Jun 15, 2009

SARAP MAGING ADULT

Merong mga panahon na gusto nating bumalik sa pagkabata. Sino nga ba naman ang ayaw nun? Mababaw pa ang kaligayahan natin. Hindi tayo nadedepress kapag wala tayong pera. Ayos lang na single tayo. Hindi uso yang mga quarter-life at half-life bullshit. At ang pinakamalaking problema lang natin eh kung pano takasan yung pagtulog sa hapon para maglaro sa kalsada.

Pero looking back, marami rin akong ipinagpapasalamat na matanda na ako. Ganito kasi yun, isa akong batang jologs noon. Batang kalye. Basang sisiw pag tag-ulan. Pwedeng bata sa commercial ng Tide kapag may field trip. At hari ng kakengkoyan. In short abnormal na bata.

Bago nga pala ipagpatuloy 'to, nais kong magpasalamat kay Raft3r sa pagbibigay sakin ng ideya na isulat to. Wala mang pahintulot pa niya, eh ginaya ko na siya. Habang ang kanyang post na Growing Pains ay tungkol sa pinagbago niya mula ng puberty, ako naman buohin ko na. Kasi isa talaga akong malaking batang sablay noon. Halimbawa...
  • Hindi ako marunong magsuklay.... hanggang high school.
  • Tuwing may lakad outside school, isa lang ang get-up ko... Lolo polo tsaka faded maong.
  • Namumulot ako ng upos ng yosi tapos titikman.
  • Mahilig ako mamulot ng echas ng aso para ipatikim sa mga kalaro.
  • Boses babae ako pag kumakanta... pagnagduduet kami pinsan ko, ako daw si Princess Jasmin, tapos si Aladdin yung ate ko!!!
  • Hangga't di nasisira yung sapatos ko, hindi ako mabibilhan ng bago.
  • Sobrang salbahe ko noong bata ako... lalo na sa mga kuting...
  • Palagi akong una sa pila ng mga pelikulang gaya ng Haba Baba Doo, Puti Puti Pooh, Tong Tatlong Tatay kong Pakitong Kitong, Petrang Kabayo, Roller Boys, at kung ano pang jologs na pelikula noong 90s.
  • Memorize ko ang lahat ng version ng Ikaw Pa Rin (Sai gono iwaki, my one and only...)
  • Dumaan ako sa stage na isang linggong bahag ng igorot lang ang suot ko, wala nang iba.
  • Kamukha ko si Einstein sa grad pic ko noong Grade 6.
  • Nag-aaral ako ng Math!!!
  • Dahil tatanga-tanga, laging sinasalo ng mukha ko ang kamao, goma, at bala ng airsoft ng mga kalaro ko.
  • Lahat ng t-shirt na panlakad ko, hanggang tuhod ang haba. Panlakad ko yung mula Grade 5 hanggang 3rd year high school.
  • Isa akong malaking sinungaling NOONG bata pa ako.
  • Mahilig ako sumama magcaroling sa mga batang 4-6 years old kahit 10 na ako, para ako lagi may pinakamalaking hati ng napagcarolingan.
  • Ipinapangako ako ng nanay ko sa mga anak na babae ng mga amiga niya, na yung iba, sana ngayon ay tinotohanan nila!!!

Meron talagang mga bagay na ayaw ko nang balikan, kahit kailan!!!

40 comments:

  1. Ang cute ng post na ito, it reminds me of my childhood days na sobrang na-enjoy ko naman.

    Isa ka pala sa mga batang astigin noon. hehe

    ReplyDelete
  2. hehehe... di naman siguro abnormal... malikot o makulit o maligalig... yon ata yon parekoy! :)

    grabe tshirt na hanggang tuhod ang haba? hehehe... di ako komportable sa ganon... ehehe

    ReplyDelete
  3. len: salamat!!!

    marco: nakatuck-in pa yun.. imaginin mo na lang hitsura ko nun.. ang panget!!! hahaha

    ReplyDelete
  4. Princess jasmine!!!! ahehe... naaliw naman akoh don.... ayos... dme ka na ren palang pinagbago... yeah itz nice maging adult... minsan nga sabi koh sana nasa ganitong pag-iisip akoh nung bata akoh... parang saya lang... but still sometimes mamimiss mong maging bata... na mas simple ang buhay at wala ganong iniintindi... but we gotta accept d' fact na we can't turn back time.. kaya enjoy d' moment lang... so 'unz.. ingatz kuyah. Godbless! -di

    ReplyDelete
  5. abah! halos sabay lang tayo kuya Gilbert ahh.. nauna ka lang nang isang minuto.. lolz =)

    ReplyDelete
  6. nATAWA AKO SA PAGTIKIM MO SA NAPULOT MONG YOSI...adik ah!!!
    Saka yung Aladdin-Jasmin Duet,
    Nice Gilbert...inalala ko tuloy yung gawain ko nung bata ako...

    ReplyDelete
  7. paborito mo yung "a whole new world" pare?

    hahaha!

    mura lang naman ang yosi nung kabataan mo ah..bakit di ka pa bumili? at pinupulot mo yung mga upos?hehehe...:D

    ReplyDelete
  8. Taena! Haha natawa ako sa boses babae nai-imagine ko. Pero kahit ako kaya ko din mag-boses babae. Kaya kong kantahin ang "A Whole New World" ng duet pero ako lang ang kakanta. Parang sa "Doble Kara" contest ng Eat Bulaga. LOL

    ReplyDelete
  9. talagang naka-tuck in pa parekoy ha... hehehe! ayos ang trip na yon ah...

    teka... teka...may naalala pala ako sa yosi na yan... ginawa ko rin yan noong bata pa ako... at ayon nga... nahuli ako at ayon... napalo... hhehehe!

    ReplyDelete
  10. halos pareho pala tayo ng porma noong kabataan, mahabang tshirt? mas lalo tuloy akong nagmumukhang nano nun..

    madami din akong ayaw ng balikan noong kabataan ko.

    ReplyDelete
  11. hindi ko nagets yung nag aaral ako ng math....
    ayaw mo ng math?

    ako kasi gusto ko ang math...
    lalo na kung nauuna akong makasagot kaysa sa mga kaklase ko...

    ReplyDelete
  12. hanapin mo na ung mga ipinagkasundo sayo.... pagkakataon mo na Gill!!!

    ReplyDelete
  13. Boses babae ako pag kumakanta... pagnagduduet kami pinsan ko, ako daw si Princess Jasmin, tapos si Aladdin yung ate ko!!!

    - Men! Tawa ako ng tawa dito. Walang pahintulot man pero gusto kong gayahin itong entry mo!

    ReplyDelete
  14. astig na post parekoy!
    halos magkasingkulit
    magkasing tanga tanga!
    magkasing lupit lang p[ala tyu nung mga bata tayu...

    apiiiiiir

    ReplyDelete
  15. naalala ko gustung gusto ko na tumanda dati para makapasok na sa mga sinehang bold ang palabas.

    ReplyDelete
  16. nagpupulot ng echas? tumitikim ng upos ng yosi? abnormal ka! we belong! haha

    ReplyDelete
  17. Bai,

    pwede ba link exchange with my PR 3 site

    ReplyDelete
  18. tumatangap ka ba ng exchange link? comment me kung ok lang

    ReplyDelete
  19. Hehheehe kamukha ng isang entry ko yung bata-batuta.

    Halos pareho tayo ng kagaguhan ah, pwera lang yug princess jasmin na boses, hahahah!!

    Hindi kaya ikaw ang nawawala kong kakambal???

    Ingat tol

    ReplyDelete
  20. kahit ayaw na balikan masaya pa ring alalahanin ang nakaraan.

    ReplyDelete
  21. ang cute nga ng entry mo.

    ...Sobrang salbahe ko noong bata ako... lalo na sa mga kuting...

    ako naman sa mga langgam. minsan pinag-aaway ko ang pula at itim na langgam. o kaya gagamit ako ng sinunog na rubber tapos papatuluan ko sila kunyari war zone. salbahe ko..

    aliw ako sa entry na to

    ReplyDelete
  22. "Namumulot ako ng upos ng yosi tapos titikman."

    Yuckers ka! Pero eto matindi, "Mahilig ako mamulot ng echas ng aso para ipatikim sa mga kalaro"

    ReplyDelete
  23. Uhm, nasan na yung mga anak ng mga amiga ng nanay mo???

    ReplyDelete
  24. dhianz: oo naman marami na akong pinagbago... di na ako kaboses ni princess jasmin, si abu na!!!

    moks: ano ba gawain mo nung bata ka pa? kwento...

    jenskee: wala lang.. tamang trip lang... in perness naman sakin, bagong upos naman yun.. tipong wala pang 5 seconds matapos tapusin ng tito ko yung paninigarilyo...

    ReplyDelete
  25. gas dude: good luck.. ngayon di ko na kaya mag falsetto... pumipiyok ako.. hahaha

    marco: di naman ako pinalo nung nakita ako na tumitikim... pinahithit pa nga ako ng di pa ubos na yosi...

    kheed: oo jologs talaga ako noong bata pa ako.. til now.

    ReplyDelete
  26. ens: sinusumpa ko lahat ng subject na may numero, angles, postulates at theorems!!!

    azel: hahaha... di rin

    joms: tutal wala rin namang pahintulot tong sinulat ko... sige gawin mo rin yan... looking forward na mabasa yung sayo...

    ReplyDelete
  27. kosa: ganyan talaga mga special child!!! hehehe

    ardyey: ganun din ako... lalo na nung pinalabas scorpio nights 2...

    badong: yes..birds of the same feather.. make a good feather duster!!

    ReplyDelete
  28. drake: pag inamin na ng magulang ko na ampon ako... malamang ako nga yung kakambal mo... hehehe

    jin: totoo..

    bampira: oo sa langgam... hanggang ngayon... sarap pagtripan ang mga hinayupak na langgam na yan.

    ReplyDelete
  29. dylan: yung isa andito ulit sa pinas..

    mulongski: kahit di ko gusto lahat ng pinaggagawa ko nung bata ako... masaya talaga ako noon.

    ReplyDelete
  30. That's the good with adulthood. yung di kagandahan dati. nagiging da best. :)

    ReplyDelete
  31. Namumulot ako ng upos ng yosi tapos titikman.

    Totoo? Ano naman naisip mo pra gawin to? Pero nice, I admire people na kayang pagtawanan ang sarili nila, but still maintain class. :D

    ReplyDelete
  32. nice.. i'll call u now.. abu!... ahehe.. yeah awa ni God my ate will be fine... kaw ayaw moh tumambay sa hospital... akoh naman minsan aliw lang... weirdo noh... mnsan lang kc akoh makapunta don... aliw lang... depende sa hospital siguro.. private hospital naman kc 'ung pinupuntahan namen so mas maayos... may fud, may tv, may games, may malapit na grocery place, at may close coffee shop pah... yahoo... kape my fave... so 'unz...ingatz. Godbless! -di

    ReplyDelete
  33. ayus ah!

    boses mo boses babae..pang doble kara...hehe

    ReplyDelete
  34. Anong kulay ng crayola ang type mo?

    ReplyDelete
  35. nyahaha
    panalo ang post na ito
    syempre pa
    you have my full blessing
    hehe

    ReplyDelete
  36. acrylique: errr... dun sa tanong mo.. sagot ko would be blue...

    chyng: di ba gawain ng mga bata yun.. di mo ginagawa yun noon? hehehe... si edus kaklase ko since elem yun..

    ReplyDelete
  37. klet: yep.. parang yung bulilit lang na sanay sa masikip...

    ilocano: noon lang yun... ngayon pag tinangka ko.. ang sagwa na pakinggan... lolz

    raft3r: salamat.. inuna ko na kahit la mo pa blessing.. hehehe

    ReplyDelete
  38. nice posts . daming experiences na talagang mahirap kalimutan . nakakahiya , nakakatuwa , halo-halo pero bahagi na ng pagkatao natin . xlinks po pwede ?

    ReplyDelete