Pero looking back, marami rin akong ipinagpapasalamat na matanda na ako. Ganito kasi yun, isa akong batang jologs noon. Batang kalye. Basang sisiw pag tag-ulan. Pwedeng bata sa commercial ng Tide kapag may field trip. At hari ng kakengkoyan. In short abnormal na bata.
Bago nga pala ipagpatuloy 'to, nais kong magpasalamat kay Raft3r sa pagbibigay sakin ng ideya na isulat to. Wala mang pahintulot pa niya, eh ginaya ko na siya. Habang ang kanyang post na Growing Pains ay tungkol sa pinagbago niya mula ng puberty, ako naman buohin ko na. Kasi isa talaga akong malaking batang sablay noon. Halimbawa...
- Hindi ako marunong magsuklay.... hanggang high school.
- Tuwing may lakad outside school, isa lang ang get-up ko... Lolo polo tsaka faded maong.
- Namumulot ako ng upos ng yosi tapos titikman.
- Mahilig ako mamulot ng echas ng aso para ipatikim sa mga kalaro.
- Boses babae ako pag kumakanta... pagnagduduet kami pinsan ko, ako daw si Princess Jasmin, tapos si Aladdin yung ate ko!!!
- Hangga't di nasisira yung sapatos ko, hindi ako mabibilhan ng bago.
- Sobrang salbahe ko noong bata ako... lalo na sa mga kuting...
- Palagi akong una sa pila ng mga pelikulang gaya ng Haba Baba Doo, Puti Puti Pooh, Tong Tatlong Tatay kong Pakitong Kitong, Petrang Kabayo, Roller Boys, at kung ano pang jologs na pelikula noong 90s.
- Memorize ko ang lahat ng version ng Ikaw Pa Rin (Sai gono iwaki, my one and only...)
- Dumaan ako sa stage na isang linggong bahag ng igorot lang ang suot ko, wala nang iba.
- Kamukha ko si Einstein sa grad pic ko noong Grade 6.
- Nag-aaral ako ng Math!!!
- Dahil tatanga-tanga, laging sinasalo ng mukha ko ang kamao, goma, at bala ng airsoft ng mga kalaro ko.
- Lahat ng t-shirt na panlakad ko, hanggang tuhod ang haba. Panlakad ko yung mula Grade 5 hanggang 3rd year high school.
- Isa akong malaking sinungaling NOONG bata pa ako.
- Mahilig ako sumama magcaroling sa mga batang 4-6 years old kahit 10 na ako, para ako lagi may pinakamalaking hati ng napagcarolingan.
- Ipinapangako ako ng nanay ko sa mga anak na babae ng mga amiga niya, na yung iba, sana ngayon ay tinotohanan nila!!!
Meron talagang mga bagay na ayaw ko nang balikan, kahit kailan!!!
40 comments:
Ang cute ng post na ito, it reminds me of my childhood days na sobrang na-enjoy ko naman.
Isa ka pala sa mga batang astigin noon. hehe
hehehe... di naman siguro abnormal... malikot o makulit o maligalig... yon ata yon parekoy! :)
grabe tshirt na hanggang tuhod ang haba? hehehe... di ako komportable sa ganon... ehehe
len: salamat!!!
marco: nakatuck-in pa yun.. imaginin mo na lang hitsura ko nun.. ang panget!!! hahaha
Princess jasmine!!!! ahehe... naaliw naman akoh don.... ayos... dme ka na ren palang pinagbago... yeah itz nice maging adult... minsan nga sabi koh sana nasa ganitong pag-iisip akoh nung bata akoh... parang saya lang... but still sometimes mamimiss mong maging bata... na mas simple ang buhay at wala ganong iniintindi... but we gotta accept d' fact na we can't turn back time.. kaya enjoy d' moment lang... so 'unz.. ingatz kuyah. Godbless! -di
abah! halos sabay lang tayo kuya Gilbert ahh.. nauna ka lang nang isang minuto.. lolz =)
nATAWA AKO SA PAGTIKIM MO SA NAPULOT MONG YOSI...adik ah!!!
Saka yung Aladdin-Jasmin Duet,
Nice Gilbert...inalala ko tuloy yung gawain ko nung bata ako...
paborito mo yung "a whole new world" pare?
hahaha!
mura lang naman ang yosi nung kabataan mo ah..bakit di ka pa bumili? at pinupulot mo yung mga upos?hehehe...:D
Taena! Haha natawa ako sa boses babae nai-imagine ko. Pero kahit ako kaya ko din mag-boses babae. Kaya kong kantahin ang "A Whole New World" ng duet pero ako lang ang kakanta. Parang sa "Doble Kara" contest ng Eat Bulaga. LOL
talagang naka-tuck in pa parekoy ha... hehehe! ayos ang trip na yon ah...
teka... teka...may naalala pala ako sa yosi na yan... ginawa ko rin yan noong bata pa ako... at ayon nga... nahuli ako at ayon... napalo... hhehehe!
halos pareho pala tayo ng porma noong kabataan, mahabang tshirt? mas lalo tuloy akong nagmumukhang nano nun..
madami din akong ayaw ng balikan noong kabataan ko.
hindi ko nagets yung nag aaral ako ng math....
ayaw mo ng math?
ako kasi gusto ko ang math...
lalo na kung nauuna akong makasagot kaysa sa mga kaklase ko...
hanapin mo na ung mga ipinagkasundo sayo.... pagkakataon mo na Gill!!!
Boses babae ako pag kumakanta... pagnagduduet kami pinsan ko, ako daw si Princess Jasmin, tapos si Aladdin yung ate ko!!!
- Men! Tawa ako ng tawa dito. Walang pahintulot man pero gusto kong gayahin itong entry mo!
astig na post parekoy!
halos magkasingkulit
magkasing tanga tanga!
magkasing lupit lang p[ala tyu nung mga bata tayu...
apiiiiiir
naalala ko gustung gusto ko na tumanda dati para makapasok na sa mga sinehang bold ang palabas.
nagpupulot ng echas? tumitikim ng upos ng yosi? abnormal ka! we belong! haha
Bai,
pwede ba link exchange with my PR 3 site
tumatangap ka ba ng exchange link? comment me kung ok lang
Hehheehe kamukha ng isang entry ko yung bata-batuta.
Halos pareho tayo ng kagaguhan ah, pwera lang yug princess jasmin na boses, hahahah!!
Hindi kaya ikaw ang nawawala kong kakambal???
Ingat tol
kahit ayaw na balikan masaya pa ring alalahanin ang nakaraan.
ang cute nga ng entry mo.
...Sobrang salbahe ko noong bata ako... lalo na sa mga kuting...
ako naman sa mga langgam. minsan pinag-aaway ko ang pula at itim na langgam. o kaya gagamit ako ng sinunog na rubber tapos papatuluan ko sila kunyari war zone. salbahe ko..
aliw ako sa entry na to
"Namumulot ako ng upos ng yosi tapos titikman."
Yuckers ka! Pero eto matindi, "Mahilig ako mamulot ng echas ng aso para ipatikim sa mga kalaro"
Uhm, nasan na yung mga anak ng mga amiga ng nanay mo???
mukang tanda mo talaga lahat ha!
dhianz: oo naman marami na akong pinagbago... di na ako kaboses ni princess jasmin, si abu na!!!
moks: ano ba gawain mo nung bata ka pa? kwento...
jenskee: wala lang.. tamang trip lang... in perness naman sakin, bagong upos naman yun.. tipong wala pang 5 seconds matapos tapusin ng tito ko yung paninigarilyo...
gas dude: good luck.. ngayon di ko na kaya mag falsetto... pumipiyok ako.. hahaha
marco: di naman ako pinalo nung nakita ako na tumitikim... pinahithit pa nga ako ng di pa ubos na yosi...
kheed: oo jologs talaga ako noong bata pa ako.. til now.
ens: sinusumpa ko lahat ng subject na may numero, angles, postulates at theorems!!!
azel: hahaha... di rin
joms: tutal wala rin namang pahintulot tong sinulat ko... sige gawin mo rin yan... looking forward na mabasa yung sayo...
kosa: ganyan talaga mga special child!!! hehehe
ardyey: ganun din ako... lalo na nung pinalabas scorpio nights 2...
badong: yes..birds of the same feather.. make a good feather duster!!
drake: pag inamin na ng magulang ko na ampon ako... malamang ako nga yung kakambal mo... hehehe
jin: totoo..
bampira: oo sa langgam... hanggang ngayon... sarap pagtripan ang mga hinayupak na langgam na yan.
dylan: yung isa andito ulit sa pinas..
mulongski: kahit di ko gusto lahat ng pinaggagawa ko nung bata ako... masaya talaga ako noon.
That's the good with adulthood. yung di kagandahan dati. nagiging da best. :)
Namumulot ako ng upos ng yosi tapos titikman.
Totoo? Ano naman naisip mo pra gawin to? Pero nice, I admire people na kayang pagtawanan ang sarili nila, but still maintain class. :D
nice.. i'll call u now.. abu!... ahehe.. yeah awa ni God my ate will be fine... kaw ayaw moh tumambay sa hospital... akoh naman minsan aliw lang... weirdo noh... mnsan lang kc akoh makapunta don... aliw lang... depende sa hospital siguro.. private hospital naman kc 'ung pinupuntahan namen so mas maayos... may fud, may tv, may games, may malapit na grocery place, at may close coffee shop pah... yahoo... kape my fave... so 'unz...ingatz. Godbless! -di
hehehe ang kulit.
ayus ah!
boses mo boses babae..pang doble kara...hehe
Anong kulay ng crayola ang type mo?
nyahaha
panalo ang post na ito
syempre pa
you have my full blessing
hehe
acrylique: errr... dun sa tanong mo.. sagot ko would be blue...
chyng: di ba gawain ng mga bata yun.. di mo ginagawa yun noon? hehehe... si edus kaklase ko since elem yun..
klet: yep.. parang yung bulilit lang na sanay sa masikip...
ilocano: noon lang yun... ngayon pag tinangka ko.. ang sagwa na pakinggan... lolz
raft3r: salamat.. inuna ko na kahit la mo pa blessing.. hehehe
nice posts . daming experiences na talagang mahirap kalimutan . nakakahiya , nakakatuwa , halo-halo pero bahagi na ng pagkatao natin . xlinks po pwede ?
Post a Comment