Jan 31, 2011

ANG TANONG (UPDATED)

Perfect. Kailangan ang gabing ito ay maging perpekto. Walang anumang bagay sa mundo ang makakasira sa mga plano ko ngayong gabi. Dito nakasalalay ang kinabukasan ng pagsasama namin ng aking kasintahan.

Limang taon. Hindi man matiwasay ang buong limang taon na iyon, alam kong masaya kaming dalawa. Alam kong marami akong pagkukulang, pero pilit ko itong pinupunan dahil hanggang ngayon, ay pilit pa rin akong nagbabago. Lahat ng sa tingin niya ay hindi kaaya-aya sa aking ugali, ay tinatanggal ko sa sistema ko. Nagiging mabuti akong tao dahil sa kanya.

"You are the perfect couple!!!" ang madalas sabihin sa amin ng aming mga kakilala. Pareho kaming may hitsura. Maganda siya. Guwapo ako. Pareho kaming matalino. Parehong may kaya sa buhay. Maraming naiinggit sa kung ano man ang meron sa aming dalawa. Ang kulang na nga lang raw ay magkaroon ng bubuo sa aming pamilya.

Wag kang magmamadali. Darating tayo diyan. Pero ang una, kailangan kong maibigay sa kanya ang singsing na ito na matagal ko ring pinag-ipunan. May anim na buwan na ring nakatago sa akin ang singsing na ito, na nakita namin sa ibang bansa. Naaalala ko kung paano niya tinitigan itong singsing noong isang gabing naglalakad kami sa kalsada ng Ingglatera. Nakita ko ang ningning sa kanyang mga mata.

"Mahal na kita, Mitch. Sana maging tayong dalawa na." hindi ko inakalang masasambit ko iyon, noong araw na nagtapat ako sa kanya. Dalawang linggo pa lang kaming lumalabas. At kahit na marami kaming pinagkakasunduan, hindi pa rin ako sigurado na ako ay talagang gusto niya. May iba pang mga nanliligaw sa kanya.

"Ikaw din. Mahal na din kita." ang sagot niya. Isang linggong hindi nawala ang mga ngiti sa aking mukha.

Ngayon, nakahanda na ang lahat. Ang park kung saan ako sinagot ni Mitch noong nasa huling taon ng kolehiyo pa kami ay binago namin. Nilagyan ng lamesa. Pinuno ng mga rosas. Mga paborito niya. Naghahanda na ang banda para patugtugin ang awitin naming dalawa.

I'm on my way. Ang nakasulat sa text niya. Ilang minuto na lang, ay masasabi ko na ang dapat kong masabi.

Debut ng kaklase ko noong una ko siyang nakita. Isa siya sa mga labingwalong dalagang magsisindi ng kandila at magbibigay ng mensahe sa may kaarawan. Isa ako sa labingwalong magbibigay ng rosas. Simple lang ang suot niya. Hindi magara katulad ng ilang babaeng dumalo nung gabing iyon. Pinsan siya ng kaklase ko, na nag-aaral din sa pamantasan namin. Iba lang ang kurso niya. Sinabi ko sa sarili ko na siya lang ang babae na para sa akin.

Dumating na rin si Mitch. Maganda pa rin. Hindi nagbago kahit ilang taon na ang nakalipas nang una ko siyang nakita. Mas maganda pa nga ata siya ngayon.

Halatang nagulat siya sa ginawa ko ngayong gabi. "Special night natin ito wifey. Happy anniversary," hinalikan ko siya at hinatid sa kanyang upuan.

Tahimik siya. Sa tingin ko, alam niya kung ano ang susunod.

"Mitch, 5 years. I don't remember a time na hindi ako masaya sa loob ng limang taon na magkasama tayo. You make me happy, and you make me feel complete. Hindi ko nakikita ang sarili ko na malayo sa iyo.

"I love you, Mitch. Please make me the happiest man. Say yes. Marry me?" lumuhod ako sa harap niya at binuksan ang maliit na kahon na naglalaman ng singsing na alam kong gusto niya.

Nagsimulang tumulo ang luha niya.

Hindi ko alam kung masaya o malungkot ba siya.

Hindi siya makatingin sa akin.

Hinawakan ni Mitch ang kamay ko at sinara ang kahon.

"I'm sorry Miguel. I don't want to do this anymore. We need to talk..."


************************
Repost pala ito. Nakalimutan ko trilogy nga pala siya. Isa ito sa mga pinakauna kong isinulat na kathang-isip post sa blog na ito. At isa sa mga pinakamahabang kwentong isinulat ko.

Sundan niyo na lang kung ano ang naging dahilan ni Mitch kung bakit niya tinanggihan si Miguel. At kung ano ang kasunod matapos isara ni Mitch ang kahon.

Part 2
Part 3

Inspired ito noong una kong napanuod yung One More Chance. Wala lang, trivia lang.

Jan 26, 2011

PARANG MAYAMAN LANG

Lulubus-lubusin ko na ang pagpapakilala sa inyo, madlang bloggers. Marahil karamihan sa inyo ay alam na marami akong kaartehan sa buhay. Marami akong hilig. Bisyo. Noong unang panahon kasi, walang pinupuntahan ang pera ko. Wala akong pinagkakagastusan.

Only child kasi. Single.

Wag niyo akong gayahin, kasi hindi naman ako mayaman. Noong binili ko ang karamihan sa mga isheshare ko, utang yun. Tipong gives. At malaking discount. Madalas nagkakaroon ako ng buyer’s remorse. Sayang. Pero ayos lang. Nadadaan sa pagtitipid.

Pipicturan ko sana yung hitsura ng kwarto ko, kaya lang ang dumi. Saka na lang, pag sinipag akong ipalinis ito.

So heto ang nagpapalibang sa akin sa aking pag-iisa.

Si Halle at Sonia ang dalawa kong cellphone. Si Halle binili ko noong isang araw, habang higit apat na taon ko nang telepono si Sonia. Meron pa akong isang lumang telepono, pero sira na siya. Ayoko siyang kunan ng litrato, kasi maalikabok.

Ang aking mga consoles. Si Bebong, ang ikalawang Xbox ko. Si Percy, ang aking PS3. Si Pepe, ang PSP at si Ken, ang ikatlong Xbox na may Kinect. Syempre kasama na diyan ang mga games. Konti lang ang original ko, mahal kasi.

Ang isa sa pinakauna kong nakahiligan bago pa man ako natutong magbasa ay manuod ng pelikula. Ito ang aking DVD collection. Konti lang ang aking pirated dvd’s. Mas gusto ko original kasi mas madaming added bonus. Nagsisimula na ako ngayon mangolekta ng Bluray.


Syempre meron din akong prized possessions, ang aking mga comics. Iilan lang yan sa aking kinokolekta, pag pumasok ka sa kwarto ko, kung saan saan mo yan makikita. Iyan ang complete series ko ng The Walking Dead. Dyan napunta ang 13th month pay ko.

Marunong din akong magbasa. Ito ang iilan sa aking mga book collection. Mahirap silang kunan ng litrato kasi hiwa-hiwalay ang aking mga libro.

Dahil hindi naman ako kagwapuhan, kaya dinadala ko na lang sa pabango. Wala lang. At least kahit mukha akong basura, amoy mayaman naman ako.

Yan na muna. Babawasan ko na ang mga yan ngayon. May pinag-iipunan na kasi.

Tsaka madami pang utang.


Jan 24, 2011

HABANG WALA PA SIYA

Tutal malapit na ang Valentine's Day, sigurado akong marami nanamang mga tao ang madedepress dahil hanggang sa pagkakataong ito eh single pa rin sila.

Ang post na ito eh siguro masasabi kong para sa mga single ngayon para di masyadong nadedepress habang naghihintay o naghahanap sa taong para sa inyo. Ipapaalala ko lang po na hindi ang pagkakaroon ng lovelife ang dahilan kaya tayo nabubuhay sa mundo. Isa ito sa nagbibigay kulay sa buhay natin, pero di ito ang rason kaya tayo nandito. Hanggang sa marealize niyo yan, sigurado ako di mawawala ang depression sa buhay niyo.

Ayokong magpreach, dahil hindi ako pari. Kaya sisimulan ko na... Ito ang mga maaaring ninyong gawin habang kayo'y single pa.

MAG-IPON
Medyo self-indulgent itong post na ito, dahil eto eh mga bagay na dapat kong gawin din. Syempre gusto nating pagnakilala na natin yung taong para sa atin eh medyo stable na tayo, para naman di na kailangang maghintay ng matagal bago ninyo dalhin sa dambana ang inyong sinisinta. Kaya ngayon, habang wala ka pa namang ginagastusan masyado, eh magsimula ka nang magtabi para sa inyong kinabukasan. Alam naman nating lahat na major pogi points para sa mga babae ang lalaking may pera.

MAKIPAGKILALA KUNG KANI-KANINO
Habang wala pang magbabawal sa'yo na makipag-date kung kani-kanino eh lumabas ka at iexplore ang iyong mga options. Kaya masarap maging single eh dahil hindi ka natatali sa iisang tao (hindi ako nagrereklamo, I'm just saying). Kung hindi ka pa sigurado na ang kasama mo ang 'the one' eh maaari ka pang maghanap ng walang nasasaktan. Kung di mo kayang makipagdate, maghanap ka ng mga bagong kaibigan. Magandang foundation sa isang relationship kung nagsimula kayo bilang magkaibigan.

GAWIN ANG GUSTO NIYONG GAWIN
Habang wala pang pipigil sa inyo, gawin ninyo ang mga gusto ninyong gawin sa buhay niyo. Kung gusto mo magtravel, ngayon ang best time habang wala ka pang iiwanan at papasalubungan. Habang wala pang mangongonsensya sa inyo, go na kayo magbunjee jumping, mountain trekking, sky-diving, scuba diving, manuod ng sine, buong araw na inuman with friends o kahit ano na gusto ninyo. Malaya kang gawin ang gusto mo. Wala ka pang pagpapaalaman at magbabawal sa'yo. Magandang maexperience mo ito ngayon, para kung may syota ka na, may mga activities na kayo para sa mga date ninyo.

WORK
Pag busy-busyhan ka sa trabaho o sa kahit ano, madali mong makakalimutan yung pagiging single mo. Kasi may ibang nag-ooccupy sa isip mo. Maganda to kasi at least hindi ka malulungkot. Siguro mapapagod ka, pero at least kapalit naman nun pera, diba? Sabi nga nila, kung di ka swerte sa pag-ibig, malaking pag-asa na sa ibang bagay ay susuwertehin ka. Malay mo, baka sa trabaho mo yun mapupunta. Habang wala pa siya, eh mabigyan ka ng headstart para maging stable sa buhay. Pero, wag masyadong lunurin ang sarili sa trabaho. Ika nga nila, kelangan din natin ng work-life balance.

Eto eh mga mungkahi ko lamang, pero obvious naman ito. Madalas lang nakakaligtaan ng ibang tao dahil nagmumukmok at hindi pa nila nakikita ang kanilang life partner. Iniisip ko lang, na imbes magdrama sa buhay eh gawin nating productive etong mga panahon na ganito. Para pagdating Niya, eh wala na tayong hahanapin pang iba.

Jan 21, 2011

TSK TSK TSK

Wala sa akin kung hihiram kayo ng mga naisulat ko.

Pinost ko yan sa blog ko para mabasa ng karamihan. Di ko pinagdadamot ang mga sulat ko. Kung gusto ninyo ishare sa mga kakilala ninyo, ayos lang. Matutuwa pa ako. As in.

Pero sana, kung gagawin ninyo, ipaalam ninyo sa akin o kaya naman ikredito ninyo na nakuha ninyo sa blog ko yung post ko. Ang tawag kasi dun pag hindi ninyo binigyang kredito ang pinanggalingan ng sulat ninyo ay plagiarism. Pag-aangkin ng sulat ng iba.

Hindi ako madamot. Mangilan-ngilang beses kong nakita sa iba-ibang blogs ang ilan sa mga sinulat ko. At natutuwa ako na halos lahat sila nilink back sa akin yung original na post. Yung iba nagpapasalamat pa.

Sa totoo lang nakakataba ng puso kapag nangyayari yun. Ibig sabihin maganda yung pinupunto ko. O may sense yung sinasabi ko. At ibig sabihin din nun na binabasa ng mga tao yung mga lathala ko.

Uulitin ko, hindi ako madamot. Kung gusto ninyo ishare sa iba ang mga sulat ko. Malaya kayong gawin yun. Pero sana lang bigyan ninyo ng kredito yung orihinal na pinanggalingan ng pinopost ninyo.

Mano bang ilagay ninyo na nakuha ninyo yung post na yun kay gillboard. Kahit di na ninyo ilink back. Ayos lang sa akin.

Hindi po ako galit.

Disappointed lang.

Hay.

SOMEBODY SLAP ME

PS3

Xbox 360

PSP

Blackberry Curve

I’m not a techie, but these things are going to be the death of me. I have no idea how I’m gonna budget my barely minimum wage paying for all of this. And I’ve got to worry about Boracay for the summer on top of this. And I owe a couple of blog friends a little something something that I promised to give soon.

I’m spending like I’m single and rich, which I’m not, and that’s not good.

Sigh.

So from now on and until I get all of my debts paid, no more eating out. No more impulse purchases. No more unscheduled dates (I’m sorry hon). No pizza deliveries.

Just keep my expenses to a minimum. One thousand a week for the next four weeks, I think I can do that.

On the other hand, having a new Xbox is good for my 2011 goal. I’ve been sweating like a pig everyday since last week playing Dance Central. I’m not yet sure if I lost weight, but I don’t get tired easily anymore.

The first time I played it, I got exhausted dancing to Lady Gaga’s Poker Face on easy mode. Nowadays it takes me 2 playthroughs of Jay Sean’s Down, 1 of Benni Benassi’s Satisfaction, 2 of Rihanna’s Pon Du Replay and multiple tries of Calle Ocho’s I Know You Want Me before I get tired. Dancing’s a good workout. I may look ridiculous and stiff, but it’s still healthy.

Jan 20, 2011

LITANYA

“Putang ina niya talaga!!!

“Alam ba niya lahat ng ginawa ko para sa kanya? Lahat ng sinacrifice ko? Lahat ng binago ko para lang mahalin niya? Tapos yun lang?

‘I’m sorry. Goodbye’ lang ang sasabihin niya.

“Punyeta siya!

“Gusto ko siyang suntukin. Aaaaaaaaaaaaaaaaaargh!!!

“Gusto ko siyang murahin.

“Puta siya. Pinaglaruan niya puso ko.

“Shit. Akala niya siguro hindi ko kaya mag-isa. Pagsisisihan niya ginawa niya sa akin. Bullshit, babalik siya luluhod at magmamakaawa na tanggapin ko ulit. Hindi ko gagawin yun. Ina niya!

“Hindi ka kawalan, puta ka!!! Ako ang kawalan sa’yo. Wala nang maghahatid sundo sa’yo sa kung saang impyerno pinupuntahan mo. Wala ka nang mauuto bumili nito, bumili niyan. Wala nang magkakagusto sa’yo. Pinagsawaan na kita!

“Gusto ko siyang patayin! Kung hindi lang kasalanan ang pumatay, tangina matagal na kitang sinaksak!

“Siguro may ibang lalake siyang puta siya. Malaman ko lang, humanda sakin yung lalakeng yun. Bubugbugin ko yun. Bwiset sila. Mamatay na sila!

“Papatayin ko sila.

“Tang ina. Ang sakit sakit ng ginawa niya sakin.

“Ang sakit sakit.

“Shit, pero mahal ko pa rin siya.”

Tahimik akong nakikinig sa litanya niya. Tahimik na nanunuod habang nilulunod niya ang sarili sa beer at alak. Natatawa. Naiinis. Nalulungkot.

Hindi ko alam kung sino ba talaga ang tunay na tanga? Siya ba dahil nagpapakalasing sa isang taong walang kwenta? Yung puta dahil iniwan siya?

O ako dahil patay na patay pa rin sa kanya?






Kahit alam kong wala kaming pag-asa.

Jan 17, 2011

KINECT

It was about 22 years ago when I was first introduced to the world of video games. Pacman and Super Mario were the most popular games back then. I remember not wanting to go home because I wanted to finish off King Koopa and save Princess Toadstool.

Video games have gone a long way from back then.

Last Saturday, I came home giddy like a child. I’ve brought home my shiny new Xbox 360 complete with their newest peripheral the Kinect.

Kinect is the newest gaming technology that uses motion capture to play their games. There’s no need to have a motion sensored remote or Move controller, you just move your body and your avatars will move like you too.

The first time I got in front of the Kinect, I immediately felt like I was in the movie Minority Report. You know the part where they were using the computers moving pages by waving their hands. It felt exactly like it.

Immediately l fell in love.

The system was responsive, that’s all I’ve got to say. Whatever I was doing in front of the camera, my character was doing it too. This is a great thing to have if you have parties because it’s a lot of fun to play with. When my mom and dad saw that I bought my third xbox, they were disappointed at me. I’m not saving money, they told me. But when they saw me play Dance Central, two minutes in, they were behind me following the dance steps on tv.
I’m pretty sure I’m going to lose weight now. Before when you play video games, you only sit on your couch or bed and just let your fingers do the playing, but now, it’s interactive. You have to kick if you need to kick a ball, punch if you’re playing boxing, jump if you want to jump and dance if you’re playing Dance Central. There’s even a game that helps you work out and break a sweat. I’m going to buy that one on February.

I currently have three games for my Kinect. Kinect Adventures, a party game that came with the unit I bought. This is a series of mini games that have you dodging balls, river rafting, racing and over 15 other short games. I haven’t had a lot of time playing this game yet.

Kinect Sports is obviously a sports title. Here you can play Soccer, Boxing, Table Tennis, Volleyball and Track and Field. This is a fun party game. You can team up or go against your friends playing short games. I personally liked track and field. I got tired easily playing this game.

But the best title I have in my library is Dance Central. Obviously, this is a dancing game. You don’t need to step on a floor mat with arrows anymore. You do exactly what your dance trainer is doing. There are 31 songs you can dance to, and they vary from classic disco tunes to the some of the current pop tunes.

This game is what we’ve been playing since I got the xbox. My niece was the one who got me all of the available songs because she dances very well. I have memorized I think a couple of songs and do good on some of the titles. This is my workout title. A couple of songs in, and I’m already sweating like a pig. I don’t really care if I look like an idiot flailing my arms around and doing the chooga chooga to the tune of C’mon Ride the Train. This is a lot of fun!

My early favourites are Lady Gaga’s Poker Face (because this is the easiest), Jay Sean’s Down, C’mon Ride the Train (I love doing the propeller), and Pitbull’s I Know You Want Me (this is my dad’s favourite too, I think).

Now, I’m not worried bringing people home because we finally have something awesome to do.

KINECT PARTY NAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!

FUN FACTOR: 10 out of 10 stars.

Jan 15, 2011

GOOD VIBES 2

Pangalawang beses ko nang nasabihan na mahinhin daw ako.

Di ko ito matanggap!!! Hindi ako mahinhin.

Refined ako. Refined!!!

***************
Panalo din itong araw na ito.

Nakuha ko ang matagal ko nang ninanais na PSP.

Brand new.

Worth twenty five thousand sa original na pinagbilhan.

Seven thousand ang benta sakin.

Two gives.

***************
Panalo ang Friday ko.

Mapaligiran ka ba naman ng mga gwapong blogger tsaka isang magandang reader.

Sobrang nag-enjoy ako.

Wala akong pakialam na ako ang odd man out.

Di naman ako single. Joke!!!

Salamat sa pag-imbita at pakain Coldman!!! It was great meeting you. Ingat sa pagbalik sa US!!!

Nice to see you again Makmak (salamat sa peace offering) and Bob.

Nice to finally meet you Doc Ced!!!

At kay Mitch, nice to meet you too… wag ka na papasaload sa boylet mo ha!!! :P

***************
Mamaya naman si Chyng at hopefully si Klet and Shamai.

At ang pinakahihintay ko na bagong Xbox 360 na may Kinect.

Kinect Party na!!!

***************
45 people like Gillboard na sa Facebook!!!

Thank you sa lahat ng naglike.

At least kahit papaano nagwork naman ang pagmamakaawa ko.

The best sa lahat ay di lahat yun alam kong kablog ko.

Di niyo alam kung gaano niyo napapataba ang kinokolesterol kong puso.

***************
This is an awesome weekend.

Good vibes everyone. Happy payday weekend!!!

Jan 14, 2011

THE TRUTH ABOUT THE EPIC FAILS

A couple years back in my other home I wrote about a few of my failed worldly escapades. A journal of some of the dumbest things I did when I was still younger.

Mind you, my blog back then was a straight blog, so to avoid being found out, I kept some details regarding my trysts. I don’t want to lie in my blog, so I wrote it in Filipino to avoid specifying the gender of my partners back then.

I’ve been backreading my other blog looking for something to write for this home when I stumbled upon that particular post. I thought why not tell the truth about those escapades. So I decided to translate it and share what really happened then.

Here’s the original post if you want to compare.

WHY I NORMALLY DON’T BRING PARTNERS HOMEApart from my partner, I normally don’t bring guys to my home. I have nosy neighbours who tell my parents every detail of what they hear or say about other people. I’m the single guy in the street. I don’t want others thinking I’m not straight since most of them have been bugging me to go out with their daughters or not so hot lady friends.

Anyway, I was still in college when I brought someone home. Back then we lived in the old house. It was a bungalow. Unlike now wherein I sleep in the 2nd floor, back then my room was just beside the backyard. The guy I brought home was Jason (I mentioned him a couple of times already… he was my obsession).

He was really hot and our libidos were scorching. So we decided to lock ourselves up in my room. To cut the story short, we just popped in a porn video and started mimicking what we were watching.

In the middle of doing the dirty little deed, in the middle of delirium, my eyes chanced upon my bedroom window. And there it is the most shocking sight to behold. On the other side of my bedroom window was my grandmother.

We stared at each other for like forever. And when she finally realized she was staring at her grandson, she immediately left.

She said, “don’t mind me I’m just pulling out the laundry.”

WHY I DON’T DO SOPIf you ask me now I really don’t get the phone deed. I’ve only done it recently because me and the Kid, we don’t really see each other often. But doing the deed with strangers, I’m really baffled by it.

Back when I was still single, if someone said that they wanted to do it with me, I’d immediately cut communications with that person. It doesn’t really turn me on.

Maybe because the first time I did it, I did it with a girl. And it was hilarious. Here’s what happened.

Remember when I was really young, I was addicted to those text channels where you send your number on air hoping to find other horny teen-agers. I did meet one girl. She was game. And she sounded really hot. And I was really horny.
I was actually looking to really score that night, but the girl didn’t want to, so I settled with the phone deed. In fairness she seemed to know what she was doing. She was describing what she was doing. Taking off her clothes. Her undies. She was asking me to moan for her. And I was doing what she asked me to do.

But then she said, “shit, nangingisay ako!”

I was like huh? WTF?! Did she just say nangingisay? And I imagined her having seizure or being electrocuted or something. And I laughed hysterically. I can’t stop laughing because I was imagining her having seizure.

Yeah, she dropped the phone on me.

WHY I DON’T DO SEB
That text channel was like the source of some of my epic fails in my youth. I’ve had a few hits with the channel (with Jason and some other hot one night stands), but a lot of the people I met there were epic fails.

I think I was enjoying unemployment that time so midnights are really like afternoons for me. I was always tuned in to that channel hoping I’d find someone interesting… or really horny. I found the latter.

The guy I met was witty. He was funny and he seemed really smart. He wasn’t boring. And he sounded like he was really good looking on the phone. So we flirted for a couple of days. Then he invited me over to his apartment since he said he was alone that time. I was horny (obviously) so I thought what the heck. We need to have sex every once in awhile. And there I went.

I really had this picture of the guy in my mind from listening to his voice. He kind of sounded like that kid from the Mara Clara remake. He really sounded good. Like when God showered man with great voices he was up front and center. But he left just in time when God gave away good looks.

He was really a challenge to look at. I was like, fuck, what have I gotten myself into?! But what can I do really, I was already there. And he was already all over me, kissing my neck, grabbing my crotch. He was in heat, and unfortunately I was the sun. He pulled my shorts and started sucking. But I wouldn’t get stiff. It was the longest five minutes of my life. When I couldn’t take it anymore, I pulled it out of him and put on my clothes. I apologized and I left hurriedly.

Just as I left their gate it started raining. It was a different kind of wet that I wanted to that night.

WHY I ALWAYS BRING CONDOMSI think it was about six years ago when I met another horny guy in the text chatroom. I’ve had so many fails already that time that I got smarter. Before meeting up with people I first look at their Friendster profile. And at that time I hit the jackpot.

The guy was not bad to look at. He had a great figure. And best of all he liked me too.

We both didn’t have a place back then so we decided to rent a room. We went to Eurotel in Las PiƱas. We were already in heat even before getting there grabbing each other every chance we got. When we got in the room, we were all over each other. Kissing. Licking. Necking. Petting. Whatever, it was game on! It was my first time doing it in a motel and I wanted it to be great. But then he asked me…

“You have protection?”

“What?”

“Condom?”

“None, I’ll just pull it out when I’m almost there…” I said.

“No, I don’t do it without protection.”

Fuck. I didn’t have one. Well I did, but it was four years old. And I didn’t think to buy one on the way. We were horny as hell, but we didn’t want to buy one anymore. And I didn’t want to ring room service if they have one because it’s embarrassing.

We ended up just jerking each other. So anti-climactic.

We slept beside each other with a pillow in between us.

******************
Relish this post as I don't do this normally in my blogs and probably wouldn't do this again for a long time.

Jan 13, 2011

LAB STORI

"Paano ba tayo naging magkaibigan?" tanong ni Sofia kay JP. "Seryoso JP, nagtataka ako kung paano tayo naging close, eh napakaantipatiko mo."

"Loko. Ako rin nagtataka kung bakit ako nagdididikit sa'yo, eh parang hindi ka nagsisipilyo!" sagot ni JP. Kolehiyo pa lang nang magkakilala ang dalawa. Hindi sila nagkasama sa iisang pamantasan, pero naging magkaibigan dahil sa iisang barkada. Parehong nanggaling sa maykayang angkan ang dalawa. At dahil pareho ng mga hilig, kaya't naging magkalapit ang isa't-isa.

"Gago! JP ipapaalala ko lang sa'yo babae ako kaya mag-ingat ka sa mga sinasabi mo," mahilig pagtripan ni JP si Sofia, kaya't madalas mag-away ang dalawa. Gayunpaman, sa kanilang barkada, silang dalawa ang pinakamagkadikit.

"Babae ka dyan? Tingnan mo nga braso mo, mas malaki pa kesa akin!"

"Sira! Bakit ka nga pala pumunta dito?" nakaupo ang dalawa sa bubong sa labas ng kwarto ni Sofia. Malamig ang gabi. Tanaw mula dito ang makikislap na Christmas lights na umaadorno sa mga bahay sa paligid nila. Makukulay, sumasayaw, masarap titigan.

"Wala lang. Wala akong magawa sa bahay eh. Dapat sasama ako kina Dino, kaya lang magdedate daw sila ni Carla, ilang naman kung makisingit pa ako. So naisip ko, may pagkaloser ka, kaya sasamahan na lang kita."

"Eh kung tinutulak kaya kita dito sa bubong nang mabalian ka?!"

"Wag naman, mababawasan ka ng gwapong kaibigan!" biro ni JP.

“Weh, kalalaki mong tao, ang arte mo!”

Napatigil si Sofia. Ngayon lang niya napansin na maganda pala ang ngiti ng kaibigan. Mukhang masaya siya ngayon. Noong una niya itong nakilala, may pagka-emo ang drama nito. Palaging galit sa mundo, at hindi marunong ngumiti. Walang ibang alam kundi magreklamo, at hindi nakukuntento sa anumang ibigay dito. Marami nang nagbago sa loob ng dalawang taon. Lahat nang ito'y napansin niya noong gabing iyon.

"Alam mo ba na kapag bilog ang buwan, minsan nag-iiba ang ugali ko?" sabi ni JP.

"Ano ka werewolf?!" biro ni Sofia kay JP. Napalakas ang tawa nito.

"Hindi ganun. Yung tipong pag masaya ako, mas doble yung saya ko. Pag tinotopak ako, sobrang kulit ko. Kapag malungkot ako, parang suicidal ako."

"Naku, ipatingin mo sa abugado yan. Delikado.” sabay tawa. Napansin ni Sofia na hindi tumatawa si JP. Tumingin ito sa buwan. Bilog ito noong gabing iyon. Maganda, napapaligiran ng mga makinang na bituin. Lumingon ulit si Sofia kay JP at napansin na nakatingin din ito sa buwan.

"Ano naman ang nararamdaman mo ngayon?" tanong ng dalaga.

Nakatitig pa rin sa buwan si JP. Nakangiti. Lumingon kay Sofia. Huminga siya nang malalim na parang nag-iipon ng lakas.

Tumabi ito kay Sofia at hinawakan ang kanyang kamay sabay sabing "masaya."

***************
Ito ang isa sa mga pinakaunang fiction na naisulat ko. Share ko lang, wala kasing laman ang utak ko ngayon.

Jan 11, 2011

NO SUGAR COATING

“I want to talk to you, but when you’re there, I don’t know what to say anymore.”

“Don’t be clingy.”

“I just want you to be malambing.”

“I wouldn’t want you to be mature if that means you’d lose the things I love about you.”

“Last night, I was so angry that I could have broken up with you.”

“You don’t know me.”

“I wouldn’t be patient for you all the time.”

“Talk to me when you don’t have tantrums anymore.”

“Do you still love me?” “I don’t know.”

“Stop saying sorry if you’re still going to do it.”

“I’m getting tired.”

“Do you want to cool off?”

That’s how the Kid and I are when we fight. But none of us wants to give up. More than anything I know we love each other. It hurts when you hear those words again in your head. I’m sure he feels the same way.

Everyone goes through this.

We’re fine.

I’m just writing this, because it only sank in that words when said, they hurt. I want to remember how much it does so I’ll be careful in saying them.

Jan 10, 2011

MASAYA MALUNGKOT MASAYA MALUNGKOT

Malungkot ako.

Malungkot ako kasi napalungkot ko yung mahal ko.

Kasi madalas insensitive ako. Minsan may nasasabi ako sa kanya na hindi niya nagugustuhan. Kasi nasasaktan ko siya ng hindi sinasadya.

Babawi ako sa kanya. Kasi mahal ko siya.

***************
Noong Sabado, nagyaya ako ng ilang kaibigan sa bahay upang magdiwang ng no-parents weekend. Dapat Kinect party yun, kaya lang minalas at hindi pa dumating yung aking pinakahihintay na Kinect. Sa weekend pa.

Masaya siya. Mas lalo kong nakilala yung mga niyaya ko. Sayang hindi kami kumpleto, pero okay lang. Ang mahalaga ay naubos yung pagkain. Nanghihinayang lang ako, at hindi naubos yung inumin. Meron pa akong isa’t kalahating bote ng The Bar at madaming bote ng Red Horse.

Sino Gusto?

***************
Speaking of which, nagpapasalamat pala ako sa mga dumating. Ang saya na mas lalo mong nakikilala yung mga kaibigan mong blogero. Kahit tinulugan ka habang nagkukulitan pa kayo.

Salamat nga pala kina Boris (na dinayo pa ang lugar naming kahit galing pa siyang Quezon Province at uuwi ng Novaliches), Gincie (na galing pa ng party at iniwan ito para makasama kami.. kahit di niya naabutan si Boris) at kay Jayvie (na kahit ang pinakanaunang natulog eh panalo ang dinalang cake para samin).

Appreciate ko yun ng sobra.

Sa susunod meron na talagang Kinect at magsasayawan na tayo.

***************
Naisulat ni kaibigang Ro Anne na ang first impression niya sa akin ay mahinhin akong magsalita. Hindi ako ganun. Shy lang ako. Barubal ako sa personal. Pero syempre dahil first time ko nakilala lahat ng nameet ko dun, medyo tame ako.

As usual, nainggit ako sa kanya kaya gagawa din ako ng ganyan one of these days. Mga first impressions sa mga nakilala kong bloggers.

***************
Sa Byernes at Sabado ay may makikilala nanaman akong mga bloggers. Huli na sila. Promise. Iilan na lang ang mga manunulat ang hindi ko pa nakikita sa personal. Quota na ako sa buhay ko yata.

Unless tamaan ako ng topak at magdesisyon na magbirthday party.

Matagal pa naman yun. Lampas isang buwan pa. Medyo kailangan ko ring magtipid dahil may panibago akong mga utang.

***************
Speaking of birthday. This week makukuha ko na ang mga regalo ko sa sarili ko sa kaarawan ko.

Hindi ko alam kung ano meron, pero ngayong taon feeling ko magiging magastos ako.

Ganito kasi yun, ngayong linggo ko bibilhin ang aking bagong Xbox360 na may Kinect. Tapos naengganyo (nauto) ako ng aking kaopisina na bilhin ang kanyang binebentang brand new PSP. 7k lang kasi. Tapos 2 gives. Kaya di ko na pinakawalan.

Buti na lang diet mode nako ngayon. Gagapang na lang ako sa gutom sa mga susunod na buwan.

Tapos kelangan ko din pala bayaran yung ticket para sa Boracay vacation ko este wedding pala sa Mayo.

Hay ang tagal dumating ng grasya. Kelan ba ako mapopromote?!

***************
Huling pagmamakaawa ko na ito. Tutal nafigure out ko na kung paano iadd yung widget sa blog ko (salamat kay Boris), pero regalo niyo na sakin yung paglike sa Facebook page ko. Di naman ako nanghihingi ng picture greetings o kahit ano. Yan lang. :D

Di yun fan page. Gusto ko sana parang community yun kung san pwede ako makapag-interact sa mga kapwa ko manunulat at dun sa nagbabasa ng blog ko.

Pa click lang nito...

Salamat.

***************
Masaya malungkot. Masaya malungkot.

Ganun yata ang buhay. Binabalanse para natututo tayong tumapak sa lupa.

Jan 7, 2011

BAGO MAGTRENTA

Isang taon na lang pala ang nilalabi ko sa 20’s age range. Iniisip ko, dati ang tanda ko na pero wala pa ako masyadong nagagawa sa buhay. Pero ang nakapagtataka ay marami pa rin akong naisusulat dito sa blog ko.

Naisip ko marami na akong nagawa, pero feeling ko marami pa rin akong hindi nagagawa. Marami pa ding hindi natutupad. Madami pang gustong gawin.

Sa susunod na buwan, 29 na ako. Iniisip ko kung ano ba ang gagawin ko ngayong taon. Paano ko susulitin ang huling taon ko sa 20’s? Dapat ba pinuproblema ko ito? At kung meron man akong gagawin, may budget kaya ako na gawin ito?

Pero saka ko na yan pagninilaynilayan. 28 pa rin naman ako. At ito ang mga nagawa ko noong nakalipas na walong taon.

Nagsimula magsulat tungkol sa buhay.
Nasabitan ng gahiganteng medalya dahil mataas ang IQ.
Nagtapos ng kolehiyo.
Naging best man sa kasal.
Nagpaloko sa pag-ibig.
Nabasted.
Nagtrabaho sa call center.
Nagbayad sa panandaliang ligaya.
Naging boss.
Naging speaker sa isang klase.
Nagpaiyak ng madaming buntis.
Nagbuhat ng bangkay.
Naranasang dalhan ng pagkain sa opisina ng taong gusto niya.
Nagsarili.
Pumayag maging kabit.
Nag-out sa mga piling tao.
Nakakilala ng mga panghabangbuhay na mga kaibigan.
Nainlab ng sobra sa di dapat mahalin.
Muntik magpakamatay.
Binitawan ang pagiging boss para magsimula muli.
Bumalik sa mga magulang.
Nagtrabaho ng pang-umaga.
Naterminate.
Nakamove-on.
Naglako ng kung anu-ano sa mga building.
Naban sa building.
Bumalik sa trabahong panggabi.
Nambasted.
Bumili ng gamit para sa sarili.
Nakatungtong ng New Zealand.
Nakaranas ng Winter at Spring.
Nakaranas bumili ng mga pasalubong.
Pumasok sa beerhouse.
Humawak ng dede ng dancer.
Medyo nandiri.
Gumawa ng kalokohan sa banyo sa opisina.
Naharass ng bading sa bus.
Nakipagkilala sa mga kaibigan sa internet.
Nanloko at nangaliwa.
Nagmahal. Nagmamahal.

Madami na yan. Pero parang kulang pa rin. Tingnan natin pagtungtong ko ng trenta.

********************
PS ULIT: Sa mga nagbabasa, early birthday gift niyo na sa akin ‘to. I-like niyo naman yung page ni Gillboard sa Facebook. Pa-click lang
ito...

Maraming Salamat!!!

Jan 6, 2011

CHICKBOY

Oo na. May double meaning ang title. Hindi ako chickboy dahil lang ako’y matinik sa chicks pero dahil pwede ako sa chick at pwede din sa boy.

Hayaan niyo muna akong magbuhat ng bangko ng sandali. Ang inyong lingkod kasi ay nakatanggap ng isang liham sa facebook noong isang araw. Nominado daw ako sa isang patimpalak kung saan nililista ang 100 sa pinakapoging blogger sa blogosperyo.

Pwede ba magwithdraw? Ako na mismo ang magsasabi, hindi ako gwapo!

Anyway, syempre dun sa nakaisip na ilista ang pangalan ko. Maraming salamat, pero kailangan mo yata ng salamin. Marunong lang ako magsulat. Period.

At dahil sa nominasyon na iyon, naisip ko tuloy na isulat ang lahat ng mga nakadate, naligawan, naging syota, nabasted at kung anu-ano ni Gillboard simula nang magsulat siya sa blog na ito (5 years of whatevers). Ieexempt ko muna si Kasintahan dito, baka magsawa na kayo sa mga kwentong Kasintahan ko.

Oo na. Ako na talaga!!!

SI MONDAYSi Monday yung aking nakakasabay sa fx sa pagpasok mga dalawang taon na ang nakakaraan. Sa mga nagbabasa ng blog ko noon pa, sorry, pero ang totoo lalaki po si Monday. Nagtatrabaho siya sa may PBCom Tower noon (di ko alam kung hanggang ngayon). Tinawag ko siyang Monday dahil nagkakasabay kami tuwing Lunes lang. Di ko alam kung bakit, pero Lunes lang talaga kami nagkikita. Walang namagitan samin. Puros titigan. Sulyapan. Ngitian. Dikitan ng braso at tuhod. At napakaraming awkward silences. Huling nakita ko siya, nag babye siya sa akin sa fx paglabas ko. Looking back, sign na yata yun na wala talaga kaming pag-asa. Not meant to be ang drama.

SI DATESi Date eh unintentionally, nabasted ko kasi wala akong kwentang kausap. Sinong mag-aakala, pero girl naman ito. Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin at nageksperimento akong maging straight noong mga panahong iyon. Dahil siguro nagsisimula na ang summer nun at gusto kong mag-init. Hindi ko talaga alam. Mabait si Date. Maganda. Nadevelop sa akin. Pero noong nagsimula na siyang magparamdam na may pag-asa ako pag niligawan ko siya. Ako yung umatras. Binasted ko siya. Nang hindi sinasadya. Nasabi ko lang naman na hindi pa ako handa na pumasok sa relasyon. Hindi na kami nag-usap after nun.

SI DESPERATE TEXTMATESiya ang dahilan kaya ayaw ko ng mga textmate. Magpapasko noon. At syempre dahil ilang taon din akong kasapi ng SMP, gumawa ako ng paraan para maging excluded nun. Unfortunately, nakilala ko si DT. Lahat ng senyales na di ko siya dapat patulan ay nakita ko. Jejemon siya magtext. Ang panget ng boses niya. Isa siyang malaking negastar. Pero mas malakas ang hatak na ayaw kong maging depressed sa Pasko kaya di ako tumigil. Kaya nung araw na nagkita kami, hindi na ako nagulat sa nakita ko. Oo, panget ako, pero siya… Medyo nasuka ako ng konti, at nalunok ko ulit ito. At ang nakakaloka, gusto pa niya maghalikan kami sa harap ng fountain sa MOA. Hindi ko yun kinaya. Tumakbo talaga ako nung nagpaalamanan na kami. Di ko siya kiniss.

SI SINGERSaglit lang ito. Isang date. Nanood kami ng Villa Estrella kasi walang masyadong tao. Akala niya pwede ako gumawa ng milagro sa sinehan. Hindi no. Binatang Pilipino kaya ito. Sa CR ako gumagawa ng milagro at hindi sa sinehan (isang malaking JOKE). Aaminin ko, kamunduhan lang talaga ang habol naming sa isa’t isa pero ayaw ng kapalaran na maging makamundo kami. Tuwing may nagyayaya sa amin na lumabas, palaging hindi pwede ang isa. Hanggang sa nagkasawaan na lang.

SI INDIE ACTOREx ko siya. Hindi siya sikat. At isa pa lang ang pelikula niya. Pero may hitsura siya tsaka fan page. Maliit nga lang (ang height). Eto katawang lupa lang talaga ang habol naming sa isa’t isa. Dahil may chemistry kami sa kwarto. Pero pag nagaattempt kami na kilalanin ang isa’t isa laging sa away nauuwi ang usapan namin. At saka nakunsensya ako. Subordinate ko siya sa opisina ko dati. Sobrang bad ko nung kami pa. Di bagay sa akin.

Madami pa akong naging mga pagkakamali na kulang ang dalawang blog para ilista. Pero dun ako natuto. Sa kanila ako nagmature. At sila ang naging dahilan kung bakit, kahit papaano ay nagiging mabuti akong kasintahan ngayon.

Pero hindi talaga ako pogi. Promise. May appeal lang.

*****************
PS: Meron po akong ginawang Facebook Page para sa blog na ito. Ilike niyo naman. Parang awa niyo na.

Click niyo lang ito...

Thank you.

Jan 4, 2011

LAGLAGAN II (THE BLOGGERS)

Dahil kakagaling ko lang ng isang bloggers meet-up ngayong gabi, naisip kong ilaglag lahat ng kalaglag-laglag sa lahat ng mga nakilala kong mga kapwa manunulat sa blogosperyo.

Sino kaya ang mga bloggers na may sikretong ayaw malaman ng publiko? Sino ang hindi nagpapakatotoo? Sino ang malibog? Sino ang may hindi ginawang kanais-nais sa kapwa blogero? Sino ang pinakaplastik? Sino ang pinaka-emo sa personal? Ang pinakamayaman? Ang pinaka user-friendly? Sino ang may lihim na pagnanasa kanino?

Simulan na...

Biro lang!!! Wala akong alam. Wala pa naman akong nararanasang ganyan? Wala talaga akong alam.

Wala lang, gusto ko lang kabahan ang mga magbabasa nito.

Syempre Good Vibes tayo ngayong 2011!! Ayaw ko ng kaaway. Peace lang.

**********
Masaya ang simula ng bloglife ko ngayong 2011, dahil umpisa pa lang eh, talagang maganda na ang aking naging karanasan.

Gaya ng sabi ko, galing lang ako sa isang Blogger’s Meet-up sa Metrowalk. Nakilala ko na rin sa wakas ang ilan sa mga bloggers na matagal-tagal ko na ring naging kaibigan dito.

Unahin na natin yung nag-aya ng pagtitipon na si An Indecent Mind. Si AIM na natutuwa ako, at maliban sa s3x, eh nasama kaming mga kaibigan niya sa blogosphere sa kanyang itinerary. Nakatanggap pa ako ng sosyalin na regalo mula sa kanya. At dahil dun, eh hindi ko siya ilalaglag.

Nakilala ko rin si Roanne. Sabi ni Kasintahan ang ganda daw niya. Agree naman ako. Pero bigla akong kinabahan, mukhang gustong bumalik sa pagiging tuwid nitong ni Kasintahan. Nangamba ako ng konti. Di ko alam kung ano yung number mo, Roanne, pero sobrang ikinagagalak kitang makilala. Salamat sa regalo. Ingat ka sa biyahe mo mamaya.

Nakilala ko rin si Salbehe. Ewan ko, pero pinagpawisan ako dito sa babaeng ito. Di ko kinaya ang mga tanong. Nung una, akala ko simple lang, kasi tungkol sa trabaho. Ganun-ganun. Tapos nung nakainom na… ewan ko ba. Natakot ako!!! Promise!!! Uy, pero natuwa ako sa kanya. Yun yung mga gusto kong kasama, walang hiya-hiya. Hindi ka mababato.

Nandun din si Maelfatalis, na masarap ding kausap dahil isa pa itong walang preno kapag magkwento. Ang saya lang. Medyo feeling ko nga, naturn-on si Kasintahan sa mga kwento niya, pero ayos lang.Hindi ako nagseselos. Hahahaha

Andun din sina Yanah at MarcoPaolo. Matagal ko na silang kablog, siguro 09 pa or 08, pero ngayon ko lang nakita. Sa wakas!!! Ang kulit nilang dalawa. Para silang may sariling mundo. Hehehe

And mga bagong kakilala gaya nina Madz at MJ (tama ba? Sorry kung hindi!) na sana’y malaman ko kung ano ang blog.


**********
Meron pa ako siguro dalawang grupo na imimeet sa susunod na linggo. Pagkatapos nun, siguro quota na ako. Nakilala ko na naman halos lahat ng sinusundan ko. Ilan-ilan na lang ang hindi pa.

Yung iba kasi, ayaw daw akong maging kaibigan, kaya hanggang ngayon ayaw pa rin akong siputin. Pero okay lang. Naka-move on na ako. Kahit ang sakit sakit (joke lang).

**********
Sana’y walang naputukan sa inyo noong bagong taon. Saka na yung matinong post. Vacation mode pa ang utak ko ngayon.

Jan 3, 2011

IN 2011

No New Year's Resolution this year.

No goals that I know I won't be able to achieve.

Nothing new this year.

I only have one.

One that I wanted to achieve since 2008.

I don't care about my savings.

I already have a lovelife.

New friends won't be hard to find.

And I love the friends I have now.

And I'm pretty sure I'm going to get promoted this year.

So I only have one thing to achieve in 2011.

I will lose weight.