Mga Sumasampalataya

Jun 24, 2009

BAGO ANG MGA EPIC FAIL

Sa mga matagal nang nagbabasa ng blog ko, siguro alam niyo nang medyo matagal tagal na rin akong single. Merong panaka-nakang nakakalusot na kadate (na sablay) at meron din namang mga dumarating na hinahangaan.

Nagdadalawang-isip ako kung isusulat ko ba itong post na ito, baka isipin ng mga tao na nagpapakadesperado nanaman akong maghanap ng syota. Hindi naman. Gaya ng sabi ko noong nakaraan, minsan kahit pa masaya ka na, may oras na maghahanap ka ng kilig sa buhay. Hindi mo kailangan ng nililigawan para maranasan iyon.

Hindi naman lahat ng panahon, eh single ako. Hindi rin lahat ng niligawan, kinrushan ko at naging syota ko eh sablay. Mayroon din namang tama doon sa mga naging mali. Ikukwento ko lang, kasi baka isipin niyong wala akong tamang ginawa sa mga bagay na ganito. Puros palpak na lang ang mga nababasa ninyo, baka isipin niyo prinsipe talaga ako ng sablay. Paminsan minsan naman kasi, may mga nagagawa din naman akong tama.

***********
Tatlong linggo kaming magkaibigan sa telepono ni Love (una ko... oo na, once upon a time pumatol ako sa isang nagngangalang Lovely... pangkatulong na pangalan!!! no offense...). Nagkagaanan na kami sa isa't-isa kaya't naisip namin na finally magkita.

Bago pa lang ang SM Southmall noon at yun ang pinakahip na tambayan ng mga kagaya kong taga-South. Isang buwan na baon ang inipon at ginastos ko para sa lakad na iyon. Ginawa ang lahat para maimpress siya. Nagpatawa. Dumaldal. Nanlibre (kahit mas matanda siya sa akin). Nagpakasweet. At kung anu-ano pa.

Maganda si Love at maraming katangian na hahangaan at gugustuhin ng mga lalake. At dahil nga mas maganda at mayaman siya, ayoko naman na magmukha akong desperado kaya noong gabi pagkauwi namin mula sa aming date, naisip kong wag muna siyang tawagan.

May normal na oras kami nagtatawagan, alas nuwebe. Noong gabi na yun, nagring yung telepono namin, alam ko na siya yun. Pero nahiya ata siya kaya pagkatapos ng isang ring naputol. Ganun din ang ginawa ko, pinaring ang phone nila ng isang beses at binaba ito. Siguro tatlong beses naming ginawa ito noong gabing iyon. Kaya noong tinawagan ko siya, hinintay ko nang sagutin niya.

Hindi siya sanay na natutulog nang hindi pa kami nagkakausap sa gabi. Kaya kahit pa nagkita kami noong araw na iyon, hanggang hatinggabi pa rin kami nagtelebabad.

***********
Yung tungkol sa huli naman, nangyari yon noong Bisor pa ako sa dati kong trabaho. Noong bago pa lang itong batang ito, napansin ko na siya agad. Kaunti lang naman kasi ang ipinapasok sa programa namin na may hitsura. So noong bago pa lang siya, eh apple of the eye ko na siya.

Di ako normally sumasagot kapag may mga nagtetext sa akin na nagpapaalam na liliban sa trabaho, dahil trabaho iyon ng mga TL nila. Pero nung gabing nareceive ko yung text niya, sumagot ako ng ok.

Dalawang araw ata siya lumiban noon, at nung mga panahon na wala siya, doon ko sinabi sa mga katrabaho ko na malapit na akong umalis sa kumpanya. Noong araw na bumalik siya, nakareceive ako ng thank you text mula sa ahente kong iyon. So naisip kong sagutin yung thank you niya.

Sabi niya kasi, natuwa siya dahil sinagot ko yung paalam niya na liliban, dahil daw naririnig niya mula sa mga katrabaho namin na di ko daw gawain iyon. Feeling niya special daw siya. At nalulungkot daw siya nang malaman niya yung balita na aalis na nga ako ng kumpanya. Dahil mababaw lang ako, natouch ako dun sa sinabi niya, kaya naisip kong pahabain pa yung usapan. Tanghali nun, nung magkatext kami, pagdating ng hapon parang magkaibigan na talaga ang turingan namin sa isa't-isa. Nalaman ko ang kwento niya. Ang buhay niya, mga ex niya, naging trabaho. Halos lahat. Lagi na akong tumatambay kung saan sila nakapwesto kapag nagtatawag para makita siya.

Matapos ang isang linggo, naging kami na.

***********
Iyong una, walong buwan ang itinagal naming dalawa. Tapos itong huli ay isang buwan lang. Wala pa akong tumagal ng isang taon, at merong iba na talagang itinuturing na mga pagkakamali. Pero kahit pa siguro napakapanget ng kinahantungan ng aking mga nakaraan, di ko ipagkakaila na kahit papaano merong mga magagandang nangyari doon. Ako naman, kahit pa gaano ako nasaktan ng isang tao, ang tumatatak palagi sa isipan ko eh yung mga bagay na hindi dapat kalimutan. Yung mga masaya, makulit at cute na pinagdaanan. Yung mga tama.

Minsan, di kailangan ng ibang tao para magkaroon ng kilig. Kahit alaala lang, pwede na.

27 comments:

Anonymous said...

Siguro una mong narinig yung pangalang Lovely sa isang katulong.. sama nito, ahaha!
Lovely is a good name, pero kung ako, ayaw ko rin ng name na yan, lolz

Wala, desperado ka na, kahit di mo aminin, nasa subcobscious mind mo. You're longing. Normal lang yan. nyahehe (ngisi)

gillboard said...

hindi ako desperado!!! naghahanap oo... pero bata pa ako para maging desperado.. di naman ako babae.. hehehe...

Ok lang ang Lovely... at least Lovely lang talaga.. hindi Lovely Mae o Lovely Lyn o kaya Lovely Rose!!! hindi ako bitter!!!

Anonymous said...

Wahahahahahahahahahaha! Anlakas ng tawa ko sa sagot mo ah. Pramiz.

Hayz. Ok, okay, hindi na desperado. Woy, may mga lalake ding mas desperado pa sa babae noh.

Sabi kasi nila, pag defensive, guilty. Totoo nga kaya yun?...Hmmm.

gillboard said...

Di yan totoo!!! hahaha... seryoso to.. hehehe

I'm not desperate, guilty nor defensive...

i'm just single... lolz

ACRYLIQUE said...

Hala! Katulong? este pangkatulong? Kaw naman. :)

Kung may nabingwit ka noong nakaraan. malamang may LOVELY ROSE ka nang mabibingwit soon. :)




word verification: square

(Square nga naman kasi ang mundo) hihi

Badong said...

ano nang nangyari kay crush?

gillboard said...

acrylique: walang ganyanan naman!!!

badong: di ko na nakakasabay... ibang route na ng bus sinasakyan ko... di na sa edsa... hehe..

Kosa said...

ahhhhhh
siguro may tama ka parekoy!
hehehe.. pero wala akong masabi sa huli mong sinabi.. para kase sa akin, hindi sapat ang alaala para kiligin ako..lols

napapangiti lang ako kapag nanghahalukay ng alaala at hindi kinikilig...hehe
Peace.

pero infairness, makulay pa sa sinabawang gulay ang lablayf mo parekoy! astig!
hehe

francine said...

nkakatwa kayo..grabeHH

gillboard said...

kosa: noon yun... ngayon wala.. kung kelan wala na akong ginagawa masyado.. my timing sucks big time talaga...

francine: nakakatawa talaga kami.. lalo na pag nakita mo mukha namin!!! hehehe

EǝʞsuǝJ said...

haha...
sabagay nga naman...
kapag nagbababalik-tanaw tayo we can't help but smile and relieve those moments...

nyahaha...
eh bakit wla pang ntagal ng one yr?
takot sa commitment?
yung girls?
hehehe...
nagtatanong lang pre..:D

walang masama sa pagiging single..
meron ngang 40 yrs old nakakapag-asawa pa ehh..
ikaw pa kaya?
diba?

The Gasoline Dude™ said...

Meron na akong mga naging ex ang pangalan eh: Jolly at Joy.

Wala lang. Wala siyang connection sa post mo, pero 'yun ang naalala ko nung binanggit mo si Lovely. Lagi kasi akong inaasar ng mga barkada ko bakit daw mahilig ako sa mga masasayang pangalan. LOL

Joel said...

talagang hindi ka naman dapat maging desperado, bata ka pa noh..

madadagdagan pa yang mga kilig moments mo, basta wag ka ding masyadong magmadali..

eMPi said...

may kaklase akong Lovely ang pangalan... hehehe... meron ding Lovelyn... at Love2x... wala lang sinabi ko lang :)

Yodi Insigne said...

he he he, parang story ng boardmate ko.
Pero sabi nga ni Bob Ong,
"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat lumandi ka din."

Mugen said...

Hindi mo yata nasabi ang dahilan ng iyong mga break up?

EngrMoks said...

Adik ka talaga parekoy!!!
Nga pala si Lovely Rivero ba dating katulong? hehehe!

Anonymous said...

Lovely's a lovely name! I wonder why people would stereotype it na pangalan ng isang katulong, kawawang mga katulong!hehehe..

anyway, I actually can relate to your blog entry, been there, done it, fucked around, at ang sarap nyang alalahanin. haha..

hope to read more form ye! :)
add na kita sa blogroll ko ahh from now on..

thanks.. :)

ENS said...

oo nga anu....
mabuti na lang klinaro mo na hindi ka naman laging sablay...
kaya lang, hindi nga kaya... no offense!!!
siguro hindi pa siya dumadating...
kung sino man siya!!!!

Chyng said...

(happy) thoughts are enough. so true gibo! :)

gillboard said...

jenskee: ako rin, tanong ko rin yun sa sarili ko... bakit di ko kaya patagalin.. hanggang honeymoon stage lang lahat...

gas dude: may joy din ako... pero di naging kami...

gillboard said...

kheed: di naman ako nagmamadali... di nga ako naghahanap.. hehehe

marco: i shouldn't judge pala sa names ng mga tao... pangmagsasaka pala pangalan ko!!! hahaha

gillboard said...

yodz: papapayat ulit muna ako... saka na lalandi... hahaha

joms: nakwento ko na before... kasama sila dun sa mga kwentong ex ko... pero for your benefit...

Si Love, iniwan ako nung nagcollege siya...
Tapos si Officemate, iniwan ko nung nagresign ako...

gillboard said...

mokong: di ko alam.. sino si lovely rivero?

iprovoked: salamat... si bien ba to?

gillboard said...

ens: for sure... di pa yun dumarating.. ok lang yan... malapit na yan...

chyng: yup... mababaw lang naman ako... di kailangan ng maraming bagay para sumaya... hehehe

Jinjiruks said...

gil tanong lang. san mo nakuha ang epic fail term na yan. parang sa world of warcraft ba?

Anonymous said...

Oh okay. Single and looking na lang, cge fine!