December 1996: Buong araw excited ang mga kaklase ko dahil alam nilang darating sa ospital sa tabi ng paaralan namin si Michael Jackson. May bibisitang international na star sa may amin at lahat kami ay may pagkakataon na makita siya. Hindi na namin kailangan pang lumabas ng Pilipinas makakita lang ng artista.
Halos lahat sa amin excited baka daw dumaan siya sa school namin kasi nga all boys kami, alam naman ng lahat na mahilig si Jacko sa mga little boys. Naaalala ko, noong mga panahon na iyon, tinatakot namin yung mga maliliit na mga batang tinututoran namin na ibibigay sila kay Michael Jackson kapag hindi nila tinapos yung homework nila.
Alas tres ng hapon, uwian. Paglabas ko ng campus sinalubong ako ng sobrang dami ng tao. Huling nakita kong napuno ang La Huerta Parañaque eh nung pumunta ang ilang Ms. Universe contestant sa may school namin para manuod ng komedya o sagala ba yun. Akala mo may EDSA Dos sa bayan namin sa sobrang dami ng tao. Hindi pa dumarating si Michael Jackson noon, marami nang tv crew na nakaparada sa amin. May mga artistang isa-isang dumarating. Si Mayor Joey Marquez paikut-ikot sa kalsada may kausap sa malaking cellphone niya noon o walkie-talkie ba yon.
Bawat artistang dumating, ang mga tao nagsisigawan. "Si Janice de Belen!!! aaaaah" "Si John Estrada!!! Eeeeeh" "Si Loren Legarda!!! Oooooh" "Yung anak ni Janice kay Aga!!! Ba't ang panget?!"
Alas tres y medya ata ng hapon yon nang dumating ang puting van na sinasakyan ni Michael. Umingay ang paligid. Lahat ng tao nagsisigawan. "Andyan na si MJ!!!" "I love you Michael!!!" "Michael Jacksooooon!!!" "Michael ibalik mo ang anak ko!!!" Nagtitilian ang mga kapitbahay naming mga Paulinian. Lalong sumikip ang paligid. Lumabas na lahat ng mga tao sa palengke. Kahit yung mga guro namin na hindi pa tapos ang mga klase tumungo sa tapat ng Parañaque Community Hospital (nakalimutan ko na yung pangalan ng ospital sa tabi ng school namin).
Nakapula yatang polo si MJ nun. Yung usual na get-up niya. Noong una, hindi ko nasulyapan ang singer. Pumasok agad sa ospital yun. Kasama niya pa nga ata si Loren Legarda nun. Tapos ilang saglit pa, nakita ng lahat si Michael sa may bintana ng ospital ito, at kumaway sa aming lahat. Parang napakalakas na kulog ang sigawan ng mga tao. Lahat ng tao sumisigaw na ng Michael!!!
Wala pa yatang 30 minuto ang inilagi ni Michael doon. Umalis din siya agad. Noong hapong iyon, lahat ng tao siya lang ang pinag-uusapan. May naguwgwapuhan sa kanya. May nagsasabing parang multo siya sa kaputian. May mga nanghihinayang na hindi nila nakita. Meron ding mangilan-ngilan na nagyayabang at nahawakan daw nila yung sinakyan ni Michael. May iba ding mga gago sa school namin na nagsabing di daw sila pinansin ni Michael nung kinindatan nila ang singer.
Mga limang segundo ko lang atang nasulyapan ang mang-aawit. Nakalimutan ko na ngang nangyari yun.
Naalala ko lang ulit kanina. Alas syete, kakagaling ko lang ng lunch. Lahat ng andito sa opisina nakatutok sa TMZ.com. Patay na daw si Michael Jackson. Heart attack daw.
Paalam Michael Jackson.

**********
Photo courtesy of mjismagic.
33 comments:
The King of Pop may be dead, but his spirit lives forever in people who sings and dances.
Happy weekend.
True.. Happy Weekend!!!
Hindi ko cia idol but the genorousity he was did is really meant to be, salamat sa isang katulad nia...kaw naman ginawa niopaciang panakot sa mga bata ha..Godbless
Nung bata ako, I'm one of his fan... Lalo na kung panu sya magperform pag napapanood ko sya sa TV.. At halos lahat ng kanta nya matindi. Isa sa mga narinig ko ng quote nya "The only reason why I want to have a kid is that theyre the only ones who are honest to me"
May nakapagsabi sa'kin na totoong mabait daw syang tao kasi di na sya pinahirapang mamatay. Ang dami kasing celebrity o iba it will take years of suffering muna bago sila matigok.. Sya isang atake, tepok agad.
Malamang magiging mala-Elvis Presley din ang libing ni MJ. And it's nice of you to remember every details almost 13 years ago na dumaan sila sa lugar nyo, hahahaha!
hindi ko man lang nakita si MJ in person, pero kahit na marami man syang kinasangkutang scandal at demanda, sya pa rin ang tunay na King of Pop, wala na yatang makakapantay sa kanya.
Totoo bang pangit ang anak ni janice? hahaha! natawa ako dun ah!
sa totoo lang natatakot talaga ako kay MJ non. kahit kasi buhay pa siya mukha na siyang..ayun, alam niyo na.
fan or not a fan, MJ's legacy will continue to live on.
yeah syah halos ang usapan... not a big fan of him but i think he's really great... like sabi nga nang narinig kong usapan kanina... he's a legend... mamimiss sya nang marami... ba't ganon tlgah ang buhay... i guess his mission on this earth is over... pero for sure he's always gonna be remembered...
kaya naman tayoh... while we are still on this earth eh enjoy every moment dat we have... 'cause any second can be our last too... naks nag-preach.. lolz.. ingatz kuya Gilbert...
Godbless! -di
Alam mo, napansin ko sa kanya sa buong buhay nya "hindi sya naging masaya". Malungkot ang buhay ng taong ito, kaya nga nagugulat lang tayo sa mga kawirduhan nya eh. Pag sinuri nyong mabuti kung anong buhay meron si MJ, mas pipiliin nyo pa ang buhay na meron kayo ngayon.
Ngayong namayapa na sya, masaya ako para sa kanya kasi mararanansan na nya ang tunay na kapayapaan sa kabilang buhay.
Ingat pre
Drake
seaquest: dati pa naman yun... matured na ako... hehe
dylan: for sure... malaki yan... malaki naman kasi talaga siyang artista
mokong: narinig ko lang yun sa mga tao na kasabay ko sa jeep nung pauwi na ako.. hehehe
badong: di sa nagiging masama ako.. pero meron talaga siyang mga picture na nakakatakot siya...
dhianz: maaari.. kahit naman maikli lang ang buhay niya malaman naman ito...
drake: yep, finally, peace for MJ. Kanino kaya mapupunta ang Neverland? hmmm..
lol sa comment sa anak ni janice!
lapit lang pala ng pinuntahan ni jacko na ospital sa haus namin.sayang di ako nakapunta (may klase din ata ako nun!)
ayos lang yan.. una una lang. but i do love his music. di lang yun itsura nya nitong bago sya mawala. di na kasi maganda eh. cute sya dun sa scream nila ni janet. sana di magaya si janet kay michael.
nde related sa post moh.. at since wala kang cbox eh dito koh na lang sasabihin... kuya napanood koh na 'ung trasnformer... lab it... lalo nah 'ung ibang funny part... 'un lang... laterz! Godbless! -di
shoot! kinilabutan ako sa post mo!
paalam MJ...sad talaga.. =(
wow nakita mo siya kahit papano inggit ako!
napanuod ko nga to minsan sa tv yung pgdalaw niya sa mga maysakit at bata. kakalungkot gnyan tlga ang buhay.
Naaalala ko, noong mga panahon na iyon, tinatakot namin yung mga maliliit na mga batang tinututoran namin na ibibigay sila kay Michael Jackson kapag hindi nila tinapos yung homework nila.>>> hahaha... kulit. nakita ko lang siya sa tv nun pero ayos na rin at nakabisita siya sa pinas.
paalam michael.
aw. di ko alam ito, pero naka pagbigay informasyon sa akin. nice po ang kwento na enjoy kong basahin. salamat
lols...komedya=sagala. haha
theonoski: san ka ba sa pque?
klet: nakakapagtaka kung bakit gusto niya pumuti noon...
dhianz: tawa ako ng tawa dun sa nanay niya nung nasa college si sam.. lolz
gravity: its a sad day for the music industry.
mac: asus...saglit lang naman yun.. parang dumaang hangin lang.. pero iba pa rin...
hari ng sablay: yup.. napalabas sa tv yun.. lahat ng binisita niya dito.. natv.. hehe..
the dong: onga.. buti pa siya nakapunta ng pilipinas...
pablong pabling: sensya naman.. di ko alam tawag dun.. di ako native ng parañaque.. hehe
Aba pinagpala ka at kahit paano nasulyapan mo ang isang music icon. :p His music will live on!
HUWAAAAW! Nakita mo si Michael Jackson kahit sulyap lang! Nakakinggit naman.
"Bawat artistang dumating, ang mga tao nagsisigawan. "Si Janice de Belen!!! aaaaah" "Si John Estrada!!! Eeeeeh" "Si Loren Legarda!!! Oooooh" "Yung anak ni Janice kay Aga!!! Ba't ang panget?!""
WAHAHAHAHAHA. Panalo!
Kanta na lang ako... Ehem..
"Heal the world, make it a better place for you and for me and the entire human race, there are people dying if you care enough for the living, make a better place for you and for me..."
RIP wacko Jacko! Salamat.
nalungkot ako sa pagpanaw nya. one of the icons of my youth. pati younth ko unti-unti na ring pumanaw.
may alaala ka pala ni Michael Jackson... mabuti yan parekoy..iilan ang mga taong nakakita ng personal kay MJ.. baka wala pang 25% sa total population ng Mundo..
kosa: oo nga naman.. kaya nga eto naisip kong isulat.. para mang inggit ng mga di pa nakakakita sa kanya... hahaha
mksurf8: isa nga siyang icon...
oracle: i'm sure he's in peace na wherever he is...
yoshke: tagal na nga nun.. kalimutan ko na nga hitsura niya.. lam ko bagong gawa pa lang ulit ilong niya nun eh... hehe
len: it will.. lahat na lang ng music channel yung pinapalabas...
Taga Paranaque ka? diba dun sya nagconcert? :D
thanks 4 the link, ha
i added you, too
salamat
=)
alam mo when he died
ang dami kong txt msgs
pucha
ang hirit ko
bakit ba
di naman si janet ang namatay, ah
hehe
May Hindi Ako Nagustuhan Dito!
Yung iba Napaka Demonyo Nyo!
Mahilig Sya Sa Bata oo!
Kaya Sya Mahilig Sa Mga Bata Dahil Kailangan Nya Ng Kaibigan!
Malungkot Na Tao Si Michael At Nung Bata Sya Binubugbog Sya Ng Tatay Nya at Nilalait!
Di Nyo Sya Kilala my Inutil!
Marinig Nyo Lang Sa PUTANG INANG Media Naniniwala na Kayo? Ano Kayo? Jakol? Yang Media Bayad Yan para magsinungaling!
Si MJ At Napaka bait na to!
Halos Lahat Ng Kinikita Nya at Pinqng tutulong Nya!
Madami syang inaaompon Sa Neverland!
May Sarili Syang ospital para Sa Bata!
Tapos Gagawin Nyong Panakot Na Ibibigay Kay MJ Ang Bata?
Yung Kumindat Mamatay Na Ng Brutal Yun!mas pinalungkot Nyo Si mJ At Paano Kayo papansinin eh Ginago Nyo Yung Tao! Pakyu!
Yung Mga Bata na kinasuhan Sya Umamin Na!
NAGSORRY pa Kay MJ!
Ginawa Lang daw Nya Yun para Sa Tatay Nya na need Ng 💰 Money!
At Nagpakamatay Yung Tatay Nya!
At SA napapangitan Kay MJ iGago Kayo tignan Nyo Sarili Nyo!Mas Pogi pa sa Tatay Nyong kupal Yun!
Sa mga Magaganda at Walang Kanega negative Ang Sinabi We love you! Naintindihan Nyo Si mJ!
Sa Lahat Ng May Negative PUTANG INANG gago pakyu Walang Bayag Mamatay Kayo Demonyo!
MJ The angel👼
Post a Comment