesn't matter sa pagsusulat. basta kung magaling ka yun na yun. pero sa lahat ng mga blogs na nabasa at sinusundan ko, male bloggers talaga ang mas magaling. i wont mention names. baka may magtampo pa.
Haha. basta AKEZ LALAKE!! :)
Hindi mo alam kung sinong lalakeng blogger ang tunay na lalake.
onga! trulalu!~
hahaha
meron din naman blog ng mga babae na nagpapatangal ng stress.
I prefer to read entries from a MALE BLOGGER. Pag sa babae, ang drama, ang haba, emotional, ewan ko ba, di ko feel! haha
(lahat ng cons mo sa babae; wala ya nsa blog ko!)
chyng: hehehe... yung mga pros at cons ko.. general observation yan... eto naman..
ilocano: kilala ko yung babaeng blogger na pantanggal ng stress mo.. hahaha
jayvie: no comment nako sa mga ganyan...
acrylique: may kumukwestyon ba? hehe
the scud: honga.. baka wala ako sa listahan mo... magtatampo talaga ako.. hahaha.. joke!!!
kcatwoman: di naman masyado... pag fiction lang.. mostly iba-iba naman topic ng post ko... tsaka binubullet ko naman para di nakakapagod basahin... DEFENSIVE!!! hahaha
ardyey: yup.. hirap kasi makarelate pag kikay na...
drake: di naman... siya lang kasi yung sikat..
raft3r: kung di mo pa siya kilala
joms: di naman ako natrauma.. kaw naman bumigay ka agad.. di naman ako nag nenamedrop...
azel: mahirap magbasa ng poetry... lalo na, mababaw lang akong tao... iilan lang na blog na may tula ang binibisita ko.. hehehe
oracle: punta ka lang sa view profile ng mga blogger.. malalaman mo kung lalake ba o babae yung nagsulat non.. hehehe.. joke lang..
dylan: depende siguro kung gaano kakikay yan... hehe
the dong: oo naman may nag-aaway sa mga blogs... maglibot libot ka lang dyan... pero peaceful naman ngayon..
seaquest: onga naman.. blog nila yan.. di dapat nating pakialaman...
mokong: yung ibang tag naman kasi.. for the sake of may maipasa lang.. la lang.
ang daming reaction uh. hehe. kanya-kanyang style lang yan ng blogging kahit anu pa ang sexuality mo. mas nagkakaroon ng distinction kapag types of blogger na ang paguusapan!
medyo may pagkabias dahil lalaki ang gumawa ng pros and cons lalalala hahah joke lang. Natawa ako dun sa isa sa mga cons ng babae madalas puro reklamo OUCH! kakatapos ko lang kasi magreklamo eh! hahahah. Pano pag ang isang blog ng lalaki ay nag-fit sa decription ng blog ng mga babae...ANO YUN? wehehhehe
tinamaan ako dun sa mga bloggers na ginawang business ang blog nila hahaha! ekanya kanya sigurong estratihiya yun kung papaano mo gagamitin ang blog mo..
totoong ang mga babaeng bloggers, madalas, mahahaba ang mga posts... hahaha
tingin ko naman, yung mga ginamit mong points eh applicable sa mga personal bloggers..
hehe
kilala ko sya
lagi syang laman ng mga chain emails, eh
tama
saka thescud, mag name drop ka na
ililibre kita kahita san mo gusto
basta alam mo na ang kapilit
hehe
Ang saya ng post na to! WAAAA!
adrian: natutuwa ako't masaya ka sa post ko.. hehehe
raft3r: kayong dalawa ni scud ay may sariling usapan ha... hmmmm... hehehe
fjordan: ano ba, pag guilty kayo wag kayo sa post ko umamin!!! hahaha...
klet: la ako bias.. equal lang kaya yung pros and cons ng mga lalake at babae... neutral lang ako.. hehe
jin: di ko alam kung ano reply ko dito.. hehehe
tama ka dyan bert. andaming naglipanang mga bob ong sa blogosphere. pati mga babae rin.
Post a Comment