Sa tanang buhay ko, isang beses pa lang talaga ako nakapasok ng motel.
Maraming beses na ako nayaya, pero di ko talaga feel pumasok sa mga ganun. Feeling ko, lahat ng tao nakatingin sa'yo at alam na kung ano ang gagawin mo. Feeling ko lahat pagbubulungan ka paglabas mo. Tas yung mga empleyado dun, kung makangiti, alam agad na ika'y pumunta dun para magparaos.
The one time na pumasok ako sa isang motel, pakiramdam ko ang dumi dumi ko.
Ang linis ko pa namang tao.
Pero dahil nga naniniwala ako na ang lahat ng tao, kelangan makaranas ng first time sa lahat ng bagay, may isang araw na sinubukan ko ito.
**********************
Madaling araw noon.
Tinatamad akong pumasok.
Ala-una. Maulan. Malamig.
At ako, nag-iinit.
Mayroon akong katext nun, na ganun din ang pakiramdam.
Sakto, horny siya, horny din ako kaya ang bilis kong napa-oo.
Bonus na yung tinamad din siyang pumasok kaya nagcheck in na lang siya sa Eurotel sa tapat ng SM Southmall.
Tatlong sakay lang naman mula sa amin yun, tsaka libre naman, kaya ang Gillboard humarurot ng takbo.
Pagpasok ko, magiliw akong binati ng attendant. Sinabi ko kung anong kwarto ang pupuntahan ko, at tinawagan niya ito.
Pagbaba niya ng telepono, todo smile agad si ate. Sa isip ko, sheeeeet alam niya kung bakit ako nandito.
Pinahatid niya ako sa bellboy. At dahil siguro wala silang customer, hinatid talaga ako hanggang sa kwarto.
Mukhang handa na yung katext ko, dahil kumot na lang yung suot niya nang buksan niya ang pinto.
Nagulat ako at may porn channel talaga sila. 24/7 jugjugan lang ang palabas.
Kaya pagsarado pa lang ng pinto, todo aksyon na.
Halikan dito.
Kapaan doon.
Tulakan dito.
Kagatan doon.
Pag may libog ka, gusto mo talaga all the way... Pero...
"May condom ka?" tanong niya.
"Wala" sabi ko.
Wala din daw siya.
Tiningnan namin yung bedside drawer. Wala.
Sa banyo. Wala.
Ang wallet ko, singkwenta pesos lang naman.
"Bili ka, may malapit lang yata na 711 dyan." pakiusap niya.
"Ayoko, umuulan. Nitatamad ako. Ikaw na lang." sagot ko.
"Pwede naman wala" sabi niya.
"Ayoko magkasakit no." sagot ko.
At parang bula, nawala ang libog naming dalawa.
Ilang minutong puros ungol lang mula sa telebisyon ang naririnig namin.
At ilan pang minutong katahimikan matapos nun.
"Patayin mo na yan, tulog na lang tayo" sabi ko.
Pinatay niya at natulog kaming dalawa.
Magkatalikod.
***********************
Matagal na yan. 2006 pa ata. Single pa ako.
Kaya di na naulit.
Medyo wala na ang depression ko. Yay.