Only child kasi. Single.
Wag niyo akong gayahin, kasi hindi naman ako mayaman. Noong binili ko ang karamihan sa mga isheshare ko, utang yun. Tipong gives. At malaking discount. Madalas nagkakaroon ako ng buyer’s remorse. Sayang. Pero ayos lang. Nadadaan sa pagtitipid.
Pipicturan ko sana yung hitsura ng kwarto ko, kaya lang ang dumi. Saka na lang, pag sinipag akong ipalinis ito.
So heto ang nagpapalibang sa akin sa aking pag-iisa.
Si Halle at Sonia ang dalawa kong cellphone. Si Halle binili ko noong isang araw, habang higit apat na taon ko nang telepono si Sonia. Meron pa akong isang lumang telepono, pero sira na siya. Ayoko siyang kunan ng litrato, kasi maalikabok.
Ang aking mga consoles. Si Bebong, ang ikalawang Xbox ko. Si Percy, ang aking PS3. Si Pepe, ang PSP at si Ken, ang ikatlong Xbox na may Kinect. Syempre kasama na diyan ang mga games. Konti lang ang original ko, mahal kasi.
Ang isa sa pinakauna kong nakahiligan bago pa man ako natutong magbasa ay manuod ng pelikula. Ito ang aking DVD collection. Konti lang ang aking pirated dvd’s. Mas gusto ko original kasi mas madaming added bonus. Nagsisimula na ako ngayon mangolekta ng Bluray.
Syempre meron din akong prized possessions, ang aking mga comics. Iilan lang yan sa aking kinokolekta, pag pumasok ka sa kwarto ko, kung saan saan mo yan makikita. Iyan ang complete series ko ng The Walking Dead. Dyan napunta ang 13th month pay ko.
Marunong din akong magbasa. Ito ang iilan sa aking mga book collection. Mahirap silang kunan ng litrato kasi hiwa-hiwalay ang aking mga libro.
Dahil hindi naman ako kagwapuhan, kaya dinadala ko na lang sa pabango. Wala lang. At least kahit mukha akong basura, amoy mayaman naman ako.
Yan na muna. Babawasan ko na ang mga yan ngayon. May pinag-iipunan na kasi.
Tsaka madami pang utang.
pambihira.., walk of the dead... pahirap ako hehehe... daming cologne ha hehehe.. collection item mo din yan.. ako din.. hehehe :D
ReplyDeletepalaro ako minsan ng psp mo hehehe :D
walking of the dead pala.. wrong typo ammpness!
ReplyDeletekuya GIBO, alam mo bang favorite ko din ang mga perfumes? pahingi ako ng isa. kahit bawas na. lol
ReplyDeleteikaw na ang nakablackberry! ano bbm pin mo? (kung makapagtanong ako akala mo nakablackberry ako e. haha)
Pareho tayo ng selpown. At mahilig din ako sa pabango kasi hindi din ako kagwapuhan. LOL!
ReplyDeleteNooooo!!! Bad. Box your comics, dude!
ReplyDeletePeople tell me console gaming is not expensive. But you're on your 3rd Xbox 360 already.
TEKA, papano mo babawasan ito? Pwedeng pakibato sa bandang dito? Hahaha! Pareho tayo ng selepono. BBM tayo! 22B08221
ReplyDeletemahilig ka pala sa pabango. wag mong bawasan. bumili ka na lang ng alternatibo na de-kalidad pero mura. *ehem* may perfume business ako. LOL.
ReplyDeletehahahaha!!! garapalang plugging na ito. :p
grabe! walang hilig sa gadgets yan.hahaha
ReplyDeletemeron bang giveaway o paraffle dyan para mabawasan yan sir?ahehehe joke
wow. ang gara ng mga kagamitan mo :)
ReplyDeleteAng hilig mo pala mangolekta.
Isang unsolicited tip lang. DOn't feel guilty sa pagbili mo ng mga kagamitan mo. Feel happy dahil nabili mo yan. Wag mong isipin yung pera. You deserve it with no regrets. Sagad sagadin mo na ang kasayahan na madudulot niyan :) What is money? Paper only.
The joy, the glory, the triumph it brings - priceless.
ahm.. hello po. kung balak nyo pong mamigay ng pabango at mga ilang books dvds comics etc etc. PM ko address ko. joke. haha!
ReplyDeletenakakatuwa lang na may mga pangalan ang mga gamit mo. =)
wv: angstrap
pang mayaman naman talaga. asteeg naman, nainggit ako sa mga game consoles at sa mga pabango.
ReplyDeleteweeeeeeee... ang yaman naman.. pwede hingi ng pabango.. wahehhe... ako din sa susunod mangongolekta na ako ng pabango.. wahehehe... chaka ayun o walking dead... wahehehe
ReplyDeleteala- Imelda M. sa pangongolekta...paarbor naman ng isa..hehehe
ReplyDeletehabang pababa ng pababa ako sa pagscroll ako ay napapa WOW! WOW! isa pa... WOW! hehehe
ReplyDeletende ka naman mahilig mangolekta nyan
ReplyDeleteayus collection mo ha..ako mahilig akong ma ngolekta ng pera, kaya lang lagi ko nagagastos,hehehe
ReplyDeletehuwaw..
ReplyDeleteparang nahiya naman ako sa sarili ko..travel lang talaga yung bisyo ko eh...huhuhu..
ReplyDeletepareho tayung mahilig sa pabango...hindi naman kasi gwapo.wahhahaha,,
you already!
ReplyDeletebat ang dami mong xbox? :O
ReplyDelete(TEKKEN 6 TEKKEN 6 TEKKEN 6)
Zafinaaaaaa
(sorry. adik lang talaga ako kay Zafinaaaa)
waaaah yun din napansin ko..may pangalan pa talaga sila... one time naiinggit ako pinangalanan ko din mga gamit ko..kinabukasan di ko na maalala..
ReplyDeletepangarap kong phone si sonia mo..
Nice stuffs you got there Gillboard. Ang bango bango mo cguro. I like guys na mabango. Paamoy at pa kiss nga. hahaha :)
ReplyDeleteJust kidding.
kelan kaya ako magiging kasing yaman mo? hehehehe kainis naman... nainggit ako bigla ni wala sa kalingkingan ng mga binibili mo yung nabibili ko huhuhu
ReplyDeletekapapanuod alng ni bf ng 1st session ng series na yan lat sat hehehe anyway..ang dami mong gadget kuya!inggit much sana maging kasing yaman mo ako someday!hehehe
ReplyDeleteGusto ko makilaro ng Kinect. Hinde ako hilig ng mga gaming consoles pero gusto ko matutunan. Sana hinde pa huli ang lahat.
ReplyDelete"At least kahit mukha akong basura, amoy mayaman naman ako." -panalo ang statement mong ito!
Grabe ang dami at ang ganda. Huhu. Nakakainggit naman. Haha. Pero ok na nga, basta pag yaman ko, pagbibigyan ko ng ganyan sarili ko. Yung Sonia phone mo, matibay nga yun. Madami ako kakilala with the same phone at ang dami na nila anniversary. Haha
ReplyDeleteDapat pala bili na rin ako ng pabango kasi di rin ako pogi. Pero teka naging 2 na ang problema ko di na ako pogi wala pa akong pambili ng pabango.
ReplyDeletewow ang yaman yaman. dami pang pabango oh. hehehe.
ReplyDeletesosyalan kuya G1BO! Parang gusto ko yung POLO na pabango, magkanu orig nun? HEhehehe :D
ReplyDeletewow! nahilo ako sa dami ng pabango mo ah! may laman pa ba lahat ng yan? mukha eh.. di mo pinakita sa amin yan ah hehe
ReplyDeleteIKAW NA!
ReplyDeleteikaw na may cp..
ikaw na may kung anoanong gadget
ikaw na mraming pbango
ikaw na maraming books and comics..
at dahil dyan..MAGSHARE KA..hehehehe
sa lahat ng mga memorable lines mo dito sa blog na to ito ang aking pinaka paborito:
ReplyDelete"Dahil hindi naman ako kagwapuhan, kaya dinadala ko na lang sa pabango. Wala lang. At least kahit mukha akong basura, amoy mayaman naman ako."
Magmamatyur ka din at pag dating ng araw na yan - magiging kuripot ka na :)
mahilig din ako sa colognes, kasi di rin ako kagwapuhan! ching! :P
ReplyDelete@solter0 :: let the people be the judge of that. :P
ReplyDeletewow ingit ako sa dami ng pabango mo :)
ReplyDeleteWOW!!! super nice things.. love it.. :) parang mayaman??? eh baka rich kid ka naman kasi talaga.. :P
ReplyDeleteikaw na, ikaw na ang gadget boy, gillboard! tae, mahihiya ang nokia supernova 7610 ko sa mga cellphone mo. at kung magpapa-garage sale ka, mangyari lang po na pakiabisuhan ako. baka madekwat ko pa sa mababang presyo 'yung isa sa mga xbox mo. lol! speaking of, nabalitaan mo ba 'yung bagong ngp ng sony? new-gen psp daw at may kung anu-anong multi-media shit na nilagay. mukang astig pero mukang mahal din sa bulsa. kelan kaya magkakaron ng ganun dito?
ReplyDeletep.s. pabili nga po ng pabango. \m/
re: habang wala pa siya
napaka-praktikal ng mga payo mo sa mga nilalang na magpasahangg-ngayon eh nananatiling tinggel, este...single. tulad nga ng sinabi mo, alam naman ng mga single na 'to kung ano ang dapat gawin. ewan nga ba ba't marami sa kanila ang nagpapaka-emo na tipong pasan na ang buong mundo. pasakan ko kaya sila ng sandosenang tite at puke para matigil na sa kakangawa? lol! kung ako sa kanila, magpapayaman ako habang wala pa si THE one tulad ng sabi mo.
at talagang kanila, sila ang ginagamit kong panghalip eh no? ako na, ako na ang hindi single. wahahahaha!
hmmm! paamoy nga gb ang bango mo! naka naman talaga!
ReplyDeleteWow ang dami mong collection lalo na sa pabango. Binalak ko rin dati yan kaso d swak sa budget. Dapat ang title ng article mo eh Papa Cologne hehhe!
ReplyDeleteThat's soooo cooool!
ReplyDeleteOk lang yan, we only live once anyway, so we mite as well enjoy the ride =)
yan ang rich kid!!!
ReplyDeletehehe
teka, nasan ang scream 3 ha?
=(
Ayos sa collection Sir! Ayos din ang blog mo. Kung mamarapatin nyo e ilalagay ko kayo sa blogroll ko, isa na ang blog mo i-i-stalk ko. :)
ReplyDelete