Malungkot ako.
Malungkot ako kasi napalungkot ko yung mahal ko.
Kasi madalas insensitive ako. Minsan may nasasabi ako sa kanya na hindi niya nagugustuhan. Kasi nasasaktan ko siya ng hindi sinasadya.
Babawi ako sa kanya. Kasi mahal ko siya.
***************
Noong Sabado, nagyaya ako ng ilang kaibigan sa bahay upang magdiwang ng no-parents weekend. Dapat Kinect party yun, kaya lang minalas at hindi pa dumating yung aking pinakahihintay na Kinect. Sa weekend pa.
Masaya siya. Mas lalo kong nakilala yung mga niyaya ko. Sayang hindi kami kumpleto, pero okay lang. Ang mahalaga ay naubos yung pagkain. Nanghihinayang lang ako, at hindi naubos yung inumin. Meron pa akong isa’t kalahating bote ng The Bar at madaming bote ng Red Horse.
Sino Gusto?
***************
Speaking of which, nagpapasalamat pala ako sa mga dumating. Ang saya na mas lalo mong nakikilala yung mga kaibigan mong blogero. Kahit tinulugan ka habang nagkukulitan pa kayo.
Salamat nga pala kina Boris (na dinayo pa ang lugar naming kahit galing pa siyang Quezon Province at uuwi ng Novaliches), Gincie (na galing pa ng party at iniwan ito para makasama kami.. kahit di niya naabutan si Boris) at kay Jayvie (na kahit ang pinakanaunang natulog eh panalo ang dinalang cake para samin).
Appreciate ko yun ng sobra.
Sa susunod meron na talagang Kinect at magsasayawan na tayo.
***************
Naisulat ni kaibigang Ro Anne na ang first impression niya sa akin ay mahinhin akong magsalita. Hindi ako ganun. Shy lang ako. Barubal ako sa personal. Pero syempre dahil first time ko nakilala lahat ng nameet ko dun, medyo tame ako.
As usual, nainggit ako sa kanya kaya gagawa din ako ng ganyan one of these days. Mga first impressions sa mga nakilala kong bloggers.
***************
Sa Byernes at Sabado ay may makikilala nanaman akong mga bloggers. Huli na sila. Promise. Iilan na lang ang mga manunulat ang hindi ko pa nakikita sa personal. Quota na ako sa buhay ko yata.
Unless tamaan ako ng topak at magdesisyon na magbirthday party.
Matagal pa naman yun. Lampas isang buwan pa. Medyo kailangan ko ring magtipid dahil may panibago akong mga utang.
***************
Speaking of birthday. This week makukuha ko na ang mga regalo ko sa sarili ko sa kaarawan ko.
Hindi ko alam kung ano meron, pero ngayong taon feeling ko magiging magastos ako.
Ganito kasi yun, ngayong linggo ko bibilhin ang aking bagong Xbox360 na may Kinect. Tapos naengganyo (nauto) ako ng aking kaopisina na bilhin ang kanyang binebentang brand new PSP. 7k lang kasi. Tapos 2 gives. Kaya di ko na pinakawalan.
Buti na lang diet mode nako ngayon. Gagapang na lang ako sa gutom sa mga susunod na buwan.
Tapos kelangan ko din pala bayaran yung ticket para sa Boracay vacation ko este wedding pala sa Mayo.
Hay ang tagal dumating ng grasya. Kelan ba ako mapopromote?!
***************
Huling pagmamakaawa ko na ito. Tutal nafigure out ko na kung paano iadd yung widget sa blog ko (salamat kay Boris), pero regalo niyo na sakin yung paglike sa Facebook page ko. Di naman ako nanghihingi ng picture greetings o kahit ano. Yan lang. :D
Di yun fan page. Gusto ko sana parang community yun kung san pwede ako makapag-interact sa mga kapwa ko manunulat at dun sa nagbabasa ng blog ko.
Pa click lang nito...
Salamat.
***************
Masaya malungkot. Masaya malungkot.
Ganun yata ang buhay. Binabalanse para natututo tayong tumapak sa lupa.
Congrats sa bago mong xbox at PSP. At advance happy birthday narin pala sayo tsong :)
ReplyDeleteAdvanced happy birthday kapatid.
ReplyDeleteganun nga lang talaga, masaya at malungkot, alternate lang sila. hehe.
HAHAHA! Kahit naman nung nagkita tayo eh 'mahinhin' ka magsalita. Pero parang mas may angkop na salita, more on 'reserved'. Pareho lang ba 'yun?
ReplyDeletegasul: mahinahon. mahinhin... parang bading. eh modulated na modulated nga ako magsalita nun. waaaaah!!! lolz
ReplyDeletecarlo: honga.. mukhang ganun ka din ngayon ah... hehehe
rah: thank you. laro tayo one time. kung hilig mo lang ng mga console games. hehehe.
Hindi naman. Siguro kasi mahina boses mo saka hindi ka masyado masalita nun. LOL!
ReplyDeletehonga mahina nga boses mo.. bingi pa naman ako.. sana maexperience ko ung pagiging barubal mo.. gusto ko un premises.. ahihihi
ReplyDeleteweee... ayan... nafollow na ni Batman.. advance chong
ReplyDeletekikomaxx: salamat sa paglike!!! :D
ReplyDeleteyanah: mga 10 meet-ups saka ako magiging barubal... hahaha... naku wag na. dami ako nagiging kaaway pag ganun. lolz
gasul: take note ko yan... lakasan ang boses at magmodulate pa.. hahaha
AKO! Padala mo did2 yung natira mong Red Horse.
ReplyDeletepsst anong oras nga ulit sa sat?
ReplyDeletederecho from shift ka din right?
FB msg moko sa # mo pls. ^_^
ayos lang walang kinect! hindi ko nga alam kung ano yung kinect eh! akala ko nung una, parang insect or something.
ReplyDeleteyaan mo, pumayat ka naman eh. :D
sensya na! isa talaga sa mga resolutions ko ang bawasan ang pag-inom, lumaki kasi tyanene ko.
syempre ang moret, lagarista talaga, kaya doble dobleng partey pinupuntahan. sorry talaga, ugali ko talagang mangtulog kahit kanino hahaha :D
pengeng the bar.. hehehe!
ReplyDeletepapayat din tayo. :D
join ako sa community mo. :)
tnx
empi: go lang. salamat!! meron pa nga isang bote dito sa bahay. di ko alam pano uubusin. hehehe
ReplyDeletechyng: ayan minessage na kita. see you on saturday!!!
jayvie: sa susunod,pwede na... hehehe overnight ulit tayo... tas pag nauna ka matulog pipichuran ka namin!!! hahaha
skron: pano ko papadala sa chicago yan? hehehe
wow. ang dami mo namang gadgets kuya. hehe. pag napadpad ako ng manela, palaro din ako nyan ah! hehe :)
ReplyDeletebeeee masaya! :D
yun oh.. happie and sad... naks..... happie bday sayo :D
ReplyDeletegano kaya kalaki ang ipapayat mo sa mga bibilhin mo? nako gusto ko din ng xbox na may kinect, magkano yun? haha ako din ilike mo sa fb gillboard para magkachickahan naman tayo dun! eh tayo gillboard kelan kaya tayo magkikita? kung aasa tayo kay denoy baka walang mangyari. lol
ReplyDeleteadvance happy birthday sayo :)
ReplyDeletesige pag nakapag fb ulit sa pc, icclick ko yan, restricted kasi dito s opis eh..hehe
btw, i know boris. batchmate kami nung highschool but i doubt kung kilala niya ko..hehehe
Wow. Ang dami nangyari. Parang di ko naman naramdaman na sad ka. Mas naging masaya ka kasi sa kwento mo. Haha.
ReplyDeleteGusto ko din nung Kinect. Kainggit.. Super advanced Happy Birthday. :)
WV: ducks
ang gastos!
ReplyDeletehehe
Just be more sensitive kay kasintahan. Kaya iyan :)
ReplyDeleteButi naconfigure mo na facebook page mo :) Hope matuloy iyang Kinect party at hope rin na makasama ako lols XD
wala akong contact number mo para kung sakaling maka-takas ako sa klase ko sisilipin man lang kita. pano na yun?
ReplyDeleteklet: minessage kita. text mo ako. sana makahabol ka. 1pm yun sa saturday. see yah!!!
ReplyDeleteboris: yup itutuloy natin yan. tumakas ka na boris, isang araw lang naman yun. tsaka lam mo na naman pumunta samin. :)
raft3r: i know right. nabasa mo comment ni musang? hehehe
yow: malungkot ako. maniwala ka.. malungkot ako... promise!!! hahaha di ayos na kami. okay na. :D
ReplyDeletehartlesschiq: tatanungin ko yan. hehehe. papakilala pa kita kung gusto mo. :D
musang: yun nga sabi ko kay denoy ischedule na yang trip na yan. di na nagreply. hahaha
axl: salamat.
ReplyDeleteclaudiopoi: kelan ba ang balak mo bumalik dito? halos magkapitbahay lang naman tayo, pwede natin ituloy yan pag napadpad ka lp. :D
minsan pasama sa party..:)
ReplyDeletegil, pa-contest ka uli!
ReplyDeletenaiinggit ako dahil una....
ReplyDeletenagkikita kita kayo ng mga blogerrs..
pangalawa.. magkakaxbox ka kinect at psp..
ano ba!! sorry inggetera...
schedule? nako mahihirapan tayo, alam mo naman yan si john lloyd, busy yan. haha
ReplyDeleteAng daming plano ah. Xbox360 tapos may PSP pa. Hehe. Wala akong maikwentong mga ganyan sa blog. Ang hirap ng walang pera.
ReplyDeletebakit may paninirang puri dito, ha
ReplyDeletehehe
denoy: kasi naman. planuhin na nga yang pagsugod kina musang.
ReplyDeletemusang: ay totoo yan. di nga ako sinipot nyan nung sabado kasi nasa taiwan daw siya. siya na!!!