Mga Sumasampalataya

Showing posts with label fiction. Show all posts
Showing posts with label fiction. Show all posts

Jan 6, 2023

FALLING STAR (2022 version)

 Dec. 15, 2018, 22:52:28


It was a clear night. The sky was cloudless and all the stars twinkled as brightly as possible. Aubrey spent most of the evening staring at the sky. Watching the stars as they blink in place.


All of a sudden, a falling star appeared. It shone brightly and quickly faded back into the darkness.

Aubrey quickly closed her eyes. “I wish Eric will be mine,” she quietly wished.

Dec. 16, 2018

Aubrey quietly stared as her friend Eric ate his food. She listened as he noisily sipped his soup. Her eyes follow the movement of his jaw as he chewed his food. She is obsessed with her friend.

For Aubrey, Eric is the perfect guy. Athletic. Smart. Handsome. He comes from a family of Spanish descent, and it shows. His fair skin, caramel brown eyes, and pointed nose are just icing on the cake that is Eric. He’s one of the few men she knows who truly gets her. He laughs at her jokes. He’s interested in what she has to say. It’s a big plus that he’s also a mama’s boy. Eric is the perfect guy, for Aubrey.

Aubrey wonders, will her wish the night before ever come true?

Suddenly, as if fate heard her question, Eric turned his head towards her and winked.

They say you should make a wish whenever you see a falling star. Whatever it is that your heart desired, it will be given to you. Aubrey’s wish is about to come true.

Jan. 18, 2019

Aubrey is seated in her small office space, staring at her laptop, pretending to work.

Eric quietly approaches the girl. He sits at the edge of her table.

He taps her on the shoulder. “What are you doing after work?” he asks.

“I have no plans for tonight, what’s on your mind?”

Eric reached out towards his back pocket and pulled out two tickets. “My friend plays drums in a band. He asked me to attend his gig tonight. I -uh, I don’t have a date. Would you like to come?”

“As your date?” she inquired. She was dying inside. This was what she wished for. It’s starting to come true!

He looks at her funny. “Yeah, why not.”

“Sure,” Aubrey said. She’s never answered a question as quickly as she did Eric’s. Finally, a date with the man she adores.

Jan. 19, 2019

The concert ended at 1 a.m. As it was already late, Eric offered to drive Aubrey home. She gracefully accepted.

He took her hand as he guided Aubrey to his car. Like a gentleman, he opened the door for her.

This is it, her dreams started to come true.

Feb. 14, 2019

Aubrey arrived in the office and was surprised that on top of her worktable was a dozen of the reddest bouquet of roses. A card is pasted on one of the stems.

She excitedly picked it up, to read what it says.

“Only the best, for my girl. With love, Eric.”

She could only smile.

Mar. 02, 2019

Aubrey hugged Eric tightly. This is his last day at work. He found a very lucrative job with a huge multinational company. An offer, no one could ever resist.

For Aubrey, this will be hard. She will no longer see him in the office. She’ll no longer be his lunch buddy. Eric’s office is in another city. She fears they won’t be able to see each other as much as she wants.

She buries her face in Eric’s chest. She doesn’t want to let him go.

Aubrey will miss him so much.

Eric pulls the distraught girlfriend. He takes out his handkerchief and wipes her tears.

He gives her a big smile.

“Hey, don’t cry. I will still see you. We’ll still see each other,” he promised. He kisses her on the cheek.


May 1, 2019

“I’m sorry. Can’t make it tonight. Busy with work.” Eric texted Aubrey.

It’s barely been a month and he no longer has time for her. This is the third time Eric canceled on Aubrey. She tries to understand. Eric is new and can’t say no to his boss. This is his dream job. Aubrey has to be the understanding girlfriend.

Is that what she is? They never really labeled what they are.

“Ok,” she texted back.

Oct. 30, 2019

Aubrey was trying to decide which restaurant she was going to eat in. The mall was big, and there were a lot of choices. In the corner of her eye, she saw this quaint Italian restaurant. The aroma of fresh pizza wafted to where she was. Tempting, she thought.

Like an invisible hand, the smell pushed her toward the restaurant.

And just as she was about to enter the establishment, her eyes spotted him.

Eric.

It’s been months since she last saw him. Since she last heard from him.

His work took him away from her. After he moved, Aubrey never saw him again. At first, he canceled their dates. Slowly, the calls became fewer until their text exchanges stopped one day.

Now, here he is, in front of Aubrey. Eric. Alone.

Her heart started beating faster. She wanted to know what happened between them. She has to know.

Suddenly, Aubrey was behind Eric. She tapped him on the shoulder.

Eric turned around. He looked surprised to see her.

“Hi,” was the only word Aubrey was able to muster.

It took him a bit to recognize her, but as soon as he did, he give her the biggest smile.

“Aubrey!” Eric responded. He gave her a big hug. “It’s been… uh… forever! How are you?!”

“I’m good. I missed you,” she answered, with sadness in her tone.

Eric can only smile.

“Hi.” An unfamiliar voice came from behind her. Aubrey turned her head to see where it came from. Eric suddenly moved past Aubrey, to the girl behind her. Eric kissed the girl, took her hand, and went towards the heartbroken Aubrey.

“Lisa, this is Aubrey. I worked with her before. From the company, I came from. Aubrey, this is Lisa… my girlfriend.”

Aubrey forced a smile towards the woman who took her man. “Nice to meet you, Lisa.”

“Likewise. Uhmmm… would you like to join us, Aubrey?” Lisa offered.

“Yeah. Join us.” Eric echoed, less convincingly.

With all her strength, Aubrey forced a smile on her face. “Oh no… Thank you. I’m actually about to meet with a friend. We’re eating somewhere else. But thank you for the offer.”

“Aww. Well, enjoy your day. Nice to meet you again,” Lisa replied.

“Yeah, Aubrey. It’s… uh… good to see you again.” Eric hugged Aubrey.

She hurriedly walked away from the couple.

As soon as Aubrey got home, she immediately buried her face in her pillow. Suddenly she can’t control the tears from pouring out of her eyes.

“Wishing on a falling star… it’s all bullshit!” That night, she cried herself to sleep.

She no longer believes in wishing stars.

Dec. 15, 2018, 22:52:26

“I wish to find my true love,” Lisa quietly whispers as she sees a falling star in this clear cloudless night sky.



*****

Translated the old story into English. Is it better or worse?

Oct 5, 2021

TIK. TIK. TIK.

Tik.

Tik.

Tik.

Inangat ni Allie ang kanyang mga mata. Hinanahanap kung saan nagmula ang tunog na naririnig niya. May ilang gabi na rin siyang binabagabag ng tunog na ito. Tila siya ay sinusundan kung saan man ito magpunta.

Tik.

Tik.

Tik.

"Narinig mo yun?" tanong niya sa kanyang asawa.

"Ano yun?"

"Parang tik tik tik. Di mo naririnig?" 

Umiling lang ang asawa nito. 

"Lagi ko siya naririnig. Sa banyo. Sa kwarto. Sa kusina. Tik. Tik. Tik. Parang sinusundan ako. Pero pag hinahanap ko, wala."

"Parang tubig na tumutulo?" tanong ni Dan. Bigla siyang nangusisa. "Gusto mo ba di muna ako pumasok sa trabaho?" 

Si Dan ay isang pulis. Bagong promote sa kanyang trabaho. Ngunit kapalit ng kanyang titulo, siya ngayon ay dapat magtrabaho na sa gabi, at kailangang iwan ang kanyang asawang limang buwan nang buntis.

"No... it's okay. Baka may di lang nadrain na tubo somewhere. Medyo luma na rin kasi tong bahay na 'to."

"Sigurado ka?"

"I'm sure hon. Tatawagan ko si tatay bukas. Papacheck ko yung mga tubo."

Hinalikan ni Dan ang asawa sa noo at nagmadaling umalis papunta sa kanyang trabaho. 

Tik.

Tik.

Tik.

Lumingon si Allie. Parang kakaiba ang tunog ngayon. Mas malapit. Mas maingay.

Tik.

Tumayo si Allie sa hapag kainan upang sundan ang pinanggalingan ng tunog na ilang araw na sa kanya'y nagpapabagabag.

Tik.

Tik. 

Lumabas siya ng kusina. Wala. Pinuntahan ang sala. Katahimikan. Biglang tumaas ang mga balahibo sa katawan ni Allie. Pakiramdam niya'y siya ay pinagmamasdan. Parang may mga matang di niya nakikita, pero siya'y tinititigan. 

Dumungaw siya sa bintana. Payapa ang lahat. Walang hangin. Walang gumagalaw. Maliban sa puno ng mangga na ang mga dahon ay tila tinutulak ng mga ibon. O pusa? O isang malaking hayop?

Lumabas ng bahay si Allie para pagmasdan ang puno ng mangga. Ang punong ito na nasa kanilang bakuran bago pa siya ipinanganak. Isang malaking puno na kasing taas ng bahay na may tatlong palapag. Isang malawak na puno na minsan niyang naalala'y parang tahanan ng mga engkanto't diwata.

Muling kinilabutan si Allie.

Parang mayroon siyang nakitang mga mata. Bigla itong tumalikod at pumasok sa tahanan.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang ina. "Hi, Ma."

"Yes po, okay lang ako. Ummm... Ma. Pwede ka ba dito muna magstay sa bahay? Kahit ilang araw lang... Panggabi na kasi si Dan... I just don't feel comfortable alone... pag gabi."

Ngumiti si Allie na kaagad umoo ang ina.

Tik.

Tik.

Tik.

Tik.

Ito na naman yung tunog. Pero ngayon, parang nasa likod lang niya. Hindi na siya lumingon, at biglang tumakbo papunta sa kanyang kwarto. Agad na nilock ang pinto at nagtago sa ilalim ng kumot.

Tik.

Tik.

Tik.

Tila lumalakas at dumadalas ang tunog na kanyang naririnig. Pero ngayon, parang ito'y nasa buong bahay na niya.

Tik.

Tik.

Sa may bintana.

Tik.

Tik.

Tik.

Sa labas ng pintuan ng kwarto niya.

Tik.

Tik.

Tik.

Sa may kisame o bubungan.

Tik.

Tik.

Tik.

Buong gabing nababagabag si Dan sa tunog na naririnig ng asawa niya kaya naisipan nitong umuwi nang maaga. Tinawagan niya si Allie upang sabihin na ito'y uuwi na, pero hindi sinasagot ng asawa ang kanyang telepono. Maaaring tulog na ito, isip niya.

"Allie." tawag ni Dan habang kinakatok ang pinto ng bahay nito.

Walang sumasagot. 

Sinusian ni Dan ang pinto at dahan dahang pumasok. Iniiwasang magising ang tila'y nahihimbing na asawa. Tumingin si Dan sa paligid. Parang nung iniwan lang niya. Nasa mesa pa rin ang pinagkainan nilang mag-asawa. Bakit kaya? tanong niya sa sarili.

Tik.

Tik.

Bigla niyang narinig. Ito yung tunog na naririnig ng kanyang asawa.

Tik.

Sinundan ni Dan kung saan nanggagaling ang tunog. Pinikit nito ang kanyang mata, para marinig ng malinaw. 

Tik.

Ang tunog ay nagdala sa kanya sa harap ng pintuan ng kwarto nilang mag-asawa.

Tik.

TIK.

Binuksan nito ang pinto. Nagulantang ito sa kanyang nakita. Isang nilalang ang nakaluhod sa harap ng kanyang asawa. Itim. Payat. Di mo alam kung buhok o balahibo ang nakabalot sa kanyang katawan. Mahahaba ang mga kuko nito. At sa kanyang paa ay may isang matalim na kuko ang pumapalo sa sahig at gumagawa ng ingay. Tik. Tik. Tik.

Ang mata ni Dan ay biglang napunta sa ulo ng nilalang. Nanlaki ang mata ng asawa nang makita ang mahabang dila nito na nakapasok sa salawal ng tila walang buhay na asawa.

Binunot ni Dan ang kanyang baril at biglang pinaputukan ang nilalang.

Isang nakakabinging sigaw ang lumabas mula sa nilalang. Agad itong tumayo at lumingon sa pulis. May halos walong talampakan ang nilalang. Malaki at bilog ang naninilaw nitong mga mata. Nagsimulang maglakad ito patungo kay Dan.

Tatlong beses pa niya ito pinaputukan. Isa sa ulo. Isa sa paa. Isa sa puso. Pero parang wala lang sa nilalang. Tumakbo ito at tinulak si Dan sa pader. Sa sobrang lakas ng pagtulak ay nawalan ng malay ang pulis.

Paggising niya, ay may ilang oras na ang nakalipas. Naalala ni Dan agad ang asawa at dagling pumasok muli sa kanilang kwarto. 

Ang kama nila'y puno ng dugo. Ang asawa, wala ng buhay. Takot ang nananalaytay sa mukha ng bangkay.

************

So... I've been thinking of making this a full blown book-length story. Tell me your thoughts. 

Sep 14, 2021

SIXTEEN YEARS

 "So?" 

"So..." hindi ko kayang dugtungan ang salitang inumpisahan ko. Ang hirap ibalik sa kanya ang nagtatanong niyang mga mata. Nagmamakaawa. Nangungulila.


*****

Ganito pala maging malaya.

Ang tagal nang huli kong maranasan ang mag-isa. Walang kasama. Malaya. Malaya akong nakakahinga. Walang mag-aalala kung saan ako pupunta. Anong oras uuwi. Malaya akong makipagkilala sa kahit sinong gusto ko.

Tang-ina, ang sarap makipagsex!!! 

"Masarap ba? Ito ba ang gusto mo?!" tanong niya habang dahan dahan niyang pinadarama ang init... ang libog niya.

"Fuck yes!" sigaw ko. "Putang ina, ang sarap mo!!!"


*****

"I'm so happy you met with me. How long has it been?" usisa sa akin ng kaibigan kong sobrang tagal ko nang hindi nakita.

"Sixteen years." sagot ko.

"Shit, it's been that long?!" 

"I know. I'm so sorry. It's all on me. I... I wasn't a good friend."

Ngumiti siya sa akin. Hindi niya ako sinagot. Tama ako. Hindi ako naging mabuting kaibigan sa kanya.

"I forgive you. Nagmahal ka. Kaya ka nakalimot."

"I was fucked up. How could I do that to you?"

"Sus. Bakla, everytime nagkaboyfriend ka, nakakalimutan mo ako. But, I'm proud of you. Nagawa niyong magsama for sixteen years. That's some kind of record."

"I know... kaming dalawa, we were a myth. Pero wala talagang forever."

"So... how is it for you now?" 

"What?"

"How is it being alone?"


*****

Mag-isa ako ngayong gabi. Walang dahilan, pero bigla akong naluha. Parang biglang gumuho ang mundo sa mga paa ko. Nahuhulog ako at walang sasalo sa akin.

Mag-isa ako.


*****

Pandemya. Dalawang taon matapos kong tapusin ang lahat. Ako ay mag-isa. Nakakulong sa bahay mag-isa. Kumakain mag-isa. Naglilinis ng bahay mag-isa. Nanunuod ng tv mag-isa. 

Mag-isa.

Binuksan ko ang Facebook para hanapin siya. Kumustahin.

Nakita ko ang litrato. Ang profile picture... nila.

Hindi na siya mag-isa. Mayroon na siyang iba.

Nalaman kong nagkakilala sila ilang buwan nang matapos kami. Pero yun lang. Hindi ko na makita ang ibang laman ng profile niya. Hindi na kami magkaibigan. 

At lalo akong nangulila.


*****

Nakuha ko ang sakit. Pinagdasal ko sana'y tamaan ako nang malubha. Gusto kong matapos na tong buhay ko. Tutal, ako lang naman mag-isa.

Pero tila ako'y sinumpa. 

Gumaling ako.  Maswerte daw ako at mild lang ang mga naging simtomas ko. Maaari akong umuwi at doon na magpagaling. Sa tahanan ko. Kung saan ako ay mag-isa.

Muli kong naramdaman ang pagguho ng lupa sa ilalim ng aking mga paa.

Hindi ko na kaya.


*****

"So... ganun na lang? Sixteen years. Tatapusin mo ng ganun ganun na lang?"

Pumikit ako at huminga ng malalim. 

Sixteen years.

Hindi na ako masaya.

Kaya ko ba mag-isa?

Kaya ko ba mawala siya?

Kaya ko bang tapusin kaming dalawa?

Sixteen years.

"So... I still want to try."




*************************

Work of fiction. 

I'm back today to celebrate this blog's 16th birthday.

Oct 12, 2019

ALAS KWATRO Y MEDYA

Alas kwatro y medya ng madaling araw. Sa labas ng isang bahay, maaaninag ang anino ng isang lalaki sa likod ng bintana ng kwartong may dilaw na liwanag.

Anino ng lalaking matipuno.

"Baka naman pwede mo akong pagbigyan this time. Pang-ilan na ba natin 'to?"

"Di ako nagbibilang." sambit niya. Umupo siya sa gilid ng kama. Naaninag sa dilim ang katawan niyang hubad.

"Please," boses na nagsusumamo ng kasama nito sa kwarto.

Umusog sa kabilang dulo ng kama ang binata. Kinuha ang pakete ng sigarilyo sa bulsa ng pantalon nito. "May lighter ka?" tanong ng binata.

"Wala eh. Sorry."

Binalik ng lalaki ang yosi sa pakete.

"Di ko kaya gawin ang gusto mo."

"Bakit ka nandito? Pinapaasa mo lang ako!"

"Ha? Pinapaasa? Ni minsan wala akong pinangako sa'yo? Pumupunta ako dito kasi may usapan tayo. Wala nang ibang dahilan. Nakukuha mo ang gusto mo. Nakukuha ko ang kailangan ko."

"Ganun lang yun sa'yo?"

"Seryoso ka?" tumayo ang binata. Kinuha ang panloob at nag-umpisang magbihis.

"Rhett... don't... please. I'm sorry." tumayo ang ikalawang binata, pilit pigilan ang nakaniig. "Di ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko sa'yo. Oo may usapan tayo, pero ewan ko. Di ko mapigilan sarili ko... may nararamdaman ako sa'yo."

Kinamot ni Rhett ang kanyang ulo.

"Sorry. Di mutual ang feeling mo. Di ko alam kung may nasabi ba ako para magkaganyan ka. Pero..."

"Shit."

Tinuloy ni Rhett ang pagbibihis nito.

"Isang halik lang... kung huli na 'to."

Tiningnan ni Rhett ang kausap. Umiling iling ito.

"Please,"  nag-umpisang tumayo ang lalaki, pilit nilalapit ang labi sa mukha ng binatang kasama.

Tinulak ni Rhett pabalik sa kama ang kasama.

"Di pwede. Sorry."

Nanatiling nakatayo si Rhett sa harap ng binatang nag-umpisang mangilid ang luha.

"Mag-isip ka. Piliin mo ako, bubuhayin kita. Mahalin mo lang ako, ibibigay ko ang lahat para sa'yo. Kahit anong gusto mo."

"Di ko alam pano papaintindi sa'yo. Hindi ikaw ang gusto ko. Ito- itong nangyari sa'tin ngayon... Ikaw lang ang may gusto nito. Alam mo kung bakit ako nandito. Hindi para sa'yo. Sorry."

"Rhett!" pangangawang sabi ng isang binata.

Sinuot ni Rhett ang medyas at sapatos. "Aalis na ako."

Tumayo ang binata at pumunta kung nasaan nakapatong ang kanyang pantalon. Nilabas ang pitaka at kumuha ng limang isang libong piso.

Iniabot ang pera kay Rhett.

"Salamat dito. Mauna na ako." at tuluyan nang lumabas ng kwarto.

Iniwan ang lalaki mag-isa sa kanyang kwarto.








Feb 28, 2015

ANDREW

Nasaktan na ang puso ko.

Yung sakit, yung tipong hindi ka makatulog. Hindi makakain. Hindi makahinga. Hindi makagalaw. Yung tipong ayaw mo nang mabuhay dahil sa sakit. Gusto mong matapos na ang buhay mo dahil di mo na alam kung may pupuntahan ka pa dahil wala na siya.

Pero isang araw, wala na yung sakit.

Makakalimutan mo siya. Makakahanap ka ng dahilan para ituloy ang buhay.

Iba ang sakit ko.

Yung sakit na tipong hindi ka makatulog. Hindi makakain. Hindi makahinga. Hindi makagalaw. Yung tipong ayaw mo nang mabuhay dahil sa sakit. Gusto mo nang matapos ang buhay mo dahil ayaw mo nang maramdaman ang tunay na sakit. Dahil hirap ka na. Literal na wala ka nang pag-asa. 

Cancer.

May taning na ang buhay ko.

Buwan. 

Linggo. 

Araw. 

Anumang minuto, maaari na akong kunin ni Lord.

Nakajackpot ako sa Lotto ng Diyos. Bronchial Cancer. Isa sa pinakamalalang klase ng cancer.

Lotto o sadyang kagagawan ko. Naging pabaya ako sa buhay ko. Yosi dito. Isang kaha isang shift. Kalahating kaha bago matulog. Kalahati paggising.

Ngayon, 19 years matapos kong matuto manigarilyo, dama ko na ang kinahinatnan ng bisyo ko.

Apat na buwan na nakaratay sa maliit na higaan. Ilang araw  na hikbi at tunog ng makina lang ang naririnig ko. 

Pilit ko mang buksan ang aking mata, tanging mga anino lang ang aking nakikita. Alam kong pamilya ko ay nasa aking tabi, nagdarasal kahit di ko maintindihan ang aking naririnig.

Ayaw ko na.

Suko na ako.

Konti na lang ang lakas ko.

****************

"Ma, si Kuya gumagalaw!!! Bumubukas na ang mga mata niya!!!" 

Dali-daling lumapit ang pamilya ni Andrew sa kanya.

Kapit kamay ang pamilya habang pinapaligiran ang higaan. 

Ilang saglit pa ay pumasok ang doktor upang tingnan ang kalagayan ng pasyente. 

Umiling ito.

Umatras ang doktor at hinayaan ang pamilya na makasama ang kanilang mahal.

Pilit na tinataas ni Andrew ang kanyang kamay, naghahanap ng makakapitan.

Kinuha ng ina ang kamay nito.

****************

Sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggo, bumalik lahat ng lakas ko.

Malinaw kong nakikita ang pamilya ko.

Mama.

Mahigpit niyang hawak ang kamay ko...

"Andrew, we're here... We lo...





Nov 26, 2014

BAKIT DI SIYA BUMABA NG SASAKYAN

20 seconds na kaming nakapark sa harap ng bahay ko.

Hindi kami gumagalaw.

Hindi nagsasalita.

Nakakabingi ang katahimikan.

"Are you coming in?" kailangan ko nang basagin ang katahimikan.

Tahimik pa rin siya. Huminga ng malalim.

"I don't think it's working out,"

I knew this was coming. Tahimik siya buong gabi. Alam kong may nagbago. Anim na buwan kong ineexpect ito. Simula nang naging kami.

"Girl or guy?" tanong ko.

Tiningnan niya ako. May galit sa kanyang mga mata. Pero sumuko din siya. He expected this too.

"Girl."

Di ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Galit. Lungkot. Poot.

Pinaghandaan ko itong usapan na ito. Pero iba pala talaga kapag nandyan na yung moment na kinatatakutan mo.

"We talked about this bago ka umoo. Sabi mo sigurado ka."

"I know, and I meant it when I said it... But... I don't know... I'm sorry."

"Alam mo na masasaktan ako."

"I know... I'm sorry..." lang ang kaya niyang sabihin.

Nabulag ako sa pagmamahal ko sa kanya. Hinayaan kong umabot kami dito. Hindi siya kagaya ko. Alam ko na babae ang hanap niya. Pinilit ko to. Pero nangako siya.

"Sinabi mo sigurado ka. Nangako ka."

Hindi ko na kinaya. Tumulo na ang luha ko. Bumigay ako.

"I'm sorry. I did not expect to have this feeling. I love you. Please know that it's still true... Pero I can't help it. Lalake pa rin ako."

"Fuck you!"

"Alam ko, I disappointed you. But alam mo deep down, that this would be temporary. I guess kasalanan ko na naging mahina ako when Emily broke up with me. I should not have said yes. Di kita dapat pinaasa. Pero you knew what you're getting into when you asked to be in a relationship with me. Lalake tayo pareho. Well... Straight ako. And you know eventually this moment will come."

Dito magtatapos ang panaginip ko.

Six months.

Nangarap ako ng mataas, so now I'm falling down really fast.

"You said you wanted this too."

"I was lonely... Like you." sagot niya.

"You do know you won't be able to undo everything that we did together."

Tinitigan niya ako. Alam niyang tama ako.

"Pumatol ka sa bakla.

"Bakla ka na. At kahit na ilang beses mo ifuck yang girlfriend mo... you know deep inside bakla ka. Bakla ka pa rin."

******************************
Dahil ang daming naghihiwalay ngayon. Hindi ako makikisali sa totoong buhay... Pero just wanted to write a breakup story.

Oct 4, 2013

KUNG PAANO KAMI NAGING CLOSE

(Nick at Kiko Part 2)

"I'm thinking may galit ka sakin boss."

"Huh, bakit naman?"

"You know there's only one person na gusto ko sa team ko, pero di mo binigay! You really hate me!"  I don't know what got over me na nagawa kong taasan ng boses ng ganyan ang boss ko.

I mean I'm not really serious na galit ako na hindi sakin napunta si Nick, pero I don't know for some reason masama ang loob ko na hindi napunta sakin yung gusto ko.

"Kiko, you already have a challenging team. From what I gathered during their training medyo hirap Nick in selling our products. I mean this is his first real job. Your team, pagdating sa stats is already behind so I gave you yung may potential to be performers."

"Ok, how about we make a deal. If after a month naiangat ko performance ng team, the month after ibibigay mo sakin si Nick."

"No. Make your team a Top 3 Team, I will give you Nick." hamon sakin ni Boss.

"Shake on it?" inabot ko ang aking kamay at agad naman niya itong kinuha.

***********************
"Kiko, can you please help Nick, he still doesn't have a sale yet. I have my hands full on all my newbies." pagmamakaawa ni Michelle. Siya ang maswerteng nilalang na may hawak sa aking apple of the eye. Tama si boss, kailangan ko nga yung mga ibinigay niya sa akin.  Mahuhusay nga sila, lahat nakaquota na.

Kinumusta ko sila ng sandali at sinigurong walang kailangan bago ko tulungan ang mga baguhan sa team ni Michelle.

Nanginginig si Nick pagdating ko. Halatang pressured.

"Musta?" tanong ko.

"Not ok." sagot ni Nick.

"No sales?"

"Not my day."

"Okay, let me help you. Listen to me ha." Binigyan ko ng kaunting pointers si Nick kung paano ako bumebenta sa mga customers ko. Kinuha ko ang sumunod na call. Swerte naman at nauto ko ang kausap ko. Nabigyan ko siya agad ng benta.

"And that is how you do it."

Bakat sa mukha ni Nick ang pagkamangha. Isang upuan lang nabigyan ko siya agad ng benta. Isang tawag. Isang pitch.

"Wow! Dude you're good."

"That's why I'm a Team Lead. And of course, I have a winning personality."

"Thank you TL!!! I owe you one."

"Nah, it's part of my job." shet natunaw ako sa kanyang ngiti!

"Hey, can you stay muna, listen to how I call and then give me pointers on how I can improve. Please?" nangangawa ang kanyang mga mata. Paano ka ba naman makakatanggi sa isang matipunong binata na huminhingi ng pagkakataon na makapiling ka kahit sandali?

"Okay, sure no problem." masaya kong sagot sa aking crush.

"Thank you. Alam mo sana ikaw na lang naging Team Lead ko."

At biglang tumalon ang puso ko.

(To be continued...)

Sep 28, 2013

NICK AT KIKO PART 1

Nicholas Patrick Figueroa.

Pangalan pa lang pogi na. Ganun din kaya siya sa personal? Tanong ng mga Team Lead sa isa't isa. Ngayon ang unang araw na makikita nila ang mga bagong salta sa call center na pinapasukan nila. Para kay Kiko, si Nicholas Patrick Figueroa ang gusto niyang unang makilala.

Para sa isang bading, kahit di pa nakikita alam niya kung ang isang tao ay pogi o hindi sa pangalan pa lang. Ipinagmamalaking talento ni Kiko ito.

"I got dibs dun sa Nicholas Figueroa." bungad niya sa Team.

"Bakla, makadibs ka naman. Tunog mayaman lang yung pangalan. Does not always equal mukhang mayaman." ang sagot ni TL Michelle, best friend ni Kiko.

"Bes, I have a feeling. Alam mo naman ako at ang mga vibes ko. They never fail me."

Alas nuwebe y medya nang isa-isang dumating ang mga bagong salta. Tambay muna sila sa pantry dahil wala pa silang workstation. Malayo sa inaasahan ng mga nauna nang empleyado, kakaunti lang ang baguhan na cute. Puros babae pa ang may hitsura.

"Ano bes, told you so." Bulong ni Michelle kay Kiko. 

Irap lang ang sagot nito.

Alas dyes. Simula na ng shift ng business. Si Kiko ang naatasan na magwelcome sa mga bagong salta. At gaya ng tradisyon, sa unang oras ay ang pagpapakilala.

"Hi Guys, I'm Kiko Ponce, I'm going to be your trainer for the day. Well not really trainer... More like welcoming committee. You'll be meeting your real trainers in the next few days so you could expect the first hour of the next few days you'll be doing this. Kaya magprepare kayo ng mga tatlong things about you na di niyo pa nasasabi sa lahat."

Nagtawanan ang mga trainees niya. Magandang simula.

"Kiko is not short for anything. That is my real name. Pinaglihi daw ako kay Kiko Matsing." Konti lang ang natawa. Ang mga halata ang edad. Mga pinanganak sa panahon niya. "I have been with the company for the last year and a half. I was a pioneer of the account and was one and am still one of the best sellers for the program. I'm also going to be one of your Team Leads. Outside of work, I am movie addict. On a good week, I am able to watch at least 3 films. I am also into writing and music. I can play the piano, guitar and saxophone. And I'm also super gay. But not really that gay." Tawanan ulit ang grupo.

Sa pagkakataon na yun, tinuro ni Kiko ang babae sa likod. Miss, let's start with you and then we'll go clockwise.

Hi I'm Cristina Henson... (sosyal)

Good evening guys, I'm Bryan Tejada... (resident family man)

My name is Luisa Taguinod and you can call me Mommy Lui... (resident nanay)

Hi, I am Ebenezer Diaz... Ben for short... (medyo cute pero chubby)

Hi all, my name is Carla Cuaresma, 21 fresh grad from Iloilo... (ang magandang probinsyana)

Aaron Lontoc mula sa Bulacan... (resident bad boy)

Hello guuuys, I'm Greg Lindon, and you can call me Greggie for short hihihi... (resident becky)

Judy Prado and I'm a lesbian... (resident lesbian)

At dito natapos ang pagpapakilala. Wala si Nicholas Patrick Figueroa, malungkot na naisip ni Kiko. Siguro di niya gustong magtrabaho sa call center. O baka naman may mas malaking offer siyang nakuha sa ibang kumpanya.

Oh well.

"Okay, thank you everyone it's nice to meet you all. I guess it's now time to start introducing you to the company."

Tok tok tok. 

Napalingon ang lahat sa pintuan sa likod. 

Mukha ni Michelle ang lumantad sa grupo. Dali itong pumasok at niyaya ang isang pares. Mga na-late dumating.

"This is the training room, you can just choose any seat from there." Biglang tumingin si Michelle kay Nick. "Tama ang vibes," sabay kindat.

"Hi I'm Kiko. We were just about to start but since we have new people here you have to introduce yourselves to the class. Usual intro, name, background, hobbies, likes, dislikes, relationship status and expectations sa company or sa class."

Naunang nagsalita ang babae Princess daw ata ang pangalan. Walang ibang narinig si Kiko dahil ang buong atensyon nito ay nakatuon sa lalaking bagong dating. Matipuno. Gwapo. Mestiso. Matangkad. Mukhang mabango. Mukhang mayaman. Lahat siguro ng hanap nito sa isang lalaki ay nasa binatang hinihintay niya simula nang mabasa ang pangalan sa roster ng new hires.

"Thank you Peaches."

"Uhm... Princess." Pagtatama ng dalaga.

"Sorry, thank you Princess for that five minute introduction. Sir, it's your turn."

"Sorry I'm late. My name is Nicholas Patrick Figueroa, but you can call me Nick. I'm 27. Believe it or not this is my first real job. The last six years I spent with my mom in Japan. She's been battling cancer for the last eight years, but we lost the fight a few months ago. I know it's a downer, and I apologize for that. But I'm generally a happy person. I like to watch movies. Play video games. Typical geek I guess. What else? Uhm... I was a model in Japan. Oh yeah, relationship status. I'm proud to be in a ten year relationship with my girlfriend."

Damn! Naisip ni Kiko.

(To be continued...) 


Aug 19, 2013

10 MINUTONG LAKAD SA WALKWAY

Naglalakad ako mula sa aking condo nang makita ko siya.

Stranded. Nakikisilong sa ilalim ng payong sa harap ng kainan. Walang payong, hindi handang sumuong sa gitna ng malakas ng ulan. 

"Miss, tatawid ka? Malaki ang payong ko, pwede ka sumabay." Laking pasasalamat ko na yung espadang payong ang nakuha ko ngayon. Pwede ko siyang isilong sa ilalim ng aking payong.

"Thank you," nakangiti niyang sagot.

Sabay kaming tumawid. Lalong lumakas ang ulan, pero ayaw kong magmadali ayaw kong matapos ang sandaling ito. 

Napahawak siya sa kamay ko. Tila nais bilisan ang mga hakbang para kami'y makatawid. 

"Aakyat ka rin ng walkway?" tanong ko.

Tumango siyang nakangiti. May pagpapasalamat ang nakabakat sa maganda niyang mukha.

"Okay lang ba na sumabay sa'yo? Walkway din ako. I could use the company," hiling ko.

"Sure." ang nakangiti niyang sagot.

"Jessie pala. My name's Jessie," inabot ko ang aking kamay sa kanya.

"Celine." Kinuha niya ang kamay ko.

Biglang uminit ang loob ko kahit nasa gitna kami ng napakalakas na ulan. Hindi ako makapaniwala, nakakausap ko na siya ngayon. Araw araw ko siyang nakikita, pero ngayon nahawakan ko na ang kamay niya at nakasabay ko pang maglakad.

"Hanggang sa dulo ako, ikaw ba?" panimula niya. 

"Yeah, same. Saan ka ba nagwowork?" sagot ko.

"Ahhh. Uhmmmm... Sa call center sa may Solaris."

"Ah talaga, pero umaga na ah? Diba normally panggabi ang mga call centers?"

"Well most of them. The company I work for, services Australia, kaya dayshift ako."

"Ahhh, G'day mayt!!!" bati ko sa pinakamahusay kong paggaya sa Australian accent.

Natawa siya ng malakas. Ang cute niya. Mukhang sopistikada. Mukhang anak ng mayaman. Maputi. Petite. Alam niyang hindi na kailangan ng kolorete sa mukha, dahil kahit wala nito, lumalabas ang ganda ng kanyang hitsura.

"Your Australian accent sucks!" biro niya. 

Hindi man sadya, pero nakuha niya ang accent ng mga Australyanong pilit kong ginaya. Lalo siyang gumanda sa paningin ko. 

Ipinagpatuloy namin ang paglalakad. Nakatingin siya sa taas. Sa mga grafitti art na nagkalat sa walkway ng Makati. Kahit sino talaga mapapatingala sa ganda ng mga nakapinta sa dingding ng walkway. 

"Ang ganda no?" banggit ko.

"Yeah. It really shows na marami pa ring creative na Pilipino. Kahit yung mga simpleng art, it's full of life and shows kung paano ang buhay ng mga dumaraan dito sa walkway. Shows life of a yuppie. City life. Life in Makati."

"May paborito ka?" usisa ko.

"That one." Turo  niya sa isang drawing ng babaeng natutulog. Isang simpleng likha. Hindi nagstand out sa tabi ng maraming mahuhusay na likha.

"Huh. It's simple. Far from what I expect you'd like."

"Yeah. Well, that's because I like to sleep. I can relate to the drawing." ngiti niya. "Hey, don't get me wrong, I'm not the artsy type. I just appreciate pretty things."

Mabuti naman. Akala ko mapapasubo ako kung sakaling si Celine ay yung tipo ng babaeng sopistikada.

"Ikaw, where do you work?" tanong ni Celine sa akin.

"Walang work. May business ako ng buy and sell ng mga kotse. I don't think na kaya kong umupo sa opisina ng 9-5."

"Is there good money in what you do?"

"Tama lang. May pera pag may buyer. Nganga pag wala." 

"Yeah? Honestly, I've been looking on venturing into business, pero I don't know if kaya ko. I'm almost 30, and I really don't want to see myself 5 years from now still taking calls and servicing rude customers." paliwanag niya.

"YOu can make money doing what you like. Ako, ever since puberty mahilig talaga ako sa mga kotse. I worked for 7 years para magkaroon ng puhunan. Tapos, yun sinuwerte and tuluy tuloy na."

Napabuntong hinga si Celine. 

"Ano ba ang mga passion mo?" tanong ko.

Napaisip siya ng konti. "I can bake. Masarap yung cupcake recipe ni mom. I just haven't found the time to bake."

"Wow! Parang gusto kong makatikim ng cupcake mo."

"Sure. Sige if I find the time, I'll bake you one. I mean every now and then nakikita kita where you saw me earlier."

Napangiti ako. Hindi sa pangako niya, kundi dahil napapansin din pala niya ako. Pareho kaya kami ng naiisip? Gusto din kaya niya ako?

Nasa dulo na kami ng walkway. Ibig sabihin ilang saglit ko na lang siyang makakausap. 

Nauna siyang bumaba sa akin. 

Lalo ata akong na-in love sa kanya. Ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. Oo, madalas ko siya nakikita, pero ngayon ko lang talaga siya tiningnan ng ganito. Iba talaga ang nagagawa kapag ang isang tao ay tinitingnan mo lang, at kapag nakakahalubilo mo na siya. 

Lalo siyang gumaganda. 

Hinabol ko siya.

"Uhhh Celine..."

"Sorry, malelate na pala ako. Tagal ko palang nastranded kanina. I lost track of time."

"Ahh, okay."

"Hey, thank you sa payong. And for the company. It was really nice."

"It was nice to know you too."

Mawawala na ang pagkakataon mo Jessie. Tanungin mo na ang number niya. Humingi ka ng pagkakataon na lalo siyang makilala. Gawin mo na ngayon na!!!

"Hey Celine!" tawag ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin? Tinuro ang braso. Senyales na wala nang oras at tumakbo papunta kung saan siya nagtatrabaho.

Napahinto ako.

Pinanuod siyang pumasok sa building kung saan siya nagtatrabaho.

Napasilip siya sa akin at nakita ako. Sorry. Hindi ko man narinig, pero yung ang nabasa kong sabi niya sa akin. 

At tuluyan na siyang nawala.

Nagvibrate ang bulsa ko. May nagtext sa akin.

"Where are you. Dito na kami lahat. Ikaw na lang nawawala." Text ng kaibigan ko.

"15 minutes" reply ko.

Tumalikod ako at naglakad pabalik sa walkway. 

Papuntang mall sa kabilang dulo ng aming nilakaran.

*********************
Dahil nainspire ako ng ulan at ng kwento ni Celine at Jessie sa Before Sunrise, Before Sunset at Before Midnight.

Oo. At ako na ang sinisipag magsulat nitong mga nakalipas na araw.

Jul 30, 2013

MCDONALD'S TVC

Tanghali.

Mahaba ang pila sa McDonald's.

Isang ama nakaupo sa tapat ng manliligaw ng kanyang anak.

TATAY: Alam mo hijo, si militar, natuto akong magbasa ng mga tao. Kaya kong alamin kung nagsisinungaling ang kausap ko o hindi.

Mapapalunok ang manliligaw. Ngiti lamang ang naisagot sa ama ng nililigawan.

TATAY: Sagutin mo ako. Gusto mo ba ang anak ko?

Titingin ang ama sa likod ng manliligaw. Sa isang babaeng may kasamang bata. 

MANLILIGAW: (Sasagot ng may paninindigan) Opo gusto ko po.

TATAY:  Tanggap mo kung sino at kung ano ang meron siya.

MANLILIGAW: Tatango at magsasabi ng "Opo."

TATAY: Hindi mo lolokohin ang anak ko?

MANLILIGAW: Hindi po.

TATAY: Mapapanindigan mo ba siya?

MANLILIGAW: Yes sir!

Darating ang anak na babae na may dala ng order nila at tatabi sa kanyang ama.

BABAE: Dad, here's your favorite... Quarter Pounder.

Mapapangiti ang ama. 

TATAY: Well hijo, in that case... I give you permission...

May parating na lalake.

TATAY: To date my son.

Mapapangiti ang manliligaw. Sabay darating ang lalaki, uupo sa kanyang tabi at ibibigay ang inorder na Big Mac.

ANAK: What's that all about? (may pagtatakang tanong ng anak)

Isang malaking ngiti ang ibibigay ng isa pang lalaki.

M

*****************************************************************
Kathang isip lamang. Nadala lang ng commercial ng McDo. Noong isang araw ko pa ito naisip, ngayon ko lang naisulat.

Kailan kaya magkakaroon ng ganitong ads dito sa Pilipinas?

May 3, 2012

FIRST TIME

"Would you still go to my place if I tell you my secret?"

Tanong sakin ni Valerie. May halong panunukso at ilang sa kanyang tingin habang nagtatanong sa akin.

Maayos naman ang naging date namin. Marami kaming pinagkakasunduan ng babaeng nakilala ko sa internet. Nagkakaintindihan kami sa maraming bagay. At ang mahalaga nagkasundo kami sa gagawin namin matapos ng date na ito.

"Uhmmm... okay. Sige. Spill." sagot ko.

"I'm gay." sabi niya.

Nagulat ko. Hindi halata. Wala sa hitsura. As in wala talaga. Babaeng babae ang hubog niya. Walang hint sa dati niyang pagkatao.

Tangina! Papatulan ko ba to?

Kinabahan ako.

"I understand kung naghehesitate ka. But I promise you, I'll make it worth your time."

Shet!!! Paano ko tatanggihan to. Masusuka yata ako. Nanlalambot ako. Pero shit, ang hot niya. Tipo kong babae talaga. Pero di siya babae. Pero wala nanaman siyang putotoy? Shit, shit shit I'm confused!!!

"I promise you, you'll have the time of your life." bulong niya sa akin.

Di naman siguro makakabawas sa pagkalalaki ko pag pinatulan ko ito. Wala rin naman makakaalam tungkol dito. Sabi nga nila, magaling ang bakla pagdating sa sex.

Kinuha niya ang kamay ko at sumakay ng taxi papunta sa kanilang condo.

Nanginginig ang buong katawan ko sa buong biyahe. Tangina ano tong pinasok ko?! Bakit hindi ako nakatanggi? Tangina, san ko titirahin to? Bakla na ba ako?

Nahalata ata ni Valerie (Valerie nga ba talaga? O Valiente?) na kinakabahan ako. Nilapat niya ang kamay niya sa aking ano at dahan-dahang hinaplos ang manoy ko.

Nag-init ako.

Shet. Bakla na nga ako.

Dumating kami sa condo. Nanginginig pa rin ako.

"Hey, why are you so nervous?" tanong ni Valiente este Valerie.

"First time ko sa ganito." pag-amin ko.

"Huh? Teka lang, when I told you I was gay, did you think I'm transexual?" usisa niya.

Tumango ako.

Tumawa siya ng malakas. Nagulat ako.

"You're so cute." sabi niya sabay hampas sakin sabay hila papasok sa kanyang unit.

 "Sorry ha? Naoffend ba kita?" pagtataka ko.

"Yeah. You did." sabay kindat.

Pinapasok niya ako sa kwarto, sa loob ay may naghihintay na isa pang chick. Hinalikan ito ni Valerie. Naguluhan ako lalo. Pero medyo naturn on din.

"Honey, when I said I'm gay. I meant I'm a lesbian," paliwanag ni Valerie.

Hinila niya ako sa tabi nilang dalawa ng kasama niya.

Jackpot!!!

Apr 8, 2012

RATED SPG

"Why do you love me?" he asked, pushing me a bit further when I attempted to kiss him.

It made me think. We've only really known each other for two weeks. "Hmmmm. Because you're nice. You're funny. You make me smile everyday. And look at you, you're gorgeous."

He hugged me.

"Let's do this," he said. He started kissing me in the neck. My arms. My cheeks.

I like the way he smelled. Like the scent cigarette smoke lingered on his body. I kissed back. His neck. His chest. His torso. His armpits. His body was poetry made flesh. My fingers played with every curve brought about by his muscles. I licked his neck. My fetish. He giggled. I must remember to shave my beard the next time.

"You like that?" I asked.

He moaned. He pushed my shoulders down.

I obliged.

It was the night I've ever had. What we had was great. What we had was real. What we had was beautiful. It was magic.

It was not just sex. It was love-making. Passion and heat making music.

I knew then we were in love.

We held hands when we slept. I was secure sleeping inside his hugs.

This was the most unforgettable night I've ever had.

If only I knew, I'd ask for this evening to never end. For this feeling to last forever. For time to stand still.

Because after that night, I never heard from him again.

********************

This is fiction. Was thinking of actually posting this on pex, but I wanted to post this here first. Haven't really written an english fiction in a loooooong time.

Reposting this. Para lang malaman niyong buhay pa ang blog na ito.

BTW, meron na rin pala akong Wordpress blog. Wala lang. :)


Narealize ko, holy week pala. Sorry po Lord.


HAPPY EASTER SA LAHAT!!!

Feb 14, 2012

FALLING STAR

Dec. 15, 2009 22:52:28
Nakatitig sa kalangitan si Aubrey. Pinagmamasdan ang kagandahan ng mga bituin.

Isang bulalakaw.

Pumikit si Aubrey. “Sana akin na lang si Eric,” tahimik niyang hiling.

Dec. 16, 2009
Nakatitig si Aubrey habang kumakain ang kaibigang si Eric. Nakikinig habang maingay na hinihigop ang sabaw. Nakangiti sa mga kwento ng kasama kahit hindi naiintindihan ang sinasabi nito.

Matutupad kaya ang kanyang hiling?

Parang narinig ang kanyang katanungan, tumingin sa kanya ang kaibigan. Kinindatan si Aubrey. Napangiti ang dalaga.

Jan. 18, 2010
Tahimik na nagtatrabaho ang dalaga.

Umupo sa kanyang mesa ang kaibigan.

“Ano ang gagawin mo mamaya?” tanong ng binata.

“Wala naman, what’s on your mind?”

Naglabas ng dalawang ticket si Eric, “concert mamaya ng barkada ko. Gusto mo sumama? Wala akong date?”

“Sure,” sagot ni Aubrey.

Jan. 19, 2010
Sabay umuwi sina Aubrey at Eric.

Magkahawak sila ng kamay.

Feb. 14 , 2010
Dumating si Aubrey sa opisina at nagulat sa isang dosenang pulang rosas na nakapatong sa lamesa.

Galing sa mahal niyang binata.

Apr. 02, 2010
Mahigpit na niyakap ni Aubrey si Eric. Huling araw ng binata sa kumpanyang tinatrabahuan nila. Nakatanggap ito ng mas maayos na trabaho sa isang malaking kumpanya.

Mahigpit ang yakap ng dalaga.

Mamimiss niya si Eric.

Mahal na niya ito.

Hinalikan siya sa pisngi.

“I will still see you,” sabi ni Eric, habang pinupunasan ang mga luha ni Aubrey.

May 1, 2010
“I’m sorry. Can’t make it tonight. Busy with work.” Text ni Eric kay Aubrey.

Sep. 30, 2010
Muling nakita ni Aubrey si Eric habang naglalakad sa mall.

Mag-isa ang binata sa isang mamahaling kainan.

Lumapit ang dalaga upang kamustahin ang lalaking kanyang minimithi.

“Hi,” bati niya.

“Aubrey,” gulat na sagot ni Eric. Niyakap ng binata ang dalaga. “It’s been a long time. Kumusta ka na?”

“I’m good. Namiss kita.”

Ngiti lang ang sagot ni Eric.

“Hi.” Tinig ng isang babae mula sa likod ni Aubrey. Isang magandang dalaga.

Tumayo si Eric mula sa kanyang upuan, nilapitan ang dalaga at hinalikan sa labi.

“Lisa, si Aubrey. Dati kong katrabaho. Aubrey, Lisa… girlfriend ko.”

Nawala ang ngiti sa labi ng dalaga. Nagmamadaling nagpaalam.

Lumuluhang natulog si Aubrey.

“Hindi na ako naniniwala sa mga falling star.”

Dec. 15, 2009 22:52:26
“I wish to find my true love,” tahimik na bulong ni Lisa nang makakita ng isang bulalakaw.

*****************************
Reposting this story for Valentine's Day.

Sana'y masaya ang mga puso ninyo ngayong araw ng mga puso!!!

Feb 3, 2012

BACHELOR'S PARTY


Wild night nga to bro. Salamat sa invite!

Sa wakas nagpaalam na rin ang huling mga bisita ni Pat. Nakakapagod tong gabing ‘to. Ang tagal natapos.

Ang daming nalasing. Paano na lilinisin lahat ng kalat ngayon dito? Bukas na lang. Pagod nako.

Binuksan ko ang ref at kinuha ang natitirang bote ng Red Horse. Pumunta sa sala para samahan ang dahilan ng lahat ng pagod ko. Umupo ako sa tabi ni Pat.

Ang hirap maging Best Man no?” tanong niya sakin.

Ngumiti lang ako.

“Ngayon alam mo na naramdaman ko nung ako yung nasa posisyon mo nung kasal ninyo ni Tisha.” Kinuha niya yung bote ng beer sakin at siya ang umubos nito. “Pero bro, thank you. Sobrang nag-enjoy ako tonight. Marunong ka pala  magpaparty!

Sa tagal namin magkaibigan ni Pat, siya talaga magaling sa larangan na yan. Si Alice, yung pakakasalan niya, isang Events Organizer, at madalas siya ay tumutulong sa mga gawain nito. Siya yung extrovert samin.

“2 weeks na lang, ikakasal na kayo ni Alice. Kinakabahan ka?” tanong ko.

Sinimot ni Pat ang bote ng beer na hawak niya. “The truth, natatakot ako bro. Ibang buhay na ‘to. If I fail, may madadamay ng tao. Prepared ako, kaya ko nga pinasok to, dahil alam ko kaya ko na bumuo ng pamilya. Pero hindi ata mawawala yung ganitong pakiramdam. Alam mo yun, it’s all starting to sink in.”

Natawa lang ako. Ganyang ganyan din ang naramdaman ko nung ikakasal kami ni Tisha. Yung excited sa mga mangyayari, pero natatakot din. Naguguluhan. Madaming tanong.

“Sigurado ka ba kay Alice?” usisa ko.

Oo naman. Kilala mo ako, tsaka lahat ng naging girlfriend ko. Si Alice lang ang nakasundo ninyong lahat. Tsaka siya lang yung talagang boto si mommy. I have no doubts, I love her,” masigasig niyang sagot.

Ngumiti lang ako ulit.

Good. Gusto ko lang makasiguro you’re going through this for all the right reasons. Alam mo naman andito lang kami ni Tisha para sa inyo.”

I know that bro. Kaya nga ikaw ang kinuha kong Best Man. Dapat Ninong ka talaga eh…”

Gago!!!” Nagtawanan kaming magkaibigan.

Nagring ang telepono ko. Si misis. Nangamusta tungkol sa party. Nagbabantay to, sigurado dahil alam niyang pag kasama ko si Pat, puros kagaguhan lang ang gagawin namin. Hindi sa wala siyang tiwala kay Pat, pero wala siyang tiwala samin pag kami’y magkasama. Naging saksi si Tisha sa lahat ng mga katangahang ginawa namin kahit nung nasa hayskul pa kami.

Don’t worry, Tisha behave ang asawa mo tonight!!! Ako nagbantay dyan!!!” sigaw ni Pat.

Tumawa lang ang asawa ko. Nagpaalam ako na dito na matutulog at marami pa kaming dapat iligpit sa bahay ni Pat. Mabuti at maunawain siya.

Pagpunta  ko ng kusina, nakita ko na naglilinis na ng bahay si Pat. “Simulan na natin ngayon, para konti na lang lilinisin bukas.”

Tama siya. Tumulong na rin ako.

 Alas dos na yata nang matapos kami maglinis ng kusina. Naghugas ng mga plato at nagligpit ng mga natirang pagkain. Pareho kaming lasing at pagod.

Ngayon ko lang narealize bro, tagal na nating magkaibigan. High school?” nagiging sentimental nanaman si Pat.

Nagiging Pat ka nanaman. Senti.” Biro ko.

Tumawa siya.

Haha. Pero seriously, di sa nagpapakasenti ako ha. Pero, who would’ve thought na after all these years, magiging magkaibigan pa rin tayo. Specially after want we went through with Tisha.”

Kolehiyo nung pareho kaming na-inlove kay Tisha. Literal na nagsapakan kami para sa atensyon niya.

Oo nga. Dami na nating pinagsamahan. Nagawa na yata natin lahat,” sabi ko.

Hindi pa,” sagot niya.

Napag-isip ako. Ano pa ang di naming nagagawa. Lahat na yata ng katarantaduhang maiisip ko, naging kasama ko siya. Magnakaw. Manligaw sa isang babae. Tumikim ng marijuana. Naging magkatrabaho din kami noon. Binigyan ko siya ng mapagtanong na tingin.

Biglaang lumapit siya at sa labi ako’y hinalikan. Pinilit kong ialis ang mukha niya sa harap ko pero pinigil niya ito.

Bro!” pilit na sinasabi ko.

Bumitaw siya sa kanyang halik.

Sinapak ko siya sa mukha.

Hindi ko alam kung anong nangyari. Dala ba to ng alcohol?

Di ko napigilan ang sarili ko.
Pareho kaming pagod. Lasing. Galit ang pakiramdam ko.

Pero ilang saglit pa, humalik naman ako.

Jan 10, 2012

THE BREAK UP: DAY 10

Biyernes ng gabi.

Inisip kong lumiban na sa trabaho. Magdadalawang linggo na, nang ako'y iwan niya. Kailangan ko nang mag move on. Lalake ako. Madali lang 'to gawin.

Matanda na ako. Nabuhay ako ng mag-isa ng halos tatlumpung taon, sanay akong mag-isa. Hindi ako takot na mag move on.

Kaya ko ito.

Huminga ng malalim pagdating sa harap ng Republiq. Sinalubong ng matatamis na ngiti ng mga kaibigang matagal na ring hindi nakikita. Hindi nakakainuman. Hindi nakakasama.

"Promise, you'll have the time of your life!!!" ang bati nila.

Hindi nila ako binigo. Wala akong ginastos noong Biyernes. Alam nilang mabigat ang aking loob, kaya sinagot nila lahat. Pagkain. Inumin. Kwento. Dinala nila ako dun para malibang at makalimot. Nagtagumpay sila. Nakakamove on na ako.

Ang dali lang pala. Binusog nila, di lang ang tyan ko kundi pati mata. Ganito pala maging single ulit. Malayang makakatingin sa mga gusto mo. Malayang makipagtitigan. Makipagsayawan. Makipagharutan.

Alas dos ng madaling araw ng kami'y lumabas. Ayaw ko pa sana, pero pauwi na rin yung aking nakilala. Sumama daw ako sa kanya. Udyok ng aking mga kaibigan.

Sex lang.

Lamang tiyan.

Dahan-dahan lang, sabi ko. Marami naman pagkakataon, ngayong mag-isa na ako ulit.

Hinalikan ko siya sa labi nang kami'y magpaalam. Ngayon lang ata ako ulit nakatikim ng labi na hindi sa kanya. Iba ang pakiramdam. Napatagal ang aming halikan. Dinakma niya ako.

"Next time, titikman ko yan," anyaya niya habang turo ang nasa baba ng aking baywang.

Kinindatan ko siya. "Sige. Next time."

Binati ako ng barkada. Welcome back to the world of the singles daw, sabi nila. Gusto ko 'to. Masasanay akong ganito.

Pag-uwi ko sa bahay.

Pagdating ko sa kwarto.

Tiningnan ko ang cellphone. Wala pa rin text.

Mag-isa ulit ako.

Bumalik lahat ng naramdaman ko nung huling siyam na araw.

Mabigat ang loob. Masakit ang puso. Malungkot na malungkot.

Hindi siya madali.

Hindi.

********************************
Bago kayo magreact, napapadalas lang ang pakikinig ko ng kantang Easy ng Rascal Flatts.

Oct 31, 2011

KWENTONG KATATAKUTAN

Bata pa si Rico, hilig na niya ang kumuha ng mga litrato. May angking talento ang binata. Hindi lang niya masyadong nahubog dahil kulang ang kinikita ng pamilya niya. Nag-aral lang siya sa kanyang Tito na isang news photographer, pero hindi rin siya masyadong natutukan nito dahil palaging nasa duty ang kamag-anak, at kamakailan lang ay lumisan na ito.

Dalawa lang na magkapatid ang tatay ni Rico at ang kanyang tito. Hindi sila nagkaanak ng maybahay, kaya si Rico ang paborito nito. Kaya paglisan nito, kay Rico iniwan halos lahat ng kagamitan nito sa kanyang trabaho. Isang malaking koleksyon ng mga kamera at mga gamit dito.

Sa lahat ng iniwan sa kanya, ang naging paborito niya ay ang DSLR,  isa sa mga unang henerasyon ng digital camera na nabili ng tito niya. Kahit luma, kumpleto naman ang accessories nito at tila ay hindi pa nagagamit. Maliit nga lang ang memory kaya ito'y agad niyang pinalitan.

Una niyang ginamit ito noong nakaraang taon sa anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang Tito. Dumalaw ang kanilang pamilya sa puntod nag lumisang kamag-anak. Malawak ang sementeryong kanyang pinaglibingan. Isang magandang lugar upang pagpraktisan ang kanyang bagong laruan.

Habang kukunan niya ang kanyang mga kapatid, ay may nasilip si Rico sa lente ng kanyang camera. Isang lalaking nakaharang sa kanyang kukunan. Tiningnan ni Rico agad ang mama, kung umalis na ito, pero wala naman siyang nakita.

Sinilip niya  ulit ang lente. Ang lalaki ay nakatabi na sa kanyang ina. Walang emosyon na nakatingin lang sa kanila.

"Excuse me po!" sigaw ni Rico sa lalaki habang nakatingin sa lente.

Hindi gumagalaw ang lalaki.

Naasar si Rico sa hindi pagsunod ng estranghero kaya't tiningnan niya ulit ang lalake. Pagtingin niya sa pamilya, ay wala ang mama na kinakausap niya. Tumingin ito sa paligid, ngunit sila lang ang tao sa sementeryo.

Sumilip ulit si Rico sa kanyang camera, at nandun, nakatingin sa kanya ang mama. Agad niyang kinunan ng litrato ang multo, pero nang sinilip sa viewer, ay pamilya niya lang ang nanduon.Sa muling pagsilip ni Rico sa lente, ang lalaki ay naruon pa rin. Palapit na sa kanya.

Nabitiwan ng binata ang camera. Nang tanungin siya ng pamilya, ang sabi lang nito'y naubusan na ng baterya ang kamera.

***********
Itinago agad ni Rico ang kamera sa kanyang kwarto. Ayaw na muna niyang galawin ang ipinamana ng Tito. Agad niyang tinawagan ang kabarkada niyang sinasabi nilang may taglay na "third eye." Ipinaliwanag sa kaibigan ang sitwasyon at niyaya para ipakita ang kamera.

Dahil sadyang maraming ginagawa, umabot ng dalawang linggo bago nakapagkita ang magkaibigan.

Pagpasok pa lang ng dalaga ay may kakaiba na agad itong napansin. Wika niya'y tila may mabigat na mararamdaman pagpasok pa lang sa tahanan. Ngayon lang daw niya ito naramdaman.

Nang hanapin ng kaibigan ang kamera, sinabi ni Rico na ito'y nasa kanyang kwarto. Niyaya ng binata ang kaibigan para maipakita ito.

Bawat hakbang ng dalaga patungo sa kwarto, lalong bumibigat ang nararamdaman nito. Magkahalong lungkot at takot ang bumabalot sa bahay ng kanyang kaibigan. Pakiramdam niya na mabilis umikot ang mundo. Nakakahilo.

Malayo pa siya sa kwarto nang buksan ng kaibigan ang pinto.

Agad ay napatigil ang dalaga. Agad ding binalot ng takot ang katawan nito.

"Rico, s-s-sorry ngayon lang ako nakapunta dito," simula nito.

"Okay lang. Basta kung makakatulong ka..."

"Ibigay mo na yang camera," mabilis na payo ng kaibigan.

"Sa tingin mo yun lang ang pwede kong gawin?" tanong ng binata.

"Simula nung inuwi mo yan galing sementeryo, binuksan mo na ba ulit yung kamera?" tanong ng kaibigan.

"H-hindi pa. Maan, m-may dapat ba akong malaman?" habang sinasabi ni Rico ang kanyang tanong, ay agad din siyang nakaramdam ng takot. Nagtayuan ang mga balahibo nito sa katawan.

Hindi na nakasagot ang dalaga.

Agad agad ay kinuha nito ang kamera sa mesa, tinanggal ang takip at sinilip ang lente.

Hindi nakagalaw ang binata sa kanyang nakita.

Puno ang kwarto niya ng mga kaluluwa ng mga namayapa. May babaeng  duguan. May mga batang gusgusin. May lalaking sunog ang kalahati ng katawan. May dalagang puto ang ilang parte ng katawan. Lahat sila nakatingin sa kanya.

Kahit na inalis ni Rico ang mata sa lente, alam niyang napapaligiran siya ng mga kaluluwa. Multo. Lahat sila palapit sa kanya.

Agad tumakbo palabas ng bahay ang magkaibigan. Sinalubong sila ng inang umiiyak at hindi matahan.

"Rico, patay na ang Tita mo," sambit nito.

Napahinto ang dalawa.

Isinumpa. Yan ang unang pumasok sa isip ng magkaibigan.

****************
Happy Halloween sa inyong lahat!!!

Sana'y di magparamdam sa inyo yung katabi ninyong mga multo!!! :P

Sep 2, 2011

SAME SHIT, DIFFERENT DAY

LUNES
Isang hilera ang team namin kung saan ako nagtatrabaho. Nag-iisang lalake lang ako. Ang tanging tinik sa mga rosas.

Tuwing umaga pagdating ko sa opisina, lahat sila  binabati ko.

"Good morning Carol, ganda mo ngayon ah. Mommy Rose, payakap naman! Missy, lalo kang sumesexy ah! Leah, smile naman dyan. Nona, good morning! Tet, mukhang blooming ang lovelife natin ah!"

Pero may isang teammate akong paboritong binibiro.

"Hi Chen, may nakapagsabi na ba sa'yong ang panget mo ngayon?" 

"Hmp. Leche ka!! Lunes na Lunes mambubuwisit ka!!"

"Concerned lang ako. Mukha ka kasing pokpok ngayon. Ang kapal ng make-up mo," sagot ko.

Walkout ang drama lagi ni Chen tuwing nakikita ako. Score one for me.

MARTES
"Naks naman, nakasleeveless tayo ngayon Chen ah! May date?!"

"Hoy ikaw ha, wag mo akong sisimulan ngayon. Umagang-umaga maninira ka nanaman ng araw!" bati sakin ni Chen.

"Eto naman, pinupuri ka na nga, pikon pa rin," sabay ngiti. "Buti naman at wala ka masyadong kolorete sa mukha ngayon, di ka na mukhang bakla."

Binato ni Chen ang hawak niyang tissue sabay alis.

"Psst, huy. Prumeno ka naman. Babae pa rin si Chen," paalala ni Missy.

Kindat lang ang aking sagot.

"Pag ikaw nireklamo niyan," dugtong naman ni Nona.

Ngiti lang ang sagot ko sa kanila.

Ilang saglit pa ay bumalik na si Chen. Namumula ang mukha. Parang napipikon na. Kinurot ko ang kanyang braso.

"Nakakagigil braso mo Chen. Parang liempo lang. Ang sarap kagatin."

"Teeeeeeee Elllllllll!!!" sigaw niya.

Tiningnan ako ng masama ni boss. "Nagbibiruan lang boss," ang sagot ko.

MIYERKULES
Dahil naubos na ang mga kasabayan kong pumasok sa opisina, ang team ko na lang ang palagi kong nakakasama. Sa tanghalian man o sa gimikan.

"Alam mo, worried ako sa magiging girlfriend mo hijo," may pag-aalalang banggit sakin ni Mommy Rose habang kami'y kumakain.

"Bakit naman po Mommy?" tanong ko.

"Malamang natatakot siya kasi di ka marunong gumalang sa babae," sagot ni Chen.

Tiningnan ko lang si Missy, at parang isang switch automatic itong sumagot para sakin. "Mommy, in fairness naman dyan, nung sila pa ng ate ko, sobrang sweet naman niyan. As in perfect gentleman. Lagi nga kami may pasalubong dyan."

"Asuuuuus. Kung perfect gentleman yan bakit wala na sila ng ate mo?" paghahamon ni Chen.

"Ate ko yung problema. Loka-loka talaga yun. Playgirl. Tatlo silang pinagsabay nun."

Naalala ko yung nangyari samin ng kapatid ni Missy. Masakit yun. Minahal ko talaga siya pero niloko ako. Naloko ako.

Ngiti ng pagpapasalamat ang binigay ko sa kanya. Kindat ang sagot sa akin.

"Mommy, wag kayo sakin mag-alala. Dyan kayo kay Chen mag-worry. Yan yung mukhang tatandang dalaga. Kahit minsan mukhang pokpok yan, feeling ko virgin pa yan. Takot ata sa lalake. Tapos linggo-linggo may dala kang mga Cosmo magazines, feeling mo naman makakatulong yan sa'yo"

Tumayo siya at umarteng parang sasaksakin ako ng hawak niyang tinidor.

"Ikaw, sumusobra ka na ha!!! Ang bastos talaga ng bunganga mo!!  Kalalake mong tao, ganyan ka magsalita! Ganyan ka ba pinalaki ng nanay mo?! Para kang bakla!"

Inawat si Chen ng aming mga kasamahan.

Kinabahan ako sa nangyari, pero okay lang.

HUWEBES
"Pssst. Lagot ka. Absent si Chen ngayon." bati sakin ni Tet.

"Ano bang nangyari sa inyo kahapon?" unang tanong sakin ni boss pagkakita sa akin.

"Wala po. Nagbibiro lang ako. Napikon na yata."

"Mag-sorry ka ha." paalala niya. Akala ko papagalitan ako. Buti na lang, hindi.

BIYERNES
Hindi ko na muna binati si Chen pagdating ko. Tahimik akong naupo sa kanyang tabi at nag-ayos ng gamit ko.

Buong araw, hindi niya ako kinikibo. Kakausapin niya ang lahat sa grupo namin. Pero pagdating sakin ay hindi niya kayang magbigay ng kahit isang tingin.

Hinabol ko si Chen nung papauwi na kami. Susundin ko na yung inutos sakin ni boss.

"Ano nangyari sa'yo kahapon? Bakit ka absent?"

Naglakad lang siya parang walang narinig.

"Hoy, napuno ka na ba sakin?" tanong ko.

Huminto si Chen. Nagpipigil ng luha. Ng galit. Nagsimulang mamula ang kanyang mga mata.

"Alam mo, fuck you ka!" simula niya."Ang lakas ng loob mong itanong yan. Fuck you ka! For six months, araw-araw mo akong binabastos. Araw-araw mong sinisira yung araw ko. And you have the nerve to ask me, napupuno na ba ako sa'yo! Fuck you!"

"Hey, sorry. Alam mo naman nagbibiro lang ako diba?"

Sinampal ako ni Chen.

"Tangina mo. Nagbibiro?! Araw-araw napapahiya ako sa mga ginagawa mo. Sa mga sinasabi mo. Alam mo ba na babae ako?! At alam mo kung ano ang nakapagpapainit ng ulo ko? Ang bait mo sa lahat. Bakit sa akin, hindi?! Tangina mo, isaksak mo sa baga mo yang mga biro mo!"

Ngumiti lang ako.

"Chen," simula ko. "you don't understand."

Isang sampal ulit. Nakatayo lang ako.

"Kung binigay ko sa'yo yung parehong trato na binibigay ko sa team, you wouldn't know na nasa iyo ang atensyon ko. Sorry, I know I'm being foul sometimes sa mga sinasabi ko sa'yo. Pero that's how I know you'll listen to what I say. Ang ganda mo kaya na walang make-up. I know you feel na you're medyo chubby, pero para sakin you're sexy.

"I'm sorry I've been giving you the same shit everyday. But the truth is, hindi ko alam kung paano ko ipaparamdam sa'yo na I like you."

Tumawa siya ng malakas.

"Feeling mo sasagutin kita after all that you did to me?! Ha!"

Ngumiti ako.

"Chen, nagpapapansin pa lang ako. But now I've got your attention. You'll change your mind."

Tinaasan niya ako ng kilay at nagsimulang lumakad palayo.

"Chen, manliligaw pa ako!" pahabol kong sabi sa kanya.

Sabi ko sa sarili ko, magbabago din ang isip nito.

*************
Hindi ko alam kung qualified pa ako, pero para ito sa patimpalak ni L na may temang Same Shit, Different Day.

Alam ko medyo napahaba ito, kaya kung di niyo binasa ito ng buo, i-wish niyo na lang ako ng good luck.