Mga Sumasampalataya

Jun 2, 2009

CHASING PAVEMENTS

Ayoko ng mga long weekends. Hindi dahil sa ayaw ko ng bakasyon, pero normally, kapag walang nakaplano kapag mga araw na ganito, sa bahay sobrang nabobore ako. At ayaw ko ng nabobore ako dahil kapag nangyayari yung mga ganun, madalas may nagagawa akong hindi ko dapat gawin.

Tulad noong Linggo, bumili ako ng isang bagay na hindi ko naman talaga kailangan. Nagalaw tuloy ng big time yung Singapore fund ko. Actually, buong linggo last week, ang gastos ko. Noong Huwebes, bumili ako ng DVideoke, dahil nauto ako nung bading na salesman sa SM. Tapos nung Linggo, bumili ako ng cellphone.

Pero kahit meron akong pinagkakaabalahan, feeling ko, di pa rin ako kuntento. May kulang pa rin.

Alam ko, madami sa inyo magsasabi na nagiging desperado nanaman ako sa pag-ibig. Siguro may konting katotohanan yun, pero hindi naman kasi ako naghahanap.

Tanginang tag-ulan kasi yan!!! Dinedepress ako masyado... kahit walang dahilan!!! Nyeta..
**********

Ayun nga, nung Huwebes, nauto ako ni Kuya salesman na bumili ng DVD player. Wala naman talaga akong balak pa sa ngayon na bumili ng DVD. Ayos naman yung player namin dati. Kaya lang kasi may mga palabas na gusto kong panuorin na di ko magawa dahil laging may bisita sa bahay namin (hindi porn, okay... tipong gaya nung Mother's Day di ko natapos panuorin yung True Blood dahil nasa bahay yung mga pamangkin ko).

Napadaan lang ako nun sa appliances, wala lang, trip ko lang. Kaso mo, nung nagtanong ako ng presyo ng DVD player si Kuya di nako tinigilan. Ang ganda ganda daw nung features nung dvd kasi nagpeplay daw yun ng 10000 na videoke. Pwede daw yun sakin, kasi mukha daw maganda yung singing voice ko. Pang John Mayer daw. Syempre ako as usual, nagpauto naman. Dahil sa todo effort ni Kuya sa pag suck up sakin, pinatulan ko. Bumili ako ng DVD Player.
***********

Yung cellphone naman, sa totoo lang, buong linggo last week ko pinagnanasahan yung telepono na binili ko. Natutuwa ako kasi Qwerty yung phone. Tsaka mura lang.

LG siya, yung KS360. Kung tutuusin, hindi ko talaga kelangan ng bagong phone. Gastos lang yun, tsaka wala naman talaga akong mga textmate. Pero dahil napanuod ko na lahat ng nabili kong bagong DVD, para may pagkaabalahan ako nung Linggo, bumili ako ng phone.

Uulitin ko, hindi ako mayaman. Mura lang yung phone na binili ko!!! Mukha lang syang pangmayaman kasi ang slick ng design niya. Pero tama lang. Tamang pang text at call lang. Ang sakit lang sa tenga ng alarm niya. Papalitan ko mamaya yung alarm tone.
***********

Yung titulo ng post na ito eh pangalan ng kanta ni Adele. Narinig ko yung male version ng kantang ito sa youtube (One Take Sessions ata yun.. hanapin niyo na lang). Parehong maganda yung original version at yung take sa OTS, kaya dinownload ko agad yung kanta.

Tungkol siya sa tao na nagtatanong kung ipagpapatuloy niya ba yung pagpursue dun sa gusto niya, kahit na alam niya na walang patutunguhan yun. Hindi ako nakakarelate, pero dahil nga isa akong lyrics person, nagustuhan ko yung nabasa ko.

Di ko naman talaga maihahambing sa buhay ko yung mga nakasulat sa kanta. Malamig lang sa tenga kaya ko siya nagustuhan.
Heto ang lyrics.

Chasing Pavements
Adele

I've made up my mind
Don't need to think it over
If I'm wrong I am right
Don't need to look no further
This ain't lust
I know this is love, but

If I tell the world
I'll never say enough'
Cause it was not said to you
And that's exactly what I need to do
If I'm in love with you

Should I give up
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere
Or would it be a waste?
Even if I knew my place
Should I leave it there?
Should I give up
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere

I'd build myself up
And fly around in circles
Waitin' as my heart drops
And my back begins to tingle
Finally could this be it?

Should I give up
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere
Or would it be a waste?
Even if I knew my place
Should I leave it there?
Should I give up
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere, yeah

Should I give up
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere
Or would it be a waste?
Even if I knew my place
Should I leave it there?
Should I give up
Or should I just keep on chasing pavements?
Should I just keep on chasing pavements?

Should I give up
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere
Or would it be a waste?
Even if I knew my place
Should I leave it there?
Should I give up
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere

32 comments:

mulong said...

kainggit ka naman nung wala kang magawa bumili ka ng Dvideoke at cellphone ng ganun ganun lang!

ang dami mo namang pera

tsaka ano pala gagawin mo sa singapore? bakasyon lang?

gillboard said...

mulong: di nga... naubos na nga kaya tipid mode na ako sa susunod na 4 na linggo...

Bakasyon sana yun with barkada... kung matutuloy pa ako.. hay...

eMPi said...

DVD at CP? hmm...iba ka pala kapag na-bored... :)

escape said...

i think it's time that you go out with someone special on a long trip like sagada. even with friends will do. trip lang.

gillboard said...

marco: ngayon lang ata to... ngayon lang sanaa... di na mauulit... masakit sa bulsa!!! nagkakaroon ata ako buyer's remorse.. hehehe

the dong: di na ngayon pwede kasi wala na akong pera... di naman wala... pero la nako budget for gimmicks... ang saklap!!!

Anonymous said...

Waahahahaha! Tinatawanan ka na ng bading na salesman na yun ngayon! PAg nakita kita ngayon tatawanan din kita. Impulsive buyer ka ba? O talagang wala kang magawa? Nyahahahaha! piz naman...

Wag mo namang isisi sa ulan. Sa pagka bore mo na lang. Ayus lang mobre paminsan minsan pero kung ganyan ka mobore sa buhay mo naku mamumulubi ka!!!May kakilala akong ganyan, noon, pulubi na sya ngayon.

Gusto sana kitang sermunan kaya lang tapos na.

gillboard said...

dylan: wag mo naman ako sermonan, tatay ko nga tuwang tuwa sa ginawa ko... magulang ko pa yan!!! hehehe

The Gasoline Dude™ said...

Ano bang meron d'yan sa LG Phone na 'yan at sikat na sikat?

Baligtad tayo. Mas gusto kong magkulong sa kwarto kapag weekends at humilata sa kama. Para din hindi ako nate-tempt gumastos.

pusangkalye said...

sabi nga---seek and ye shall find--maybe it's time......

______at naku naku--- sa lahat ng gagalawin---yung Singapore fund pa---wag ganun---bad yan bad---galawin mo na lahat wag lang yan---or else you donno what your gonna miss----

gillboard said...

gas dude: nasanay lang siguro ako maggala nitong mga nakaraang buwan... wala namang special something yung phone.. mukhang maangas lang... kahit hindi.. hehe

pusang gala: la na tayo magagawa... nagastos ko na siya... hopefully may sapat pang panahon makaipon ng nawala.. hehe

Mugen said...

Haha! Ang gastos mo tsong. Happy ka ba naman sa bago mong DVD?

Jez said...

kaya ayaw ko rin ng long weekeng kasi it means mahabang gastusin din..hayyzzzz

kaya nga kapag lumalabas ako, iniiwan ko atm at credit card ko sa bahay eh..kasi sa malamang sa hindi mapapasabak ka nga sa mga nakikita ng mata..tsk tsk...di bale mag ipon ka ulit for ur sg trip..

EngrMoks said...

isa kang gadget adik tol..certified yan..hehehe!
Sana ganyan din ako pag walang magawa..kung anu-ano nabibiling gadgets...hahaha

ENS said...

true blood...?
ako din di ko matapos tapos yan nun dahil sa pamangkin ko...
kaya natapos ko na lang yan sa cinemax...
ngayong june ata ang season 2 nyan ipapalabas...
wow!!! qwerty.. yan din ang gusto ko sa phone, yung ganyan ko kasi na salisi gang sa st jude church nung sunday bago ang board exam ko...
adele?? mas gusto ko ang kanta nyang right as rain, bagay pang sayaw yun sa mga senior citizin, di ako matanda pero natutuwa ako dun...
mabuti ka pa.. kung wala kang ginagawa may napapala ka... pero ako walang ginagawa... period

EǝʞsuǝJ said...

at least pare kahit na gumastos ka ng big time, naging abala ka naman ng panandalian..diba diba?

hehehe...
napakinggan ko na yang kantang yan..
maganda nga..
ayuko nga lang pakinggan pag naulan..
baka bumaha pa ng luha-mahirap na..

DRAKE said...

Wow mayaman maraming pera, hehehe!! Okay lang na minsan nireregaluhan mo ang sarili mo. Pampaalis stress at kalungkutan din yan. Ako every year nireregaluhan ko ang sarili ko ng pinakagusto kong bagay.Kaya kahit paano kuntento na rin.
Si GF matatalisod mo rin, intay lang ng intay at lumakad lakad ka lng sa daan ng buhay (WOW KESO TO)

The Pope said...

Natawa ako ng sabiihin mong na-uto ka ng Bading na salesman sa SM hehehehe, mahirap ng iyang 'impluse buying, lalo ngaun may financial crisis. Anyway I love the song lyrics you put there, I will try to 'google' it mamaya, I have been late sa music trends because of blogging.

Life is Beautiful.

Mac Callister said...

yeah i really love that song too!

ako naman may ugali n bili ng bili then regret buying it in the end and maiisip ko kasi na shacks i dont really need this shit!LOL

Chyng said...

and i hate long weekends too! di kasi naten kasabay ang normal na employee so pressured akong magleave! haha

gillboard said...

knox galen: happy pa naman ako.. iniiwasan kong magkaroon ng buyer's remorse.. hehehe

jez: buti na lang wala akong credit card... feeling ko malaki magiging problema ko, kung meron ako nun..

gillboard said...

moks: di naman ako adik sa gadget... di nga ako techie.. la nga akong mp3 player maliban sa phone ko eh.. hehehe

rens: sakin kasi kesa magmukmok ako, libangin ko na lang sarili ko.. baka maging suicidal kasi ako.. hehehe

gillboard said...

jen: haha!!! oo nga.. nakakadepress yung kanta... lalo na pag sinagot mo yung tanong..

drake: tama ka.. kelangan minsan regaluhan ko sarili ko.. sa susunod PS3 naman!!! joke

gillboard said...

pope: sabi sayo uto-uto talaga ako... madali akong madala sa paninipsip.. hahaha...

mac: ako naman.. kahit minsan masama sa loob ko, kelangan kong maging masaya sa mga pinamili ko.. hehehe

chyng: ayaw ko lang ng long weekend pag wala akong ginagawa...

The Scud said...

ayos lang yan. you only get to live once kaya magpakasaya. hehe.

gusto ko din yan chasing pavements pero mas gusto ko yung duet ni adele kay paul weller. ito ung link --> http://versuswords.blogspot.com/2009/04/dad-loves-his-work.html.

Badong said...

nakaktakot ka pag depressed. baka alukin ka ng bahay bilhin mo. hehe

gillboard said...

the scud: true... question is, sumaya ba naman ako? hehehe feeling ko unti-unti bumabalik pagkaworkaholic ko.. wag naman sana..

badong: di naman... wala ako ganon kalaking pera... siguro pag nanalo ako sa lotto.

The Scud said...

yan ang gusto ko. maging workaholic para makalimot. matagal na din ako hindi busy. hehe.

musta pala bagong cp? ayos ang qwerty phones. mas mabilis mag text. minsan nga dun na ako nagcocompose ng mga ibablog ko.

gillboard said...

ayoko na ng ganung buhay... sawa nako... enjoy naman...

ayus naman bagong phone... nasasanay na ako gumamit.. kaya lang ala pa internet access... pero baka di ko na iactivate.. yako malaki phone bill... hehehe

escape said...

ok lang. dami din namang pwedeng pasyalan dito sa manila. hehehe...

Kosa said...

sa Dvd player at sa telepono eh ayus lang yan! you deserve it!
pero mo naman yun eh..
pero ako talaga kung hindi ko kailangan, hindi ko binibili..lols
depende nalang kung talagang gustong gusto ko yung isang bagay..

chasing pavements?
di ka ba talaga naka-relate dun?
i doubt..hahaha

gillboard said...

dong: sabagay... sa sweldo na lang.. naubos ko na pera ko ngayon eh.. hehehe

kosa: di talaga... konti lang.. hehehe

Raft3r said...

adele rocks
big time
=)